This is it Pansit! Mamaya na ang ISSC at bago iyan, may parade muna ang mga schools kasama ang host school at kami iyon!
Well, 500 meters ang lalakarin namin at syempre, pinangungunahan ng Drumb and Lyre band ang parade sumunod ang grupo namin na officers.
At nasa likuran namin ang mga schools na maglalaban para sa iba't-ibang sports.
And of course, maraming pogi na naman ang nakakapansin sa beauty ko pero I know my limits! Hindi na ako magpapaapekto sa kanila. Strong ata ako.
So eto, pagkarating namin sa school, nagsiupuan na sila at ready na kani sa first part. Ang banal na Misa.
Syempre kailangan ng Grace ni God para maging successful itong laban na itey.
**************************************************************************************
After mass, magsisimula na ang mga opening remarks at chena pang seremonyas. At ito na nga, ipapakilala kaming officers pati na ang school namin kasi nga, kami yung host school.
"Let us all welcome the Student Council Officers!!!" Sabi ng host.
So ayun, medyo takbo effect then wave sabay exit. Pinakilala rin mga faculty, staff , at syempre ang mga players namin.
After that, pinuno namin ang gym at tumugtog ang music na aming sasayawin
Ang daming nakatulala sa ganda ko! Joke lang! Pero nang matapos na yung presentation namin, hindi magkamayaw ang mga tao at sila'y pumalakpak nang napakalakas.
Right after the opening ceremony, nagsimula na yung mga games na parang minor lang tulad ng table tennis, badminton, at chess. Bukas kasi mag-uumpisa ang mga major games na basketball, volleyball, sepak takraw, mayroon ding pageant bukas ang Ms. ISSC at kami ang organizers!