*BRYCE POV*
Habang hinahanap ko si Kira dito sa buong campus, nakita ko naman si Cyrus na papalabas sa Opera Club..
"Cyrus!!!! Nakita mo ba si Kira?" tanong ko agad sa kanya
"Hinahanap ko nga din eh, kanina ko pa inaantay para mag practice" sagot nya sakin
"Oh? Ano ngapala nangyari na sa iyo kagabi? Sinundo ka ni Kira sa 555, sya nag uwi sayo" dagdag nyang tanong kaya napahawak ako sa batok. Hindi ko napigilan sarili ko na halikan sya kagabi, alam ko na hinalikan ko sya, hulas na hulas na ako non eh, ang hindi ko lang matandaan ay kung pano kami nakauwi sa bahay.
"Oh bakit parang problemado ka dyan!" tanong ulit ni Cyrus sakin
"Cyrus, may ishashare ako sayo pero wag mo sabihin kahit kanino, kahit kay Kevin o kay Kira" pakiusap ko sa kanya
"Sige? Ano yun?" seryoso nyang tanong
Habang naglalakad lakad papunta sa Dance club para tignan kung andun si Kira..
"Ano ngapala ishashare mo?" tanong ni Cyrus
"Ganito kasi yun, si Kira always, everytime nakatutok yun sa ps4 nya minsan sa computer at minsan sa nintendo, nung time na nalaman ng kuya nyang nababa mga grades nya, sinamsam nya yung computer, ps4 at nintendo nya, kaya ngayon ako napagbalingan nya, lagi nya ako pinaprank, minsan yung mga prank nya eh hindi ko na kinatutuwa, gaya nung last prank nya sakin, halos atakihin ako sa puso , ngayon hinamon ko sya sa isang laro, inembento ko kasi yun para tigilan na nya pag paprank sakin, sabi ko kung manalo sya sakin mag mamakaawa ako ibalik ng kuya nya mga ps4 nya tapos pag ako nanalo uuwi na sya sa kanila, kaso pakiramdam ko sa sarili ko natatalo na ako" paliwanag ko, nakangiti naman sakin si Cyrus
"Anong laro?" tanong nya
"Basta laro, hindi ko pwede sabihin sayo kung ano" sagot ko sa kanya
"Love Game" imik nya bigla kaya napatingin ako sa kanya
"Pano mo nalaman?" agad kong tanong
"Ikay tanga! Sinabi mo na sakin yan kagabi, sabi mo pa nga nafafall ka na kay Kira" nakangisi nyang sabi, napahawak naman ako sa noo ko
"Lasing na lasing ka kaya kagabi, kung ano ano pinagsasasabi mo sakin" sabi nya ulit
"May iba pa ba ako sinabi? Sinabi ko ba kay kira?" agad ko ulit tanong
"Aba malay ko? Naghiwalay na naman tayo nung sinundo ka nya eh, alalahanin mo sa sarili mo kung may nasabi sa kanya nung time na sya na yung kasama mo!" sabi ni Cyrus
"Wala eh, ang natatandaan ko lang hinalikan ko sya" imik ko, napatigil naman ng paglalakad si Cyrus, napatakip naman ako sa bibig ko
"Eh??? Hinalikan mo???" laki mata nyang tanong sakin, tanga mo talaga Bryce, bakit ba derederetsyo bibig mo sa pag imik
"Oo eh" sagot ko na lang
"Wahh! Ikaw na talaga Bryce, akala ko pa naman ako magiging first kiss nya, tapos eto ka hindi nagpatalo" pang aasar nya sakin
"Ano sabi nya sayo kaninang umaga?" dagdag nyang tanong
"Yun nga eh, pag gising ko kanina wala na sya" sagot ko
"Baka nagpapractice sa Dance Club kasama ni Kevin"
"Ngapala eh pano yun, liligawan sya ni Kevin, okay lang sayo yun? Pano kung sagutin sya ni Kira?" dagdag nyang tanong
"Yun nga eh, tulungan mo ako mafall sakin si Kira para matalo ko na sya, at pag nafall sya sakin at sumuko saka ako aamin sa kanya, hindi ako pwede magpatalo ngayon sa kanya dahil makakatay ako ng Kuya nun pag nag makaawa ako na ibalik nya ps4 ni Kira" pakiusap ko kay Cyrus
"Eh ang tanga tanga mo kasi, dami dami ng ibang paraan para pakiusapan syang wag ka na iprank eh ito pa talaga naisip mo, kung alin yung napakakomplikadong bagay na alam mo sa sarili mo na hindi ka mananalo eh yun pa naisip mong gunggong ka!" asar nyang sagot sakin
"Hindi ko naman akalain na magugustuhan ko sya eh" sagot ko
"Sya, sige tutulungan kita, besides ayaw ko din matalo sa kanya" sagot nya
"Matalo?" confuse kong tanong
"Sinabi nya din kasi sakin yung about sa laro nyong yan, talagang confident sya na hindi mahuhulog sayo, gusto nya panindigan yung pagiging gamer nya, ngayon sabi ko, pag nafall sya sayo ibibigay nya sakin yung nintendo nya at pag nanalo sya at ikaw ang una nafall sa kanya, bibilhan ko sya ng bagong ps4" paliwanag nya, nakng! Abat talagang sinagad sagad nya hanggang kay Cyrus nakipagpustahan na sya.
"Pano yun? Pano kung hindi sya mafall sakin?" tanong ko
"Ako bahala, gagawa ako paraan" confidence pang sagot ni Cyrus, pagkapasok naman namin ng pinto ng Dance club, nanlaki na lang mata ko nung hawak ni Kevin yung baba ni Kira at unti unti na nyang niallapit yung mukha nya sa mukha ni Kira kaya nagtatakbo ako at hinarang ko agad yung kamay ko sa nguso ni Kevin, kaya napamulat sya.
"Bryce?" takang tanong nya sakin.
"Bryce? Ano ginagawa mo dito?" tanong din sakin ni Kira, tinignan ko naman sya ng masama kaya napakunot noo nya sakin, ahitin ko yang kilay mo eh.
*CYRUS POV*
Pagkabukas ko ng pinto ng Dance Club, agad nagtatakbo si Bryce papunta kela Kevin at hinawakan yung nguso ni Kevin kaya bahagya ako napatawa.
"Bryce?" takang tanong ni Kevin habang tinatanggal nya yung kamay ni Bryce sa nguso nya
"Bryce? Ano ginagawa mo dito?" tanong din ni Kira, sinamaan naman sya ng tingin ni Bryce.
"Susumbong kita sa Kuya mo!!" sabi ni Bryce, hahaha, at sya pa talaga may ganang mag sumbong, eh samantalang sya nauna humalik kay Kira
"Ay wow! Hiya naman ako sayo Bryce" sagot ni Kira sa kanya
"Akala ko may practice ka sa music club? Bat andito ka?" tanong ni Kevin sa kanya
"Ay wow? Pano ako mag papractice ikaw andito sa Dance Club si Cyrus nasa drama club yung iba nating member absent so ano gusto mo mangyari? Mag adjust yung mga instruments at tumugtog mag isa?" asar na tanong ni Bryce sa kanya kaya napatawa ako
"Aga aga badtrip ka" sagot naman sa kanya ni Kevin.
"Eh bakit mo naman hahalikan si Kira? Hindi pa naman kayo mag katipan ah" asar na tanong ni Bryce
"Hahalikan?" confuse na tanong ni Kira
"Sinasabi mo dyan? Hihipanan ko sana mata nya kasi napuwing" sagot ni Kevin sa kanya kaya bahagya ako napatawa at umiling.
"Hihipanan? Nilalapit mo na nga nguso mo sa nguso nya?" asar na sabi ni Bryce
"Naprapraning ka na Bryce" sagot ulit ni Kevin sa kanya
"Ako praninh hindi ah!" tanggi ni Bryce, napapaghalataan lang sya sa mga kinikilos nya.
"Tapos na kami mag practice, tayo naman Cyrus" sabi ni Kira sakin, tapos kinuha na nya yung bag nya.
"Last practice na natin bukas, sana maperfect na" sabi naman ni Kevin sa kanya tapos nag ngitian pa silang dalawa, napansin ko naman na b***h face lang si Bryce
"Tara na Cyrus" sabi ni Kira sakin
"Ikaw ba Bryce, tara papractice" sabi din ni Kevin sa kanya, hindi ko na alam kung ano napag usapan nila at sumunod na ako kay Kira, pagkadating namin dito sa Opera Club, pinakita na nila samin ni Kira yung susuotin namin para sa Saturday.
"Wow Kira, ang ganda ng costume mo, for sure bagay na bagay sayo yan" sabi nung nagprapractice samin
"For sure yun, cosplayer yan eh" sabi pa nung isa, titig na titig naman si Kira dun sa susuotin nya.
"Oy matunaw" biro ko sa kanya
"Alam mo Cyrus, bago ako tumigil pag cocosplay, si Liqui huling cinosplay ko nun" sabi nya
"Bakit ka ba kasi tumigil?" tanong ko naman
"Magigilitan ako ng leeg ni Kuya" sagot nya, kaya napatawa ako.
"Okay guys, practice na!" sabi nung baklang nagtuturo samin.