NANATILI Ako sa kinatatayuan ko at hinagod ng aking tingin ang natutulog na si Leo. Ramdam kong nag-iinit ang aking pisngi. Ito ang unang beses na makakita ako ng lalaking halos wala ng suot! Hindi ko alam kung pa'no ko siya ide-describe nang hindi nahihiya sa sarili ko. Well, he has a perfect rounded butt. Halatang regular itong nag-gi-gym dahil makikita ang resulta sa mga muscle sa binti, hita, likuran at braso niya. Bagay na bagay sa kulay ng balat niyang moreno. Sunod-sunod akong huminga ng malalim bago nagdesisyon na maglakad palapit sa kama. Sinubukan kong hilahin ang kumot na nasa bandang paanan ni Leo pero nadadagan iyon ng katawan niya kaya umupo na lang ako sa kaniyang tabi. Inilapag ko ang hawak kong paperbag sa tabi ng aking binti ko atsaka dinutdot ang likuran niya gamit

