MAAGANG dumating si Leo sa bahay para sunduin kami ng mga ka-grupo ko. Nauna nang umalis si Angelica at Ruby para daanan yung props na pinagawa sa bayan kaya si Lacey na lang ang kasabay namin. Inaalalayan niya yung mga boxes ng cupcakes at cookies sa backseat. "Nandoon na raw sila," imporma ko kay Lacey nang mabasa ko ang chat ni Ruby. Pinagtulungan namin dalhin yung maliliit na box. Nagpatulong naman si Leo kay Jack sa mas malalaking boxes ng cupcakes at kagamitan na gagamitin. Marami nang mga nakatayong booth pagpasok namin sa loob ng gym. Malakas ang music na nang-gagaling sa malalaking speakers sa gilid. Parang foodpark/fiesta ang naging set up. May mga lobo, banderitas at mascot. Iba-iba ang kulay at pakulo ng bawat booth. "Rain! Lacey!" Lumingon kami sa nangingibabaw na bos

