Prologue I: First Love Never Dies
"Jhun... Jhun....!!!!" malakas na tawag ni Alfiel sabay katok din ng malakas sa pinto ng inuupahang kwarto ng kaibigan.
Nakailang katok pa ito bago nya marinig ang pag bukas ng lock sa kabilang bahagi ng pinto. Mabilis namang itinulak ito ni Alfiel at pumasok.
Hindi naman agad naka imik si Jhun, na halos pikit pa ang mata. Wala rin itong nagawa ng ang kaibigan na ang magbukas ng bintana para pumasok ang liwanag sa maliit na kuwarto na syang nagpakunot ng noo sa una.
Kinuha ni Alfiel ang face towel na naka sampay at binasa ito ng tubig at initsa sa kaibigan, "Maghilamos ka muna, at may sasabihin akong mahalaga, dapat gising na ang diwa mo, para okey." sabay hatak sa upuan at naupo ito habang sinisiguradong nagpupunas ng mukha ang kaibigang nasa mukha ang pagtataka.
"sIge na magsabi kana, anu ba iyon?" hindi na rin mapigilan ni Jhun ang mag tanong, anu bang mahalagang bagay ang dapat nyang malaman.
Nag pormal naman ng upo si Alfiel, "Okey! pero sure na gising kana?" paninigurado nito.
"T@ng !na, naman.... anu nga kasi yun!" Iritableng asik ni Jhun.
" Haha!! Okey chill, gusto ko lang makatiyak...." nakita naman ni Alfiel ang mukha ng kaibigang naiinis na kaya tinaas nya ang dalawang kamay sign ng suko na ito at magsasalita na. "Kilala mo yung anak ni Kuya Jerry na babae, yung panganay nya?"
Nag-isip saglit si Jhun, panganay ni Mang Jerry... babae? eh lalaki ang panganay ni Mang Jerry, yung pangalawa ang babae, sa isip nito.
Kung yun nga ang tinutukoy ni Alfiel, syempre kilala nya iyon! Makakalimutan ba nya yun? Malabo ata! Baka malimutan na nya ang pangalan nya, pero ang babaeng iyon, NEVER!!!
"Hoy! Anu na!" putol ni Alfiel sa paglalakbay ng isip ni Jhun, "yan tayo eh, kaya sabi ko if gising kana eh!
"G@g©! iniisip ko kung sinong babaeng panganay ni Kuya Jerry sinasabi mo" sabay bato nito ng towel sa mukha ng kaibigan " Eh, lalaki panganay ni kuya, ang babae yung pangalawa nya at yung bunso." pag tatama nito
"Hahaha!" halakhak ni Alfiel, "Okey , gising na nga confirmed! Baliw ka, testing lang. pati naman pinamunas mo hinagis pa sa akin." reklamo nito.
"Ano na yung tungkol kay Sam??" pagbabalik nito sa sinasabi ng kaibigan.
"Ahhh.... Sam nga pala pangalan nun, ayun, naalala ko na rin...diba yun yung first love mo?" pang aasar pa nito.
"Talaga ba... gigisingin mo ko para asarin lang??" nasa tono na nito ang pagkairita, madaling araw na syang nakauwi dahil sa over time sa trabaho, kulang na kulang pa ang tulog nya dahil bumiyahe pa sya, at ngayon ito lang ang takbo ng usapan nila ng kaibigan. Ewan nya ba kung kaibigan nga ba nya itong nasa harap nya, nagpipigil lang sya pero parang gusto na nyang manapak...
Nasa ganong takbo sya na pag iisip ng biglang may mahinang katok na nagpabalik sa isip nya sa reyalidad, yung mahinang katok na sinabayan ng mala musika sa pandinig nya. Kelan nga ba nya huling na rinig ang boses na iyon?
Isang linya, dalawang salita, pero sapat na iyon para makilala nya ang boses na iyon.
Napatingin sya kay Alfiel ng may pagtatanong, pero hindi nya makuha ang sagot dahil sa may bintana ito naka tingin na sinundan din nya ng tingin. Ngayon, hindi na nya sigurado kung gising ba sya o nananaginip lang, kanina tinatanong sya ng kaibigan kung gising na ba sya, ngayon.... sya naman ang nagtatanong sa sarili nya, gising nga ba sya??
Sampung nakakainip na taon, mahaba.. matagal.... pero tiniis nya ang sampung taon na maghintay.
Noong una, akala nya pagtapos ng elementary sa Manila na sya mag hahigh school, pero hindi.... after highschool, pinilit nya na lumuwas kahit hindi para mag-aral, magtatrabaho nalang sya, para sana muling makita si Sam, pero wala na pala ito sa dating bahay nila. Nasa Bulacan na raw ito at doon nag-aaral.
Naisip nya na bakit kailangan pang doon, kung ang iba nga gaya nya ay gustong gusto sa Manila, bakit sya gustong sa probinsya? Pero naisip din nya na hindi pala si Sam ang nag didisisyon, wala pa sya sa posisyon para doon.
Hay.....!!! Si Sam... si Sam na naging dahilan ng lahat para sa kanya sa loob ng sampung taon, si Sam ang dahilan bakit sya nag-aral mabuti... Si Sam kung bakit kinukulit nya ang kapatid nya na sasama paManila tuwing bakasyon... Si Sam kung bakit tipid na tipid sya sa perang baon sa eskuwela noon para makaipon para may ipamasahe paluwas dito. At higit sa lahat si Sam ang dahilan kung bakit para sa kanya ay nabubuhay sya.
Sampung taon, pero ang totoo unti-unti na ring nawawalan ng pag-asa si Jhun na magkikita ulit sila ni Sam. Kung may pagkakataon ba na magkita ulit sila, nasa bingit na sya ng oras na gusto n nyang paniwalain ang sarili na wala ng pag-asa at hindi na talaga sila magkikita, pero.... kung kailan handa n syang magmove on, saka naman darating ang pagkakataong ito. Sabi nga, expect the unexpected.
Marahang hanawakan ni Jhun ang dibdib nya, pakiramdam kasi nito na anumang oras ay lulundag palabas sa dibdib nya ang kanyang puso. Magkahalong kaba, saya, hiya, at may takot din ang nararamdaman nya. Para syang aatakihin, hindi nya maintindihan anu na ang nangyayari sa paligid nya.
Napako ang mga mata nya sa babaeng naka dungaw sa bintana, wala syang ibang makita kundi ang mukha lang nito.
Masarap sa pakiramdam nya na pagtapos ng sampung taong pagkasabik, heto at nasilayan nya ulit ang pinakatatangi.
Nagbago man ang hugis ng mukha, ang hubog ng katawa, ang taas, pero nakikilala parin nya ang babae, lalo ng puso nyang mabilis at bumibilis pa ang pagtibok. At sa nakalipas na sampung taon, hindi nya naramdaman ang ganong pakiramdam kahit kailan, ngayon nalang ulit sa parehong tao pa.
Sam.... Samantha Althea Jauco Aguirre
Paano nga ba nya makakalimutan ang babaeng ito, pangalan palang astig na ang dating... musmos palang ng una nyang nakilala pero iba ang karisma, sa edad na 6 na taon kahit mga batang lalaki sa lugar ay takot sa kanya.
Sya ang babaeng boss baby noong mga panahong iyon, parang batas ang mga salita nya, walang makakabali... walang pwedeng sumuway... at syempre isa sya sa mga batang lalaki na yun noon.
Yung akala nya na nakikigaya lang sya sa mga kaibigan sa pagsunod-sunod kay Sam noon - yung kagustuhan nya na palaging sya ang kasama ni Sam pag bumibili ng pandesal sa umaga, kasabay na umigib ng tubig sa labasan, sya ang unang hihingian ng tulong pag nahihirapang magbuhat ng mga maliliit na galon, sya ang unang hinahanap nito pag maglalaro sa labas, akala nya normal lang iyon. Pero habang tumatagal sya sya na napapalapit kay Sam may kakaiba na pala syang nararamdaman para dito...
Napatunayan nya hindi lng iyon simpleng damdamin na nakikipag agawan ng atensyon sa mga kabataang kalaro at kaibigan ni Sam noon, doon nagsimula ang pagkagusto nya dito na lalong lumalim pag daan ng mga taon.
Hindi man nya nakikita ito, wala man sya sa tabi nito ng lumipas na sampung taon, sa lahat ng pagkakataon lagi syang nakikibalita - sa mga kaibigang may regular na komunikasyon sa kanya, sa kakilala, at kahit sa papa nito, minsan kinukuntsaba pa nya ang bayaw para ipagtanong kay Kuya Jerry kung kamusta na si Sam.
Si Sam .... si Sam ang unang babaeng minahal nya... ay .....!! mali... ang tama yatang sabihin ay si Sam ang babaeng mahal nya. Natiyak nya na ngayon ang nararamdaman nyang iyon, mahal nya ang babaeng ito. Mula noon, hanggang ngayon. Ang parehong t***k ng puso nya tuwing makikita nya si Sam dati, sa tuwing makakarinig sya ng balita tungkol dito, at ngayong nasa harap nya ulit ito.... walang pinagbago. Mahal nya talaga ang babaeng ito.