RED HARMONY VENTURA "Magbihis ka na muna, hija, pagkatapos ay magpunta ka sa library, hihintayin ka namin doon ng mommy mo. May pag-uusapan lang tayo," utos sa akin ni daddy. Sa palagay ko ay may kinalaman ang sinabi ni daddy kanina nang nasa kotse pa kami. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. Nahihirapan akong i-digest lahat dahil pagod ang katawan at utak ko. I need to rest to take away the tiredness of my soul. Napapagod na pala si Red... Bumuntong-hininga ulit ako. Kung maaari nga lang ay inako ko na ang sakit n'ya para lang maging maayos s'ya kaso ay hindi pwede. Pero bilib ako kay Red dahil mas pinili niyang sarilinin na lang ang problema kaysa sabihin sa amin ang lahat. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko alam ang gagawin. Mala

