Nag-transfer pa la ulit dito yung taong minahal ko noon at PINAASA LANG AKO...
*Flashback 6 months ago*
It's now or never.
I will take the risk.
I'll confess my feelings to him.
I don't care if he can't love me back.
Nakita ko na siya sa harap ng gym na may halong ngiti sa kanyang labi. Mga ngiting hindi mapapasakin, mga ngiting hangad na ako ang dahilan nun. Mga ngiting ako lang ang nakakita.
Pero tanda yun na natapos na ang kanilang huling exam para sa 4th quarter at ready nang magbakasyon.
Napansin niya agad ako, nakaupo sa bleacher malapit sa stage. Pinuntahan niya ako at umupo sa aking tabi.
"May sasabihin ako sa'yo and it's very important." Ako na pilit kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para masabi ang aking nararamdaman para sa kanya.
Hindi siya umimik.
Napansin niyang napakaseryoso ng aking mukha, malayong malayo sa nakikita niyang masayahing ako.
"That issue was true. I have fallen for you." Diretso kong sabi kahit na kinakabahan ako.
"And I'm sorry if I can't handle my feelings no more. You showed me kindness, and you treated me right, you respected me like I am a real woman. Sorry."
Naiiyak kong sabi, kaunti na lang at aagos na ang masasaganang luha sa aking mga mata.
"Alam kong ako yung mali kasi nag-assume ako na kaya mo akong mahalin pabalik. Nadala ako sa mga sweet gestures mo, mga yakap mo. Sorry kung nahulog ako, naunahan ako ng puso ko na baka totoo ang pinapakita mo. But then, ganoon ka rin maman sa iba mong friends." Tuluyan nang umagos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Wala pa siyang response pero fee ko talagang alam ko ng susunod na mangyayari... Realistic kasi ako.