CHAPTER 7: FIRST KISS

918 Words
"Hindi mangyayari yan, gagawa ako ng paraan para mafall sakin si Kira" sabi nya sabay tungo, dapat lang. Dahil pag nauna sya sumuko mabibilhan ko ng bagong ps4 si Kira, tigbas ang 5 months allowance ko pag nagkataon. *KIRA POV* Pagkadating ko sa bahay at pagkaakyat ko ng kwarto ko, wala si Bryce, napatingin naman ako sa orasan halos alasiete na. Agad naman ako nagpalit ng pangbahay at dinownload ko yung kanta na sinasayaw namin kanina ni Kevin, di ko inexpect na sya magiging kapartner ko, gentleman naman si Kevin, malayong malayo sa ugali ni Bryce. Pagkadownload nung kanta, prinactice pratice ko naman, hanggang sa biglang tumigil yung tugtog kasi may natawag. "Oh?" sagot ko agad kay Cyrus "Oyy, punta ka nga dito sa may 555 andito kami ni Bryce" sabi nya "Gagawin ko dyan? Hindi naman ako lassenga" asar kong sagot sa kanya "Alam ko, ayaw umuwi ni Bryce eh, ikaw ang hinahanap, puntahan mo na kami dito" asar nyang sabi "Aba! Nagpapractice ako eh, kasalanan mo at lalasing lasingin mo yang tukmol na yan" asar ko ding sagot sa kanya "Kiraaaaaaaaaaa!!!!!" kinig kong sigaw ni Bryce dun sa kabilang linya. "Oo, papunta na, papunta na!!" sabi naman sa kanya ni Cyrus, kaya napabuntong hininga na lang ako "Sige, wait lang" sabi ko na lang sabay baba ng phone. Agad naman ako nagtatakbo papunta sa 555, hindi naman kalayuan yun dito sa bahay nila Bryce eh. "Oyy, san na si tukmol?" tanong ko kay Cyrus, tinuro nya naman agad sakin si Bryce na nakatingin na pala sakin habang nakaupo dun sa may poste. "Ikaw na bahala, iuwi mo na" sabi ni Cyrus kaya tinanguan ko na lang. Lumapit naman ako kay Bryce para alalayan pauwi. "At bakit ka naman po nagpakalasing!" tanong ko sa kanya, ngumiti naman sya sakin "Oyy babe" nakangisi nyang sabi "Babe ka dyan! Tara na umuwi na tayo" asar kong sabi tapos tinulungan ko na sya tumayo, inakbay ko yung braso nya sa balikat ko at hinawakan ko sa may baywang, hirap na hirap naman ako habang inaalalayan sya pauwi sa bahay. Hanggang sa pagbubukas ng pinto, at pag akyat ng hagdan, buti na lang wala pa si Ate Ace, kundi pingot na naman sya. Pagkahiga ko sa kanya sa kama nya, agad ko tinanggal yung sapatos nya saka kinumotan, makalipas ang ilang minuto, habang nagpapractice ako "Kiraaa!" imik ni Bryce, kaya agad ako lumapit at umupo sa katabi nya "Ano? Ano masakit sayo?" asar kong tanong sa kanya "May bubulong ako" sabi nya, kaya nilapit ko yung tenga ko sa bibig nya, nagulat na lang ako nung bigla nya hinawakan yung mukha ko at ipinaling sa kanya, agad naman ako napatingin sa mata nya. "Ano yon?" tanong ko ulit sa kanya, bigla nya naman hinila mukha ko at hinalikan labi ko kaya nanlaki na lang mata ko, tapos sya naman nakapikit habang nakalapat labi nya sa labi ko. Dahan dahan naman sya nagmulat habang hinahalikan ako, tapos medyo kumalas sya. "Bryce! Lasing ka lang" sabi ko sa kanya. "Hindi ako lasing, nakaidlip na ako, nahulasan na ako!" sabi nya "Wag mo sabihin na nafafall ka na sakin?" tanong ko naman sa kanya "Hindi, pero ayaw ko lang na maunahan nila ako sa labi mo" sabi nya kaya nagtitibok ng malakas puso ko, first kiss ko to tapos si Bryce pa? , dahan dahan nya naman ulit nilapit mukha nya sa mukha ko hanggang sa maglapat ulit labi naming dalawa, tapos yung kamay nyang nakahawak sa mukha ko, iniyapos nya sakin. Nung sinagot ko naman yung halik nya bigla sya ulit kumalas, "Ikaw? Wag mo din sabihin na nafafall ka na sakin?" tanong nya, hindi ko naman pwede sabihin na oo, dahil mapapauwi ako ng wala sa oras, ayaw ko naman mangyari yun kasi gusto ko pa sya makasama, saka ayaw kong matalo sa laban naming dalawa, aantayin ko na mauna syang sumuko saka ako susuko at aamin. "Hindi ah, first time ko lang kasi, hindi ko alam na ganito pala sa feeling, iba sa pakiramdam, yung akala mong may butterfly sa tyan mo" sagot ko sa kanya kaya ngumiti sya sakin, muli nya naman akong hinalikan hanggang sa nagsagutan na kaming dalawa ng halik. Kinabukasan., Maaga na naman ako nagising at pumasok, naiwan pa nga si Bryce na tulog na tulog dun sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung pano ko sya haharapin mamaya pag nag kita kami. Bigla ako nailang sa kanya, kagabi akala mong mauubusan pa kami ng hininga sa paghalik sa isa't isa, tapos ngayon ahhhhh!!! "Kira?" sabi ni kevin kaya agad ako napailing at lumingon sa kanya. "Nakuha mo ba yung step?" tanong nya sakin "Ah, eh pano nga ba?" tanong ko din sa kanya. Habang tinuturo nya sakin yung ibang steps hindi naman maalis sa utak ko yung nangyari samin ni Bryce kagabi, kaya sinasampal ko sarili ko. "Okay ka lang? Pagod ka na ba?" tanong ulit sakin ni Kevin "Hindi, kasi naalala ko may practice pa din pala kami ng drama mamaya ni Cyrus" sabi ko na lang. "Alam mo swerte ni Cyrus" biglang imik ni Kevin "Bakit naman?" tanong ko "Kasi sya makakauna humalik sa lips mo" sabi nya sabay ngiti "Ah haha, wala eh, napasama sa play eh" palusot ko na lang sabay kamot sa ulo, wala syang kaalam alam na nilaplap na ako kagabi ni Bryce. "Kira?" biglang seryosong sabi ni Kevin "Hmm?" "Gaya ng sinabi ko kahapon, liligawan kita" sagot nya sakin "Oo walang problema" sagot ko na lang din sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD