CHAPTER 8

1977 Words
TINATAHAK ko ngayon ang mabatong daanan papunta sa bahay namin habang nakikipag laban ang balat ko sa init ng araw. Naka limutan kong mag dala ng payong kaya wala naman akong choice kundi tiisin na lang ang init. Hindi naman ako takot mangitim. Dahil nga pinayagan ako ni Mister Hugo, bumiyahe pa ako ng isang oras at kalahati gamit ang bus dahil malayo sa city 'tong lugar na 'to. Tapos, kinakailangan ko pang mag lakad dahil may kalayuan sa mismong bayan namin. Sasakay sana ako ng tricycle kaso kinakailangan, marami akong kasabay at hindi sila aalis pag magisa lang ako. Nakakaurat naman maghintay kaya mano mano na lang dahil kinakailangan kong bilisan at maka uwi ng maaga. "Nay! Paki bukas po, andito na po ako!" sigaw ko na'ng huminto na ako sa gate namin na gawa kawayan at matibay naman kahit papaano. Pero ang bahay namin, maayos tignan dahil nu'ng mga nakaraan kong suweldo ay pinagawa nila. Mabuti nga at nabigyang hustisya ang perang pinag paguran ko. Pero hindi naman totally maganda, semento ang kalahati ng pader at sahig tapos the rest ay kawayan na dahil hindi na nila dinagdagan pa. Ayos na raw as long as walang butas ang bubong at may pader. "Nay! Paki bukas po—" "Sandali!" Boses n'ya 'yon kaya tumalon talon ako para matanaw s'ya. Ilang sandali pa ay parang inaalis na ni nanay ang pagkakatali nitong original naming gate at pinagbuksan ako. Bumungad sa 'kin ang mukha ni nanay na magkasalubong ang naka ahit at maninipis na mga kilay. Naka floral duster s'ya na halatang halata ang bilbil sa tiyan, kapansin pansin din ang maikli n'yang buhok na hanggang leeg. Ganito s'ya sa bahay pero pag lumabas, maporma naman dahil sa mga alahas na inuutang n'ya. "Dala mo ba ang pera? Kanina pa ako nagaantay ng text mo." 'Yan ang bungad n'ya agad sa 'kin pero alam kong mangyayari na 'to. Madapa dapa man ako sa daan, ang importante dala ko 'yong kaligayahan n'ya. P'wede naman kasing mag banat din s'ya ng buto katulad ko pero sadyang tamad lang talaga. Mabuti pa nga ang pera may tao, pero ang tao... Walang pera. "OO nay, nag paalam muna ako sa mans'yon na umuwi saglit at babalik naman ako mamayang hapon dahil magagalit sa 'kin ang boss namin," sagot ko sabay dinukot sa kapit kong hand bag ang sobre na may bawas na isang libo. Pambili ko 'yon ng pangangailangan ko, katulad ng sanitary napkin. Bastante naman ako sa pagkain kaya no worries. Bago ko pa maiabot sa kan'ya ng tuluyan ang sobre ay mabilis n'yang hinablot. "Sana pinadala mo na lang at hindi ka na umuwi, baka ang dami mong gawain do'n at babawasan pa ang s'weldo mo," sabi pa n'ya sabay tinalikuran ako at sinundan ko na lang s'ya. Sanay na ako sa mga ganitong paguugali. "ATE! ATE MELENNNN!!!!" Isang paos ngunit masiglang sigaw ang sumalubong sa 'kin. Sinabayan pa ng mabilis na mga yapak at papunta iyon sa kinaroroonan ko. Natanaw ko agad si Kaleb na tumatakbo habang halatang halata ang bungisngis na ngiti. Awtomatikong gumaan ang pakiramdam ko. "Kaleb, kamusta kana? Kamusta ang pagaaral mo?" tanong ko na'ng niyakap n'ya ako sa baywang habang ginugulo ko ang makapal n'yang itim na itim na buhok. Inagat n'ya ako ng titig habang kitang kita ang mga ngipin n'ya sa lawak ng ngiti. "Ayos naman 'te! Kahit wala akong baon, pero one mistake ako sa math exam namin nu'ng isang araw! Sayang nga 'e, isa na lang perpek na!" pagmamalaki n'ya sa 'kin at awtomatiko akong napa ngisi kahit med'yo nainis ako sa unang binanggit n'ya. Sinabihan ko si nanay na bigyan 'tong si Kaleb ng baon sa school pero hindi n'ya nanaman ako sinunod. Tinanggal ko ang pagkakayakap n'ya sa 'kin sabay pinantayan s'ya at hinawakan ang maliit na pisngi n'ya. "'Wag kang mag alala, kasya na ba ang five hundred pesos?Pasens'ya kana at ngayon lang ako naka uwi dahil ang dami kong inasikaso—" "Okay lang 'te, alam kong nag tatrabaho ka sa malayong lugar kaya nakakain na ako ng kanin. 'Di tulad dati na palaging lugaw. Huwag mo na lang ibigay ang limang daan at one tausan lang kaya ang natitira sa 'yo," sabi n'ya sa 'kin sabay hagikgik. Palihim akong bumunga ng hangin dahil pasalamat ako at nag mana 'tong si Kaleb kay tatay. Kahit anak n'ya 'to sa labas, inalagaan ko talaga 'to kaya malapit sa 'kin. Ito rin ang dahilan kung bakit kinakailangan kong mag trabaho dahil pangarap n'ya raw maging Engineer paglaki. S'ya ang inspiras'yon ko. "Saan si tatay, Kaleb?" bulong ko. "Nan'dun po sa pelengke, kaninang five pa 'yon umalis ng bahay para maaga rin s'yang nakaka uwi mamaya," tugon n'ya kaya tumango tango ako. Kinuha ko agad ang limang daan na buo sa bulsa ng hand bag ko at hinawakan ko ang maliit n'yang kanang palad sabay binigay ang pera. Saglit kong tinignan ang pinto ng bahay namin at baka may naka tingin pero wala naman. Alam kong binibilang na ni nanay ang pera sa k'warto n'ya. Baka Kasi kukunin nila ang binigay ko at mahirap na. "Alam kong marunong ka mag budget nito. 'Wag na 'wag mong ipakita na may pera ka ha? Sa school ka bumili ng kung anong gusto mong pagkain para mas gaganahan ka sa school," paalala ko sabay tumayo na. "Salamat talaga ateee, pero dapat na po ito sa ilang buwan. Maliit lang po kasi ang binabawas ko 'pag may pera ako," mahinang usal n'ya kaya napa ngiti ulit ako. Dumeretso na kami papasok sa bahay para makapag pahinga muna ako sandali bago lumarga ulit. "Melen, may pera ka ba r'yan? May pag gagamitan lang ako." Bumungad sa 'kin ni Armin na panganay nilang anak na lalake at tinuturing kong kuya pero walang trabaho hanggang ngayon. Wala s'yang suot pang itaas at tinutubuan na rin ng bilbil ang tiyan n'ya dahil kain, tulog, at gala lang ang pinagagawa n'ya. "Paupuin mo muna ako kuya," mahinang sambit ko sabay tinungo ang sofa namin na galing pang junk shop at ako pa ang nagsulsi nito para matakpan ang mga butas butas sa sandalan para magamit. "Kaleb, paki kuha nga ako ng tubig," utos ko at agad n'ya naman akong sinunod. "Ngayon, naka upo kana. Pera naman d'yan, s'weldo mo ngayon 'di ba? Mabuti na lang at naisipan mong bisitahin kami rito," naka ngising asong tanong n'ya habang naka tayo s'ya sa harapan ko. "Hindi ka ba bibigyan ni nanay? Hintayin mo na lang na may aabutin s'ya sa 'yo, kuya," tugon ko sa mahinahong boses. "Hoy Armin tumigil ka nga, pang inom mo lang naman ang perang hihinihingi mo eh, pero ako? May anak at 'yon ang importante kaysa sa alak." Napa baling ang titig ko na'ng lumabas ng k'warto si Ferlyn habang buhat-buhat ang umiiyak na isang taong gulang na anak. Bahagya akong pumakawala ng bumuntong hininga na'ng makita kong kumupas na ang dati n'yang magandang pangangatawan. Ang dating maitim at straight na buhok, magulo na ngayon na halatang walang suklay suklay. Napa titig ako sa mukha n'yang tinutubuan na rin ng tigwat sa pisngi na dati ay alagang-alaga dahil dalaga pa. Pero ngayong may anak na, ni bra wala s'yang suot. Naintindihan ko naman ang ganitong sitwasyon dahil mas uunahin mo ang anak kaysa sa sarili mo. "Ano ba'ng pakealam mo? Ikaw ba 'yong umiinom?" iretableng tugon ni Armin sa matigas na boses. "Isa pa Melen, hindi ako bibigyan ni nanay dahil kulang pa 'yon sa mga utang at gastusin dito sa bahay. Ala mo naman ang tungkol do'n 'di ba?" "Ate, uminom ka po muna." Napa baling ang titig ko kay Kaleb na inaabot sa 'kin ang plastic na baso na may lamang tubig. Tinanggap ko 'yon at uminom ng tatlong lagok. "Salamat Kaleb, iwan mo muna kami rito, okay?" Naka ngiting saad ko sabay abot ng baso. Tumango naman s'ya ng sunod sunod sabay kinuha sa kamay ko at umalis. "Melen, minsan ka na nga lang pumupunta rito pero wala ka namang pasalubong kahit tinapay man lang? Jusmeyo naman, mano man lang bumili sa bakery eh," saad ni Ferlyn sa naiinis na boses kaya inangat ko s'ya ng titig. "Magagalit sa 'kin si nanay pag binawasan ko ang pera kaya wala akong dala ngayon kahit ano," tugon ko sa kalmadong pananalita at narinig kong natawa s'ya ng pagak habang ginagalaw galaw ang katawan n'ya para mapa tulog ang bata. "Sana pera mo 'yong ginamit mo, kahit kailan talaga ang damot mo. Sa buong suweldo mo, wala ka man lang naibigay sa 'kin ni piso! Ano naman kaya 'yon?" mahinang sigaw n'ya. "Akala ko kasi, binibigyan kayo ni nanay kaya hindi na ako nagaalala ate. P'wede n'yo namang hingian—" "Punyeta ka, ang dami mong rason—" Napa tayo ako bigla dahil may narinig akong hindi nagustuhan ng pandinig ko. Tinitigan n'ya ako pababa pataas na para bang wala akong karapatan para magkaroon ng reaks'yon. Iginuhit ko ang munting ngiti sa gilid ng aking labi para mag timpi. "'Wag mo akong subukang murahin kung ayaw mong ihambalos ko 'tong limang daan sa mukha mo, ate," kalmadong sambit ko na pinipigilan kong pag taasan s'ya ng boses dahil ayaw kong maging bastos. Mabilis kong dinukot ang isa pang naka tuping five hundred pesos sa bulsa ng hand bag ko at inabot ko 'yon sa kan'ya. "'Yan lang natira sa 'kin kahit halughugin n'yo ang bag ko, wala na kayong makikita pa," dagdag ko pa na'ng hinablot n'ya na sa 'kin ang pera at kaagad akong tinalikuran. "Hoy hati tayo d'yan Perlen!" sigaw ni kuya sabay sinundan s'ya papasok sa kabilang k'warto at pabagsak naman akong umupo sa sofa. Ilang taon na akong nagtitiis sa ugali nila at kaya pa naman. Mabuti na lang, naka hanap ako ng trabaho dahil nakakatakas ako sa pagmamaltrato nila, ginagawa kasi akong kalabaw dito sa bahay at ako lahat ang gumagawa ng trabaho. Palaging sumasakit ang katawan ko rito lalo na ang aking likuran. Lalo na sa paglalaba ng mga kasuotan nila. "'Te, sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo ng ibigay sa 'kin ang five handred 'e." Naputol ang pagiisip ko ang umupo bigla si Kaleb dito sa gilid ko. "Ibabalik ko na lang sa 'yo ate, 'wag kang mag alala... makakapag aral naman ako kahit walang baon! Hindi naman ako nagugutom tuwing break time namin!" sambit n'ya sa 'kin sa namamaos na boses dahil hindi pa yata galing ang ubo n'ya. Kasunod no'n ay inabot n'ya sa 'kin ang pera. Nginitian ko s'ya at umiling iling. "'Pag binigay ko sa 'yo, ibig sabihin... sa 'yo na. Hindi ko gustong maisip na nagugutom ka sa school tuwing recess," marahang sambit ko at ginulo uli ang buhok n'ya. Alam kong ang hirap kapag walang laman ang tiyan habang nagaaral dahil ako mismo, naranasan kong magutom at patingin tingin na lang sa mga baon ng iba. "Okey lang po, 'te. Kasi ang ginagawa ko po, para hindi ko maiisip ang pagkain... nag aaral na lang ako kaya epektib naman," naka ngising sagot n'ya sa 'kin sabay humagikhik ng mahina. "'Wag kang mag alala, kay Manang Helda ko ibibigay ang baon mo 'pag magkaka sweldo ulit ako," sagot ko. "S'ya nga pala... Bumili ka ng gamot mo pada sa ubo ha?" bulong ko at mabilis s'yang tumango sa sinabi ko. Gusto kong komprontahin si nanay tungkol sa hindi pagbibigay ng baon kay Kaleb kahit kauting halaga lang pero ayaw ko naman ng gulo. Ako na lang ang mag-a-adjust para sa ikaka kalma ng utak ko. "Melen," napalingon ako na'ng narinig ko ang boses ni nanay na papunta sa kinaroroonan ko. Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa huminto s'ya sa harapan ko banda. "Ano ho 'yon, 'Nay?" tanong ko dahil bakas sa mukhang may kailangan sa 'kin. "Kulang ang perang binigay mo, bumale ka muna ng pera sa amo mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD