At ayun nga, malapit na ang ISSC at busy na ang mga tao rito sa school at mga students dahil magiging bongga ang competition dahil ang school namin ang magiging host school.
Kaming mga officers ang naatasang i-organize ang opening ceremony. Syempre, kailangan ng meeting regarding the ceremony at need ko ang mga suggestions ng aking mga kapwa officers.
About kay Jasper, nag-usap na kaming dalawa at ngayon, friends pa rin kami. Wala namang magbabago roon. Yun nga lang, mas lalo siyang naging caring at gusto niya lagi kaming sabay kumain ng lunch with Tine kapag lunch time. Wala ng mahuhulog Sam! Sauce naman eh!
Eh kasi lagi siyang nagte-text ng good morning at good night sa akin. Gusto pa nga niyang hatid sundo ako sa bahay. Ang haba ng hair!!!
Pero syempre, friends lang kami ni Jasper. Hindi na ako aasa sa mga bagay na imposibleng mangyari. Mabuti ng maging totoo kaysa bulagin ang sarili mo sa mga bagay na kailanman hindi magkakatotoo.
Pero hangga't maaari, nilalayo ko na yung sarili ko kasi mahirap ma-attach sa iba. Baka mahulog ka, sahig lang ang sasalo sa'yo.
At eto na yun, matinding practice na kami para sa dance namin kasama yung players para naman ganahan yung iba na lumaban ng patas.
Dahil next week, magkakalabanan na kung sino ang aangat, sino ang mananalo, sino ang mabibigo.
Sa susunod na linggo na ang ISSC at humanda sa isang malaking pasabog na wiwindang sa bawat isa!