Continuation...
"I'm so sorry Jasper pero gusto kong sabihin ito sa'yo ng mas maaga para malaman mo yung totoo I'm really sorry." Patuloy ang paglabas ng aking luha pakiwari ko'y wala itong katapusan.
Akmang magsasalita na siya, "Sorry if I can't love you back. You're a good friend of mine and sorry din kung na-fall ka sa akin. But we can still be good friends." Nakangiting sabi niya, na tumusok sa aking puso.
"Maybe it's wrong to say please love me too, cause I know you never do." Umiiyak pa rin ako.
Naaninag ko si Tine, handang dumamay sa akin mamaya.
"Not for now my dear." Huli kong sabi sa kanya. "Thank you for everything Jasper, you're such a wonderful friend. A friend that I always count on." Pilit kong ngiti sa kanya na binalik naman ng matamis na ngiti niya sa akin.
At tuluyan na nga akong umalis, nagpasya akong umuwi sa bahay kasama si Tine at nagkulong kami sa kwarto.
"Tine, bakit ganon? Hindi niya ako kayang mahalin?" Tanong ko.
"Naku stop na ang drama , at least hindi ka niya iniwasan gusto niya pa ring makipagkaibigan sa'yo. Stop crying beki." Sabi niya.
"Thank you Tine ah? Ang dami ko ng utang na loob sa'yo. Hindi ko alama kung paano kita babayaran."
"Sus, huwag mong isipin yun. Basta mag move on ka na at next week, magbabakasyon tayo sa Bulacan."
At nyakapan kaming dalawa, makakabangon din ako balang araw.
Salamat kay Beking Tine na hindi ako pinapabayaan at nandiyan lang para sa akin. Hindi ko siguro alam yung gagawin ko kung wala ang baklitang yan. Makaka move on din ako!
*END OF FLASHBACK*