*KIRA POV*
Pagkatapos ng practice namin..
"Kira last day na din bukas ng practice natin, hanggang gabi daw tayo" sabi ni Cyrus kaya tinanguan ko na lang, nagsusuot kasi ako ng sapatos.
"Sige, mauna na ako sayo ha, madami pa ako gagawin eh" sabi nya kaya tinanguan ko ulit at nginitian, habang tinatali ko yung sintas ng sapatos ko.
"Tulungan na kita" imik bigla, kaya nilingon ko kung sino yung nagsalita.
"Kevin? Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, umupo naman sya at tinali yung sintas ng sapatos ko.
"Sinusundo ka" sagot nya, well ang inaasahan ko sumundo sakin ay si Bryce, nasan na yung taong yun?
"Ah hehe,hindi mo na kelangan sunduin ako" pabiro ko na sabi sa kanya
" Diba sabi ko nga liligawan kita, Kira sisimulan ko na ngayong araw panliligaw ko sayo" sabi nya sakin kaya napatitig ako sa kanya, hindi ko alam na seryoso talaga sya sa sinasabi nya, akala ko pinaglalaruan nya lang ako.
"Ah, hehe ganun ba" sagot ko na lang sa kanya kasi hindi ko alam sasabihin ko.
"Tara, dinner tayo, bago kita ihatid kela Maam Ace" sabi nya, di ko naman alam kung ngingiti ako sa kanya o ano.
"Tara" sabi ulit nya sabay abot sakin ng palad nya, tinitigan ko naman yung kamay nya, ano ba self? Sasama ka ba o ano? Si Bryce talaga ang inaasahan ko ngayong hapon eh, nasan na ba kasi yun?
"Well, looks like ayaw mo" sabi nya, ibaba na sana nya yung kamay nya kaya agad ko hinagip.
"Sasama ako, tara" sabi ko na lang, baka mamaya isipin nya ang arte ko, ayaw ko pa naman ng ganun, ngumiti naman sya sakin tapos hinawakan ng maayos yung kamay ko .
Habang naglalakad kami papunta sa mall, malapit lang kasi yun dito sa School namin, walking distance lang, hindi ko maalis yung tingin ko sa kamay naming dalawa na magkaholding hands. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, sobrang plain lang.
Pagkapasok namin ng loob ng mall, bigla naman ako nakaramdam na naman ng ihiin.
"Ahm, Kevin wait lang Ccr lang ako" paalam ko sa kanya, nginitian nya naman ulit ako at hinatid sa entrance ng CR.
"Antayin kita dito" sabi nya ng nakangiti, ang ganda ng ngiti nya sakin. Nginitian ko na lang din.
Pagka CR ko, nag ayos naman ako ng buhok at tumitig sa salamin. Bakit ganun? Wala ako maramdaman na kakaiba kay Kevin? Ano ba ibig sabihin nun? Pagkalabas ko ng CR, andun pa din si Kevin sa pwesto nya, naalala ko tuloy nung kaming dalawa ni Bryce, pagkalabas ko wala na sya. Inakit naman ako ni Kevin sa Greenwich, habang nakain, naalala ko yung time na pinaghanap ako ni Bryce sa kanya, yung time na nakatayo sya sa tapat ng letter ng Supermarket, akala ko talaga may shop dito sa Mall na T ang pangalan yun pala literal na tapat ng T, hindi ko naman mapigilan ngumiti.
*KEVIN POV*
"Supermarket" mahinang imik ni Kira sabay ngiti, kaya napangiti din ako.
"Supermarket?" tanong ko sa kanya, kaya napatingin sya sakin
"Huh?" tanong nya
"Sabi mo Supermarket?" nakangiting tanong ko sa kanya habang nakain
"Ah haha, may naalala lang ako" sabi nya sabay ngiti ulit.
"Ano naman?" tanong ko sa kanya
"Ah haha, si Bryce kasi galing kami nung minsan dito sa Mall, may binili kami sa Supermarket, nag CR kasi ako nun paglabas ko wala na si Bryce, tapos tinawagan ko, tinanong ko kung nasan sya, sagot sakin nasa tapat daw sya ng T, kaya ako si tanga hanap ako ng shop dito sa mall na T ang pangalan, yun pala ang tinutukoy nya eh letter 'T' ng Supermarket, literal na nasa tapat ng letter T" masaya nyang kwento kaya napangiti ako.
"Ganun talaga si Bryce, minsan seryoso, minsan may kaltok, depende sa mood nya pero lately parang laging bad mood like kanina" sabi ko, ngumiti naman si Kira
"Hayaan mo na yun, sa bahay nga eh, araw araw kaltok yun" nakangiti nyang sabi.
"May gusto ka pa bang puntahan after natin kumain?" tanong ko sa kanya
"Uwi na siguro tayo, last day na ng practice natin bukas diba? Kaya kelangan maaga tayo pumasok" sagot naman nya
"Pero mag aalasiete pa lang" sabi ko naman sa kanya
"Huh? Mag aalasiete pa lang ba?" agad nyang tanong, tumango tango naman ako.
"Ah sige, samahan mo na lang ako sa Supermarket, ibibili ko ng hapunan si Bryce, baka hindi pa nakain yun, late na kasi nakakauwi si Ate Ace, hindi pa naman marunong magluto yun" sabi nya, napatitig naman ako sa kanya.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong nya sabay pahid ng tissue
"Ah, wala naman, kasi ano lang, kahit ako yung kasama mo, si Bryce naman ang nasa isip mo" pabiro ko na lang sagot sa kanya
"Sorry, hindi naman sa ganun, ako na lang pupunta sa Supermarket, mauna ka na umuwi" sabi naman nya kaya umiling iling ako.
"Sasamahan na kita, diba sabi ko ihahatid pa kita kela mam ace" sagot ko naman sa kanya, kaya napangiti sya.
Pagkatapos namin kumain, sinamahan ko na sya sa supermarket, habang dala ko yung basket na nilalagyan nya ng mga pinamili nya, feeling ko naman mag katipan na kami kasi nakakapit pa sya sa braso ko habang namimili ng pamimilihin.
"Ito, favorite to ni Bryce" sabi nya sabay kuha dun sa PicA at lagay sa basket na dala ko, tapos kumapit ulit sya sa braso ko, hindi ko naman mapigilan mapangiti
"Sorry ha, sanay kasi ako na nakapit sa braso, natatakot ako mawala haha" pabiro nyang sabi
"Okay lang" sagot ko naman sa kanya
"Kira, ilang months ka na ba nakatira kela Bryce?" dagdag kong tanong
"Hindi lang months, year na, bago pa lang magsimula ng klase nun nung 2nd year ako, pinalipat na ako ni mam ace sa kanila para itutor, ano yun eh" kwento nya sabay bilang sa kamay kung ilang years na sya nag sstay kela Bryce
"Mga 2 years na, mula 2nd year ako eh ano na tayo ngayon 4th year na" paliwanag nya
"Ah kaya pala, ganun ka na lang mag alala sa kanya, tapos alam na alam mo na din nga favorite nyang kainin" sabi ko
"Naku, pati kilo ng bituka nya alam na alam ko na" sabi nya sabay ngiti, tapos kumuha sya ng yakinori yung ginagamit pag gawa ng gimbap, saka kumuha din sya ng spicy noodles.