Chapter 3

2727 Words
SA mga nakaraang araw hindi alam ng dalaga kung anong nangyayari sa kanya palagian nalang sumasakit ang kanyang dibdib at halos hindi na ito makahinga. Kani-kanina lang ay nahihilo ito pero hindi niya lang pinapahalata sa mga kasamahan. Sayang din ang isang araw na pamamahinga dalawa na sila ngayon ni Ray-Ray na kumakain. Naawa talaga si Bella sa batang ‘yon kaya pinilit niya ang sarili na alagaan ito kahit hindi alam ng dalaga kung papano pero salamat sa Diyos at naalagaan naman ito ng dalaga nang mabuti. Masaya si Bella at kahit papano ay may nakakasama siya sa bahay niya. Ang kulit ng batang ‘yon akala niya ay tahimik lang pero ang ingay pala at naaaliw si Bella sa kabibohan ng bata. "Bella, namumutla ka ah? Ayos ko lang ba?" nag-aalalang tanong ng mga kasamahan nito. Dalawa sila ngayon ang nakatuka bilang kahera. Mabuti na lamang at wala masyadong customer dahil araw ng Huwebes usually kasi napupuno lang ang kainan tuwing Sabado at Linggo. "Oo naman, okay na okay,” sagot ng dalaga kahit hindi naman. Sa totoo lang kanina pa naninikip ang dibdib nito at tila pinipiga ito ng husto ngunit sinawalang-bahala lamang ito ng dalaga Ayaw niyang mapauwi dahil lang sa ganito para ito sa kanyang pag-iipon at para na rin sa pag-aaral niya. "Sigurado ka, pwede ka namang mag-undertime nalang wala namang masyadong customer kaya ko na ito magpaalam ka nalang sa Manager natin,” nag-aalala niyang sabi kay Bella. ‘Ang kulit talaga ng isang ito katulad niya si Ray-Ray speaking of that little devil mabuti at napakiusapan ko si Manang Amelia na iiwan ko muna sa kanya ang alaga ko hindi naman daw nakakaistorbo ang bata.’ aniya sa sarili. Pala-kanta at pala-sayaw kasi si Ray-Ray at hindi katulad ng ibang bata na napakasutil at hindi mapagsabihan iyong batang iyon isang sabi lang ay tatahimik siya agad at hihingi ng pasensya kaya nga nagtataka si Bella kung sino ang walangyang magulang na nag-iwan ng ganoon ka-cute at kabait na bata. Maasahan din ang batang ‘yon sa paghuhugas at pagwawalis ng bahay. Walang problema si Bella sa batang ‘yon. "Sige na Bella, ako na bahala dito promise okay lang talaga. Ang putla-putla mo friend,” hindi mapalagay nitong wika habang panay ang tingin sa dalaga. Napangiti nalamang si Bella basta mabuti ang isang tao may mga kapwa talagang magmamahal at mag-aalaga sa’yo 'yon lamang naman ang sekreto ng isang taong nirerespeto at pinapahalagahan ng iba. Magsasalita pa sana si Bella nang magsalita din ang kasamahan nilang lalaki na nahahatid ng mga order. "Oo nga Bella, wala namang mawawala kung uunahin mo muna ang kalusugan mo." Napailing nalang ang dalaga at tinanguan sila. ‘Gusto ko talaga ang mga taong kasama ko mahirap man kami totoong tao naman kami at hindi nagsisiraan gaya ng iba. Ano pang magagawa ko kung one against two ang labanan?’ Pag-iling-iling pa ng dalaga pero may ngiti sa labi naman. Hinubad nito ang apron at umalis na sa puwesto nito. Maglalakad na sana ang dalaga nang maramdaman ang bugso ng paninikip ng dibdib this time mas masakit at mas nanunuot sa bawat parte ng katawan nito hindi lang ang buo niyang katawan ang namanhid pati narin ang mga paa nito. Hindi makalakad o makahakbang man lamang si Bella. Anong nangyayari? Biglaan itong napakapit sa kung saan hindi niya alam kung ano 'yon dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata. Narinig niya na lamang na may nahulog at ramdam niyang nasa malamig na sahig na siya. Rinig na rinig din ng dalaga ang mga boses ng kasamahan na nagsisigawan at humihingi ng tulong. "Tumawag kayo ng ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!" Hestirikal na sigaw ng mga kasamahan ni Bella habang nagpa-panic at hindi alam ang gagawin. Bago pa nilamon ng kadiliman ang babae ay mga boses lang nila ang naririnig nito at mga yabag at pagbuhat nila ay naramdaman nito. ‘Mamatay na ba ako?’ Tanong nito sa sarili habang kusang pumikit ang kanyang mga mata. NAGISING si Bella sa ospital. ‘Teka, bakit mukhang mamahalin ang kuwartong pinaglagakan nila sa akin?’ aniya nang imulat ang mga mata. Wala siyang perang pambayad dito akmang tatayo na si Bella nang mapansing may nakakabit na aparato sa kanyang ilong maging na rin sa iba pang parte ng kanyang katawan lalo na sa dibdib. Nangunot ang noo ni Bella sa dami nitong mga nakakabit sa katawan niya hindi niya alam na malala ang kanyang sakit. Hindi nito alam kung anong nangyayari kanya pero isa lang ang alam niya may hindi magandang mangyayari sa kanya. Pilit nitong itinayo ang sarili ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto bumungad sa kanya ang dalawang Nurse at Doktor. Nanlaki ang mga mata nila sa kilos ng dalaga at agad na lumapit dito. "Ma’am, bawal po kayong tumayo makakasama po sa kalagayan n’yo,” sabi ng isa. ‘Makakasama sa kalagayan ko? Ano nga ba ang kalagayan ko? Ang natatandaan ko lang nasa trabaho ako at hinimatay ako hindi naman malala ang pagkakahimatay ko hindi ba?’ nagtatakang wika niya sa sarili. Bakit ang o-oa nila? "Doc, pwede na po ba akong lumabas wala po akong pambayad dito eh' sigurado po akong mahal ang kuwartong pinapagamit niyo sa akin." Imbis na sarili nito ang alalahanin ang kuwartong kinalalagakan niya at nabanggit. Totoo naman wala siyang pambayad dito hirap na nga siyang buhayin ang sarili tapos ilalagay pa nila ang dalaga sa mamamahaling kuwarto wala namang siyang pambayad dito. Napailing ang Doktor na lumapit sa dalaga at tsinek muna ang mga nakakabit sa kanya kung maayos ba o hindi may mga sinabi ito sa mga Nurse na hindi maintindihan ng babae dahil hindi pa naman siya Medical Student. Nagtataka si Bella dahil seryoso ang mga mukha nila at panay ang tingin sa nila sa kanya. Nang matapos ang Doktor sa pagpapaliwanag sa mga Nurse at binalingan ang dalaga. Seryoso at halos hindi makahinga si Bella hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya. "Miss Ricardo, alam niyo naman po sigurong nahimatay kayo, hindi ba?" tanong nito sa dalaga na agad naman nitong tinanguan. Ang tono ng boses ng Doktor ay nakita na ni Bella noon sa telebisyon. Ang tonong ito ay bang may sasabihin ito sa pasyente nitong mamatay na o malala na ang sakit. Lihim na nagdadasal ang dalaga na walang mangyaring masama sa kanya. "Isang linggo kang tulog hija, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa Miss Ricardo, you need a heart transplant kailangan iyon dahil sa butas na nakita namin sa puso mo kaya naninikip ang dibdib mo at hirap kang huminga. Your condition was inherited may isa sa pamilya mong may sakit sa puso noon at namana mo ito ngayon kung hindi maagapan. I'm sorry to say this but you'll die." He added. ‘Tila gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Isang linggo akong natulog? At ano daw may butas ang puso ko? Bakit? Bakit ako pa? Naging mabuting tao naman ako hindi ba? Ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting kapwa sa ibang tao pero bakit ako pa?’ she shouted painfully in her mind. She was devastated. She can’t do anything but cry. She’s helpless. Bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Bella hindi na niya naririnig ang paliwang ng Doktor dahil panay nalang ang buhos ng kanyang mga luha. Namatay ang kanyang Lola sa sakit sa puso noong bata pa siya kaya siguro sa matanda niya namana ang sakit na ito. Nasa isipan ni Bella na tila yata sa kanya binuhos ni Lord ang lahat ng pagsubok sa buhay. "Kailangan nating magmadali Miss Ricardo, kung hindi maari kang mamatay." Saan siya kukuha ng malaking halaga upang maipagamot ang sarili para mabuhay? Wala siya ni isang pamilya na tutulong sa kanya. Kapalaran niya na nga siguro ang mamatay nang ganito. Kailangan niya na yatang ihanda ang sarili sa consequences ng sakit na ito. Nginitian ni Bella ang Doktor na siyang ikinagulat nito marahil hindi ito makapaniwala na ang pasyente niyang mamatay na ay nakuha pa ding ngumiti. "Wala akong perang pampagamot Doc, baka nga mamatay nalang ako hindi ko pa mabayaran ang hospital bills ko,” prangka niyang sabi sa Doktor. Isang tapat na tao si Bella at kahit kailan ay niyang makukuhang magsinungaling sa kahit na sino. Kung ito man ang kagustuhan ng Poong Maykapal wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat pagsubok man ito o talagang oras na niya ay wala siyang magagawa kundi ang mag-antay. Bago pa man magsalita ang Doktor ay bumukas na naman ang pinto ng kuwarto ni Bella. Ang dami yatang bisita ni Bella gayong nag-iisa lamang siya sa buhay? Pwera kay Manang Amelia at Ray-ray na malapit kay Bella pero hindi sila ang inaasahan bisita ng babae kundi ang matandang tinulungan niya noon. Minsan ay binibisita sila ni Ray-ray sa bahay nito upang makipagkuwentuhan. Hindi maarte ang matanda kahit pa halos hindi sila magkasya sa loob ng tahanan ni Bella. Yumuko ang Doktor at Nurse sa kanya. "Mr. Fontanilla, narito po pala kayo. Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" Nakayukong pagbati nito kay Don Jamie Fontanilla. Kilala ni Bella ang matanda. Masaya kausap si Don Jaime tsaka walang halong kaplastikan hindi tulad ng ibang mayayaman pero mukhang hindi lang ito mayaman. Mayamang-mayaman. "So Doc, kailan gagawin ang operasyon?" agad na tanong ng matanda sa Doktor. Umupo pa ang Don sa sofa na nasa harapan ng kamang hinihigaan ko. Lolo ang tawag ni Bella sa matanda dahil ito ang nais ng Don na itawag nito. Mamahalin ang kuwartong ito baka pagnamatay siya mukhang sa lupa na walang nitso siya malilibing nito. ‘Teka, anong operasyon sinasabi ni Lolo?’ tanong ni Bella sa sarili nito. "As soon as possible po Don Jaime, pero mukhang hindi yata handa ang pasyente dahil wala daw po siyang pambayad.” sagot ng Doktor nang may mahinang pagtawa. Nais sanang iwagayway ni Bella ang kamay upang sabihing nasa harapan nila ang dalaga. ‘Ako ang pinag-uusapan nila nasa harapan lang kaya nila ako. Rebulto o manikin ba ako dito? Pagdiinan mo pang wala akong pera Doc baka ikaw ang ipalit ko dito sa puwesto ko.’ Dagdag niya nang may kasamang inis. Napatawa ng mahina si Don Jaime mukhang narinig nito ang sinabi niya nang mahina bago tumingin sa Dokor. "Iwan mo muna kami Doc, ako na ang bahala dito pahanda mo nalang ang dapat ipahanda sa operasyon niya." Utos nito sa Doktor na para bang ito ang may-ari ng ospital na ito. Marahil ito nga siguro ang may-ari nito. Alam naman ni Bella na mayaman ito pero hindi naman iyon ang iniintindi ng dalaga dahil bilang na ang mga araw nito. Pinagmasdan niya ang kisame ng kuwarto kung nasaan siya. Kapag mamatay siya wala masyadong pupunta sa libing niya. Maiiwan niya si Ray-ray na mag-isa hindi niya matutupad ang pangako na aalalagaan niya ang bata, hindi mapigilan ni Bella na hindi isipin ang mga bagay na iyon na gumugulo sa kanyang isipan at hindi niya mapigilan ang tubig na nag-uumpisa na naming umagos sa mga mata niya. This is her fate she has to face it. Naramdaman niya na may kamay na tumapik sa balikat niya. Nang lingunin ito ay si Lolo Jaime lang pala, kimi siyang ngumiti sa matanda habang may mga luha sa kanyang mga mata. "Mamatay na ako Lolo, mamatay na ako... naawa ako kay Ray-Ray naawa ako sa sarili ko. Madami pa akong pangarap ngunit hindi ko na ito matutupad pa,” sabi ni Bella sa pagitan ng pagsinok at pag-iyak. Pangarap niyang mapatayuan ng eskwelahan ang mga bata sa Orphanage na pinanggalingan niya. Pangarap niyang makasama pa si Ray-ray at makauwi kay Mother Superior. Gusto ni Bella na makita pa silang lahat pati na ang mga batang naging mga parang mga tunay niyang mga kapatid. Nalulungkot si Bella dahil hindi na niya iyon matutupad pa biglang niyakap ni Bella si Lolo Jaime para niya na itong Ama at matalik na kaibigan sa makalipas na araw. Nakilala niyang lubusan ang mabait na matanda. Narinig niya ang sarili na pumapalahaw ng iyak ang kanina ay ipinakita niya lang sa Doktor na malakas siya na kaya niya ang sarili niya pero ngayon tila nanghina na si Bella dahil sa realisasyong lilisanin niya na ang mundong ginalawan niya. "Shhh, hindi ka pa mamatay Bella hindi ka pa mamatay sisiguraduhin ko iyon napakabuti mo para mamatay lang." Pang-aalo ni Lolo Jaime sa dalaga. Oo, tama si Lolo Jaime wala siyang ginawang masama sa buhay niya. Biglang nanikip ang dibdib ni Bella dahil sa pag-iyak ko at pagsinok-sinok. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inha – "Lo–! Hindi ako maka–hinga!” nagpapanic na sabi ni Bella sa matanda habang hawak ang dibdib nito. Nahihirapan siyang huminga. Dali-dali namang pinindot ni Lolo ang intercom para tawagin ang Doktor. Ilang sandali lang ay naroon na sila at tinutulungan siyang huminga. Ibinalik nila ang oxygen na tinanggal ng Nurse kanina at pinahiga si Bella ulit. Unti-unti nang bumalik ang paghinga ni Bella na normal. "Anong nagyayari sa kanya, Doc?" nag-aalalang tanong ni Lolo sa Doktor hindi na nagsalita si Bella dahil parang pagod na pagod na pagod sa nangyayari sa sarili niya at sa buhay niya. "Hindi siya pwedeng maging sobrang masaya o sobrang maging malungkot Don Jaime dahil makakasama ito sa kalagayan ng puso niya ngayon hangga't hindi pa siya naooperahan at napapalitan ang puso niya." Paliwanag ng Doktor tumango-tango naman si Lolo Jaime habang nakahawak sa baba nito at tila nag-iisip pati yata sa ibang tao purwisyo siya. Ipinikit niya ang mga mata at tumulo ang mga luha niya. ‘Tandaan mo ang sabi ng Doktor, Bella para kahit papano ay tumagal ang buhay mo bawal kang maging sobrang saya o sobrang lungkot sundin mo palagi iyon para mabuhay ka pa kahit papano.’ Pagpapagaan niya ng loob sa sarili. "Sige Doc, ako na mismo tatawag sa Philippine Heart Center para sa puso na ipapalit sa puso ng grandaughter-in-law ko. Ihanda mo na ang operating room ngayundin,” sabi ni Lolo Jaime sa Doktor. Inutusan nito ang Doktor na umalis at gawin ang dapat gawin pero teka nabingi yata si Bella sa sinabi ni Lolo. “Grandaugther-in-law?” she asked at Lolo Jaime and at him. Ano ang pinagsasabi ng matanda? Nakita niyang nakatitig si Bella sa kanya kaya napabuntonghininga ang matanda at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay ni Bella na walang nakakabit na dextrose. "Ako ang bahala sa operasyon mo Bella, ang hiling ko lang sana ay pakasalan mo ang apo ko,” nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ni Don Jaime. Hindi makapagsalita ang dalaga sa tinuran ng matanda. ‘Ako? Ipakakasal niya sa apo niya? Teka! Hindi naman ako desperada para mabuhay lang.’ aniya sa sarili. "Huwag kang magsalita hija, hayaan mo akong magsalita. Nagtataka ka kung bakit narito ka sa kuwarto na ito? Tumatanaw lang ako ng utang na loob sa pagtulong mo sa akin noon walang kahalintulad ang katapangang ipinakita mo noon kaya tinutulungan kita gaya ng pagtulong mo sa akin. Alam ko namang hindi ka katulad ng ibang babae dyan na pera lang ang iniisip kaya ikaw ang pinili ko para sa apo ko. Gusto mo pang mabuhay hindi ba? May pangarap ka pa? Hayaan mong tulungan kita hayaang mong maging asawa ka ng apo ko upang gumaling ka at matupad mo ang pangarap mo. Unang kita ko palang sa'yo alam ko ng magiging mabuting may-bahay ka sa apo ko," mahaba nitong paliwanag sa dalaga at ang tangi lang nagawa ni Bella ay ngumanga sa sinabi nito. ‘Talaga bang iyon ang tingin ni Lolo Jaime sa akin, nakakagalak ang puso ko. Kahit pa may sakit na itong puso ko pero paano ang apo niya?’ wika niya pa sa sarili nang may pag-aalinlangan. Hindi pa siya kilala ng dalaga pero mabait naman si Lolo kaya mabait din siguro ang apo nito, mahirap lang si Bella pero hindi niya inaabuso ang mga tao sa paligid niya. Kung ito lang ang tanging paraan upang mabuhay siya at upang matupad ang pangarap niya ay susuklian iyon ni Bella para kay Lolo Jaime. Ayaw niya ding iwan si Ray-Ray. Ilang araw palang niyang nakakasama ang bata pero mahal na mahal niya ang batang yon at kung ang pagpapakasal sa isang taong kahit kailan ay hindi niya pa nakikita ang magagawa niya. ‘Sige gagawin ko, grabeng utang na loob ito at hindi ko na maaring bawiin pa.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD