Chapter 1

1837 Words
NAALIMPUNGATAN ang dalaga sa mga huni ng mga ibon sa paligid. Napagtanto nitong wala pala ito sa kanyang tahanan. Napalayas na pala siya dahil hindi siya nakakabayad ng upa sa kuwartong kanyang inuupahan. “Haist, buhay nga naman palagi naman ganitong nangyayari sa buhay ko,” bulong niya sa kanyang sarili. Sa edad na madalawampu’t-isa, limang taon na itong nagpagala-gala sa kalsada. Pinalabas ang dalaga sa orphanage noong dise-sais ito. Those who were over-staying were sent outside. Isa itong regulasyon sa bahay-ampunan dahil na rin sa kakulangan sa budget ng Oprhanage. Ulilang lubos na ang babae dahil namatay ang mga magulang nito noong pitong taong gulang siya kaya naman sarili lamang niya ang kanyang ang maasahan. Nag-inat ng katawan ang dalaga at lumabas sa bahay-bahayang laruan. Wala itong pagpipilian kundi manatili muna rito habang naghahanap ng trabaho. Pinaalis din kasi ito bilang tindera sa isang karinderya dahil sa mga sipsip na mga nagtatrabaho doon kaya heto mag-uumpisa na naman siya gaya ng dati. Isang daan nalang natitira sa kanyang bulsa at kailangan niya itong tipirin. Kinuha nito ang toothbrush at toothpaste na nasa bag nito at lumapit sa gripo na narito sa playground. Nagpapasalamat ang dalaga sa Panginoon at binigyan ito nang matutuluyan matagal na ang playground na ito hindi pa na-re-renovate napag-iwanan na ng panahon ika-nga parang siya habang nakikita nito ng palaki nang palaki ang mga gusali ay nawawalan naman ito ng pag-asa na ipagpatuloy ang buhay. Bumuntonghininga ang dalaga nang pagkalalimlalim wala siyang maituturing na pamilya kundi ang sarili niya lamang at ang mgabagay na meron siya. Ang crucifix na bigay sa kanya ni Mother Superior at ang rosaryong pabaon sa kanya ng mga Madre sa ampunan. Tanging ito lamang ang kanyang tanggulan sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Walang maituturing na mga magulang ang dalaga kundi si Mother Superior at mga Madre. Hindi nga alam ng dalaga kung bakit noon lumalabas na ang mga kaibigan nito upang ampunin, siya naman palaging naiiwan. Kakaiba naman daw ang kanyang ganda at mabait naman daw siya sabi ng lahat pero bakit wala pa ding may gusto sa kanya na maging parte ng kanilang pamilya. Nang lumabas ang dalaga ay binigyan nila ito ng konting halaga noon upang kahit papano ay makatagal nang ilang buwan hanggang makahanap siya ng trabaho. Nagmumog ng tubig ang dalaga matapos mag-toothbrush ay ibinalik nito ang mga gamit sa duffle bag na siyang naglalaman ng kaunti nitong mga damit. Naupo ang babae sa isang sirang bench malapit sa bahay-bahayan ng palaruan. Bella Nisza Ricardo ang kanyang buong pangalan. Ulilang lubos at ngayon ay binubuhay ang kanyang sarili. Kahit kailan ay hindi siya nawalan nang pag-asa na balang araw siya ay makakaahon sa hirap at maging masaya. Iyon lamang naman ang tanging hiling niya sa buhay kahit na hindi na siya yumaman ang importante lang sa dalaga ay palaging may ngiti siya sa labi at magkaroon ng pamilya. ‘Kailangan ko kaya makakamit ang kasiyahang hanap ko?’ tanong niya sa kanyang sarili. Nakakaiingit si Bella sa ibang tao na buo ang pamilya at kasama nila ito samantalang siya ay hanggang tingin nalang at hanggang sa pag-aasam nalang? ‘Ayokong mapagod. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil habang ako ay humihinga alam kong may dadating na pag-asa kaya ngayon kailangan ko ng tumayo mula sa aking kinauupuan at maghanap ng trabaho.’ aniya sa kanyang sarili. Naligo na naman siya kagabi bago palayasin ng kanyang Land lady sa dating tinutuluyan. Isa nalang ang dapat niyang gawin iyon ay tumayo at maglakad nang maglakad maghanap ng pagkakakitaan. High School Graduate lamang ang dalaga at kahit papano at isa din itong Valedictorian noong nagtapos ito. Masasabi ding ng dalaga na isa siya sa matalinong estudyante. Nais niya din sanang mag-aral sa kolehiyo ngunit hindi niya pa kayang pag-aralin ang sarili dahil mas inuuna nito ang laman ng tiyan. Naisip niya na din noon na kahit na iskolar siya sa papasukang eskwelahan paano naman ang mga libro at iba pang kagamitan sa eskwelahan hindi ba? Kaya nagdesisyon siya na huwag na muna ngayon hindi naman masama ang mag-ambisyon at tutuparin iyon ni Bella sa hinaharap. Sa ngayon nais niya na munang unahin ang sarili. Wala naman siyanng aasahan kundi ang sarili. Wala siyang pagpipilian kundi ang magpatuloy lang. Tila nais yata ng tadhana na siya ay maghirap upang matuto pero nasobrahan naman yata wala nang lumalapit sa kanya kundi kamalasan nalang kung siya ang papipiliin nais niya nalamang magpahinga at lumisan sa mundong ito ngunit wala, wala dahil hindi man lang umaatungal o nag-iingay ang swerte. Kahit na anupaman pagiging masipag at paggawa niya ng mabuti hindi pa din siya nilalapitan nang maginhawang buhay bagkus ay lalong nasasadlak sa hirap ang pobreng dalaga. Dala-dala ang duffle bag ay maghahanap na naman siya ng mapapasukang trabaho. Sabi nga ni Mother Superior sa kanya noon, ‘Maghirap ka man, dadating at dadating din ang kaginhawaan ng hindi mo inaasahan’ kumakapit ang babae sa kasabihang iyon sa Madreng tinuturing niyang bilang Ina. Napangiti nalamang si Bella habang iniisip ang mga Madre at bata sa Orphanage na nag-aantay sa pagdating niya. Pinangako ng dalaga na kapag maluwag-luwag na ang buhay niya ay babalikan sila ni Bella upang bisitahin ngunit mukhang malayo pa ‘yon kaya habang wala pa iyon aasikasuhin na muna nito ang sarili dahil mukha siya palaboy na nawalan na ng pag-asa sa buhay. SAMANTALA, “Good Morning, honey.” Wika ng babaeng nasa tabi ni Saxon Juro dito sa Hotel na tinutuluyan nito. ‘What's her name again? Sheena? Sheila? I forgot.’ ani ng binata sa sarili nang nagtataka. Hindi tinatandaan ng binata ang mga babaeng dumaan sa kanyang kama dahil ubos oras lang iyon sa lalaki lalo pa at hindi naman nagtatagal ang relasyon ng mga naikakama niya hanggang doon lamang sila para kay Saxon. Akmang yayakapin siya ng babae nang itulak ito ng binata dahilan upang mhulog ito sa kama pero walang pakialam ang huli. She groaned with pain but, the man refused to acknowledge her presence. Tapos na ang oras nito kagabi kaya pwede na itong lumabas. "Get out. I don’t need your service anymore." The man coldly said getting up from his bed. Past time lang naman silang lahat ng lalaki na akala ng mga babaeng ito kapag naikama sila ay pakakasalan na sila si Saxon. Akala ba nila hindi alam ng lalaki na pera at yaman lang nito habol nila. B*tches! Gold diggers! He heard her stood up while he’s wearing his boxer shorts. "That's it? How about the virginity that I've given to you?" She shouted angrily. Hindi naman siya pinilit ng lalaki na ibigay ang virginity niya. It's her choice. Siya ang lumapit sa binata kagabi sa bar habang nag-iinuman sila ng mga kaibigan ni Saxon kung matino itong babae at pinapahalagahan nitp pala pagkabirhen nito bakit pa ito nakipag-flirt sa lalaki at tumalon nalang basta sa kama nito rather sa kama ng Hotel na ito kasama ng binata? Hinarap siya ng lalaki. He glared at her and looked at blankly. She gulped twice while she’s naked. "Kailangan mong panagutan ito. Paano kung mabuntis ako?" She said nervously. The man rolled his eyes. Ito na nga ba ang sinasabi nito matapos silang i-s*x ng binata ay iyon na agad ang demand nila. Hinigit ni Saxon ang balikat nila wala siyang pakialam kung nakatapis man ito ng kumot ngayon ngunit hindi si Saxon ang tipong nakikipag-s*x lang kung kani-kanino nang walang proteksyon lalo na at ayaw pa nitong matali. "You'll never get pregnant with me. I used a condom so, don't bother to blabbed your concerns because I don't care, b*tch!" He spat and dragged her outside the Hotel room. Nasisigaw ang babae na kailangan muna daw nitong magbihis bago lumabas pero hindi ito pinansin ng binata. Ayaw pa naman sa lahat ni Saxon iyong hindi sinusunod ang gusto nito. They know him. He is Saxon Juro Garrison and he is a multi-billionaire. Lahat ng mga babae ay naghahabol sa kanya para lang maging isang Mrs. Garrison. Ofcourse, dahil kakabit ng apilyedong iyan ay ang kayamanan, kapangyarihan, at karangyaan. Binalibag ni Saxon ang pintuan ng Hotel suite at dumiretso sa shower room. Alam niya namang ang iba sa kanila ay nais lang pikutin ang lalaki para makuha ang inaasam nilang tatlong bagay na iyon at hindi hahayaan ni Saxon ang mga mukhang pera na iyon sa buhay niya o sa mundong ginagalawan niya. Pare-parehas lang ang mga babae mga mukhang pera. Binuksan ang shower at itinapat ang katawan dito matapos nitong hubadin ang boxer shorts. Hindi niya na mabilang kung ilang babae ang naikama at wala siyang pakialam ang importante sa ay hindi sila maanakan ng binate o hindi nila ito mapikot. Ayaw ni Saxon ng babae sa buhay niya dahil sinisira lang nito ang buhay daw nilang mga lalaki. Papaniwalain lang nilang mahal nila ang mga lalaki pero sa huli iiwan lang din nila ito. Iyon ang paniniwala ni Saxon. Ilang beses na niyang naranasan ang pangyayaring yan at hindi nito malilimutan ang mga ginawa ng mga kalahi ni Eba. He saw it on his two eyes. He would rather be a criminal than marrying a woman for he knows their motives are not true. Puwes, kahit kailanman ay hindi siya mapapabilang sa mga lalaking sinaktan at kinawawa lang nila. Isang oras na nagbabad sa shower ang binata bago pinatay ang shower at itinapis ang tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. Lumabas ng banyo ang binata at agad na pumukaw sa kanyang pansin ang pribadong cellphone na panay ang vibrate at ilaw. Umikot ang kanyang mga mata. ‘Kailan ba ako titigilan ng matanda ‘yan?’ Wika niya pa sa sarili. ‘Mag-aasawa ako kung kailan ko gusto o kahit hindi niya bahala siya dyan.’ Dagdag pa nito. He sighed. He has no choice but to answer this call after all he is his Grandfather. "Hello," sagot ni Saxon "Where the hell are you? Bakit mo hindi sinasagot ang mga tawag ko? For Christ sake Juro! Hindi ka na bata! Tumatanda na din ako! Bakit hindi mo ako sinusunod!?" sigaw agad sa kanya ng matanda na siyang palagi nitong pambungad sa kanya. Walang patutunguhan ang usapan nila palagi kundi ang pilitin ang lalaki na mag-asawa na ngunit palagi itong natatalo sa argumento nila. He loves his Grandfather but he wouldn't allow the old man to manipulate his life. Umiiwas nalang siya kapag iba na ang nagiging usapan nila at patungo nasa isyung ‘yon. "Pauwi na ako ‘Lo. So, don't worry about me." Pagsukong wika ng binata sa matanda. He respected his Grandfather. He is the only family he left. Kilala nito Saxon ang Lolo niya gagawa at gagawa pa din ito ng paraan para masunod ang gusto nito. "’Yong pinag-uusapan natin –‘Lo, please not now." Nag-uumpisa na naman ang matanda kaya agad itong pinutol ni Saxon. But, he's Grandfather is hard-headed just like him. Si Saxon naman ngayon ang walang pagpipilian. "You are going to marry someone and that's final! Ako ang pipili ng bride mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD