MADILIM pa nang gisingin ako ni Mommy para mag-prepare. Hindi na ako naligo dahil nag-shower naman ako kagabi. Pinatungan ko na lang ng manipis na cardigan ang suot kong pink pajamas. Kailangan naming umalis ng maaga para makarating ng Manila before lunch. Maraming umuuwi ng probinsya at nagbabakasyon dahil holiday season. Tiyak aabutin kami ng traffic kung magpapatanghali. "Dumiretso ka na sa kotse. Sa daan na lang tayo kakain." Ani mommy na naabutan kong abala sa kitchen paglabas ko ng kwarto. Naghihikab na nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi bago ako lumabas ng bahay. Hila-hila ko ang pink kong maleta. Dala ko rin ang unan kong hugis strawberry. Kapag hindi ko ito yakap sa gabi, hindi ako makakatulog. Naabutan ko si daddy na inilalagay ang mga gamit sa likod ng Ford pick up

