Prologue

416 Words
"LUMAYAS ka dito! Ilang buwan ka nang hindi nakakabayad ng renta! Hindi charity ang Boarding House ko!" Sigaw ng matabang babae na siyang Landlady sa isang Boarding House para sa mga babae.   Pinagtatapon nito ang mga damit ng kawawang dalaga na nasa harapan nito. Walang nagawa ang dalaga kundi pulutin nalang ang kanyang mga damit na pinagtatapon ng masungit na Landlady. Bumuntung-hininga ito at nginitian niya nalang ang Landlady matapos pulutin ang mga gamit na nasa kalsada. Kahit pa siya ay pinahiya nito at kahit pa pinatitinginan na siya ng mga tao.   Kahit kalian ay hindi nagtanim nang sama ng loo bang dalaga dahil hindi niya ugali ito. Yumuko pa din ang dalaga bilang pasasalamat sa Landlady.    "Salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito. Hayaan n’yo kapag may pera na ako babayaran ko ang utang ko sa inyo,” ani nang mabini nitong boses.   Iningusan lang siya ng Landlady kaya nag-umpisa na siyang maglakad kahit hindi niya alam kung saan pupunta, kahit hindi miya alam kung saan tutungo o kung anong gagawin niya sa buhay niya.   She just smiled sadly while walking without knowing where her destination is.   Ganito palagi ang buhay ng dalaga walang kapagurang paglalakad at walang kapagurang pag-aasam na balang araw maahon niya ang sarili sa hirap. Ilang beses nang dumaan sa buhay niya ang problemang ito ngunit ito yata ang pinakamalala.   Masaya siya kahit papano dahil buhay pa din siya sa ilang taon niyang pag-iisa at pagbuhay sa sarili sanay na siyang magpalipat-lipat ngunit tila ngayon ay iba. Wala siyang mapuntahan kundi ang isang abandonadong palaruan kung saan siya ay magpapalipas nang gabi sa tingin niya.   Butas ang bulsa niya at wala siyang pera dahil nanakawan siya kahapon habang pauwi ‘yon sana ang pambayad niya sa inuupahan.   She sighed. Pumasok ang dalaga sa bahay-bahayan laro ng mga bata noon at doon magpapalipas ng gabi.   Naupo siya, swerte pa din siya dahil hindi siya naabutan ng ulan. Niyakap niya ang kanyang sarili at tahimik na ninamnam ang katahimikan. Kahit papano, kahit papano ay may nasilungan pa din siya.   Tanging sarili lamang niya ang maasahan at wala ng iba. Tanging sarili niya lamang ay kanyang kakampi sa pagsubok na ito sa buhay. She had no one except for herself and for her God.   Pinikit niya ang kanyang mga mata puro nalang kamalasan ang dumarating sa kanya pero hindi siya susuko habang nakapikit ay tanging piping dasal niya na siya ay maging masaya at maligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD