*KIRA POV*
Pagka-alarm ng cellphone ko, agad ko hinagip at pinatay, baka magising si Bryce, nakakailang kapag kami lang dalawa dito sa Kwarto, ang ackward, hindi katulad nung dati na wala kaming pakealam sa isa't isa, may sarili kaming mundo, pero ngayon feeling ko oras na magkatitigan kami, parang may hindi sya magandang gagawin.
Agad naman ako naligo at nagbihis, pagkalabas ko ng pintuan ng CR..
"Aha! Naabutan din kita, sabay na tayo pumasok, antayin mo ko!" sabi nya habang dala dala yung uniform nya.
Habang nagtutuyo ako ng buhok..
"Kira, almusal na tayo" sabi sakin ni ate ace
"Sige po ate, sabay na daw po kami ni Bryce" sabi ko
"Aba, himala at ang aga magising ng butiking yun, asan na ?"
"Naliligo pa po" sabi ko sabay turo sa CR.
"Oh sige, mauuna na ako ha, mag sabay na lang kayo, para pa naman babae maligo yun" biro ni ate, nginitian ko na lang si Ate Ace saka nga sinara pinto, maya maya pa, kita ko naman mula dito sa salamin na nagpupunas sya ng ulo nya, tapos bahagya din sya tumingin sakin, kaya agad ko iniwas tingin ko.
"Akina, ako mag tuyo ng buhok mo" sabi nya sabay kuha nung blower sa kamay ko at blinower yung buhok ko.
"Bakit parang ang bait mo yata sakin" tanong ko sa kanya
"Anong bait? Tuyuin mo din mamaya tong buhok ko" sabi nya, naparoll eye na lang ako, langya akala ko pa naman nafafall na, pansin ko naman sa kanya na hindi maalis ngiti sa bibig nya habang tinutuyo yung buhok ko, tapos..
"Oh ako naman" sabi nya sabay abot sakin nung blower, kaya tumayo na lang ako at sya umupo dun sa upuan saka humarap sa salamin, medyo nilaksan ko naman yung heat nung blower.
"Kira, sabihin mo lang kung may galit ka sakin, gusto mo yata tustahin buhok ko eh" reklamo nya, kaya napatawa ako sabay hina ng heat.
"Joke lang" biro ko sa kanya.
"Bat yata ang aga mo nagising?" dagdag kong tanong
"Hindi na kasi kita nakakasabay pumasok sa umaga kaya sabi ko sa sarili ko kagabi aagahan ko gumising ngayon para sabay tayo" sabi nya kaya napangiti ako, feeling ko ano mang oras bibigay na ako sa kanya, pero self, konting tiis pa, sya muna pasukuin ko okay?
"Ah, ganun ba?" sagot ko na lang, tapos tinuloy tuloy ko na pagbloblower ng buhok nya, maya maya pa, nahuli ko syang nakatingin sakin mula dun sa salamin, nakangiti sya habang pinapanood ako iblower buhok nya, kaya ngumiti ako at..
"Bryce, aminin mo lang kung nafafall ka na sakin ha" pabiro kong sabi sa kanya
"Hindi ah, baka ikaw, aminin mo lang" pabiro nya ding sabi sakin, ito din kinakatakot ko,pano ngapala kung ako lang nafafall sa kanya? Ano gagawin ko?
"Ikaw nga dyan eh, lagi mo ko hinahalikan" sabi ko sa kanya, corner ka ngayon, napakagat naman sya sa labi nya.
"Eh gustong gusto mo naman" sagot nya, hutanginang! Napalunok naman ako, hindi ko alam kung ano isasagot ko.
"Oh yan tapos na, tara kakain na!!!" asar ko na lang na sabi sa kanya, tapos lumabas na ako, habang nakain pangiti ngiti naman sya sakin kaya hindi ako makatingin ng straight sa kanya, nakakainis akala ko sya macocorner ko, huta naman self! Dami dami mo kasi sasabihin yun pa talaga napili mo.
"Alam mo para kang ewan dyan!" sabi ko sa kanya.
"Hahaha, namumula ka kasi" sabi nya, what the?
"Alam mo Kira, sumuko ka na kung nafafall ka na" sabi nya, kaya tumingin ako ng straight sa kanya.
"Baka ikaw Bryce, aminin mo na kasi para hindi ka nahihirapan dyan" sabi ko
"Anong nahihirapan? Eh easy easy nga lang sakin laro natin eh, baka ikaw ang nahihirapan" sabi nya, kaya nginitian ko na lang sya ng pilit pero gustong gusto ko na sya tusukin ng tinidor sa mata.
"Neva!" sabi ko na lang.
"Sige, sabi mo eh" pabiro nya pang sagot.
"San ang ruta mo ngayon?" tanong nya sakin habang naglalakad kami dito sa campus.
"Sa Dance Club syempre" sagot ko "Ngapala, gimik tayo mamaya" akit nya
"Gimik? San naman tayo pupunta?" tanong ko
"Basta, tara? Sama ka?" sabi nya ulit "Sabihin mo muna kung san"
"Punta tayo dun sa may baywalk, foodtrip tayo" sabi nya kaya pumalakpak tenga ko
"Wala pa ako allowance" sagot ko
"Ako bahala sayo" sabi nya habang tatango tango ng kilay,kaya napangiti ako.
"Yiiee, i'll take that smile as a yes" sabi nya.
"Pag inakit ka na naman ni Kevin wag ka na sasama ha, ako nauna umakit sayo" dagdag nya.
"Oo na, oo na" sagot ko na lang kaya ngumiti sya.
"Samahan na kita sa Dance Club, wala naman ako gagawin, busy buong school natin sa event" sabi nya
"Pumasok ka pa?"
"Eh attendance din" sagot nya
"Sabagay" sagot ko na lang din,.
Habang nagprapractice kami, nakaupo lang si Bryce at naglalaro ng cellphone. Hindi naman maalis mata ko sa kanya habang pinapanood syang sayang saya maglaro.
"Kira, focus" sabi nung bakla kaya napailing iling ako, putolin ko lawit mo eh.
"Mamaya mo na atupagin si Bryce, focus ka muna sakin" sabi ni Kevin, ay luh? Nu daw?
Maya maya pa, nabuo na namin yung step hanggang huli.
"Okay good good" sabi nung bakla.
"Ahm, Kira pwede ka ba ulit mamaya? Dinner tayo" tanong ni Kevin sakin.
"Kevin, may lakad kasi ako mamaya eh"
"Ha? San ka naman pupunta? Sino kasama mo?" intrigang nya tanong, kaya medyo naasar ako sa tono ng pagkakatanong nya sakin.
"Kevin, siguro naman hindi ko na kelangan ipaalam sayo, hindi naman tayo diba?" sagot ko, napatulala naman sya sakin.
"Ahh sorry Kevin, hindi ko sinasadya na pagtaasan ka ng boses,sorry" agad kong hingi ng tawad kasi hindi ako sanay na may napapagtaasan ako ng boses, ayaw ko lang kasi ng maintriga.
"Hindi okay lang, masyado kasi ako nag crossover, sorry din" hingi din nya ng pasensya
"Bukas na yung sayaw natin, mag focus muna tayo mag practice, saka diba lalabas din naman tayo sa monday?" sabi ko
"Oo, sige, oo ngapala. Sige na baka inaantay ka na ni Cyrus" sagot nya
"Oo nga eh, kanina pa" imik naman ni Cyrus habang nakasandal dun sa may pintuan.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko "Oo, napanood ko lahat" sagot nya
"Wait lang, gayak lang ako" sabi ko, tapos kinuha ko na gamit ko at dumeretsyo sa CR, dali dali naman ako nagpalit ng damit kasi last day na din ng sa Drama club ngayon, naghilamos din ako ng mukha at napatingin sa salamin.
"Hindi ko alam kung sino pipiliin ko sa dalawa ni Kevin at Bryce, pag kasama ko si Kevin wala ako maramdaman na kahit ano sa kanya, pero pag si Bryce ang kasama ko sa kanya ko nararamdaman yung saya na kahit minsan hinding hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko, pero naaawa naman ako kay Kevin, ano kaya? Hindi ko naman sure kung may gusto din sakin si Bryce baka mamaya masyado lang ako nag aasume, baka mamaya pag umamin ako sa kanya mapahiya lang ako" sabi ko sa sarili ko.
"Kay Kevin ka na lang bes" dagdag kong sabi sa sarili ko, tama. Atleast sya yung nagpupursigi sakin ngayon, hindi ko sure kay Bryce, baka mamaya masaktan lang ako sa kanya saka ayaw kong maging mas ackward pagitan naming dalawa.
Mas mabuti pa siguro na friends na lang kami, panindigan mo na lang yung pustahan nyo self.
" bahala ka, your choice" kinig kong sabi ni Cyrus pagkalabas ko ng CR.
"Ano yun? Anong your choice?" tanong ko sa kanya, bahagya naman napatingin si Bryce sa kanya kaya mas lalo ako na curious sa pinag uusapan nila.
"Ah wala yun, usapang lalaki" sagot ni Bryce sakin.
"Ah hanga pala, antayin mo na lang ako sa bahay mamaya, magpalit ka na para aalis na lang tayo" sabi ko, ngumiti at tumango naman sakin si Bryce.
"Sige na, umuwi ka na pagkaattendance mo" dagdag ko.
"Okay babe" sagot nya, kaya nagtitibok puso ko, ang sarap pakinggan.
"Tantanan mo nga ako, kung nafafall ka na sakin, mag makaawa ka na kay Kuya ibigay sakin yung nintendo ko, kahit nintendo lang masaya na ako" sabi ko sa kanya.