CHAPTER 7

1464 Words
KUMUNOT ang noo ko dahil ganu'n din ang ginawa n'ya kay Lailah. Nilagpasan n'ya rin, mukhang sinasadya talaga ni Mister Hugo na gawin 'to dahil ang dami naming atraso eh. Naisip ko agad ang bunganga ng nanay ko 'pag wala akong naipadalang pera para sa kanila. Ang dami ko pa namang palamunin. Ako kasi ang sandalan nila at kulang na lang, susubuan tapos maging taga hugas ng p'wet tuwing tata*e. "Sis okay lang, ibibigay din n'ya ang sa 'yo!" pasigaw na pabulong ko na'ng nagka salubong ang mga mata namin ni Lailah. Nginisihan ko naman s'ya dahil halata sa mukha na hindi nagustuhan ang asal ni Mister Hugo pero wala naman kaming magagawa kundi mag hintay na lang ng grasya. "May kaltas na nga ang suweldo ko 'tas ayaw pa n'ya ibigay? King inang 'yan," mahinang maktol ni Lailah habang patuloy na dini distribute ni Mister Hugo ang mga sobre. "Hindi pa nga tapos sis, kalma ka lang d'yan," tugon ko at narinig kong kumawala s'ya ng bumuntong hininga sabay inayos ang tayo. "For those who just received their money, you can go now but except the two of you. Miss Herkules and Miss Reeva," waragwag n'ya na'ng nag matapos na s'ya. Grabe, special mention talaga kami, nakakahiya tuloy at mabuti na lang wala rito si Mister Huston dahil nakaka bawas ng points. Mas nakaka pangit. Nagsi alisan na ang mga ka trabaho namin na may bakas na saya sa mukha. Pero kami, naghihintay pa ng gantimpala. Tinuon ko ang atens'yon kay Mister Hugo na taas noong papalapit kay Lailah. "I think you knew that there's deduction because of your reckless moves, right?" pormal n'yang tanong sabay huminto sa harapan ni Lailah. "Oo, nu'ng nakaraang araw pa," direktahang sagot n'ya habang naka angat ang kan'yang titig sa mukha ni Mister Hugo dahil matangkad nga s'ya. "Then good." Nakita kong inabot na sa kan'ya ang sobre at kaagad namang tinanggap ni Lailah kaya ngumiti naman ako dahil ako na ang susunod. Humakbang na s'ya papunta sa kinaroroonan ko habang kapit-kapit ng kanan n'yang kamay ang sobre na para sa 'kin. "Miss Reeva," malalim na tawag n'ya na'ng huminto na s'ya sa harapan ko at inangat ko rin s'ya ng titig habang sinadya kong maging maaliwalas ang aking mukha. "Yes, sis — ay Mister Hugo pala," natatawang sambit ko. "Makukuha ko na ba ang akin? Pinag trabahuhan ko kasi ang iba r'yan sa mans'yon ni Mister Damion eh," dagdag ko pa. Hinihintay kong sasagutin ako pero sa halip ay tinaasan n'ya ako ng kanang kilay. "Sadly... no," mariin n'yang tugon kaya tumaas rin ang kilay ko. "Ano'ng... sadly no?" mahinang usal ko na'ng ngumisi pa s'ya sa 'kin. "I will give your salary tomorrow since you're always late." Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa sunod n'yang binanggit. "Teka, sandali nga Mister Hugo. Hindi naman tama 'yan, siguro ang kalahati o sobra pa sa suweldo ko ay sa kabila'ng mans'yon ko pa trinabaho," magalang na reklamo ko. "Tomorrow isn't that bad, right?" Napa iwas na lang ako ng tingin sa sagot n'ya dahil ayaw ko naman makipag talo lalo na't napapagod pa ako ngayon. 'Pag minamalas ka nga naman, oo. Binalingan ko uli s'ya ng titig at p'wersadong ngumiti kaya halatang peke. "Mister Hugo, hindi po ba p'wede ngayon? Baka kasi malalagot ako sa nanay ko pag nalaman n'yang wala akong maipapadala ngayong araw lalo na't naghihintay 'yon. Umaasa kasi na may matatanggap ngayong Araw eh at tumawag pa sa 'kin kahapon," mahinahong paliwanag ko. Pero hindi nag bago ang expres'yon ng mukha n'ya at parang pinapalagpas lang sa kabilang tainga ang mga sinabi ko. "It is not my problem anymore, Miss Reeva," malamig n'yang tugon kaya yumuko na lang sa narinig ko. Alangan namang sigawan ko 'to at sabunutan kagaya ng ginawa ko sa kabit ni Mister Damion dati na si Celeina Walger. Wala namang s'yang sinasabing masama at isa pa, kasalanan ko naman talaga kung bakit ako palaging late kaya walang dahilan para makipag bakbakan. "Sige, okay lang. Bukas mo na lang ibigay, Mister Hugo pasens'ya na ulit kung palagi akong late, sorry po," magalang na sambit ko sabay yumuko pa sa kan'ya bago ko hinakbang ang mga paa ko palayo. Narinig kong tinawag ako ni Lailah pero hindi na ako lumingon. Mukhang ihanda ko na dapat ang paliwanag ko pag tumawag si nanay. 'Yon 'yung isipin ko na lang ngayon habang tinatapos ang pagdidilig ko sa mga rosas palibot ng fountain sa labas. Na'ng nakababa na ako ay mabilis kong tinungo ang p'westo ko kanina sabay kinapitan ang rigadera at nilagyan muna ng tubig na nanggaling mismo sa fountain. Pinagpatuloy ko na ang pagdidilig ko dahil maglilinis naman ako ng terrace sa main living room. "Hoy." Napa hinto ako sa pagbubuhos ng tubig dahil narinig ko nanaman ang maangas na boses ni Lailah sa likuran ko. "Hoy ka rin-" Naputol ang sasabihin ko dahil may bigla s'yang hinagis sa 'kin at sinalo ko naman 'yon gamit ang kabila kong kamay. Kumunot ang noo kong sobre ang hawak-hawak ko ngayon kaya binalingan ko s'ya ng titig. "Sa 'yo 'to?" tanong ko. "Akin na lang sis? Sure ka?" pabiro kong sambit pero ngumisi s'ya ng pagak. "At bakit ko naman ibibigay ang s'weldo ko sa 'yo na 5k ang kaltas? Kay Hugo Thiago galing 'yan at pinasuyo sa 'kin na iabot sa 'yo na hindi ko alam kung ano ang trip n'ya, sarap nga bayagin eh," dire-diretsong sagot n'ya sa maangas na boses. Umaliwalas naman ang mukha ko at napa ngiti sabay nilapag muna ang rigadera sa lupa. "Sabi ko sa 'yo sis, mabait 'yang si Mister Hugo eh," saad ko sabay inalis ang tape na naka-dikit sa sobre para masilip ang loob. "Bulag ka yata, kung mabait s'ya e di sana kanina n'ya pa binigay. Ang dami kasing eche buretche" sarkastikong wika n'ya pero natawa na lang ako. "Ang bibig mo, baka marinig ka pa tapos babawiin 'yang suweldo mo'ng may kaltas," biro ko naman. Kinuha na ko ang bagong withdraw na pera sa loob ng sobre sabay inamoy amoy. Ewan ko pero nababanguhan ako sa bagong pera kaya ito 'yung kadalasan kong ginagawa t'wing s'welduhan. Ang isa pang dahilan, baho lang kasi ang matatanggap ko dahil hindi rin 'to magtatagal sa kamay ko at iba ang may ari nito. "Ako na ang magdidilig ng mga halaman at ikaw na lang mag linis ng pool dahil may asungot do'n. Baka may masakal akong kapre pag sinapian 'tong kamay ko." Napagtanto ko na lang na dinampot ni Lailah ang rigadera kaya isinilid ko na ulit ang pera sa sobre. "Mas mabuti pa'ng ako na nga at baka hindi lang kaltas ang aabutin mo dahil masisante kana," pabiro kong sagot sa kan'ya. Dumeretso na s'ya sa mga tanim na rosas at nagsimulang diligan. "Hindi nakakatuwa ang biro mo, baka ikaw ang sakalin ko," napa halaklak na lang ako sa narinig ko. "Umalis na ba si Mister Hugo sa ika apat na palapag?" tanong ko sabay isinilid ang sobre sa kanang bulsa ng apron ko. "Parang bumaba yata s'ya sa second floor para i-check ang mga bulaklak na bagong deliver yata," sagot n'ya sa 'kin kaya tumango ako. "Maiwan muna kita at may sasabihin lang ako sa kan'ya." Narinig ko s'yang sumang ayon kaya umalis na ako ng garden para pumasok ulit sa mans'yon. Sana, hindi ko na madadatnan dito si Sir Vlad dahil baka may nakalimutan nanaman s'ya 'pag nakita ako. "MISTER HUGO!" sigaw ko na'ng marating ko na ang ikalawang palapag. Nakita ko s'yang naka tayo sa tapat ng side table ng dining room at ina-arrange ang mga pink tulips tapos lavenders na naaamoy ko ang halimuyak. "Why are you shouting like a frog, Miss Reeva?" tanong n'ya habang hindi inaalis ang focus sa kan'yang ginagawa. "Any violent reaction regarding our issue earlier?" tanong pa n'ya. "Walang reklamo pero may favor sana ako Mister Hugo." Hininto n'ya ang pagaarrange dahil hinarap n'ya ako sabay kinunutan ng noo. "Just like what I have said... if you have additional request don't ask me, right?" iretable n'yang sambit pero nginisihan ko s'ya. "Ano kasi sis, 'di ba last day na ngayon ng August? Gusto ko sanang umuwi saglit sa 'min at uuwi rin mamayang hapon, ibibigay ko lang 'tong pera. Bibisitahin ko lang sila saglit at nagaalala ako sa kapatid kong bunso. May sakit kasi 'yon eh," paliwanag ko sabay sinundot sundot ang dulo ng magkabila kong hintuturo. "Fine," mabilis n'yang sagot sabay pinagpatuloy ang pagaayos ng mga bulaklak ng lavender. "Talaga sis? Papayagan mo ako—" "But you have to return exact 4:00 pm in the afternoon, understand?" putol n'ya sa sasabihin ko. "Thank you sis~ 'Wag kang magalala dahil sisikapin kong makakabalik agad—" "If you couldn't make it, then you'll sleep outside."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD