MANOLO SALDANA
"I'm glad you came to see me, Azenir." Tukoy ko sa babae na nakatayo sa harapan ko. Nakabalot halos lahat ng parte ng katawan n'ya ng kulay itim na tela—maliban sa mga mata n'yang nababalot ng poot.
"Iwasan mo ang pagpapadala ng mga daga sa teritoryo ko upang hindi tayo magkaroon ng problema, Manolo. Alam mo na ayoko sa lahat ay hahawakan ng kung kani-kaninong maruruming kamay ang mga gamit ko!" mahinang saad n'ya subalit may diin sa bawat letrang binibitawan n'ya.
Nanabako muna ako at bumuga ng makailang ulit bago tumawa. "'Yan ang gusto ko sa iyo, Azenir, masyado kang matapang at—" Sinadya ko na putulin ang sasabihin ko at muling humithit sa tabako na sinindihan ko. "Walang galang. Well, hindi ka nga pala si Azenir kung hindi dahil sa mga ugaling tinukoy ko. Buti na lang at magkaibigan tayo, kung hindi ay matagal ko na na ipinaputol ang dila mo dahil sa talim nito, mahirap na, baka ako mismo—sugatan mo."
Bahagyang gumalaw ang telang nakatakip sa mukha n'ya subalit hindi ko alam kung nakangiti s'ya o nauuyam sa paraan ng pag-uusap naming dalawa dahil nanatiling blangko ang mga mata n'yang tila walang buhay.
"Magkaibigan? Tsk! Tsk! Tsk! Alam mo na hindi tayo magkaibigan, Manolo. Pareho lang tayo ng maruming mundong ginagalawan pero hindi tayo naging magkaibigan."
"Tama ka sa sinabi mo, Azenir. Hindi nga tayo magkaibigan dahil ang namamagitan sa ating dalawa ay pawang trabaho lang. A master-slave set-up," nang-uuyam ang tinig na saad ko pero hindi ko man lang kakitaan ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. Nanatili lang itong nakatitig sa akin na tila isa lang akong bagay na hindi dapat igalang. "I want to wring that pretty little neck of yours, mi querida!" Napatiim-bagang ako dahil sa nagngangalit kong kalooban! Ano'ng tingin nito sa akin? Katulad lang ng mga pusang pagala-gala?! Hindi! Sapagkat isa akong leon dito sa masukal na mundo! Dapat lang na igalang at tingalain ako ng kahit sino! Lalo na kung babae ang naturang kausap ko!
"A master-slave? You're wrong, Manolo." Kahit may sagabal sa pananalita n'ya ay hindi ko maikatwa na maganda sa pandinig ko ang pananalita n'ya ng banyaga. "Ginagamit mo ako upang hawanin ang dinadaan mo. At ikaw, ginagamit din kita upang magkaroon ng maraming salapi. Isang pitik ko lang ay agad kang nagkukumahog na magbigay sa akin ng milyon. At doon tayo sa bagay na 'yon nagkakasundo, Manolo!"
Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Kung pagmamasdan nang maigi ay hindi mo aakalain na babae ang nasa loob ng kulay itim na tela dahil sa mga sandatang nasa katawan nito. May dalawang espada sa likod, baril sa magkabilang gilid ng balakang at maliliit na punyal na nakasiksik sa parte ng kanyang katawan. And who knows kung may mga sandata pa itong nakatago?
"Napapaisip ako kung ano ang hitsura mo habang nakahiga sa kama ko na naka—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang walang anu-ano ay may naka-umang na na espada sa leeg ko!
Damn this ninja!
"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng kahit katiting na paggalang sa mga babae? Dapat tanggapin mo r'yan sa isip mo na hindi na lang lalaki ngayon ang nagpapatakbo sa mundo! Do some research para naman mabigyang linaw 'yang mga katanungan sa isip mo."
Bahagya ko na inilayo ang espada sa leeg ko. "Azenir, Azenir, Azenir..." Sa kabila ng ginawa n'ya ay nanatili akong kalmado. Kampante sa mga bagay na maaaring mangyari. "Baka nakakalimutan mo na nandito ka sa teritoryo ko?"
"'Wag kang mag-alala dahil kahit na isang saglit ay hindi ko nakalimutan ang senaryong 'yan." Itinuro n'ya ang monitor na nakaligtaan ko nang tingnan. Halos mapamura ako nang makitang nakabulagta ang mga natutulog kong mga tauhan sa bawat pwesto ng mga ito!
"Okay then, the things you did was really impressive. So, shall we proceed to our minute?" Bahagya n'ya nang inilayo ang sandata n'yang nakatutok sa akin.
"Ilatag mo na ang lahat ng ipapagawa mo. Marami na tayong nasayang na oras sa pagiging malikot ng imahinasyon mo."
"Magkano kaya ang pwede ko na ihain sa iyo upang maging sariling tagapagbantay ko?"
"Sa iyo na rin mismo nanggaling, Don Manolo, hindi pwedeng magsama ang daga at ang pusa sa iisang lungga." Binigyang diin n'ya ang salitang don kaya tiyak ko na naiinip na s'ya.
Kinuha ko ang maliit na envelope sa cabinet at ibinigay sa kanya. "Take a look what's inside,” utos ko na agad n'ya naman na tinalima. Inilatag n'ya sa lamesa ang bawat larawan na nakuha n'ya sa naturang envelope.
"Spider..." Tukoy n'ya sa unang larawan ng isang mid-20's na lalaki na kulay pula ang buhok. Sa hilatsa pa lang ng mukha ay malalaman mo agad na lulong sa droga ang nasa larawan.
"Kilala mo rin pala s'ya." Hindi man nagtaka sa inasta n'ya ay pinili ko pa rin na sabihin ang mga kataga na 'yon.
"Sino ba ang hindi makakakilala sa taong 'to? Pero siyempre, iilan lang ang nakakakilala sa totoo n'yang pagkatao."
"Tulad mo?" Hindi n'ya man lang ako binigyan ng pansin sa sinabi ko.
"Hindi ba at 'yon naman talaga ang dapat na mangyari? Na dapat kaming manatili sa dilim upang kahit anino namin ay hindi n'yo makita?"
"You know that I have my own ways." Tumango-tango s'ya. "But no need to worry, hindi ako gagawa ng mga hakbang na maaaring maging dahilan ng pagsasalpukan natin."
"Hindi mo na ako kailangan na bayaran sa isang 'to." Tukoy n'ya sa tinaguriang Spider ng lahat dahil sa paraan ng pagpatay nito sa mga biktima.
"Ayoko na magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino." Tumayo ako upang kunin ang isang may hindi kalakihang kahon at iniabot 'yon sa kanya. "Tauhan ko ang taong 'yan dati. Ayoko na magkaroon ng kahit kaunting lead ang mga pulis sa akin dahil sa mga pinaggagagawa n'ya. As much as possible, I want to remain low profile, well, for now." Alam ko na alam n'ya na ang balak ko na pagtakbo sa susunod na halalan. Kaya kung maaari, lilinisin ko na muna ang mga basura na mag-uugnay sa akin para walang maging problema kapag dumating na ang oras na 'yon. "Babayaran kita sa bawat taong ipapatrabaho ko sa iyo."
"Ikaw ang bahala."
Tama nga ang sinabi ng ibang katulad ko, hindi mahirap kausap ang isang Azenir.
"Ano naman ang isang 'to?" Tukoy n'ya sa kahon na inilagay ko sa harapan n'ya.
"Kasuotan para sa magaganap na kasiyahan." Binuksan n'ya ang naturang kahon at tumambad sa harapan namin ang kulay itim na maskara na nakapatong sa isang kulay itim din na tela.
"Do you think I would buy this? Hindi bebenta sa akin ang ganito mo na pakulo." Tukoy n'ya na ang ibig sabihin ay ang maaaring maglantad sa tunay n'yang katauhan.
"About that, lahat ng dadalo sa kasiyahan ay ganyan ang isusuot—uniform, kaya kahit 'yan ang isuot mo kapag dumalo ka sa naturang kasiyahan ay hindi ka makikilala dahil bawat kababaihan ay ganyan ang kasuotan. Idagdag pa na may maskara na nakatakip sa inyong mukha na magkakapareho rin."
Totoo ang bawat salitang sinabi ko sa kanya. Magdiriwang ng ika-labingwalong kaarawan ang anak na babae ng isang malapit na kakilala at naimbitahan ako. The girl is a self-centered b***h! Ayaw n'yang malamangan ng kahit sino na bisita kaya minabuti ng ina nito na gawing pare-pareho ang kasuotan ng mga kababaihan. Ayaw ko sana na paunlakan ang naturang imbitasyon subalit malawak ang koneksyon ng ina ng pamilya lalo na sa underground activities kaya malaki ang maitutulong nito sa mga ilegal ko na negosyo. Idagdag pa na may katungkulan sa gobyerno ang padre de pamilya. At isa pang dahilan ay sa anak at ina mismo.
Gusto ko na nandoon ako!
"Wala bang imbitasyon?"
"Nasa computer era na tayo, mi querida, kaya teknolohiya na ang magpapatakbo sa lahat ng bagay."
"Wala na ba tayong pag-uusapan pa?"
"Sa susunod na linggo ng gabi ang gaganaping kasiyahan kaya marami ka pang oras para mag-isip. Nasa sa iyo kung dadalo ka o hindi. Subalit kung ako sa iyo ay dadalo ako dahil nandoon si Zachkary, ang bunsong lalaki ng mga Fortalejo. Nasa listahan s'ya ng proyekto mo. Pero sana, gusto ko na ihuli mo s'ya para naman hindi ako makaramdam ng pagkauyam sa buhay. Gusto ko na nakikipaglaro sa mga batang kagaya n'ya."
"Kung wala ka nang sasabihin ay tutuloy na ako." Tumango lang ako. "Expect me to be there at the ball." Dala ang milyong pera at ang envelope ay tila isa 'tong dyosa na naglakad sa kahabaan ng pasilyo ng mansion ko.
Walang nakakaalam kung sino ang taong nasa loob ng itim na tela sapagkat masyado itong mailap at matalino. Sa uri ng pagkilos at pagpatay nito sa kahit sinong target ay malamang na matagal na ito sa ganoong trabaho. Malinis din itong kumilos kaya kahit mainit sa mata ng batas ang Domina Est In Nigrum na kung tawagin ng lahat ay hindi ito mahuli-huli.
Ang tanging pagkakakilanlan ni Azenir ay ang kulay ng mga mata nito—magkaibang kulay ng mga mata.
Wala itong takot kung pumatay, lalo na kapag may sa demonyo at kailangan nang ibalik sa impyerno ang taong nakatalaga rito. Wala nitong awang tinatanggalan ng hininga ang kawawang nilalang.
Azenir, pagtitimpian kita hangga't kaya ko dahil kailangan pa kita. Sa oras na malinis mo na ang daraanan ko, ihahatid na kita sa huling hantungan mo!!!