RED VENTURA
Nang makapasok si Archery sa bahay nila ay dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Mula sa labas ay nakikita ko sila sa screen ng bintana.
Nag-uusap...
Masaya...
Kumpleto...
May tila mainit na palad ang humaplos sa puso ko nang makita si papa na nakaupo sa silya na de gulong.
Naidetalye na sa akin ni Archery ang nangyari kung bakit nakulong si papa sa silyang de gulong.
Dahil sa pagkawala ng paningin ni papa ay nahirapan s'yang kumilos kaya nang subukan nitong bumaba sa hagdan sa dati nitong tirahan ay hindi sinasadya na mahulog ito.
Gusto ko sana uli na makasama si papa pero natatakot ako na mangyari ulit ang nangyari na noon. Kaya nang malaman ko na may ginagawang hindi maganda ang mga magkakapatid ay naglakas na ako ng loob na lumapit kay Archery. Tulad ko ay malapit din sila kay Father dahil ang matanda na ang nag-alaga sa kanila. Ganoon din sana sa akin kung hindi lang dahil sa tiyahin kong ganid!
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit!
Galit na matagal na ring nakaugat sa puso ko. Ang tiyahin ko mismo ang nagpunla ng galit sa isip at puso ko noong bata pa ako kaya hindi ko na napigilan ang pagtubo at paglago nito hanggang sa umabot ako sa ganitong edad.
I'm 19 years old.
I'm ten years and billion miles away from home...
Home...
Home is what I'm searching for.
Pero ngayon na nasa harapan na ako nang maaaring naging tahanan ko ay nakaramdam ulit ako ng takot. Takot hindi para sa sarili ko.
Kung hindi ay takot para sa mga taong mapapalapit sa buhay ko...
Pinagmasdan ko pa sandali si Father Antonio bago tuluyang tumalikod at bumalik sa sasakyan ko at hayaang maglayag ang isipan ko sa panahon na siyam na taong gulang pa lang ako.
"Babalik uli ako bukas para makapag-usap uli tayo," naaalala ko pang sinabi sa akin ni Zachkary.
Iyon ang naging huling salitang narinig ko kay Zachkary. Sa batang puso ko ay nangarap ako ng mga magagandang bagay para sa amin nila Father Antonio na kumupkop sa akin at kay Zachkary.
Ang balak ko ay pagdating ng mga magulang ko ay agad kaming magpupunta sa bahay para ipakilala sila kay mommy at daddy. Alam ko na malaki ang maitutulong ng parents ko lalo pa at mayaman kami.
Bahagya pa akong napahagikhik nang maalala ang pagiging utal n'ya nang sabihin niya ang tungkol sa mga magulang n'ya.
"Sinungaling," mahina kong bulong pero natatawa pa rin.
"O, anak, nasaan na si Zachkary?" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Father.
"Umuwi na po, Father Antonio."
"Hindi man lang nakapagpaalam sa akin ang batang iyon nang makakain na muna bago umalis. O, s'ya, halika na't nang makakain ka na rin."
Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Father at sabay kaming pumasok.
"Taga saan ka ba talaga, Anna Marie, anak?" Habang kumakain ay nagtanong si Father. Ngumiti lang ako kay Father tulad ng dati.
Hindi naman sa wala akong tiwala kay father. Gusto ko lang na isurpresa sila kapag naipakilala ko na sila sa parents ko.
"Babalik ba uli rito si Zachkary bukas?"
"Opo, 'yon po ang sabi n'ya sa akin."
"Mabuti naman at nagkasundo kayo."
"He's fun to be with po, Father." Tumingin ako kay Father. "Father, ako lang po ba ang dinala rito ni Zachkary sa inyo?"
Uminom muna ang pari bago ako sinagot. "Hindi, anak. 'Yong mga batang naliligaw at nakikita n'ya ay dinadala n'ya rito. Ang kaibahan lang ng kaso mo ay dito ka nakatira sa akin. 'Yong iba kasing mga bata ay dinala ko sa Home of Salvation."
Ang Home of Salvation ay ang lugar kung saan inaaruga ang mga batang iniiwan ng kanilang mga magulang. Pamilyar sa akin ang lugar na 'yon dahil doon ako nag-celebrate ng birthday noong ika-walong taong gulang ko. Isa rin ang mga magulang ko sa mga sumusuporta sa naturang tahanan.
"Hindi ka ba nalulungkot dito?"
"Hindi po, Father Antonio. Thank you po pala sa pagtanggap n'yo sa akin dito." Tumayo ako at niyakap ang pari. Gumanti rin ito ng yakap sa akin.
"Mabuti naman kung ganoon. Tapos ka na bang kumain?"
"Opo."
Kahit wala akong alam sa gawaing bahay ay tinutulungan ko ang pari sa mga simpleng ginagawa n'ya. Isa sa mga hinahangaan ko sa pari ay hindi n'ya inaasa ang mga bagay na kaya n'yang gawin sa mga kasamahan n'ya.
"Marie, matulog ka na, anak."
"Opo, Father. Good night po."
Kakaiba ang sayang nararamdaman ko habang nakahiga sa higaan ko. Ang batang puso ko ay umasam na sana mag-umaga na.
Naisip ko ang kwintas. Regalo sa akin ng mga magulang ko iyon noong kaarawan ko.
"Mom, Dad, I miss you so much."
Nagdasal na muna ako bago natulog.
Kinabukasan ay inabala ko ang sarili ko para hindi mahalata ng mga kasamahan ko na hinihintay ko si Zachkary.
Nang dumating ang oras na alam kong darating na si Zachkary ay nagbihis na ako ng damit. Ang damit na si Zachkary na mismo ang nagbigay sa akin.
Naghintay ako ng ilang minuto subalit walang Zachkary na dumating.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa dumating ang oras ng pagtulog ay hindi nagpakita kahit na anino n'ya.
Pero hindi ako nakaramdam ng tampo o kung ano pa man. Inisip ko na lang na baka nagkaroon ng aberya.
Kinabukasan ay hinintay ko pa rin s'ya ngunit tulad na lang ng nangyari kahapon ay hindi s'ya dumating.
Sa ikatlong araw ay nagpaalam ang mga kasamahan namin na aalis kaya kaming dalawa lang ni Father ang naiwan.
"Alam mo po ba, Father, kung bakit hindi dumadalaw rito si Zachkary?" Hindi ko na natiis na tanungin si Father. Nag-aalala rin kasi ako dahil baka may nangyari na na masama sa kanya.
"Hindi ko alam, anak, pero 'wag kang mag-alala at ipinahanap ko na s'ya kay Gino." Tukoy ni Father sa kaibigan nitong pulis.
Matapos nang pananghalian ay natulog ako. Lihim ko na iniyak ang kaunting kirot na naramdaman ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog nang maalimpungatan ako dahil may nagtakip ng kamay sa bibig ko.
Titili na sana ako nang nagsalita si Father.
"Shh, don't make a sound, child. May mga tao sa labas. Dito ka lang sa loob at 'wag kang lalabas. Kapag may nangyari na hindi maganda ay dito ka sa bintana dumaan at umalis sa lugar na 'to." Mahina ang boses ni Father nang magsalita. Sapat lang para marinig ko.
"Pero paano po kayo?"
"Kakausapin ko sila."
"Pero paano po kapag saktan nila kayo?"
"Kapag ganoon man ang mangyari, umalis ka na rito." Hinalikan muna ako ni Father sa noo bago tuluyang lumabas sa inuukupa kong silid.
"Gabi na pala." Wala sa sariling saad ko nang mapagtuunan ko ng pansin ang relong-pambisig ko. 8:45 p.m exactly.
Hindi ko tuluyang isinarado ang pintuan. Sumilip ako at palihim na pinag-aaralan ang kilos ng bawat isa.
I'm not afraid, honestly.
My father taught me to be brave. My mother who used to be a karate experts taught me how to fight since when I was four, that's why kicking and fighting is easy as breathing for me. Iyon din ang dahilan kung bakit wala kaming bodyguard kahit pa mayaman ang pamilya namin.
"Ano'ng ginagawa n'yo sa tahanan ng Diyos sa dis-oras ng gabi?"
"Bakit, Father, hindi ba kami pwedeng pumasok dito?" sarkastikong tanong ng nagungunang lalaki na may hawak na baril.
Nagtawanan ang mga hindi imbitadong bisita.
"Umalis na kayo rito." Malumanay pa rin ang boses ni Father. Hindi kababakasan ng takot kaya mas nadagdagan ang kumpyansa ko sa sarili.
"Paano kapag sinabi ko na hindi kami aalis kapag hindi namin kasama ang batang babae?"
Tama nga ang hinala ko, ako ang dahilan ng pagparito nila. Pero bakit? Hindi ko naman sila kilala.
Luminga sa paligid ang lalaking nagunguna kanina pero duda akong makikita n'ya ako lalo pa at may kadiliman ang loob ng pinagtataguan ko.
"Bata kung ako sa iyo ay lalabas na ako. Dahil kung hindi, papatayin ko itong pari na 'to. At alam mo na sa madali't-malaon ay mahahanap ka rin namin."
"Baka naman hinihintay n'ya si Utoy." At nagtawanan uli sila.
Sinong Utoy?
"Wala na si Utoy. Hindi na 'yon pupunta rito. S'ya na nga mismo ang nagturo sa iyo na nandito ka. Alam mo kung bakit?" Patuloy ang paglinga-linga nito sa paligid at halatang hinahanap ako. "Pera lang naman ang katapat ni Utoy, e."
May ideya na ako kung sino ang Utoy na tinutukoy n'ya pero ayokong maniwala sa sinasabi niya. Hindi ganoon ang pagkakilala ko kay Zachkary. Nagsisinungaling lang ang taong iyon para lumantad ako at mahuli nila.
"Alam mo ba na nagpunta ang tita mo sa amin? Binayaran kami ng malaking halaga. Milyon! Nabahagian din noon si Utoy. Hindi ba't hindi na s'ya bumalik nang ibigay mo sa kanya ang kwintas mo? Malaking halaga 'yon. Pero hindi s'ya nakuntento. Kaya nang lumapit sa amin ang tiyahin mo upang ipapatay ka kapalit ng ilang milyon, ay hindi na s'ya nagdalawang isip at s'ya na mismo ang nagturo kung nasaan ka!"
Kaya pala... Kaya pala hindi na s'ya bumalik! Kaya pala!
Kumibot-kibot ang mga labi ko pero pinigilan ko pa rin ang umiyak.
Sinungaling ka, Zachkary!
I hate you so much!
"'Wag mong lasunin ang is—" Hindi na natapos ni Father ang sasabihin nang hatawin ito ng baril sa ulo kaya pasadlak na sumubsob sa sahig si Father Antonio.
Doon na ako hindi nakapagtimpi at sumugod sa kanila dala ang baseball bat ni Kuya Gino.
Pinuntirya ko ang ulo nila ng walang kahirap-hirap. Matangkad ako sa edad ko na nuebe kaya hindi mahirap sa akin ang talunin ang ulo nila at hatawin.
Dahil sa gulat ay hindi agad sila nakakilos kaya apat ang agad kong napatumba!
Agad ko na dinaluhan si Father bago pa man makakilos ang mga nabiglang kalalakihan.
Nagmamadali kaming lumabas ni Father nang makarinig ako ng putok ng baril!
Napaigtad ako dahil sa nangyari.
Pinakiramdam ko ang sarili ko pero wala akong naramdamang kirot o sakit sa kahit saang parte ng katawan.
"Father?" tanong ko sa pari.
"I'm fine, child."
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang babae na papalapit sa amin. Tatakbo uli sana kami nang hawakan n'ya ang kamay ko.
"'Wag kang umuwi sa bahay n'yo, Mary, hangga't wala pa ang mga magulang mo. Manganganib lang ang buhay mo." Sinipat nito ang labas bago kami kinausap uli. "Magtago kayo roon sa kadawagan." Turo niya sa halaman ng mayabong na Yellow Tops kaya sumunod kami sa kaniya.
Nang matiyak niya na maayos kami at hindi makikita ng kahit na sino ay tinungo niya ang kulay asul na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit napaandar n'ya ito gayong nasa labas siya at tinatananaw itong lumayo ang distansya mismo sa kanya.
Ilang minuto pa ay nakarinig kami ng mga yabag na papalapit at putukan.
Nakipagbarilan pa ito sa mga bagong dating bago ito mapatumba at mawalan ng buhay sa paningin namin.
"Nasaan na? Napatay n'yo ba?" Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw dahilan para manigas ako.
Kilala ko ang boses na 'yon! Boses 'yon ng tiyahin ko!
"'Wag kayong mag-alala, boss, hindi man sila namatay rito ay tiyak ko na mamamatay sila sa sinakyan nila." At mula sa kung saan ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog.
Naghintay lang sila ng ilang minuto bago lisanin ang naturang lugar. Nang makatiyak na ligtas na ang lugar ay lumabas kami at tuluyang nilisan ang lugar na walang dalang gamit.
Ilang buwan din kaming nagkasama ni Father hanggang isang araw ay nasunog ang paupahan na tinitirahan namin. Siyam ang namatay at kasama ang batang palaboy na kalaro ko sa mismong bahay nang mga oras na 'yon. Sinwerte ako ng panahong 'yon kaya hindi ako nakasali sa nasunog pero naging pasanin ko sa dibdib ang pagkamatay ni Becky.
Wala rin noon si Father dahil namili.
Nang bumalik ito ay tupok na ang naturang compound ng paupahan. Akala ng pari at mga nakakakilala sa akin ay ako iyong batang nasunog.
Nakita ko ang pag-iyak at paghihinagpis ng may-edad na pari pero pinili ko na hindi na lumapit at hayaang isipin n'ya na ako nga ang namatay.
Inisip ko ang nga kamalasang nangyari sa mga taong napapalapit sa akin.
Una ay ang ama ko. Tatlong doktor ang kumunsulta rito at iisa ang sinasabi. May canser ang daddy at may taning na ang buhay.
Pangalawa ay ang babaeng namatay na walang ginawa kundi ang tulungan kami sa simbahan.
Pangatlo ay si Becky.
At si Father na parating minamalas mula nang kupkupin n'ya ako. Ayokong may mangyaring masama kay Father Antonio dahil inosente siya at hindi ko matatanggap kapag napahamak siya dahil sa akin kaya tuluyan na akong hindi nagpakita sa kanya.
Mula sa malayo ay tinatanaw ko palagi ang pari sa mga ginagawa nito araw-araw. Hanggang nang kupkupin nga nito sila Archery at Artemis at nagtungo sa kung saan.
Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko nang maalala ang masakit na kahapon.
Those betrayals...
Bad lucks...
They made me a strong woman today.
Naging mapagkait ang kapalaran sa akin noong bata pa ako. Kung bakit ay hindi ko alam.
Sa edad na 12 ay nakapatay ako ng binatilyong nagtangkang gumahasa sa akin.
Doon ko nakilala ang mag-asawang Ventura.
A millionaire couple with a dark past and secrets...