HULING araw na ng klase ngayon at mag-holiday break na. Walang christmas party pero nagbibigayan pa rin ng regalo yung mga kaklase ko. As for me and my friends, may in-organize kaming sarili naming exchange gift. Pupunta kami mamayang uwian sa UVC at doon icecelebrate ang mini christmas party. Walang time na makalabas ulit kasi kaniya-kaniya na kami ng bakasyon after nito. Tiyempong halfday lang din ang school today. Ang araw na ito kasi ay inilaan na lang para sa mga estudyanteng hindi pa naipapasa ang paperworks nila. Last week ko pa natapos ang mga dapat ipasa kaya libre na ang oras ko. Actually, pwede na nga akong hindi pumasok. Pero pumunta pa rin ako dahil sa mga gifts na ipapamigay ko. Sarili kong pera ang ginamit ko rito. Yung napalunan ko sa contest. Anyway, inuna ko nang p

