Chapter 5

3190 Words
HINDI na napansin ni Bella ang oras kahit na ang reception ng kasal na dinaluhan niyang mag-isa ay hindi niya na namalayan. She faced the people with her ownself. Siya lang ang humarap sa kanila humihingi ng pasensya dahil hindi nakapunta ang asawa nito sa reception ng kasal nila. Walang ibang ginawa ang babae kundi ang yumuko at humingi ng sorry. Kitang-kita niya ang pamumula sa galit ni Lolo Jaime. Pinaupo na lamang ni Bella ang matanda at sinigurado na siya ang mag-aasikaso ng mga bisitang naiwan. Rason niya sa mga bisita ay may naging problema sa kompanya nito na hindi na maaring ipagpabukas pa gaya nang rason ni Lolo Jaime sa kanila. This wedding is not right! Bulung-bulungan ng mga bisita ang pang-iwan ng groom sa bride nito sa reception ng kasal nila. Magiging balita na naman ito sa buong bansa bukas dahil na rin maimpluwensiya si Don Fontanilla. Ang kasalang ito ay kagustuhan lang ni Lolo Jaime at hindi ng apo nito. Pagod na pagod na si Bella parang binagsakan ng vulduzer ang buo nitong katawan pinagpahinga na siya ni Lolo Jaime at inihatid ng driver nito sa Mansion ng asawa nito. Nagpaalam na kanina si Ray-Ray at Manang Amelia. Naiwan ang matanda at sa Hotel na lamang daw ito magpapahinga. Bella wanted that too but, she is married now and her husband has a house own his own. At dahil siya ang asawa kaya naman kailangan niyang umuwi roon. Nakasuot pa din si Bella ng traje de boda hindi pa din siya makapaniwala na ikinasal na siya at sa isang bilyonaryo pa. She didn't expect this that's why he hates her. He's the most famous Casanova Billionaire! At sinira daw ng dalaga ang buhay nito dahil sa pinakasalan niya ang lalaki. Kagustuhan niya man ito o hindi alam niyang kasalanan niya pa din ito dahil sa pumayag siya. Tinatanggap ni Bella ang pagkakamali niya at hindi na maaring mabago pa. Tumatanaw lang naman siya ng utang na loob pero alam ng babae na hindi maalis sa mga tao na mag-isip na gusto niya lang ang yaman nila. Ganoon ang mga pag-iisip ng mga tao. Sadyang huhusgahan at huhusgahan siya ng mga ito sa ayaw niya man o hindi. Ngunit, isinusumpa siya sa puntod ng kanyang mga magulang na hindi niya kayang gumastos ng pera ng iba. Hindi niya kayang gumastos ng perang hindi niya pinaghirapan. Utang na loob niya ang lahat ng ito kaya pinagbabayaran niya lamang dahil kung hindi siya naoperahan malamang patay na siya ngayon. Pinagmasdan ni Bella ang karangyaang nasa paligid niya. Walang dudang may pera nga sila pero kahit kailan ay hindi miya gugustuhing makagamit ng pera nila dahil hindi yon kanya. Tama na sa kanya na nakapagbayad na siya ng utang na loob niya. May nag-aantay na katulong sa kanya sa pintuan ng mansyon na agad siyang inihatid sa silid na tutulugan niya. Napakagat siya ng labi dahil alam niyang gamit niya lamang ang naroon. Lumapit siya sa kama at nahiga roon. Ipinikit ng babae ang mga mata sandali upang makapagmuni-muni ngunit tila ayaw nang panahon na gawin niya iyon dahil may kumatok sa pintuan. "Pasok," sabi ni Bella nang hindi tumatayo. Pagod na pagod siya at hindi na niya kaya na tumayo. Narinig ni Bella ang langitngit ng pintuan ibig sabihin ay may pumasok rito. "Good Evening Ma’am, ako nga pala si Greta ang nag-aalaga sa Mansyon na ito at ang yaya ni Sir Juro simula noong bata pa siya," narinig niyang sabi ng pumasok. Umayos si Bella ng upo at pinagmasdan ang isang matandang babae na nasa edad singkwenta marahil. She have this feeling na makakasundo niya ang matandang ito. Nakatayo ang matandang babae sa harapan niya habang nakayuko at may hawak na isang basong tubi. Nang makita niya ang tubig ay nanlaki ang mata niya napatingin siya sa malaking orasan na nakasabit sa pader ng kuwarto niya. Yes, her room. Isa daw ito sa mga guest room ng bahay ni Mr. Fontanilla. Alam niyang hindi papayag si Saxon na magtabi sila. Nasabihan siguro si Manang Greta sa kalagayan niya marahil pinaalam ni Lolo Jaime ito upang hindi niya makaligtaan ang mga gamit. It was lifetime medication afterall. "Salamat po Manang Greta, kung hindi niyo ako dinalhan ng tubig marahil hindi ko na nainom ang gamot ko. Si Lolo po ba ang nagsabi?" mabini niyang tanong kay Manang Greta habang kinuha ang mga gamot nito sa maleta. Tanging ang gamot lang ang pinayagan ni Bella na ibili ni Lolo Jaime. Tama na iyong natulungan siya nitong mabuhay pa. Ayaw niyang abusuhin ang kaibaitan ng matanda. Okay siyang walang bagong damit ang importante mapaglingkuran niya ang asawa niya gaya ng sinabi ni Father kanina. Kinuha nito ang tig-iisang tableta sa anim na bote ng gamot at nilunok iyon. Ibinigay naman ni Manang Greta ang tubig at ininum iyon ni Bella. "Opo Ma’am, tumawag siya sa akin na dapat daw ay hindi nyo kaligtaan ang gamot niyo at lagi ko po daw kayong bantayan," puno ng sinseridad ng wika ni Manang Greta kay Bella. Ngumiti ang babae dito bilang pasasalamat. Sana sa bawat taong makaharap ni Bella ay puro mabubuti. Nginitian niya ulit ng maluwag ang matanda at ibinalik din ito ng matanda sa babae. "Manang, huwag niyo po akong tawaging Maam, Bella nalang po ayoko po ng pormalidad," sabi ni Bella sa matanda. Ayaw niyang mag-ala Donya sa bahay na ito dahil may pakiramdam siyang hindi rin siya magtatagal rito. Kumislap ang mga mata ng matanda. Nagulat yata ito sa inasal ni Bella nang hinawakan niya ang matanda sa palad nito. Kahit papano hindi mawawalan ng pag-asa ang babae naa habang nasa bahay siya ni Mr. Fontanilla ay may titingin-tingin sa kanya. Wala naman siyang kilala rito dahil ang sarili niya, si Manang Greta at ang tatlong gwardiya lang ang narito sa Mansyon ni Mr. Fontanilla. May pupunta lang ditong limang maid, tatlong-beses sa isang linggo paliwanag ni Lolo. Akala ni Bella ay kasama nila si Lolo Jaime rito gayon na lamang ang kaba niya nang malaman na sila lang pala ni Mr. Fontanilla ang titira rito. Hindi din alam ni Bella kung uuwi dito ang lalaki. Araw-araw kakamuhian siya ng lalaki dahil ayaw nito sa babae. "Sige po Ms. Bella, tutulungan ko na din po kayong tanggalin ang wedding gown niyo," sabi niya sa dalaga. ‘Salamat naman kanina pa ako namomoblema dito kasi ang bigat-bigat hindi ko matanggal nanh maayos ang sanang asawa ko na tinutulungan ako ay nawawala hindi ko alam kung nasaan siya.’ ani ni Bella sa sarili. She bet. Bumalik na naman ang lalaki sa dating gawin nito gaya noong hindi pa sila ikinakasal. Mali ang salitang ginamit ng babae. Kasal man sila o hindi ganoon pa din siguro ang magiging kilos ng lalaki. ‘Matutunan kaya akong mahalin ni Saxon Juro Fontanilla?’ aniya sa sarili habang tinatanggal ang traje de boda na suot niya. “Kasi ako, hindi ko alam kung paanong nangyari yon pero may nararamdaman na ako sa kanya noong unang kita ko palang sa kanya sa harap ng altar. Marahil ay hindi niya siguro ako matutunang magustuhan man lang, hindi naman ako kagaya ng mga babaeng lumalapit sa kanya.” She muttered to herself. Siya lamang ang nakarinig noon dahil abala sa pagtulong sa kanya si Manang Greta. Mga nagagandahang modelo at aktres ang mga babaeng dumaan sa buhay ng lalaki at wala ang babae sa kalingkingan ng mga iyon dahil isa lamang siyang simple mahirap at hindi kagandahang babae na nais lamang ay mabuhay. "Ang ganda mo Bella, may make-up man o wala." Puri sa kanya ni Manang. Nginitian ni Bella ang matanda dahil alam niya namang hindi totoo ‘yon. “Ako ay ako hindi maganda, hindi panget pero heto ako ako totoong tao hindi ko pinangarap ang buhay na ito na nasa harapan ko at kahit kailan ay hindi ko gagalawin ang mga narito.” Napakababa ng self-esteem ng babae lalo pa at alam niya sa sarili niyang malabong mamahalin siya ng isang Saxon Juro Fontanilla. "Pwede po ba Manang, Nanay nalang ang tawag ko sayo? Wala kasi akong nakagisnang ina at kahit po ngayon lang kita nakita magaan na po ang loob ko sa inyo." malambing na saad ng babae sa matanda. Napaiyak naman ang matanda hindi nito siguro inaasahan na ganito ang asal ni Bella. Niyakap ni Bella ang matanda. Uhaw lang talaga ang babae sa pagmamahal kaya nais niya na magkaroon ng ina kahit pa huli na. Nang maghiwalay sila ni Manang Greta mula sa pagkakayakap ay nahubad na ang wedding gown agad naman itong napasinghap. “Bakit? Anong nangyari sa kanya?” Nagpanic ang kalooban ni Bella kaya hindi niya alam ang gagawin baka may sakit din ito. "Anong nangyari sa’yo ‘Nay, may sakit ba sayo sabihin nyo po tatawag na ba ako ng ambulansya?" Sunud-sunod na tanong ni Bella sa matanda at hindi man lang hinayaang itong sumagot. Nag-aalala lang si Bella at hindi niya inaasahan ang pagluha nito at kinuha ang braso niya na nagingitim. Agad na tinago iyon ni Bella at yumuko. Nakita ito ni Nanay Greta. Long white sleeve ang gown kaya hindi ito makita kanina ngayon lamang na nahubad na niya. Tumambad sa matanda ang ginawa ni Mr. Fontanilla sa kanya kanina sa Simbahan. Wala naman ang sakit kanina pero ng makita ni Nanay Greta tila unti-unting bumalik ang sakit. Napakasakit kahit pa namamanhid ito ngayon. Akala ni Bella ay pasa lang na agad nawawala ang ginawa ng lalaki ngunit iba pala dahil itim na itim ito sa tingin ni Bella hindi agad iyon gagaling. Niyakap agad ni Nay Greta ang babae habang siya ay lumuluha. "Si Juro ba ang may gawa niyan?" tanong nito ng puno ng pag-aalala. Napakagat ng labi si Bella bilang sagot. Hinawakan ng matanda ulit ang braso ni Bella at sinubukang hawakan ang pasa. Bella hissed when she felt the pain. Nanunuot pati sa buto ang sakit grabe ang kamay ng lalaki iyon parang bakal. "Pasensya ka na hija, ako na ang humihingi ng tawad sa alaga ko mabait naman ‘yon." Hindi pa man sinasabi ni Bella kung sino ang may gawa nito alam na agad ng matanda na si Mr. Fontanilla ‘yon. Tumango nalang ang babae, hindi siya nagtatanim ng sam ng loob. "Okay lang naman ‘Nay, naiintindihan ko siya pilit lang ang kasalang ito kaya hindi ko siya masisi kung bakit siya galit sa akin. Akala niya kasi kayamanan nila ang habol ko pero sinusumpa ko sa ngalan ng puntod ng aking mga magulang hindi yon ang habol ko, tumatanaw lang ako ng utang na loob kay Lolo." Paliwanag ni Bella sa matanda nang maupo sila sa kama. Lumuhod ito sa harapan ni Bella at hinawakan ang kanyang pisngi. "Alam ko naman kung ano ang dahilan mo Bella sinabi sa akin ni Don Fontanilla at sa tingin ko ikaw ang pinakamatapang at pinakamalakas na babaeng nakilala ko dahil sa murang edad mo ay naharap mo ang lahat ng pagsubok sa buhay mo," sensiro nitong sabi sa babae na hinawakan pa ang dalawang kamay nito. Napangiti si Bella sa sinabi nito. Sana nga maintindihan ni Mr. Fontanilla kung bakit ginawa ito ni Bella dahil kung hindi marahil at wala na siya ngayon sa mundo. Wala na siyang hininga, wala ng pintig ang puso at lalong hindi na siya nakatayo sa harapan nito kanina. Nagkatawanan sila ni Nay Greta ng tumunog ang tiyan ni Bella. Hindi siya kumain kanina dahil abala siya sa mga tao sa kakaasikaso sa kanila at kakasabi ng rason kung bakit wala ang asawa nito. "Oops! Sorry po, wala kasi akong kinain kanina,” nahihiyang wika ni Bella. Tinulungan tumayo ng matanda si Bella. Nakaunderwear lang pala ang babae habang kinakausap si Nay Greta. Nahihiya ang babae malamang ang mukha nito ay pulang-pula na tila kamatis. "Magbihis ka na hija, alam kong gabing-gabi na pero kailangan mo pa din kumain. Bumaba ka maya-maya dahil ipagluluto kita," wika nito habang nagpapaalam upang ipaghanda si Bella ng pagkain. Napathumbs-up ang babae bilang pagsang-ayon kay ‘Nay Greta. Napailing-iling naman ang matanda nang lumabas sa silid ng babae. Napagdesisyunan ni Bella na maliligo nalang muna habang naghahanda si Nay Greta ng pagkain. Buong araw siyang pinagpawisan kanina kaya naman amoy pawis na siya. Ang dami ng mga bawal sa babae kailangan niyang sundin lahat lalong-lalo na ang huwag magpatuyo ng pawis. Kung dati pagkain niya lang ang iniisip, ngayon buhay may asawa na. She should be thankful at Lolo Jaime. He reminded her that she shouldn't work and she should think of her body's health. Wala na dapat siyang iisipin kundi ang sarili niya at ang asawa niya. Ito na daw ang bahala kay Ray-Ray ang batang inalagaan niya. Alam ni Bella na mapapabuti si Ray-Ray sa kung anuman ang gagawin ni Lolo Jaime dito. She certainly knew Lolo Jaime won't leave Ray-Ray alone. Mag-aaral din ang babae sa susunod na pasukan. She knows she shouldn't be totally happy but she needs to. Makakapagtapos siya ng pag-aaral gaya ng pangarap niya noon na maging isang Doktor magagawa na niya ito ngayon. "ANG SARAP naman nito Nay Greta, paborito ko po talaga ang adobo lalo na kapag may pinya at patatas. Ang galing nyo pong magluto parang na rin akong nakakain sa isang restaurant." Two thumbs up na sabi ni Bella sa matandang kasama niya dito sa bahay. Ang sarap nguyain ng karne ng manok na kinakain ni Bella. The best abobo ever! Hindi siya magsasawa sa pagkain nito. Nay Greta is the best cook! Kung ito lang naman ang magluluto sa para sa babae araw-araw tataba siya panigurado kaya lamang hindi siya pwedeng sumobra sa mga mamantikang pagkain dahil baka matumba nalang ang babae nang wala sa oras. "Naku, itong batang ito hindi mo ako kailangang bolahin huwag kang mag-alala tuturuan kita para naman mas magaling ka pa sa akin alam ko yan nararamdaman ko maturuan ka lang baka makapagpatayo ka pa ng restaurant na sinasabi mo," flattered na sabi ni Nay Greta sa babae habang sinasalukan siya nito ng especialty nitong bulalo. Napakaganang kumain ni Bella ngayon, iba kanina sa reception na masasarap nga ang pagkain hindi naman siya makakain ng maayos dahil sa mga inaalala niya. Subo lang nang subo ngayon ang babae dahil talagang naramdaman niya ang gutom na hindi niya ininda kanina. Nakasuot ang babae ng sando ngunit pinatungan niya iyon ng chaleco upang hindi tumambad ang malaking pasa niya sa braso. "Dahan-dahan hija, hindi ka mauubusan marami pa dito pero huwag masyadong madami ang kanina ha? Okay lang kahit damihan mo ang alam huwag lang kanina baka may epekto sa katawan mo ang carbohydrates." Paalala ni Nay Greta sa babae. Bella abruptly stopped eating some carbohydrates. She remembered not to eat too much. Light lang ang pwede sa kanya ayon sa Doktor. May pagkamatigas ulo ni Bella noon kaya nga napaaga labas niya ng Orphanage. Hindi niya pinansin ang sinabi ng matanda na magdahan-dahan hanggang sa tuluyan na nga itong nabilaukan. Hindi nga ito mamamatay sa atake sa puso mamatay naman ang babae dahil sa nabilaukan siya. Tama nga ang sabi nilang digital ang karma, hindi siya nakikinig sa paalala ng matanda. "Tu-big! Tu-big! Nay!" mabilis na wika ni Bella. ‘Jusko! Gluttony na ang ginagawa ko heto pinaparusahan agad ako. Sorry naman kasi nadala lang po.’ wika niya sa sarili. Agad naman pinagduldulan sa babae ng matanda ang isang basong tubig. Inisahang lagok kang yon ng babae. Pati ang matanda ay kinabahan sa ginawa niya. Napadighay ang babae ng malakas nakaraos din itogutom at sa pagkabilaok nito. Napahalakhak ng malakas ang matandang kawaksi ng Mansyon dahil sa ginawa ni Bella. Napapeace-sign ang babae ng wala sa oras dahil nagmukhang wala siyang manners pero hindi naglaon sabay na silang tumawa ni Nay Greta. Malakas silang tumawa wala naman makakarinig sa kanila dahil ang laki ng bahay na ito at ala-una na ng madaling araw. Wala ng taong gising pwera na lamang sa mga taong-gabi. Sa pagtawang iyon nila ni Nay Greta habang hawak ang mga tiyan nila ay siya namang pagkarinig nila ng lagabog sa tanggapan ng mga bisita. Nagkatinginan silang dalawa at dali-dali tumakbo ng matanda. Only to found out na ang asawa iyon ni Bella at lasing na lasing habang nakaakbay sa isang seksing babae na sa tingin ni Bella ay ang biktima ngayong gabi ng asawa. Bella hate this feeling she's enduring right now. Ang landi ng tawa ng babae habang ang asawa naman ni Bella ay enjoy na enjoy sa pakikipaghalikan sa higad. Tumikhim si Bella napansin siya ng babae pero ang asawa nuya tuloy lang sa paghalik sa higad. The woman smirked at Bella and kissed her husband. Gusto niyang maluha sa harapan nila pero pinigilan lang ito Bella at hindi nagsalita. Nakatingin lamang si Bella sa kanila. She bit her lower lip. Halos magdugo ang kanyang labi dahil sa pagpigil sa bibig na lumabas ang kahit anumang salita roon. Si Nay Greta ang nagsalita para kay Bella dahil hindi nito kaya at parang nauupos na kandila ang tuhod ng babae na handa ng matunaw. "Juro! Respeto naman! Nandito ang asawa mo talagang nagdala ka pa ng kabit mo rito!" sigaw ni Nay Greta. Alam ni Bella na mahal ng lalaki ang matanda dahil ito ang nagpalaki dito. Handa niya itong mapapagalitan pero si Bella? Hindi nito kaya. Itong nararamdaman ng babae ngayon ay napakasakit walang kasing-sakit mas masakit pa ito noong inatake siya sa puso. Mas masakit pa ito nang iniwan si Bella ng mga magulang niya. Nakatulala lang si Bella sa kanila parang may sariling mundo ang utak at puso nito na kinocomfort ang isa't-isa. Akmang sisigawan ng babae si Nay Greta nang patigilin ito ng lalaki. “Stop! Umuwi ka na lang, Divine!" sigaw ni Saxon sa sinabi ng babaeng nakaakbay sa dito at tinulak ito papalabas. Nagdadabog namang lumabas ang higad. Hindi bagay dito ang pangalan nitong Divine dahil walang ka-divine-divine sa kilos nito. Isa pa, higad ito. The woman scoffed and flipped its hair. Rinig na rinig pa ang paglalakad nitob papalabas dahil sa takong nito na kasing haba ng baba nito. Lalapitan na sana ni Bella ang lalaki upang tulungan dahil pagewang-gewag sa paglalakad ito ngunit malakas na tinulak ng lalaki si Bella dahilan upang matumba ang babae at sumalampak sa sahig. Hindi na ito humingi pa ng pasensya sa ginawa nitong pagtulak bagkus naglakad lang itong papaakyat habang sinisigaw ang masasakit na salita para sasa babae. "Gold-digger sl*t! Huwag na huwag mong papakita ang pagmumukha mo sa akin dahil sigurado ako na kung ano ang panget ng ugali mo siya ding panget ng mukha mo! Wala ka sa kalingkingan ng mga babae ko! And, news flash, b*tch! Kasal lang tayo sa papel huwag mong aasahang magiging asawa ako sa’yo o gagawin ko responsibilidad ko sa'yo! You will never be my wife!" Isang daang karayom ang tumutusok sa puso ni Bella. She was left dumbfounded with her tears rolling down. Bella was deeply hurt. Ang sakit at nanunuot sa puso niyang kapapalit lang. Napahawak siya sa dibdib. ‘Do I need to change my heart again?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD