"Marriage booth na lang?" "Huh? Masyadong common! Kissing booth kaya?" "Allowed ba ng mga teachers iyon? Kung oo, sino namang magiging kisser natin?" Sabay-sabay silang lumingon direksyon ko. Napangiwi ako nang ngumisi sila habang nakatingin sa'kin. Humalakhak si Lacey. Ang leader namin. "Hoy! Hindi pwede si Rain! Gusto niyo bang manuntok na naman si Villamonte?" Hindi nga lang 'ata suntok ang magagawa ng lalaking iyon. Kung yung mga nag-cha-chat nga sakin ay sobra niyang pagbantaan at takutin. Lalo na siguro ang makakahalik! Hindi talaga pwede." Umiiling na sabi ko. "I suggest we go for selling goodies." "Anong goodies naman?" Tanong ni Ruby ang aming class treasurer. "Cookies? Graham balls? Cupcakes? May oven kami sa bahay. And my mom knows how to bake cupcakes and cookie

