Chapter 1 – Unang Kabaklaan

266 Words
Hola! Ako nga pala si Samuel Ventura. 16 years old, 4th year high school at isang proud na BEKI!!! Mas kilala ako sa namesung na "Sam" iyan kasi ang pangalan o tawag sa akin ng mga friends ko. Tanggap naman nila pagkatao ko, pati si mama, ewan ko lang kay tatay parang kasing galit siya sa akin dahil ganito ang gender preference ko. Actually, masaya naman ako sa buhay ko, kontento ako sa mga bagay na mayroon ako and I love making friends. Sabi raw nila, mabait din ako, caring, sweet, at prangka at totoong tao. Wala kasi akong naililihim sa mga kaibigan ko pati parents ko. At lahat ng imperfections at mga failures ko, tinanggap nila iyon especially ang BFF kong si Christine Canlas. Mabait siya, masarap kasama, at syempre, tanggap ako. Di tulad ng iba, hindi ako cross dresser, hindi rin mahilig mag- make up , simple lang talaga ako. Hindi ko naman tinatago pero hindi rin masyadong showy. Tamang timpla lang. Boyfriend? Abay p*ta42028#$(%+$;"!!! My gad! Sa mukha kong ito, may papatol?! Well, marami akong crush pero hanggang doon lang kasi realistic ako, alam ko namang hindi sila magiging akin. Kaya naman, palihim lang akong nagmamahal. Kung masasaktan man ako, sinasarili ko na lamang o kaya sasabihin ko ito kay Tine. Hindi naman ako nage-expect na magkaroon ako ng lovelife kasi ang hirap mag-imagine lalo na kung alam mo yung katotohanan. At hinding-hindi ako magiging tanga sa mga bagay na alam kong never mangyayari sa buhay ko. Ako si Samuel Ventura at ito ang magiging kwento ko dito sa A Beki's Love!   **************************************************************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD