ARCHERY
"Kuya, pwede n'yo ba muna akong ibaba sa mall?" Halos magkakapanabay ang naging paglingon nila sa aking lahat dahil sa sinabi kong iyon.
"Bakit, bunso? May bibilhin ka ba?" tanong ni Kuya Mico pero tumango lang ako. "May pera ka ba r'yan?" Tango lang uli ang isinagot ko sa kanya.
"Ayon, tamang-tama, bili ka na rin ng karneng baka at rekados para makapagsigang tayo. Bili ka rin ng bangus para makatikim si kuya ng inihaw. Ano kuya?" Inabutan ako ni Artemis ng pera. "Bili ka rin ng mangangata natin mamaya. Kahit ano. Basta 'wag ka namang magtagal."
Ngumiti ako at tumango na naman. Ayokong magsalita dahil baka madulas ang dila ko at masabi sa kanila ang sekreto ko.
Nang makarating sa sinasabing mall ay agad akong nagpunta sa isang sikat na fast food restaurant at doon nakita ko ang babaeng angat ang ganda sa sinumang nasa loob ng naturang kainan.
Hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa kanya ay lumingon na s'ya sa gawi ko at bahagyang ngumiti.
"Buti at nakapunta ka?" Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay nagsalita na ako sa babaeng kanina pa yata ako hinihintay. Iminuwestra n'ya ang upuan na nasa katapat n'ya.
Nasa may sulok kami kaya wala kaming kalapit na mga kumakain; idagdag pa ang oras kaya hindi masyadong maraming tao sa loob nitong restaurant.
"Gusto mo bang kumain muna?"
"Hindi na," tanggi ko na lang dahil paniguradong magtataka ang mga tao sa bahay kapag hindi ako kumain mamaya. "Hindi rin ako maaaring magtagal dahil may bibilhin pa ako para sa hapunan namin. Ayoko naman na mag-usisa sila kung bakit natagalan ako." Iniabot ko sa kanya ang cellphone na kaagad rin naman n'yang tinanggap. "Nariyan ang lahat ng impormasyong mga gusto mong malaman."
Ilang minuto n'yang kinalikot ang produkto ng teknolohiya bago n'ya uli ibinalik sa akin.
Tumayo s'ya. "Sasamahan na kita sa pamimili mo."
"Sigurado ka?"
"Oo. Wala rin naman akong gagawin. Kumusta sila?" Tukoy n'ya sa mga kasamahan ko sa bahay at marahil ay partikular na si papa ang kinukumusta n'ya.
"M-malapit nang makakita si papa."
"Mabuti naman kung ganoon."
Ilang minuto na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Nakatuon lang ang paningin n'ya diretso sa pupuntahan naming dalawa. Walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya partikular na ang mga mata ng mga kalalakihan na kakikitaan mo nang matinding paghanga dahil sa gandang taglay ng kasama ko. Idagdag pa na tila pang modelo ang tangkad at ang katawan nito.
Maliit ang maamong mukha na mas pinaganda pa dahil sa mga mata ng babae na mukhang matapang.
May hugis ang mga labi n'ya na natural ang pagiging kulay pula kahit walang pampaganda. Matangos ang makipot na ilong. Makinis ang malaporselanang kutis na animo'y masusugatan kapag nahawakan. Mahaba ang tuwid at itim na itim na buhok na halos sumasabay sa bawat kilos at galaw n'ya.
Kanino ko ba s'ya dapat ihalintulad?
Kay Gisele... Oo, tama. Kamukha n'ya ang artistang katambal ni Han sa Fast and the Furious na palabas!
Pino kung kumilos subalit may angas.
A classy lady with a strong personality!
"Buti at hindi mo na suot ang antipara mo?"
Nagkibit-balikat s'ya. "Sagabal sa mukha kapag ganoon. Kaya contact lenses na lang ang ginagamit ko." Tinitigan n'ya ako gamit ang soft brown eyes n'ya.
Hindi halatang contact lenses ang gamit niya.
"Bakit kailangan mo na magtago?" Bago ko pa man mapigilan ang bunganga ko ay nakapagsalita na ako nang hindi ko dapat sinabi. "I— I'm sorry, hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Sa tingin mo, bakit itinatago n'yo rin ang katauhan n'yo?"
"We're not hiding," agad na sansala ko sa sinabi niya.
Lumingon s'ya sa gawi ko na bahagyang nakataas ang kilay na tila ay nililok pa ng pinakamagaling na iskultor sa buong mundo. "Yeah, of course." Hindi ko alam kung sarkastiko o sumasang-ayon talaga s'ya sa sinabi ko dahil patag lang ang pagkakasabi n'ya ng bawat salita. "You're just protecting someone—including me. Look, Archery, I know it's hard for you to do these things but I want you to stick to me 'til the end, a'right?" Nagsasalita s'yang hindi nakatingin sa akin. Mahina lang din ang boses n'ya, sakto na aabot lang sa akin. "May pangako ako sa iyo—at dahil nangako ako ay tutuparin ko."
"Sa tingin mo ba ay tinatraydor ko sila sa ginagawa ko?" tanong ko sa naguguluhang boses.
"Nope, because you're doing the right thing. And besides, you're doing this for their own safety. At kung kaya mo silang makumbinsi, do it as early as possible." Huminto s'ya sa stall ng mga karne. "Bumili ka na para makauwi ka na."
Tahimik lang ako habang inilalagay sa cart ang mga dapat kong bilhin.
"Si Padre, kumusta na s'ya?" Kung kanina ay halos payak ang mga salitang sinasabi n'ya dahil sa pagiging malamig n'yang magsalita, ngayon ay hindi na. Nang banggitin n'ya ang itinuturing naming ama nila Artemis ay may damdamin na nakalakip.
"Okay lang s'ya. At sana magiging maayos ang operasyon n'ya. Nata—"
"Isa sa pinakamagaling na doktor ang hahawak kay Papa kaya hindi ka dapat mag-alala." Pinal at may kumpyansa sa tinig n'ya kaya nakaramdam ako ng pagkakampante.
May alam s'ya?
"May alam ka?" Dapat pa ba akong magulat? Inilabas ko kung ano ang nasa isipan ko para malaman ko ang sagot.
"Oo."
"Pera mo ba—" Sa ikalawang pagkakataon ay hindi n'ya na naman ako pinatapos sa pagsasalita ko.
"Hindi. Si Mico talaga ang nagplano ng lahat. Kung may naiambag man ako ay hindi naman kalakihan. He contacted me first. Kung sa anong paraan ay hindi ko alam."
"Alam ni kuya na buhay ka?!" Kung hindi ko napigilan ang bibig ko ay naisigaw ko na ang katanungan na 'yon. "Bakit hindi ka man lang nagpakita kay papa? Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan ni papa nang akala n'ya ay wala ka na?!" Hindi ko itinago ang panunumbat sa boses ko.
"Please, Archery. Ayoko nang pag-usapan pa ang mga bagay na 'yan." Tumalikod na s'ya at nagtuloy sa counter. Sa ganoong paraan niya gustong tapusin ang usapan.
Gamit ang sasakyan n'ya ay inihatid n'ya ako sa lugar na may kalayuan pa sa apartment namin. Hindi na kami nag-usap pa simula pa lang nang makasakay kami sa sasakyan niya. Hindi na rin ako nagtanong pa. Total, alam ko naman na hindi n'ya sasagutin ang mga tanong ko.
"Good night, Archery."
Tumango na lang ako sa kanya at tuluyang lumakad papalayo sa kanya. Hindi ko man s'ya lingunin ay alam ko na nakatanaw pa rin s'ya sa akin.
What are your plans?
Napakamisteryosa n'ya, sobra...
Kung pagbabasehan din naman sa mga pinagdaanan niya ay hindi ko na siya masisisi.
Dahil sa kaiisip sa mga bagay tungkol sa mga nangyari ay hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng pinto ng bahay namin. Mas masaya ang bahay ngayon kaysa sa nakasanayan.
Dagli ko na inayos ang sarili ko at tumayo nang tuwid.
"Hi!" bati ko sa lahat.
"Are you okay? Mukhang pagod ka, ah." Ngumiti lang ako kay Kuya Mico. Hindi ko alam kung bakit inilihim n'ya rin sa amin ang tungkol kay Red. What's the big deal? Don't forget that you're doing the same thing, bulong ko sa sarili ko.
Hinawakan ko ang t'yan ko. "Nagugutom na ako."
"Gatas, bunso, gusto mo?" Mula sa kusina ay lumabas si Artemis.
"Hindi na. Hihintayin ko na lang na makapagluto ka."
"Sige, mabuti pa nga. Akin na 'yang mga pinamili mo." Inabot ko naman sa kanya ang plastic groceries bago lumapit at humalik sa pisngi ni papa.
"Are you okay, Cherry?" tanong ni papa nang kami na lang dalawa ang nasa sala. Abala ang apat pa namin na kasama sa kusina kaya kami lang ni papa ang naiwan sa sala.
"Opo, bakit po?"
"Ilang minuto ka pa lang na nauupo riyan sa pwesto mo ay nakailang buntong-hininga ka na. Baka may problema ka kaya naman ay tinanong kita."
Paano ko ba sasabihin sa iyo, papa, ang tungkol kay Red? Na buhay siya...
Alam ko na matutuwa si papa kung malalaman n'ya ang totoo pero nangako ako kay Red na hindi gagawa ng mga hakbang kapag walang pahintulot n'ya.
"Wala po, papa. Napagod lang ako," pagsisinungaling ko na lang.
"Magpahinga ka na muna sa kwarto at ipapatawag ka na lang mamaya kapag kakain na."
"Sige po."
Bago pumasok sa kwarto ay tinawag ko na muna si Harper para may makasama si papa.
Humiga ako sa kama at hinayaang maglandas ang nga luha sa mga mata ko.
"Babalikan ka ni kuya, Cherry, promise." Tila batingaw na umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi sa akin ng nakakatanda kong kapatid na lalaki.
Ang pangako niyang iyon ay buhay na buhay sa isipan ko pero ang mukha at boses niya ay nakalimutan ko na.
Hindi ko na rin maalala kung bakit umalis si kuya sa amin.
Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso sa amin. May nakakatanda rin akong babae na hindi ko na rin matandaan ang mukha.
Wala akong masyadong matandaan sa nakaraan ko dahil ako na mismo ang nagbaon sa limot ng mga 'yon. Maybe, it's the human's nature. Defense mechanism kumbaga. Wala rin namang dapat na alalahanin dahil lahat ng karanasan ko noong bata pa ako ay pawang mga masalimoot at magulong mga alaala.
Nang mamatay ang mga magulang namin ay iniwan din ako ng ate ko. Nangako na babalik subalit hindi na bumalik. 'Yon ang dahilan kung bakit napakahalaga sa akin ng salitang pangako. Ayokong gayahin ang mga taong nang-iwan sa akin at nangako na babalikan ako pero hindi iyon nangyari.
Ayoko na sana na umasa sa mga taong nagbibitaw ng salitang pangako pero nakilala ko sila papa at mga kapatid ko. Idagdag pa sa listahan si Red na nangako na tutulungan akong hanapin ang mga kapatid ko.
Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila kaya gusto ko rin silang makasama—tulad noong una na buo pa kaming pamilya.
I covered my mouth to prevent myself from crying out loud. Ayokong marinig nilang umiiyak ako dahil ayokong mag-alala sila sa akin.
I closed my eyes to dismissed those painful memories...