CHAPTER 11: MOVIE MARATHON

1243 Words
"Movie marathon tayo" suggest ko sa kanya. "Sige, bumili ako ng picA tapos sanmig apple, tigdalawa tayo" nakangisi nyang sabi kaya napatawa ako, alam na alam nya talaga paborito ko. Pagkalipat namin sa salas, agad ko binuksan yung tv at nag select ng movie, nung una sayang saya pa kami ng panonood dahil comedyomance pinanonood namin hanggang sa bigla na lang may bed scene, napalunok naman ako ng laway, paintense ng paintense yung halikan dun sa tv, kukuha sana ako ng picA kaso ang nahawakan ko kamay ni Kira kaya nagkatinginan kami, agad naman nya inalis kamay nya at lumihis ng tingin, kita ko pagtulo ng pawis nya, kahit ako pinagpapawisan din. "Parang uminit no?" tanong ko sa kanya "Oo, siguro mabuti pa, itigil na natin to, matulog na lang tayo" sabi naman nya. "Oo nga, mabuti pa nga" sagot ko din, ang ackward ng atmosphere, agad ko naman pinatay yung tv na kasalukuyang intense na yung bed scene, napatingin naman ako kay Kira, napapalunok sya, kaya napalunok na din ako, agad naman nya inimis yung mga balat ng chips na kinain namin, at yung lata nung iniinom namin sanmig, pagkaakyat naming dalawa sa kwarto, mas lalo ako pinagpawisan, dapat pala hindi ko na lang sya inakit mag marathon, kasi ba naman Bryce bakit yung movie na yun ang plinay mo? Hindi naman maalis tingin ko kay Kira habang napapalunok ako ng laway, feeling ko sa sarili ko mukha akong rapist. Napapatingin din naman sakin si Kira tapos nililihis nya agad mata nya, napatingin naman ako dun sa side table nya nakita ko yung panglagay ko sa mata pag natutulog, ay hutek! Pano nakarating yun dun, hindi pa naman ako nakakatulog pag wala yun, kaso nahihiya ako kay Kira. "Kira/Bryce" sabay naming tawag sa isat isa, kaya napalunok ako "Sige ikaw muna" sabi ko sa kanya "Hindi ikaw na" sabi nya din "Ano ba yun?" tanong ko, tapos kinuha nya yung panaklob ko sa mata. "Hindi ka nakakatulog pag wala to diba" sabi nya. "Oo nga eh, yan nga sana sasabihin ko" sagot ko sa kanya. "Oh" sabi nya habang iniaabot sakin yung panglagay ko sa mata, kaya agad ako tumayo para kunin kaso, katangahan ko natalapid ako sa sarili kong paa kaya naoutbalance katawan ko at naitulak ko si Kira kaya parehas kami natumba dito sa kama nya, napatingin naman ako agad sa mata nya, ganun din sya sakin, napababa naman ako ng tingin sa lips nya sabay lunok, parang ang sarap halikan. "Kira" mahina kong sabi "Hmm?" mahina nya ding sagot, hinawakan ko naman mukha nya at tumingin ulit sa mata nya hanggang, hindi ko na napigilan sarili ko at unti unti ko na nilapit labi ko sa labi nya kaso-- "Kira, Bryce tulog na b --- " Agad naman ako tumayo, ganun din si Kira. "Teka, wag nyo sabihin na kasama din yan dun sa drama play ha" pang aasar ni ate saming dalawa, lagi na lang talaga napakawrong timing ng palakang to! Dalawang inch na lang eh, maglalapat na lips namin. "Oo ate, kasama yun" sagot ko na lang "Sure?" nakangising pabirong tanong ni ate sakin "Opo ate" sagot din ni Kira "Well kung ganun, ay sige tuloy nyo na" nakangising sagot ni Ate habang sinara nya na yung pinto. "Matulog na tayo" sabi ni Kira sabay lagay sa kamay ko nung panaklob ko sa mata, saka humiga sya dun sa kama nya at taklob ng kumot. Napakamot na lang ako sa ulo ko habang nakatingin sa kanya, nakakainis talaga, kung hindi basta bigla napasok si Ate eh di sana magkahalikan kami ni Kira ngayon, nakakainis talaga, sa susunod ilolock ko na kwarto, hindi naman kasi kami naglolock before pero lolock ko na. *CYRUS POV* Pagkapasok ko ng Dance Club para tignan kung tapos na mag practice si Kevin at Kira, si Bryce agad una ko napansin nag cecellphone, ano ginagawa ng mokong na to dito. "Ahm, Kira pwede ka ba ulit mamaya? Dinner tayo" tanong ni Kevin, kaya agad napatingin si Bryce sa kanilang dalawa ni Kira. "Kevin, may lakad kasi ako mamaya eh" agad sagot ni Kira "Ha? San ka naman pupunta? Sino kasama mo?" intrigang tanong ulit ni Kevin sa kanya, bakit sila na ba? Makatanong si Kevin kala mo sila na. "Kevin, siguro naman hindi ko na kelangan ipaalam sayo, hindi naman tayo diba?" medyo asar na sagot ni Kira kaya napangiti si Bryce. Sa ngitian ng mokong na to, for sure silang dalawa ang may lakad mamaya. Natulala naman si Kevin kay Kira. "Ahh sorry Kevin, hindi ko sinasadya na pagtaasan ka ng boses,sorry" agad hingi ng pasensya ni Kira, ngumiti naman si Kevin sa kanya. "Hindi okay lang, masyado kasi ako nag crossover, sorry din" hingi din ng pasensya ni Kevin. "Bukas na yung sayaw natin, mag focus muna tayo mag practice, saka diba lalabas din naman tayo sa monday?" sabi ni Kira "Oo, sige, oo ngapala. Sige na baka inaantay ka na ni Cyrus" sabi ni Kevin "Oo nga eh, kanina pa" sagot ko naman, kaya napatingin silang lahat sakin. "Kanina ka pa dyan?" tanong ni Kira sakin. "Oo, napanood ko lahat" sagot ko "Wait lang, gayak lang ako" sagot din ni Kira sakin kaya tinanguan ko, then dinala na nya gamit nya at pumunta sa ladies room. "Kevin, wag kasi masyado assuming ha, hindi pa naman pala kayo eh" pang aasar ni Bryce. "Aminin mo nga Bryce, may gusto ka din ba kay Kira?" komprontang tanong ni Kevin, kaya bahagyang napatingin sakin si Bryce. "Wala ah, parang kapatid ko na yun" sabi ni Bryce. "Hindi kasi parang feeling ko talaga inilalayo mo sya sakin eh" sabi ulit ni Kevin "Pinagsasasabi mo dyan? Gusto mo tulungan pa kita manligaw" sabi ni Bryce, Bestfriends kasi tong dalawa na to, bago pa ako pumasok sa banda nila, magkaibigan na sila. Ngayon ko lang sila nakitang mag usap ng ganito, yung medyo pagalit. "Sabi mo yan!" sabi ni Kevin "Oo ako bahala" sabi pa ni Bryce, tapos ngumiti lang sa kanya si Kevin. "Punta ako Cafeteria, sama ba kayo?" tanong nya saming dalawa ni Bryce. "May practice kami" sagot ko "Ikaw Bryce?" "May pupuntahan ako" sagot naman ni Bryce "Oh sige, kita na lang tayo bukas para sa performance" sabi ni Kevin, kaya nginitian na lang namin sya ni Bryce, pagkalabas ni Kevin dito sa Dance club agad naman ako lumapit kay Bryce. "Kita ko ngiti mo kanina ah, para kang demonyito" biro ko kay Bryce. "Wala natawa lang kasi ako, pero hindi ko alam gagawin ko, parang malaki tama ni Kevin kay Kira, pano naman ako?" tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako "Isa lang sulosyan dyan Bryce, umamin ka na, sumuko ka na" sabi ko, bahala na,bilhan ko na lang ng Ps4 si Kira. "Pano pustahan naming dalawa?" tanong nya sakin "Mas paiiralin mo pa ba pride mo dahil sa pustahan na yan? O isang araw makita mo na lang na masaya si Kira sa piling ni Kevin, bahala ka, your choice" sagot ko sa kanya. "Ano yun? Anong your choice?" tanong ni Kira habang nalapit samin, napatingin naman sakin si Bryce. "Ah wala yun, usapang lalaki" sagot ni Bryce, yung feeling na gusto ko sya batukan, napakahina ng loob, aamin lang hindi pa makaamin. "Ah hanga pala, antayin mo na lang ako sa bahay mamaya, magpalit ka na para aalis na lang tayo" sabi ni Kira, sabi ko na eh, silang dalawa ang may lakad, ngumiti naman si Bryce at tumango tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD