CHAPTER 5

1661 Words
"Sige kita na lang tayo mamaya, Sir Vlad!" pagpapaalam ko at tumalikod na sabay nagmadaling nag-lakad paalis ng pool na 'to. "Here's your feather duster, clean the vase located at second floor. You have ten minutes to do that," maawtoridad na utos ni Mister Hugo na'ng huminto ako sa harapan n'ya. Inabot n'ya sa 'kin ang white n feather duster kaya tinanggap ko naman kaagad 'yon. "And would you please stop wasting your time talking to our visitor?" dagdag pa n'ya sa iretableng pananalita. "Sige sis iiwasan ko na, may tinanong lang kasi ako—" Hindi ko napatapos ang sasabihin ko dahil sinamaan n'ya ako bigla ng tingin at tinikom ko nanaman ang bibig ko. "Stop calling me sis, that's private only," mahinang usal n'ya kaya tumango naman ako bago ako tinalikuran at humakbang na s'ya palayo. Sinundan ko s'ya dahil pupunta naman ako sa ikalawang palapag. "Saan ka pupunta, Mister Hugo?" tanong ko habang pilit na hinahabol ang kan'yang malalaking hakbang para maka-sabay ko s'ya sa paglalakad. "Just figure it out, Miss Reeva," pormal n'yang tugon na'ng paakyat na kami gamit ang kaliwang bahaging hagdan. Naririnig ko naman ang ingay ng vacuum dahil may naglilinis sa ibang bahagi nitong mans'yon. Na'ng malapit na kaming makarating sa ikalawang palapag, biglang umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng kung anong bagay sa buong mans'yon. "WHAT IN THE WORD IS THAT?!" Kasunod no'n ay ang matigas na boses ni Mister Hugo na napatakbo paakyat at ganu'n din ako. "You, again Miss Herkules? This is 5th time already," mariing tanong ni Mister Hugo. Doon bumungad sa 'min si Lailah na naka-tayo sa pinto banda ng main living room at naka-bulagta ang pira-pirasong vase sa sahig. "Sorry, Mister Thiago. I slipped the vase, pasmado kasi ang kamay ko ngayon," magalang na sagot ni Lailah sabay yumuko ng 90 degree angle. "Your pardon can't fix the broken vase," matigas na saad n'ya. "But you can replace it by your salary every month, is that clear?" Napa-lunok na lang ako dahil um-echo ang boses lalake ni Mister Hugo sa kasulok sulukan ng mans'yon. "Clean the mess and if you break something again, you're fired... immediately." Iyon ang huling lumabas sa bibig ni Mister Hugo at tumalikod na s'ya sabay tinungo ang hagdan patungong ikatlong palapag. Agad ko namang ginalaw ang sarili ko para tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Lailah. "Ano ka ba naman sis, kung pasmado ang kamay mo e di sana hindi mo na kitapitan 'tong Vase. Mukhang mamahalin pa naman 'to," sabi ko sabay lumuhod para damputin ang mga pirasong kumalat sa sahig. Pinantayan n'ya rin ako at maingat na pinulot din ang ibang bahaging nabasag. "Inutos n'ya 'to kaya dapat sundin, hindi naman p'wedeng mag reklamo," tugon n'ya habang nilalagay ang mga malilit na piraso sa malaking basag na parte ng vase. "Sa susunod, pag may inutos s'ya sa 'yong kinakailangan mong buhatin lalo na ang mga babasagin, ako na lang ang gagawa. Baka mawalan ka ng suweldo pag nagpatuloy pa 'to," natatawang saad ko habang patuloy lang sa pagdampot ng basag na vase. "Ang bait mo naman," komento n'ya at nahagip ko s'yang napa-iling habang naka-ngisi. "Pero salamat na lang at mag-i-ingat ako sa susunod, makaka-abala na lang ako sa 'yo," tanggi n'ya. "Mabait na agad 'yon sis? Pero sa pagkakaalam ko ang sama raw ang ugali ko kasing pangit ng pagmumukha ko," tugon naman at tumawa ng bahagya. "Lahat naman tayo magaganda, ang mga mata lang nila ang may diperens'ya," sagot n'ya kaya napahalakhak ako. "Son, what should I do then? You're turning 28 already and you haven't found your partner, this is not a good joke." Napa-kunot ang noo ko na'ng may narinig akong boses babaeng um-e-echo sa ground floor. "You've been rejecting them, especially Miss Queva. She's pretty, what's the problem?" "I am not in hurry Mom, I don't have time for that." Tumagingting kaagad ang tenga ko na'ng marinig ko ang napa-pamilyar na boses na kanina ko pa inaantay. Napa-tayo ako sabay tinungo ang harang ng hallway at dumungaw. Doon ko nakita ang presens'ya ni Mister Huston na paakyat ng hagdan habang naka-buntot si Madame Karoline. Inayos ko muna ang tayo ko sabay pinagpag ang uniporme ko gamit ang dalawang kamay at sinuklay-suklay ang naka-pony tail kong buhok gamit ang mga daliri. "Hoy, tapon ko muna 'to sa basurahan." Binalingan ko ng titig si Lailah na kapit-kapit ang malaking basag na bahagi ng vase. "Sige sis, layas na muna," naka-ngising sabi ko kaya tinalikuran na ako at nag-lakad papasok sa dining room. Ilang sandali pa ay papalapit at papalapit na ang mga mabibigat na yapak. "But I want grandchild already, you know that," rinig kong pabirong saad ni Miss Karoline. "Just... give me a break Mom, I am tired." Parang luminaw kaagad ang mga mata ko na'ng matanaw ko na si Mister Huston na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. "Wait, let me take a shower first." Nag-patuloy sa pag-akyat si Miss Karoline papuntang ikalawang palapag. Kinuyom ko naman ang magkabila kong kamao dahil nararamaman kong bumibilis na ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan si Mister Huston. Naka-business attire s'ya ngayon. Isang itim na formal jacket at ganu'n din ang kan'yang flat trousers. Kapansin-pansin din ang kan'yang dark red na neck tie. Makikita kong walang emos'yon ang kan'yang expres'yon sa mukha at parang pagod yata. Papalapit na s'ya sa 'kin kaya mas nanginig ang kaugat-ugatan ko sa puso. Lumunok muna ako ng sariling laway para maka-bwelo sa sasabihin ko. "M-Magandang hapon po, Mister Huston!" masiglang bati ko habang abot pisngi ng ngiti. Pero parang huhupa ang ngiti ko dahil bigla n'ya lang akong nilagpasan at tanging pabango n'ya lang ang natanggap ko na karaniwan kong nalalanghap mula sa kan'ya. "Mister Huston? Kilala n'yo ba ako?" pahabol kong tanong na'ng pinasok n'ya na ang naka-bukas na living room na para lang sa pamilya nila. Tinikom ko naman ang bibig ko dahil dedma talaga. Hahakbang na sana ako paalis pero napansin kong may paparating kinaroroonan ko at sinalin ko agad ang atens'yon ko 'ron. Nakita kong may katrabaho akong babaeng maingat na tinatahak ang dinadaanan habang may kapit kapit na golden tray na naglalamang glass pitcher. Naamoy ko agad na parang pineapple juice ang laman no'n at may dalawang baso ring naka-lapag. "Sis! Papasok pa ba r'yan?" Sabay tinuro ang private living room habang patuloy s'yang naglalakad papunta sa 'kin. Nakita ko s'yang tumango ng dalawang beses kaya ngumisi ako at tumakbo para salubungin s'ya. "Ako na ang bahala sis, baka madapa ka pa at mabasag 'tong dala mo mahirap na," sabi ko sabay maingat inagaw sa kan'ya ang tray. "Sigurado ka po ba?" tanong n'ya at tumango ako ng sunod-sunod na'ng makapitan ko ng tuluyan ang dala n'ya. "Salamat, alis na ako sis," masiglang saad ko sabay tinalikuran s'ya at nag-lakad agad patungo sa target kong living room. Bumuga muna ako ng hangin bago ko tuluyang pinasok. "Mister Huston? Uminom muna kayo ng pineapple juice fresh na fresh po ito." Katulad ko. Natanaw ko agad s'yang naka-upo sa metallic brown na sofa na hawak-hawak n'ya ang isang remote. Napansin kong naka-bukas ang 150 inches na flat screen TV na naka-set up sa pader. "Mukhang stress kayo sa trabaho ah? Parang mas madalas ka pang pumunta sa mans'yon ni Mister Damion kaysa sa sarili n'yong bahay," daldal ko sabay maingat na nilapag ang tray sa center table. Inayos ko agad ang upo ko para matignan s'ya pero parang wala yatang naririnig dahil naka-pako ang kan'yang atens'yon sa TV. Pinipilit kong hindi ngumisi dahil ang hot talaga ni Mister Huston. Nakahubad na ang formal jacket niya dahil naka-sablay iyon sa sandalan ng sofa kaya naka long sleeve polo shirt na lang s'ya tapos naka-tanggal pa ang apat butones at kitang-kita ang mabalbon n'yang dibdib. Shet. "Ah, may kailangan pa po ba kayo? Tawagin n'yo lang ako at susundin ko ang lahat ng utos n'yo. 'Yan kasi ang sinabi sa 'kin ni Miss Anicah." Sinadya kong banggitin ang pangalan ng asawa ni Mister Damion dahil baka hindi n'ya ako nakikilala? Sa pamamagitan no'n ay baka mamumukhaan n'ya na ako. "Ano... kamusta na pala si Miss Cathalina? 'Yong astig at matapang na babaeng asawa ni Mister Freed?" Ayan, binanggit ko pa ang isa sa mga kaibigan kong bigatin. Pero wala pa ring response at tanging ingay lang ng pinapanood n'ya ang naririnig ko na tila bang hangin lang ako rito. Mas masungit pa pala s'ya kaysa sa inaasahan ko. "Isang linggo na kasing hindi ko s'ya nakikita, baka buntis na?" sambit ko pa sabay tumawa ng mahina at pinipilit kong 'wag ipahalata na peke. "Mister Huston-" Hininto ko ang susunod kong babanggitin dahil bigla s'yang tumikhim. Napalunok uli ako na'ng unti-unti n'ya akong inangat ng titig na walang bahid ng emos'yon. "Who are you?" Nanigas ang mga daliri ko sa paa na'ng marinig ko ang malalim n'yang boses. "Hindi n'yo ako kilala? Palagi kaya kitang nakikita at imposible namang hindi n'yo ako namumukhaan." Kasunod no'n ay kinagat ko ng palihim ang lower lip ko at mabuti na lang hindi ako nautal. "Melen ang pangalan ko, Mister Huston. Ilang ulit mo na'ng kinalimutan ang pangalan ko," patay-hiya'ng sabi ko pa. Hindi n'ya pa rin ako sinasagot at sumandal pa s'ya sa sofa habang naka-titig pa rin sa 'kin. Lumunok uli ako ng laway na'ng napansin kong unti-unting bumaba ang tingin n'ya. "Namumukhaan n'yo na ba ako?" sambit ko pa habang palihim kong kinukuyom ang mga kamao ko dahil hindi ko alam kung ano ang mangingibabaw, kikiligin ba ako o kikilabutan. "Alam ko na oo, hindi n'yo lang kayang sabihin sa 'kin dahil alam kong hindi kayo interesado. Pero wala akong masamang intens'yon, p'wera na lang pag inunahan ako-" Hindi ko nanaman napagpatuloy ang sasabihin ko dahil biglang gumuhit ang ngisi sa gilid ng kan'yang labi at binalingan ako ng titig diretso sa mga mata. "You're talking too much even I didn't insist you to talk. Do you want me to fire you right away?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD