Chapter 4

3427 Words
THE woman was amazed to see herself staring at the mirror. ‘Ako ba talaga ang nasa salamin. Alam ko namang hindi ako kagandahan ngunit hindi din naman ako panget pero ang tinitignan ko ngayon sa salamin ay isang napakagandang babaeng ikakasal.’ aniya sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang sarili.   Ito ang araw na pinakahihintay niya matapos ang kanyang operasyon.   She's anticipating it and she's also scared at the same time. Sinong hindi kakabahan at excited kung ni minsan ay hindi niya pa nakikita ang kanyang groom.   Hindi inaakala ng dalaga na may igaganda pa pala siya. The ugly duckling was turned into a gorgeous swan!   Kung gaano kabilis ang pagpapaopera sa kanya ni Lolo Jaime at ang pagpayag ng babae sa kasal ay ganoon din kabilis naayos ang lahat.   Tatlong buwan ang itinagal ni Bella sa ospital at nang makalabas ito ay agad na ang inasikaso niya. Ang pagpapakasal sa taong hindi niya pa nakilala o nakita man lang.   Wala siyang magagawa dahil malaki ang utang na loob niya sa matanda. Mas excited pa si Lolo Jaime kaysa sa mga ikakasal. Halos walang pagsidlan ang kasiyahan nito.   Ito ang tanging paraan ni Bella upang makabayad din ng utang sa matanda. Marami na itong nagawa sa kanya at hindi na niya ito mabilang pa.   "Oh' may gash girl! Pak na pak bagay na bagay kayo ng groom mo. Maganda ka gwapo siya! Perfect match!" Matinis na boses na saad ng baklang nag-aayos sa kay Bella.   Wala namang magawa ang dalaga habang tinotorture ng beautician ang buhok ni Bella.   Hindi mahilig maayos ang dalaga kaya umabot sa dalawang oras ang pag-aayos ng mga ito sa kanya kasama na ang make-up at pag-aayos sa buhok ni Bella.   ‘Kanina niya pa din sinasabi na gwapo ang pakakasalan ko hindi naman yon ang nais kong marinig. Ang tanong, mabait ba gaya ng Lolo niya?’ Bella told herself.   Ang bilis ng mga pangyayari at ngayon heto siya at ikakakasal na.   Wala namang dapat ireklamo si Bella sa kung anong magiging ugali ng pakakasalan niya.   Dahil una pa lamang ay kailangan na niyang mag-ingat lalo na ang kanyang puso dahil nadagdagan ang buhay niya at maaabot pa niya ang mga pangarap.   Hindi niya inakalang ganito pala kayaman si Don Jaime. Ang Hotel kung nasaan ang dalaga ngayon ay pagmamay-ari ni Don Jaime at hindi lamang ito basta hotel dahil ito ay five star hotel. Kilala ang Hotel na ito sa ibang bansa maging sa ibang bahagi ng Asya.   Dito sa Hotel nila gaganapin ang kasal, hindi sa Simbahan na pinapangarap ni Bella dahil ayaw ng apo ni Lolo jaime.   Nadismaya si Bella kahit naman utang na loob lamang ang dahilan ng kasalan na ito ay umaasa pa din ang dalaga na sana ay sa Simbahan sila ikakasal.   Bella smiled sadly. She did not expected this but, maybe this is her fate. Siya lang yata ang ikakasal na hindi masaya.   Mother Superior once said at them, kung ikakasal sila ay dapat sa harapan ng Diyos. Ang mga mata nito dapat ang saksi upang patunayang nagmamahalan sila at handa silang magkasama habang buhay.   Bella heard it her own ears when she was passing by in Don Fontanilla's Office.   Rinig na rinig niya nang pagtatalo ni Lolo Jaime at ng apo nito. Bella heard that Lolo Jaime's grandson doesn't want to marry her at the Church.   Galit na galit ang matanda dahil dapat sa Simbahan ang kasal nilang dalawa. Hindi man nakita ni Bella ang lalaki ngunit ang baritonong boses nito ang narinig ng babae.   Pinapapili nito ang matanda sa Hotel o walang kasalang magaganap. Ang babaeng ihaharap daw nito sa altar ay ang babaeng mahal lang nito hindi ang kung sino lang na pinili ng Lolo nito.   And, Don Jaime Fontanilla choose the Hotel.   Mas pinili nito ang una kaysa sa walang kasalang magaganap. And that's how Bella realized that the man does not want to wed her.   Marahil ay may malalim na dahilan kung bakit pumayag nalang ito sa kasal nila.   Nakatira si Bella nitong makalipas na araw sa Mansyon ni Don Fontanilla. Titira naman siya sa bahay ng apo nito kapag kasal na sila.   Nasaktan si Bella sa sinabi ng apo ni Lolo Jaime ngunit isinawalang-bahala nalang ito ng dalaga.   "Salamat,” sagot ni Bella sa baklang nag-aayos sa kanya.   ‘I know I am weak. My heart was fragile too but I will keep on telling myself that I am strong enough to face this. Kaya ko, kakayanin ko kung anuman ang consequences ng problemang kaharap ko kung anuman ang mangyayari sa akin Diyos na ang bahala.’ Pagpapalakas loob niya pa sa sarili kahit ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob.   She wished she has her parents now.   Alam niyang sila ang magiging pinakamasayang magulang sa mundo kapag nakita nila ang anak nilang maganda at ikinakasal. They would probably be happily smiling at their daughter.   Pasimpleng pinahidan ni Bella ang mga luhang tumulo sa mga mata niya upang hindi masira ang make-up niya.   Kung sana lang hindi niya narinig ang mga bagay na iyon mula sa lalaki ay hindi sana siya kakabahan ng ganito.   Takot si Bella sa lalaki lalo pa at hindi niya pa ito nakikita.   He's angry at Bella, hearing his voice arguing with his grandfather made the woman think that the man won't threat her like a husband would do.   Iba ang nararamdaman ng dalaga dito. Oras na pumasok at umoo siya sa kasalan na nasa Convention Hall nitong Hotel ay alam niyang siya na ring pagpaphirap sa buhay niya.   Nangako ito kay Don Fontanilla na hinding-hindi magiging masaya si Bella sa pagsasama nila na gagawin nitong impyerno ang buhay ng babae.   This statement of the man that she heard that day won't make Bella settle. She knew it well that the man would really make her life hell.   "Hala, tears of joy ba yan girl? Huwag ka ng umiyak baka maging panget ka niyan sa kasal mo. Alam ko namang masaya ka sa at ikakasal ka na pero huwag mo namang sirain ang masterpiece ko.” maarteng sabi ng bakla.   Kung pwede nga lang na ang beautician nalang ang pumalit sa puwesto niya ay ibibigay talaga ni Bella pero hindi  dahil nagbigay na ng mga salita ang babae at hindi na siya aatras roon.   May isa siyang salita. Gagawin ng babae kung ano ang ipinangako niya may isa itong salita. Kahit pa mahirapan man ito. Dumoble ang kaba sa puso ng babae nang may kumatok sa pintuan.   Alam ni Bella na organizer iyon ng kasal niya at narito ito upang sabihing handa na ang lahat. Bumukas ang pinto ng suite na inookyupa ni Bella.   Bumungad ang organizer na masaya siyang kinausap. Kung sana lamang na hawaan siya ng mga kasiyahan ng mga tao sa paligid niya ay sigurado siyang nginginitian niya ang mga ito.   "Miss Ricardo, pinapasundo na po kayo ni Don Jaime, mag-uumpisa na ang seremonyas ng kasal." Tama nga ang dalaga.   Narito ang organizer upang sunduin na ang babae para sa kasal nito.  Nagsitabihan na ang make-up artist ni Bella pati ang mga photographer na panay ang kuha sa dalaga ng litrato.   Sa taas ba naman ng traje de boda na pinasadya pa para sa kasal ni Bella ay kailangan pang tulungan ng dalawa ka-tao ang babae upang makalabas dito sa loob ng suite.   Nakasuot ng long sleeves na white gown na backless ang likod ang dalaga. Kamukha ng gown ni Kate Middleton noong ikinasal sila ni Prince Charles ang traje ni Bella ang pagkakaiba lang ang pakakasalan ng dalaga ay hindi niya Prinsipe.   She's not his Princess. She wants to be one but looks like she will be forever a pauper for love.   Hinawakan ng dalawang staff ng hotel ang dulo ng damit pangkasal ni Bella habang natatabunan ang mukha niya ng veil.   Hindi pa man nakakarating sa dulo ang babae ay naririnig na niya ang mga boses na nagbubulungan at nagtsistsimisan.   "Ang swerteng babae biruin mo kay Sir Saxon pa ikakasal, gwapo na mayaman pa." No, Bella think they are much lucky.   Hindi nila nararamdaman itong mararamdaman niyang kalungkutan. Her groom don't want to get marry with her.   Maswerte ang mga ito dahil wala silang karanasan na ganito nais sanang isigaw iyon ni Bella kanila ngunit nanatili na lamang siyang tahimik at pinakinggan ang mga panlilibak nila.   Nang makarating ako sa harap ng nakasaradong pintuan ng Convention Hall kung saan ang kasal ng dalaga at ang reception ng kasal.   Nasa labas si Lolo Jaime at inaantay siya. Ang matanda ang maghahatid sa kay Bella sa harap altar dahil wala na namang ibang pamilya si Bella maliban na lang sa mga taong nakilala niya at sina Mother Superior.   "You're beautiful hija." Lolo Jaime said.   Hinalikan nito sa pisngi si Bella at iginaya sa harap ng malaking pintuan ng Convention Hall nasa loob na daw ang mga flowe girls at nagmamartsa na kasama nila doon si Ray-Ray.   Tripleng kaba ang nararamdaman ni Bella. Nais man niyang umatras pero huli na. Hindi na maari pa.   Bumuntung-hininga muna ang dalaga at umusal pa na sana maging okay ang lahat at sana lang hindi mangyari sa kanya ang iniisip niya.   Inalalayan ang dalaga ni Lolo Jaime nang bumukas ang pintuan. Napasinghap pa si Bella nang pagmasdan ang buong Convention Hall.   Malalaking chandelier ay nakasabit sa kisame gold and black ang motif ng kasal ni Bella. Marahil ang lalaki din ang nagdesisyon ng lahat.   Wala siyang boses. sa sarili niyang kasal dahil kung siya ang pipiliin nais niyang puti at bahaghari ang motif ng kanyang kasal. Nais niya ng makulay dahil simbolo ito ng kasiyahan.   Bella silently smiled bitterly.   Ang mapapangasawa ng dalaga ay hindi man lamang nagpakita sa kanya noon pero alam na alam ng dalaga ang boses nito na siyang nagpapalipad ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ni Bella.   Hindi alam ng dalaga kung ano ang ibig sabihin noon dahil hindi pa naman siya nakakaramdam ng ganoong damdamin. Ngayon pa lamang at ito ang kauna-kaunahan.   Nag-umpisa ng tumugtog ang kanta ng kasal nilang dalawa.   Hindi niya alam kung ano ang kantang tumutugtog sa sarili niyang kasal. Tila siya naliligaw ng kasal, hindi niya ramdam na kanya ito. Hindi para sa kanya ang kasal na ito.   Mula sa kinanatayuan ni Bella ay kitang-kita niya ang lalaking naka-tuxedo at madilim ang anyo ng mukha.   Napasinghap ng lihim ang babae, siya ang pinakagwapong lalaking nakita ni Bella sa buong buhay nito.   Napakaamo ng kanyang mukha kahit pa madilim ang emosyon pinapalabas nito. Napakapula ng labi nito na siguro ay napakasarap halikan.   Ang maskulado nitong katawan siguro ay napakasarap yakap-yakapin. Sigurado siyang alagang-alaga ng lalaki ang sarili hindi tulad niya.   Bumilis ang t***k ng puso Bella. ‘Siya ba ang lalaking pakakasalan ko? Kung oo, pwede na siguro akong kunin ni Lord.’ Pwede na siguro siyang sumakabilang-buhay dahil sa nakikita ni Bella na anyo ng mukha ng lalaki.   Galit na galit ito at hindi nakatingin sa pakakasalan nito. Basta nakatingin lang lamang ito sa kung saan pero hindi sa bride nito.   Bella felt ashamed, her groom doesn't want her that's what she thought.   Kailan ba matatapos ang lakaran na ito? Parang gusto na ni Bella na maglaho nalang.   Sinong bride ang gugustuhig ikasal kung ang groom ay hindi makatingin sa kanyang bride? Sinong bride ang magiging masaya kung ang groom ay nakasimangot?   Pakiramdam tuloy ng dalaga ay ang pinakapanget na bride dahil hindi man lang siya tinitignan ng groom. She's doubting herself.   Kung pakakasalan niya ba ang binata o hindi dahil alam niyang hindi siya patatahimikin nito?   Walang alam si Bella sa kung anong mangyayari sa kanya o kung anong gagawin niya.   Ang tanong handa na ba siya? Handa na ba siyang maging asawa ng lalaking hindi naman siya gusto?   Bella knows she's starting to feel something at the man.   Boses pa nga lang nito at bulto ng katawan hindi na magkamayaw ang puso ni Bella sa pagtibok. Ngayon pa kayang nakita na niya ang mukha ng lalaki.   Can she face his wrath?   He doesn't want to marry her in the first place but he's Grandfather keeps on insisting it. Don Jaime Fontanilla forced him to do it.   Alam ni Bella na masama ang makinig sa usapan ng iba ngunit hindi niya mapigilan lalo pa at siya ang kanilang pinag-uusapan. Her heart started to beat fastly. Rinig na rinig niya ito.   Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Bella nang nasa harapan na siya ng binata ngunit hindi niya pa rin tinitignan ng lalaki.   "Alagaan mo siya Juro, kapag may nangyari sa kanya hindi mo alam ang gagawin ko sayo at sa mga babae mo. I meant it Juro. I really meant it,” madiing wika ni Lolo Jaime sa lalaki na siyang ikinalunok ng laway ni Bella dahil ramdam niya ang tensyon sa dalawa.   Oo nga at pabulong na sinabi iyon ni Lolo Jaime ngunit rinig na rinig ni Bella ito pati ng bestman ng lalaki.   Ang mas nakakagulat pa ay hindi pinansin ng lalaki si Lolo Jaime. He only scoffed and grabbed Bella's hands at Lolo Jaime's arms.   Mahigpit nitong hawak ang braso ng dalaga at pigang-piga ito ng lalaki. Napakagat nalang ng labi ang dalaga at pinigilan ang kahit anong salitang lalabas sa kanyang labi.   This is not a wedding she have been dreaming of.   Hindi sa ganitong sitwasyon. Bangungot ang nangyayari kay Bella at nais niya na sanang magising nang tuluyan. Iginaya ng lalako sa altar si Bella na ginawa ng mga organizer.   Nakangiting humarap sa kanila ang Pari kung sana lang ay ganyan din sana ang nararamdaman nito. Ngunit, hindi nasa isa siyang masamang panaginip at nais na niyang magising.   Kung sana ay hindi nalang siya pumayag pwede niya namang pagtrabahuhan ang utang na loob kay Lolo Jaime.   But, he left her with no choice dahil na rin lifetime ang iinumin gamot ng dalaga ay hindi soya pwedeng magpagod nang magpagod dahil baka ayawan siya ng bago niyang puso.   Nag-umpisa na ang seremonyas ng kasal okyupado ang utak ni Bella ng mga bagay na nangyayari sa buhay niya maging na rin ang sakit sa braso niya.   Bumabaon na ang kuko ng lalaki sa braso ni Bella. Napapikit ang dalaga aa sakit.   Hiling lang ng babae na sana ay hindi mapansin ng lahat ang nangyayari sa kanilang dalawa.   Napakasakit na ng ginagawa nito at nais na ni Bella itong tanggalin ngunit hindi pinapansin ng lalaki na nasasaktan na ang babae sa ginagawa nito.   Sa loob ng utak at puso ng dalaga ay umaalingawngaw ang mga luhang nagbabadyang gustong tumulo mula sa kanyang mga mata pero pinigilan lamang niya ito.   Ang parusang sinasabi ng lalaki ay nag-uumpisa na. Akala siguro ng lalaki ay pera lang nila ang habol ni Bella.    Mali ito, maling-mali ito dahil mas nanaisin pa ni Bella ang mga bagay na pinaghirapan niya kaysa ganito.   Wala ba itong puso at hindi nito makitang ang sakit-sakit na ng ginagawa nito sa dalaga? Hindi ba nito makita na pinipigilan lamang ni Bella ang pag-impit ng daing mula sa sakit na nararamdaman nito?   Sabagay, ayaw ni Bella na malaman ng iba ang dahilan kung bakit ng dalaga pinakasalan ang lalaki dahil lalabas na nagmumukhang kawawa at dukha at ang babae.   "Miss Bella Nisza Ricardo, Do you take this man to be your lawfully wedded-husband?" tanong ng Pari kay Bella nang nakangiti.   Pilit ang ngiting isinukli dito upang hindi mahalatang wala siya sa kanyang sarili.   "Opo Padre,” sagot ni Bella sa Pari.     Tumango-tango naman ito at tulala lang ang babae pagkatapos siyang tanungin ni Father maging ang tanong at sagot niya sa pagitan nila ni Father ay hindi niya alam at matandaan dahil sa napakagulo niyang isipan.   Ang tanging narinig nalang ng babae ay ang mga katagang you may kiss the bride na siyang nakikita at napapanood niya sa mga kasalang napuntahan niya.   Nag-antay si Bella na gawin iyon ng lalaki ngunit mas lalo lamang humigpit ang paghawak ng lalaki sa kanya.   She don't know but she is disappointed but she then, shrugged it off. What should she expect from a man who doesn't want a commitment?   "Mukhang mahiyain ang bagong kasal. I present to you, Mr. and Mrs. Jared Saxon Fontanilla." The Priest exclaimed.   Masigabong palakpakan ang namayani sa loob ng Convention Hall.   The Priest didn't know that the couple did not agree to this willingly although in Bella's part it was.   Humarap ang pares sa lahat kitang-kita ni Bella sa mga mukha ng mga dalagang narito ang pagkadismaya at pagkainggit.   Sa mga matatanda naman ay ang kasiyahan at palakpakan. Maganda sanang pakinggan na siya si Mrs. Saxon Juro Fontanilla sounds beautiful but she thinks it's not suits for her.   Bakit niya aakuin ang bagay na simula palang ay hindi na kanya?   Ayaw ng lalaki sa kanya ni ibigay ang pangalan niya pa kaya?   Marami ang bumati sa kanila pagkababa nila ng altar pinilit pa nilang magsayaw ang pares sa gitna ngunit tumanggi ang lalaki ganoon din ang paghagis ng garter at ng boquet. Lahat ng iyon ay tinanggihan ng lalaki. Ang bigat-bigat ng loob ni Bella.   Akala ng babae ay uupo na sila sa upuan hindi niya inaasahan ang lantaran nitong pagpapahiya sa babae lumabas ang lalaki sa Convention Hall na hindi nagpapaalam.   ‘Nahihiya ako para sa sarili ko deserve ko ba ito?’ She was humiliated infront of these socialites.   Walang nagawa si Bella kundi umalis sa gitna narinig niya nalang na inanunsyo ni Lolo Jaime na nagmamadali ang apo nita dahil may problema sa kompanya nila at kailangan ito roon.   Heto ang babae sa labas at nais makalanghap ng sariwang hangin nasa veranda ito ng Convention Hall at doon huminga ng malalim.   Gusto niyng lamunin na siya ng lupa kanina. Ang tanging nagawa niya nalang ay tumakbo rito.   Sa madilim na kalangitan namamayani ang kislapan ng mga butuin sana dalawa sa mga bituin iyan ay ang mga magulang niya na sana ay gabayan nila ang babaeng tila makakaranas na naman ng kahirapan sa loob nito.   "Are you okay hija?" She knows that voice it's from Lolo Jaime hindi siya nilingon ni Bella.   Nakatingin lang sa kalangitan ang dalaga nang sagutin nito ang tanong ng matanda.   Obvious naman ang sagot ni Bella na hindi pero hindi siya ganoong tao matanda pa din si Lolo at dapat galangin. Ayaw niyang mamilosopo.   "Okay lang ako Lolo, huwag kayong mag-alala." sagot ni Bella ngunit kabaliktaran nito ang totoong nararamdaman nita.   He wants best for his Grandson ang ipinagtataka lang ni Bella bakit siya pa?   Wala naman siyang maipagmamalaki sa matanda bukod sa kanyang mga prinsipyo.   At sa totoo lang, alam naman ng babae na hindi siya matutunang mahalin ng apo nito.    A cassanova is afraid of commitment that's why he's angry with Bella.   Marami-rami rin ang nalaman ng babae sa lalaki mula sa internet kaya imposible ang gustong mangyari ng matanda.   "Pasensya ka na hija, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng apo ko." Okay lang naman sa Bella iyon hindi naman siya nagtatanim ng galit pero kung sana man lang binigyan ng lalaki nang pagkakataon ang relasyong ito kung meron mang matatawag na relasyon ito.   Marahil, magiging masaya sila. Bella faced Lolo Jaime with bravery. She knows what she doing.   Pinalaki ang babae ng mga madre na may takot sa Diyos at may pagpapahalaga sa damdamin sa sarili at sa iba.   Ayaw man niyang saktan ang loob ng matanda ay gagawin niya pa din ang hindi dapat.   "Lo, six months lang po ito kapag ayaw niya pa din sa akin ako na po ang hihiling sa inyo na maghiwalay kami hindi po ako makasarili para ikulong ang isang tao sa kasalang hindi naman niya ako mahal. Babayaran ko nalang po ang utang na pagpapaopera sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD