CHAPTER 6

1869 Words
PARANG nabato ako sa kinatatayuan sa narinig ko mula sa kan'ya. Lumipas pa ang ilang segundo at binalik n'ya ulit ang atens'yon sa TV kaya humugot ako ng lakas para tumikhim ng mahina lang. "B-Baka magagalit si Miss Anicah pag nalaman n'yang pinaalis n'yo ako rito?" Ayan, nauutal na ako dahil hindi na maganda ang takbo ng awra rito sa loob. Naramdaman kong unti-unting nanlalamig ang binti ko. "Stop using other people for your own will," mabilis n'yang sagot at napa iwas tuloy ako ng tingin. Pero binalik ko uli ang titig ko sa kan'ya sabay ngumiti na hindi ko pinahalatang pilit lang 'yon. "Ayos lang, hindi ko naman sila ginagamit dahil sila mismo ang nag volunteer na tulungan ako, kaya narito ako ngayon-" "It's not my business. Just get out and you're disturbing peace," walang emos'yon n'yang saad sabay inangat ang mauugat niyang braso at i-off ang T V. Pumikit pa s'ya kaya wala naman akong magagawa kundi lumayas na at baka hambalusin pa ako ng remote sa mukha. Mahirap talaga pag pangit ka, sa estado ko ang lahat kasi ng mga lalakeng gusto ako makilala, katawan lang ang habol. May mga bakas kasi ako ng pimples sa noo tapos ang morena ko pa. Ang sabi naman ni Miss Anicah, nagagandahan siya sa 'kin dahil mas matangos pa raw ang ilong ko kaysa sa kaniya, mas makapal ang pilik mata at katamtaman lang ang balat pero makinis daw. Pero alam kong sinasabi lang n'ya 'yon para hindi ako mawalan ng self confidence at s'yempre, appreciated ko naman ang compliment n'ya sa 'kin. So ayun nga, wala akong naging boyfriend, tatandang dalaga nga siguro ako 'pag hindi ko nabingwit si Mister Huston. Alam kong ang lakas ng loob ko para akitin s'ya dahil kung gamit dito sa mans'yon ang paguusapan, basahan lang siguro ako. Or basahan nga talaga, wala ng siguro-siguro. 'Di bale, makapal naman ang mukha ko dati pa kaya lubos lubusin ko na lang para sulit. "Hoy, anong klaseng pagmumukha 'yan? Pinagalitan ka nanaman ba ni Hugo?" Napa-hinto ako sa paglalakad na'ng makalabas na ako sa private living room dahil sumulpot si Lailah sa harapan ko. Inangat ko s'ya ng titig sabay ngumiti ng normal. "Maka hoy naman 'to, at 'wag mo nga'ng tawagin ng gan'yan si Mister Hugo. Pag narinig ka, lagot kananaman, baka hambalusin ka na no'n," paalala ko sa nagbibirong tono. Pero tinaasan n'ya ako ng kilay habang kinikilatis ang mukha ko. "Ang bilis naman mag bago ang mood mo, parang ngayon lang mukhang binagsakan ka ng imp'yerno na may kasamang demonyo tapos bigla-bigla ka lang ngumiti?" saad n'ya kaya napa kamot ako sa likod ng ulo at natawa na lang. "Ganu'n talaga, hindi ko gustong nalulungkot ako sis. Stay positive lang dapat para ayos, ang mood," masiglang sagot ko sa kan'ya sabay nginisihan s'ya. "Tara na, mag trabaho na tayo at kinakailangan nating palitan ang makakapal na kurtina do'n sa main living room. Hindi ko 'yon kaya mag isa at wala rin akong maaayang iba dahil halatang ayaw ako ka bonding." Sabay talikod sa 'kin at nagsimulang nag lakad papalayo. Tumakbo naman ako para maka sabay s'ya sa paglalakad at hinampas bigla ang balikat n'ya ng med'yo malakas. "Sa pagmumukha mo kasi, parang mananapak ka na sis, para kang hindi babae," sambit ko sabay halaklak. Unang araw ko pa lang at mabuti na lang may nakipag usap na sa 'kin dito para pag inaway ako ni Mister Huston, hindi ako tatablan ng lungkot. Uunti untiin ko lang ang pag papapansin ko sa kan'ya at malay ko, baka magustuhan n'ya 'tong pahmumukha ko. Pero, 'wag na 'wag n'yo akong gagayahin dahil ang hirap kaya maging tanga, jusko. Lumipas ang mga araw at maganda naman ang takbo ng trabaho ko dahil hindi naman ako mas'yadong nahihirapan. Sanay na sa mabigat na gawain 'tong katawan ko kaya keri lahat. Ako pa. Dagdagan pa ng mga utos ni Sir Vlad dahil hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon. Si Mister Huston? A yun, dedma pa rin ako dahil mas naging masungit pa yata s'ya simula kinasal si Miss Cathalina. Kukulitin ko na lang pag nasa mood ako dahil ang dami kong trabaho at wala pa akong time. Mas importante pa rin ang kumita kaysa landi 'no. "Hoy, s'weldo na natin ngayon. Pumunta na tayo sa quarters natin." Napahinto ako sa pagdidilig ng mga rosas na naka paligid sa fountain dito sa kaliwang bahagi ng garden. Hinarap ko ang magaspang na boses sa likuran ko at bumungad sa 'kin si Lailah na may hawak-hawak na pinkish feather duster. I-t-text ko na lang si Miss Anicah pag nakuha ko na ang sweldo ko. "Hambalusin kita ng rigadera r'yan eh, hoy ka ng hoy. May pangalan kaya ako," maktol ko sabay inalis ang tumutulo kong pawis gamit ang kaliwa kong balikat. Maaga pa kasi ako nagising at kumilos kaya kahit may hamog pa rito sa labas, pinagpapawisan na ako. Okay na rin 'to para mas lalo pa akong sumexy at nakakatunaw ng fats. Itong si Lailah pala, magka edad lang kami at 20 years old rin s'ya. Kumakayod dahil pinapaaral n'ya sa kolehiyo ang nakakatanda n'yang kapatid na babae. "'Wag na dumada, tara at baka ma bwenamanuhan nanaman tayo ni Hugo." Nilapag ko muna ang kapit-kapit kong rigadera sa tabi ng rosas at nilisan na namin ang garden. Nagmamadali naming tinatahak ang daan patungong ground floor dahil pay day na namin. Mukhang good mood nanaman ang nanay ko ngayon dahil may pang sugal at may pangbayad na s'ya sa kautangan n'ya. Sarap din hambalusin 'yon eh. "Hey! Could you get my towel in my room? I forgot to carry it." Napa hinto kami sa paglalakad na'ng napansin naming pababa si Sir Vlad sa kaliwang hagdan habang may dala dalang laptop. Parang ang sarap ibunggo 'tong dalawang 'to dahil parehas silang nag-h-hoy, English nga lang ang sa kan'ya. "Sino ho ang inuutusan n'yo sa 'min?" tanong ni Lailah dito sa gilid ko at siniko naman s'ya dahil ang pangit pakinggan ng boses n'ya. Para kasing nanghahamon ng away dahil ang astig kasi pakinggan ang boses n'ya. "Just do it then," tugon sa kan'ya ni Sir Vlad kaya napa hinga ng marahas si Lailah at akmang tatakbo pero hinawakan ko s'ya sa balikat para pigilan s'ya. "Ako na lang sis, mauna kana 'ron. Susunod na lang ako," sabi ko at bago pa s'ya mag reklamo ay tumakbo na ako para marating ang ikatlong palapag. Nahihingal akong pinasok ang k'warto n'ya habang napapakapit sa dibdib at kaagad na hinanap ang sinasabi n'yang tuwalya. Palinga linga ako para makita 'yon. Hanggang sa nasilayan ko na naka lapag sa sandalan ng upuan sa terrace banda. Tinungo ko agad sabay kinuha at tumakbo ulit pababa ng ground floor. "I... Ito na ang... pina... pa... kuha n'yo..." Habol hiningang inabot ang kapit kong tuwalya kay Sir Vlad na naka upo lang s'ya sa upuan habang may tinitipa sa laptop n'ya. "Just place it there," sagot n'ya sa 'kin habang hindi inaalis sa screen ang kan'yang atens'yon at kaagad na sinunod ang sinabi n'ya. Humugot muna ako ng hangin bago tumalikod at maka takbo ulit. "Hey wait." Naka dalawang hakbang pa lang ako ay huminto naman kaagad at hinarap uli si Sir Vlad. "Ano... po 'yon Sir Vlad?" "I forgot to bring the charger of my laptop. You can see it on my study table," maawtoridad n'yang utos habang naka pokus pa rin sa screen. Napa pikit naman ako ng mariin dahil aakyat nanaman ako? Pasimple akong bumunga ng hangin at tumango tango. "S... Sige sir, pero sa susunod kumpletuhin n'yo na ang dadalhin n'yo para hindi na kayo mahirapan..." makahulugang saad ko at tumalikod uli sabay hinakbang ng mabilis ang mga paa. "Okay, I'll try." Humugot naman ako ng hangin sa narinig ko. Pero okay lang, trabaho ko naman 'to at isa pa, ang laki ng perang matatanggap namin na kagaya ng pa sweldo ni Mister Damion na thirty thousand cash. Napaka laki na para sa 'kin at sa dinadami daming nag apply dati, ilan lang kami ang nakuha dahil minsan lang sa buhay na maka encounter ng ganoong uportunidad para sa mga hindi nakapagtapos ng pagaaral. Isa pa, mapag bigay kasi si Mister Damion kaya hindi kuripot kahit may saltik dati pero nag bago na. 'Yan ang epekto ng kamandag ni Miss Anicah. Lumipas ang ilang minutong akyat baba, tagaktak ang pawis ko na'ng nilapag ko uli sa mesa ang hawak-hawak kong charger. "Thanks," maikling saad n'ya habang may tina-type pa rin sa laptop. Hindi na ako sumagot at tumalikod na lang dahil hindi ako makapag salita. Aakyat nanaman ako sa ika apat na palapag, pero hindi na ako tatakbo dahil ang sakit na rin ng didbib ko sa kaka-alog. Hindi ko kasi sinisikipan ang bra ko dahil hindi ako makahinga. Minsan nga, naka tanggal lang ang strap para sa ikokomportable ko eh. "YOU'RE 13 MINUTES LATE MISS REEVA! How many times do I have to inform you that I HATE TARDINESS!" Napa pikit ako ng mariin na'ng sinalubong ako ng malalim na sigaw ni Mister Hugo habang tagaktak ang mala monggo na pawis ko sa noo. Napansin kong naka tayo ng tuwid ang mga katrabaho ko sa labas ng kani kailang mga pintuan at kinagat ko na lang ang ibabang parte ng labi ko dahil pinagtitinginan nila ako habang bakas sa mukha ang inis. Parang hinintay talaga nila ako. "What are you waiting for? Move! Stand on your place!" pormal na utos ni Mister Hugo kaya tinungo ko na ang lugar ko habang naka yuko at alam kong sinusundan nila ako ng titig. "Hoy, pasens'ya ka na at napagalitan ka nanaman ng dahil sa 'kin," pasimpleng bulong sa 'kin ni Lailah kahit may agwat kaming dalawa. Magkatabi lang din ang k'warto namin at R-03 s'ya. Binalingan ko s'ya ng titig sabay nginitian. "Ayos lang sis, may iniutos pa kasi sa 'kin si Sir Vlad kaya nahuli ako," bulong ko na sapat ng marinig n'ya 'yon. "Ladies, the long wait is over. I know, this is awaited day for all of us. I have here the envelope with cash." Binaling ko ang atens'yon kay Mister Hugo na may kapit-kapit s'yang mga white envelope. "If you don't have case to me regarding to your work, then you will receive exact money but if you have... automatically, there's deduction." Napansin kong binalingan n'ya ng saglit si Lailah kaya matik na ang ibig n'yang sabihin. "For those who are wasting their time, especially you Miss Melendice Reeva. Don't test my patience," mariing sambit n'ya na may halong pagbabanta sabay sinalin ang titig sa 'kin pero nginitian ko pa rin s'ya. Kaysa naman sa titignan ko s'ya ng matalim. "So, here we go. Wait for your turn." Inalis n'ya ang tingin at nag lakad na papunta sa kinaroroonan ko banda dahil may nauna sa 'kin na R-01 s'ya. Sinundan ko ng titig si Mister Hugo na'ng huminto na s'ya sa harap ng ka trabaho ko. "Miss Ricca Janie De Lorenzo," tawag n'ya sabay inabot ang unang sobre at agad na tinanggap ng babae sabay yumuko. Awtomatiko akong napa ngiti na'ng sinalin na n'ya ang direks'yon papunta sa 'kin. Pero humupa naman kaagad iyon na'ng taas noong nilagpasan n'ya ako sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD