RED, MOON and the STARS

2368 Words
RED HARMONY VENTURA "Hindi ka pa ba napapagod?" tanong sa akin ni ate. Mula sa kinakain na soft ice cream ay tiningala ako niya pa ako. "Bakit naman ako mapapagod?" balik tanong ko sa kanya. "Baka ikaw, pagod na?" Nginitian ko siya. Pinanatili kong blangko ng mukha ko para hindi niya makitang nag-aalala ako sa kalagayan niya. Kasalukuyan kaming naglilibot sa mall because it's her suggestion. Pumayag na rin kami nila mommy at daddy bilang birthday gift na rin sa kanya. Natutuwa raw s'ya kapag may mga taong nakakasalubong at halata naman talaga iyon sa mukha niya. Masyadong extrovert si Red kaya alam naming masaya siya ngayon. I volunteered to be with Red dahil i daddy ay sinasamahan si mommy sa salon. "Masyado akong masaya para mapagod, Marie." Tinuro n'ya ang isang bench. "Mabuti pa na roon na muna tayo para makapagpahinga ka." Nagpunta kami sa sinabi n'ya at naupo ako. "Ano ang mga bansa na ang napuntahan mo?" Hindi ko alam kung bakit n'ya naitanong ang bagay na 'yon. She just brought up the topic, maybe for some reason. "Marami na rin, eh. Bakit?" "Nakapunta ka na ba sa España?" Sabi na nga ba, eh. "Yeah, bakit?'' Pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa mga taong dumadaan. "Sa tingin mo, taga-roon ang pamilya natin?" "Why do you have to asked such questions?" Yumuko s'ya at tila nawala ang ningning sa mga mata n'ya. "Ako ang nakakaalam sa estado ng katawan ko, Marie." Mula sa pagkakayuko n'ya ay tumingin s'ya sa akin nang malungkot. "Ayoko mang sabihin ang mga bagay na 'to, sa tingin ko ay bibigay na ako." Tumawa s'ya nang pagak. "Gusto kong makita kahit isa man lang sa kadugo ni mommy o daddy bago man lang ako mamahinga." "Red, please, don't say that. Ayo—" Tumukhim ako, biglang may bumara sa lalamunan ko. "Ayoko na may mawala na naman sa akin." "Napapagod na si ate, Marie. Ilang b'wan na rin ang nakalilipas nang maramdaman ko 'to." "Bakit 'di mo sinasabi kila mommy? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mayroong pagkabahala sa boses ko na pilit ko na tinatago. Ang lakas ng t***k ng puso ko na para bang gustong kumawala sa loob ng katawan ko. "Ayoko na mag-alala pa sila." Yumuko siya. "Sa akin? Bakit 'di mo sinabi sa akin? Akala ko ba ay hindi ka maglilihim sa akin?" Ngumiti s'ya at hinawakan ang mga kamay ko. "Ako dapat ang pumuprotekta sa iyo, Marie. Alam ko naman na may mga bagay ka pa na inaalala. Alam ko rin na..." Sinadya n'ya na bitinin ang sinasabi n'ya. "Kamamatay lang ng daddy mo," gumagaralgal ang boses na sabi niya. Nag-uunahang pumatak ang mga luha n'ya. "Sorry kasi hindi man lang kita madamayan. Hindi ko man lang kayang ibsan ang mga bigat na pasanin mo. I'm useless!" "Oh, Red, please, don't say that." Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata n'ya. "Noong tanggapin mo ako nang buong puso bilang kapatid mo, malaking bagay na 'yon sa akin lalo pa at pakiramdam ko noon ay wala na akong pag-asa. Isa ka sa mga kamay na umalalay sa akin upang makatayo uli sa pagkakalugmok na naranasan ko. Kaya, pakiusap, 'wag mo akong iiwan, ate..." Hindi ko alam kung una ko bang beses na binanggit ang salitang ate, subalit iba ang ngayon, dahil masyadong nalulunod ako sa emosyon. "I love you, Marie." Hinaplos niya ang pisngi ko. Masuyo ko s'yang yinakap at binulungan ng, "I love you too, ate." "Let's keep it a secret, okay?" Kumalas ako at naguguluhan na tumingin sa kanya. "Why?" "Dahil hihingi ako ng pabor sa iyo." Pabor? Ano'ng pabor ang hihingiin ni Red? Pareho kaming nagsukatan ng tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya lumukob ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nag-aalala ako dahil baka hindi ko mapagbigyan ang hihingiin niyang pabor. "Ano 'yon?" "Gusto kong may makilalang kamag-anak natin, Marie, kahit isa lang, please," pakiusap niya. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero parang nabibingi ako. Kung titingnan mo ng maigi si Red ay s'ya ang tipong hinding-hindi mo hihindian kapag may hinihingi sa iyo na pabor. Sa mga mata n'ya, makikita mismo ang pagsusumamo, idagdag pa na kalakip ng pagsasalita n'ya ay may pagsusumamo ka rin na maririnig. Mahina s'yang magsalita at malumanay. Para kang may kausap na anghel dahil sa boses n'ya. Kapag tumingin ka naman sa mukha n'ya, mas lalong gugustuhin mo na sundin ang gusto n'ya. Hindi lang s'ya ang tipong maganda. Dahil ang ganda n'ya, may kalakip na mahika. Bilugan ang mga mata n'ya na malalim, pinaresan pa ng mahahaba at mapilantik na pilik-mata. Ang kilay n'ya, natural na maganda at may korte. Ang ilong n'ya naman, kung ang mga manunulat ay ginagamit ang salitang, "mga ilong na tila nililok ng pinakamagaling na iskultor," ang kay Red ay masasabi ko na ang d'yos ng Olympus mismo ang nagbigay sa kanya ng ganyang regalo. "Please?" Ang boses n'ya ang nagpabalik sa akin sa kinauupuan ko na para bang umalis muna ako sandali gayong hindi naman. "Titingnan ko," sagot ko, pero sa likod ng mga salita ko ay ang katiyakan na makikita ni Maximo ang pamangkin n'ya. Tumayo na ako at nagpunta sa likuran n'ya. "Let's go?" "Sure," Tahimik na kami nang puntahan namin sila mommy at daddy. Maging sa sasakyan ay mahahalata ang pananahimik ni Red. Nasa likurang bahagi kami kaya hindi na nag-usisa ang magulang namin. Hindi rin yata nila nahalata na naging malungkot si Red hindi katulad kaninang nagsisimula pa lamang kaming maglibot o baka masaya lang ngayon ang mga magulang namin dahil kahit papaano ay umabot sa ganitong edad si Red. Sinasadya kong ipakitang tinitingnan ko si Red subalit hindi n'ya sinasalubong ang tingin ko. Hindi naman ako manhid para hindi malaman na nagtatampo siya sa akin. Red means everything to me. Ayoko na sumasama ang loob n'ya which is ngayon lang naman nangyari kaya naman ay bumuntong-hininga ako. "Kapag nagustuhan mo sa Antipolo, next week, babalik tayo roon, tayong dalawa lang—sa ayaw at sa gusto ng parents natin." Sinadya kong lakasan at lakipan ng biro ang boses ko. "We heard what you said, lady," saad ni mommy. "Bakit kayo lang?" Nang lumingon sa akin si Red ay kumindat ako sa kanya kaya naman ay nagliwanag ang mukha n'ya. "Para naman magkaroon kayo ni daddy ng time na kayo lang dalawa. Doon ko na rin patutulugin si Red sa condo ko, if papayag kayo." "Ayon naman pala, Alicia, sweetheart, makakapunta tayo ng Tagaytay." "Two days kaming mawawala, hija, okay lang ba?" Tumawa si mommy. Mabuti naman at may balak din pala silang magbakasyon. Natawa na rin kaming tatlo nina Red at daddy. Pero sa lagay ko, pagak ang pagkakatawa ko. Kinakabahan ako na aywan. Masakit sa dibdib ang uri ng kaba na lumukob sa katauhan ko ngayon. "Sure thing." Alas-siete na kami nakarating sa Antipolo at tama lang ang panahon para kay Red. Maaliwalas ang panahon kaya makikita sa kalawakan ang buwan at ang mga bituin. Hindi nagkait ang langit upang matamasa ni Red pansamantala ang kasiyahan na hindi mabibili kahit kailan ng pera ng mga Ventura at Hermosa. Sa baba naman ay ang mga kabahayan na tila dagat ng mga bituin na nagpapakitanggilas ang ilaw ng bawat bahay. "Have you been here before, Marie?" "Maybe, wala akong maalala." "You said earlier that we'll come back here. I'm looking forward to that." "You like it here? You love the place?" "It's not the place." She paused, her voice cracked. "It's you, guys, that made this place so especial." There is so much love in her voice. "If I would die tonight..." Napahugot ako nang malalim na paghinga dahil sa sinabi niya. "Red, please." There's a plea in our parent's voice. I remain silent. "Let me speak because I don't want to regret for not telling you how much I'm lucky to have you." Her voice remind me the very first time we encountered. "Is it real? Oh my, may kapatid na ako!" she said back then with full of happiness... She accepted me open arms. "Kayong tatlo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong lumalaban, pero..." Alam ko na ang sasabihin n'ya. Tumalikod ako at lumayo ng ilang hakbang sa kanila. Hinarap ko ang tila alitaptap na nagbibigay liwanag sa kabahayan sa ibaba. Gusto kong hawakan ang oras para manatili na lang kami sa panahon kung saan kami masayang apat. Gusto kong magtanong kung bakit? Bakit kailangan na paulit-ulit akong masaktan dahil sa pamamaaalam ng mga taong pinakaiingatan ko. Malas nga yata ako... Kung hindi ko kayang igapos ang oras, pwede kayang 'wag ko na lang na marinig ang sasabihin ni Red? "Pero, pagod na pagod na po ako..." Ang mga salita ni Red ay parang bombang ibinagsak sa harapan ko dahilan para magkapira-piraso ang pagkatao ko. Gusto kong tumakbo pero nanatiling nakapako ang paa ko sa kinatatayuan ko. 'Yong sinabi n'ya, tila isang bomba na inihagis sa harapan ko. Pakiramdam ko, ako lang ang natamaan ng naging pagsabog. Ayos lang sana kung sa katawan ako tinamaan, pero hindi eh, sapagkat puso ko ang pinuntirya, ano ba ang magagawa ko? Tao lang naman ako... Nasasaktan... Umiiyak... Nasusugatan... Sumugal man ako, talo pa rin ako. Magaling man akong makipaglaban, hindi ko pa rin pala kayang tapatan si Kamatayan. Humagulhol si mommy. Nakabibingi ang naging pag-iyak ni mommy. Dinig ko rin ang pag-iyak ni daddy. Gusto kong lumayo at umuwi upang humiga, ibaluktot ang katawan ko at yakapin ang sarili ko dahil sa tingin ko ay sa ganoong paraan, mararamdaman ko ang pakiramdam ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina. Ligtas at walang inaalala. Biglang umihip ang hangin. Malamig. Nakakapanginig ng kalamnan. Nanayo ang balahibo ko. "Siguro, umuwi na tayo," basag ko sa tila walang kamatayan na sandali. Tumingala ako sa kalawakan at humiling sa dumaan na bulalakaw, kahit imposible ang iniisip ko, ito man lang magawa ko. Nauna na ako sa sasakyan at doon na lang sila hinintay. Emosyonal si daddy kaya naman ay nagboluntaryo na ako "Ako na ang magmamaneho, dad," saad ko sa kanila nang nasa malapit na sila. Tumango sa akin si mommy at malungkot na ngumiti. Si daddy, nilapitan ako at pinisil ang balikat ko. "Marie." Narinig ko na saad ni Red. Tumingin ako sa gawi n'ya. "Sa bahay ka matutulog, hindi ba?" "Oo, sa mismong tabi mo," sagot ko. Nasa likuran silang tatlo. Mabagal lang ang pagmamaneho ko. Ilang minuto pa ay nakatulog na sila, marahil ay dahil sa pagod. Nasa isip ko si Maximo. Buo na ang desisyon ko. Buo na ang plano. Sa susunod na linggo, doon mismo sa lugar na pinanggalingan namin, I will grant her wish. Ako ang magsisilbing shooting star ni Red. Nang makarating sa tahanan namin ay si daddy na ang nag-asikaso sa natutulog pa rin na si Red. Si mommy naman ay giniya ako sa kusina at ipinagtimpla ako ng gatas at hinainan ako ng pasta. Nakatingin s'ya sa akin habang kumakain ako. "Alam namin, hija, na masyadong naging mabigat sa iyo ang mga araw na 'to kaya pwede ba na rito ka na muna kahit hanggang sa magsimula ang klase mo?" Who am I to turn down this woman's request? Ang kaharap ko ang naging ina ko sa loob ng ilang tao. "Ina mo ako kahit hindi ka sa akin nanggaling. Mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa ate mo." Parati n'yang sinasabi ang mga bagay na 'yan sa akin kahit noong kasisimula ko pa lang sa pamilya nila. "Yes, mom." Ngumiti ako. May yabag na papalapit sa amin. Kabisado ko na ang yabag na 'yon. Huminto ang yabag sa likod ko at humalik sa ulo ko ang nagmamay-ari ng yabag na 'yon. "Are you okay, honey?" "I don't know." Itinabi ko ang plato kahit may laman pa. "Bakit ganoon po?" Alam ko na naguluhan sila sa tanong ko. "Noong bata pa ako, naalala ko palagi ang sinasabi sa akin ni daddy na kapag nagpakabait ako, diringgin ni Ama ang hiling ko. Naniwala ako sa sinabi ni daddy kaya noong bata pa ako, mabait ako." Yumuko ako, tumatawa ako para pigilan ang luha ko. "Kahit pa nga salbahe sa akin ang tiyahin at pinsan ko, naging mabait pa rin ako para lang matupad ang kaisa-isang kahilingan ko." Huminto ako at tiningnan sila sa mata. "At 'yon ay ang panatiling ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Pero nagkulang yata ako..." nakayuko kong saad. "Don't say that, honey, okay? Don't blame yourself for all these things." Hinawakan ni mommy ang baba ko para iangat ang mukha ko. "Hindi mo kasalanan ang lahat, okay? Naging mabuti kang anak sa amin. You're a good sister too. Nakita namin iyon ng daddy mo kaya ayokong sisihin mo ang sarili mo sa lahat ng bagay na nararanasan mo... God has purpose for everything that we've been thru. Just trust His plan, okay?" "Kami ang magandang paalala ng mommy mo na may araw pagkatapos ng gabi, anak. You know our history. Alam mo kung paano kami naging masama ng mommy noon..." Inabot ni daddy ang kamay ni mommy. Marahil ay sa ganoong paraan ay maipapahatid ni daddy ang pagmamahal niya kay mommy. "But look at us now. We are on the right path at mas lalo pa kaming naging maayos dahil dumating kayo ng ate mo sa buhay namin. After all this battle that you're encountering right now and you'll overcome all this s**t—" "Watch your language, honey..." Nginitian lang ni daddy si mommy at muling tumingin sa akin. "Kapag nalampasan mo ang lahat ng ito sa buhay mo ay mas magiging matatag na tao ka, anak. Babalikan mo ang mga problemang kinaharap mo ngayon hindi para magdusa ka kung hindi ay para ipagyabang mo sa mismong sarili mo na kinaya ko lahat dahil matapang ka. Kaya ayaw naming sumuko ka, ha? Nandito lang kami ng mommy mo at handang umalalay sa iyo." "D-daddy..." saad ko sa nanginginig na boses. I was touched by his words... "I love you, mom..." Tumingin ako kay mommy matapos ay kay daddy. "I love you, dad..." "We love you so much, honey..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD