Chapter 2

2297 Words
‘THANK Goodness! Nakahanap din ako ng trabaho. Isang Service Crew ng isang fastfood chain. Hinditalaga ako pinabayaan ni God. Thank you so much, Lord!’ Bulalas ni Bella sa sarili na galak na galak dahil sa pangyayaring ito sa buhay niya. Isang buwang mahigit na din siyang nagtatrabaho doon buti nalang nang araw na umalis siya sa palaruan ng mga bata ay nakahanap agad ng trabaho at panandaliang matitirhan ang dalaga dahil kung hindi, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin. Masaya ang babae at kahit papano ay nakaraos ito. Ngayon ay papuuwi na ito sa tinutuluyang bahay o mas tamang sabihing barung-barong nito. Maaga ang shift nito sa trabaho mula ala-sais nang umaga hanggang alas-tres ng hapon pagkatapos noon ay pupunta naman si Bella sa isa pa niyang trabaho ang pagiging Street Sweeper. Kailangan niyang dumoble kayod kung hindi mamatay siya sa gutom. Wala namang magagawa si Bella dahil sa panahon ngayon mas mahal pa ang pagkain kaysa sa mga gamit. Base na rin kasi iyon sa standard of living ng isang lungsod at dito sa Maynila ay sadyang napakamahal ng mga pagkain kaya walang magagawa ang dalaga kundi ang kumayod pagurin ang sarili nito. Tinignan niya ang luma niyang relo na bigay sa kanya ng Ina Mama noon pamanaw ito. Bigay din ito ng Lola niya at pinapaspasa sa mga anak. Napakahaga nito sa kanya dahil ito na lamang ang tanging naiwang alaala sa kanyang Ina. Hindi niya ito tinatanggal kahit pa luma na ito. The watched isn’t expensive but it has a sentimental value. Tapos na ang shift ng dalaga sa Fast Food. Pinahidan niya ng towel ang kanyang noo tapos na din siyang maglinis at magmop sa buong Fast Food Chain na pinapasukan niya. Kailangan na naman niyang maghanda para sa susunod na trabaho. "Bell, tapos na shift mo. Layas na,” pabirong sabi ng isa nitong katrabahong lalaki na siyang ikinatawa ni Bella. Masaya ang dalaga dahil kasundo niya ang mga katrabaho niya hindi katulad sa dati nitong pinagtatrabahuan. Dito, lahat ng mga katrabaho niya ay mga pala-ngiti at pala-biro na siyang gustong-gusto ng dalaga. "Oo nga, Bells, mag-out ka na kami na bahala rito,” sabi din ng isa pa. Napailing si Bella. Alam nila ang sitwasyon ng dalaga. Nagkakandakuba na ito sa pagtatrabaho upang makapag-ipon upang hindi naman habang-buhay ganito nalang ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil nais din naman ng dalaga na umangat. Pangarap ni Bella na maging isang Doktor. Gusto nitong makatulong sa mga mahihirap na may sakit na walang bayad. Naniniwala ang dalaga na kapag gumawa ng mabuti sa kapwa ay babalik din ay mabuti sa kanya. "Okay, guys, salamat sa inyo. Una na ako," paalam ni Bella sa mga kasamahan at tinanggal ang apron at cap nito. This is her daily routine. Sa umaga isang Service Crew at sa hapon isang Street Sweeper. Ang dalawang trabahong iyon ang siyang pinagkukunan niya ng pambili ng pagkain at upang makaipon nang mabilis. Sa tulong na rin nang nagpapaupa ng barung-barong na si Aling Amelia mabait ang matanda pumayag itong tumira ang dalaga sa pinapaupahan nito na wala munang deposito sabi nga nito ay sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong mahihirap din. Nagtime-out na ang dalaga at dali-daling nagbihis sa locker ng mga babae. Agad nitong itinirintas ulit ang buhok at kinuha ang bag sa locker nito. Inayos din ni Bella ang pagkabuhol ng liston ng sapatos nito at lumabas na sa Fast Food Chain. "Bye, guys!" Kaway ng dalaga kanila at tumakbo. Walking distance lang naman ang bahay nito at ang pinagtatrabahuan kaya naman makakatipid pa ang dalaga. Bawat sentimos na lumalabas sa bulsa ni Bella ay bilang na bilang at hindi siya ang tipo ng taong magastos turo iyon ng mga Madre sa bahay-ampunan sa kanya. Kung wala din naman daw siyang paggagamitang importante huwag nalang galawin ang perang tinatago niya. Mula nang lumabas sa bahay-ampunan si Bella dahil wala namang umaampon sa kanya ay natuto siyang makibagay sa kung anong meron siya mula nang mapadpad siya dito sa Maynila. Mahirap at delikado ngunit hanggang ngayon ay buhay pa naman siya na siyang pinagpapasalamat niya sa araw-araw. Natuto din si Bella na kumain na kung ano lamang ang nasa hapag iyon na iyon huwag ng umarte dahil walang mangyayari kung puro arte lamang ang alam ng isang tao. Minsan sardinas, minsan saging o hindi naman kaya ay tubig at asin ang ulam ng babae pero kadalasan wala pero hindi nagreklamo ang dalaga dahil alam nitong mas nagugutom pa kaysa sa kanya. Mabilis itong nakarating sa harapan ng bahay kung saan nag-aantay si Manang Amelia sa kanya. Humahangos ang dalaga ngunit nakangiti pa din si Bella. Magaan ang loob ng dalaga sa matanda dahil sa maganda ang ugali nito. "Naku bata ka, huwag ka ngang tumakbo mas lalo kang mapapagod niyan," pangaral nito sa kanya. Bella smiled again. ‘Nginitian mo lang ang problema siguradong ikaw ay sasaya pa lilipas din yan at makakahanap ka din ng paraan ang mahalaga ay wala kang ginawang masama upang malampasan mo ang problemang iyon.’ Bella loves to smile. This is her way to ease her worries and problems. "Nanay Amelia talaga, opo hindi na po ako tatakbo maglalakad nalang ako. Sige po Nanay, magbibihis muna ako ng pang-itaas ko,” wika ng dalaga sa matanda na mabilis na pumasok sa hindi kalakihang barung-barong nito. Si Manang Amelia ang kasama ni Bella bilang Street Sweeper. Ang matanda din kasi ang nagpasok sa kanya doon. Naki-usap si Amelie sa Barangay Kapitan ng lugar na ito kaya heto magtatrabaho na ulit ang dalaga. Pagkatapos nitong magbihis ay kinuha na ni Bella ang walis at dustpan na palagi nilang dala bilang gamit sa paglilinis nila sa kalsada ni Manang Amelia. Sinarhan ni Bella ulit ang bahay nito at agad na kumapit ang kamay sa bisig matanda upang akayin ito. "Halika na, Nanay! Today is a beautiful day! Pagagandahin at lilinisin na naman natin ang kalsada para maging kasing ganda natin,” masayang sambit ni Bella sa matanda na may kasamang pagtalon-talon pa. Nasisiyahan talaga ito kapag naglilinis. Masinop na tao si Bella at nag-eenjoy itong panoorin ang mga kalyeng malinis pati na rin ang mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada. Tawa lang ang sagot ng matanda sa kay Bella. Naglakad lang sila dahil malapit lang naman ang kalyeng nililinisan nila. ‘Bakit pa kami sasakay kong malapit lang naman tipid-tipid tayo para sa hinaharap baka may mas mapaggagamitan pa doon.’ ani ni Bella sa sarili. Dumaan sila sa tulay bago nakarating sa paroroonan. Malapit Park ang nililinisan nila. Inumpisahan agad nila ng matanda ang paglilinis nang makarating. Pinahidan niya na muna ang pawis at pinagmasdan muna ang Park at ang kalsada sa tabi nito. Ito ang problema sa Maynila, isa nga itong maunlad na siyudad ngunit maraming nakikitang mga batang pulubi. Nagkalat sila sa lugar na pinaglilinisan ni Bella at Manang Amelia. Ang iba sa kanila ay nakahiga sa tabi, ang iba naman ay naghahabulan na para bang walang problema. Naalala tuloy ni Bella ang mga bata sa Orphanage na pinanggalingan nito katulad nila ay mahilig din na maglaro ito. Ang problema lang sa mga batang narito ay walang nag-aasikaso sa kanila samantalang sa Orphanage na pinanggalingan ni Bella ay hindi pinaramdam ng mga Madre na wala silang mga magulang. Minahal ng mga Madre ang mga bata sa ampunan na para nila tunay na mga anak kung hindi nga lang sa batas ng Orphanage na hindi na pwedeng manatili roon ang isang labing-anim na taong gulang na dalagita ayaw pa sanang paalisin si Bella nila Mother Superior pero dahil wala silang nagawa umiiyak na lamang silang nagpaalam sa dalaga. Bumuntonghininga ang dalaga at pilit na iwinaglit sa kanyang isipan ang bahay-ampunan. Balang-araw ay makakabalik rin siya sa Mindanao at makakasama niya ulit sila Mother Superior at ang iba pang mga taong nagpalaki sa kanya simula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Inayos ni Bella ang mask na nakatakip sa ilong at bibig niya dahil sa mga sasakyang dumadaan na air pollution ang malalanghap dito sa Maynila. Kung hindi lang sana puro korupsyon at kung alam lang sana ng tao ang maging isang huwarang mamayan sigurado walang trapiko at walang mga polusyon. "Ate, Ate, penge po pagkain." Napatingin si Bella sa batang babae nang bigla nitong hilahin ang laylayan ng long sleeve nito na siya lang namang pumukaw sa pag-iisip ni Bella na lumilipad habang naglilinis. Pinagmasdan niya ang cute ng batang ito na alam ni Bella na kapag nalinisan ang damit na puno ng dumi maging ang katawan nito ay lilitaw ang kakyutan nito. Marahil pati ang damit kapag napalitan ay siguradong walang makakilala sa bata sa anyo nito. "Ate, penge po pagkain gutom na po ako," naiiyak nitong pagmamakaawa kay Bella tila naman hinaplos ang puso ng dalaga sa nakikita nito ngayon. Ang bata ay nagmamakaawang bigyan niya ito ng pagkain. Nakikita ni Bella ang sarili sa bata noon. "Nasaan ba mga magulang mo? Bibigyan kita ng pagkain pero sabihin mo muna kung nasaan sila at nang maihatid na kita." Naupo si Bella sa harapan ng bata upang pumantay dito. Itinigil muna nito ang paglilinis at nag-antay ng sagot sa bata pero imbis na sumagot ay lumuha lang ito at kinagat ang labi. Nag-panic ang kalooban ng dalaga. “Teka, may nagawa ba akong masama?” tanong ni Bella nang nag-aalala. Umiling naman ang bata. "Wala na po akong mga magulang, lumaki pa ako dito sa kalsada kasama sila,” umiiyak na sabi nito at tinuro pa ang iba pang mga batang naglalaro. Nanlaki ang mga mata ni Bella. Sinong magulang ang basta nalang iniiwanan ang anak sa ganitong lugar? Hula ng babae ay ang bata ay may limang taong gulang na. ‘Kawawa naman, ang ibang mga mag-asawa ay hindi biniyayaan ng anak samantalang ang iba naman ay pinapabayaan o kaya naman ay tinapon. Talaga bang ganito na ang realidad na nasa harapan niya bawat bagay ay mali?’ Katanungang nasa isipan ni Bella. "Kawawa ka naman pala, sige heto ubusin mo ha?" Kinuha ng dalaga ang burger na nasa bag at binigay bata. Sana man lang kahit yan ay makatulong sa pagpawi ng gutom nito. Inabot ni Bella sa bata ang burger na agad na nilantakan nito. Gutom na gutom ang bata na halos pati kamay nito ay nakagat niya pa. "Ginugulo ka ba ng batang ito, hija?" tanong ni Manang Amelia na nasa tabi ni Bella. Umiling lamang ang dalaga habang pinapanood ang batang kumakain ng burger na binigay nito. Kabutihang asal 'yon, kapag meron ka mabigay ka kung wala eh’ hindi, pasensya. "Naawa po ako sa bata Nay, tignan niyo gutom na gutom." Nguso ni Bella sa bata. ‘Ilang buwan na kaya itong hindi nakakain nang maayos? Kawawa naman, kung mayaman lang ako pagagawan ko sila ng matutuluyan kaya lang pare-parehas kaming mga dukha wala naman akong magawa pero sana naman kahit na sa konting bagay na ito at least nakatulong.’ malungkot na wika ni Bella sa isipan. Ngumiti ang bata sa kay Bella, nginitian din niya ito pabalik at ginulo ang buhok nito. "Ang bait mo talaga bata ka, nakatulong din sayo ang pagpapalaki ng mga Madre sa’yo,” sabi ng matanda at tumabi sa dalawa na nakaupo sa sidewalk. Pansin ng dalaga ay hapong-hapo na ang matanda kaya kinuha nito ang plastic na bote sa loob ng sling bag nito at ibinigay sa matanda ang tubig. Umiling si Manang Amelia pero determinado si Bella na ibigay iyon sa kanya. Okay lang naman na wala ang dalaga, huwag lang ang mga mahahalagang tao sa paligid nito ganoon kung magpahalaga si Bella sa mga taong tumutulong sa kanya. Buntonghiningang tinanggap ito ni Manang Amelia. Sabay silang tatlong naupo habang nagpapahinga sandali nang may sumigaw na siyang nakapukaw ng pansin ni Bella. "Tulong! Tulong! Magnanakaw! Magnanakaw!" Narinig nilang sigaw. Kitang-kita ang matanda na hinahabol ang magnanakaw na dala-dala ang isang attache case. “Loko-loko iyon ah' pati matanda pinatos ang laki ng katawan ayaw magtrabaho,” inis na wika ni Bella. Dahil sa inis ng dalaga ay nakaisip ito ng paraan dahil sa direksyon nila dadaan ang magnanakaw. Napangisi ang dalaga. Nang paparating na ito ay agad na iniharang ng dalaga ang isa nitong paa dahilan upang mapasubsob ang magnanakaw. Pagkatapos noon ay malakas siyang hinataw at pinaghahampas ng walis ni Bella hindi ito tinigilan ng dalaga hanggang ang mga Barangay Tanod na mismo ang nagpatigil sa kanya. Sinamaan sila ng tingin ni Bella kung saan nahuli na ngayon pa lang sila nakarating. "Bakit ngayon lang kayo palagi nalang kayong huli nagtatrabaho ba talaga kayo? Kainis! Kunin niyo na nga iyang taong ‘yan!" Hindi napigil ng dalaga ang bibig habang nakayukong kinuha ng mga tanod ang magnanakaw. Kinuha ng babae ang attache case at ibinigay sa matandang mag-ari nito. Narinig naming ni Bella tumawa ng mahina si Manang Amelia dahil sa sinabi sa mga Tanod kanina. Galak na galak naman ang may-ari ng attache case at panay ang pasasalamat kay Bella. "Wala pong anuman, sige na po umalis na kayo rito at baka kayo ay mabiktim pa ulit. Kami din po ay aalis na,” sabi ng dalaga sa matandang lalaki. Napatawa naman ang matanda at malaking-malaki ang ngisi na para bang nanalo sa ito lotto. ‘May kakaiba sa matandang ito, hindi ko lang alam kung ano ay bahala na nga.’ ani sa isipan ni Bella. Yumuko si Bela ulit upang magpaalam at kinuha ang kamay ni Manang Amelia at ang batang pinakain niya kanina. Ayaw ni Bella na iwan ang bata dahil delikado. Iuuwi nalang siya ng dalaga sa bahay nito. Hahakbang na sana ang tatlo upang umuwi. Nang pigilan pa ulit sila ng matandang lalaki. "Teka, ako nga pala si Don Fontanilla, hayaan niyo na ihatid ko kayo sa bahay niyo bilang pagpapasalamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD