Prologue

313 Words
Oh giliw ko, ako sana'y mahalin mo Kung baga sa paminta, ito sana'y buo Huwag mo sanang saktan aking damdamin Puso ko kasi'y mahina, parang babasagin   Ika'y langit, ako'y pangit Mga tao sayo walang mailalait Ako naman sa kabilang banda, Sila ay puna nang puna   Marahil hindi tayo para sa isa't-isa Ating mundo'y magkaibang-magkaiba Ano ba ang laban ng isang bakla Sa isang tulad mong habulin ng mga dalaga?   Tipo mo'y maganda, mestisa, balingkinitan Malayong-malayo naman sa aking katawan Isang tulad ko'y lalaban pa ba, Kung sa una pa lang ako'y talo na?   Pero damdami'y higit na nasasaktan Dahil sa isang masaklap na katotohanan Ang tulad ko ba ay papatulan, Ibibigay ba nila pag-ibig kong inaasahan?   Sa isang bansang malupit kung humusga Kami ba'y mabibigyang halaga? Pagmamahal, pagkalinga, respeto ba'y makukuha? Mga tao rin kasi kami, kailangan ng pagpapahalaga.   Hayyyysss. Napaka-drama ko naman sa aking tula. Eh kapag ba may nakabasa nito l, maaantig ba yung mga puso nila? Eh kapag ba nabasa niya yung tulang ito ay mamahalin niya rin ako? Hindi naman diba?!   Wala namang magmamahal sa akin dahil sa mundong ito, mapait ang katotohanan. Mga pangarap ko'y hanggang imahinasyon na lamang. Sino ba ang papatol sa baklang katulad ko? Isang baklang walang magawa kung hindi ang mag-aral, rumampa kahit saan, at magmahal ng palihim. Ano ba ang magagawa ko kung walang magmamahal dahil ganito ang anyo ko? Wala namang espesyal sa akin, bukod sa pagiging masipag sa pag-aaral, wala nang magandang features.   Eh napakataba ko, napakatakaw ko, at napakaingay kong tao. Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan. May magmamahal pa ba sa akin? May tatanggap ba sa pagkatao at anyo ko bukod sa pamilya't mga kaibigan ko? Mamahalin niyo ba ako ng walang pagaalinlangan? Ipagmamalaki niyo ba ako? Hindi niyo ba ako huhusgahan? Hindi niyo ba ako tatanggihan bilang kaibigan? At higit sa lahat, Hindi niyo ba ako iiwan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD