CHAPTER 6: UNEXPECTED DANCE

946 Words
"Ano yun?" bungad na tanong agad ni Bryce "Oh? Bat parang badtrip ka?" tanong ni mam ace sa kanya "Hindi, nagtatanong lang" sagot ni Bryce "Ahm Kira, pwede ka bang mag perform sa Saturday para sa dance club? Nag backout kasi yung babae na mag peperform, nasabi sakin ng Kuya mo na magaling ka daw sumayaw" paliwanag ni mam "Pwede naman po" sagot ni Kira "Pero mam, may opera club kami" sabi ko "Don'r worry after ng music club, opera club then dance club na" paliwanag ulit ni mam. "Sige po mam, pwede po, kelan po ba practice?" tanong ni Kira "Ngayon, pwede ka ba today? Punta ka na sa dance club, sabihin mo ikaw yung nakuha ko na kapalit nung isa" paliwanag ni mam, ngumiti naman si Kira. "Mamaya na lang ulit" sabi ni Kira samin sabay alis. "Gustong gusto ko talaga bata na yun, ang gaan ng loob ko sa kanya" sabi ni mam "Sus, crush mo lang kuya nya eh" pang aasar ni Bryce "Ikay Tanga! Bestfriend ko lang talaga Kuya nun, may sarili akong boyfriend at may sariling girlfriend kuya nya" asar na sabi ni mam "Natanga pa nga" kamot ulong sabi ni Bryce "Kelangan ko pa ng magiging kapartner nya, hindi ko alam kung sino kukunin ko" dagdag ni mam "Akooo!" agad na sagot ni Bryce kaya napatingin sa kanya si Kevin. "Marunong ka ba?" tanong ni mam "Oo naman, sample?" sagot nya "Patingin nga, never pa kita nakita sumayaw eh" sabi ni mam Agad naman kinuha ni Bryce cellphone nya sa bulsa nya at nagplay ng kanta. Nung nagsimula na sya mag sayaw, napahawak ako sa noo ko, kalakas ng loob na mag presenta, sigurado ikakahiya sya ng buong Dance club pag nakita performance nya, lakas ng kaltok sa ulo nitong si Bryce. Si Kevin naman nakatawang nakatawa lang sa kanya habang pinapanood sya magkalat.  "Eso! Sige kaya mo yan!" nakangising sabi ni Kevin, hindi naman mapaliwanag reaksyon ni Mam Ace habang pinapanood nya yung kapatid nyang sumasayaw na akala mo kung sumayaw eh daig pang tito na may rayuma. Lakas isuggest sarili nya. Ganda pa talaga ng song choice napili nya para sayawin, ganitong mga tugtogan ang mga gustong gusto ng mga tito ko. Pagkatapos nya sumayaw... "Bryce, ang galing mo, umupo ka nalang" sabi ko sabay palakpak "Bryce, hindi tinikling ang sasayawin dun, modern dance, kung makasayaw ka dyan akala mong nasa 50's ka na at sinusumpong ng rayuma" sabi ni mam kaya humagalpak kami ng tawa ni Kevin "Inom ng lang flanax tapos konting pahid ng White flower, pwede na" sagot ni Bryce kaya mas lalo kami tumawa ni Kevin "Naku hindi na! Mag stick ka na lang sa pagkanta, nevermind na lang sa sayaw" sabi ni mam "Eh sino ipapartner mo kay Kira?" asar na tanong ni Bryce, tumingin naman si mam kay Kevin "Pwede ka ba?" tanong nya kaya napangiti ng bahagya si Kevin. "Pwede naman po mam, anong klaseng sayaw po ba?" tanong ni Kevin,  simangot na simangot naman si Bryce, kung hindi ba naman sya nag tinikling eh di sana sya pinili ni mam "Bakit si Kevin?" asar na tanong ni Bryce "Napanood ko na kasi minsan sumayaw si Kevin, di ba before nasa Dance club ka?" tanong ni mam kay Kevin, tumango naman si Kevin kay mam "So ikaw na lang ha!" dagdag ni mam "Okay po mam, wala pong problema" sagot ni Kevin "Sige na sunod ka na kay Kira" sagot ni mam, nakangising umalis naman si Kevin. "At ikaw bata ka, umuwi ka na sa bahay at mag hugas ka ng plato" sabi ni mam "Bakit ako?" tanong ni Bryce "Alangan namang ako? Pagod na pagod na ako mag hapon, buti pa yung kapatid ni mam lee, kapag inuutusan nya walang reklamo, sunod agad" sabi ni mam "Oh eh di sya pag hugasin mo ng pinggan" asar na sabi ni Bryce tapos hinagip nya yung bag nya at lumabas ng pinto nitong room ni mam. "Batang to talaga!" complain na lang ni mam "Pasensya ka na Cyrus, nakita mo pa kung gano katigas ulo ni Bryce" sabi ni mam sakin "Naku naman kasi mam, bakit kasi hindi sya pinili mo, sa dinami dami mam ng pwede kunin yung karibal pa nya talaga" sagot ko naman kay mam "Karibal?" confuse na tanong ni mam sakin "Nevermind mam, sundan ko na lang kapatid mo" sabi ko, tapos nag bow muna ako bago lumabas ng pinto, di naman kalayuan natanaw ko si Bryce naglalakad palabas ng campus, kaya agad din ako lumapit at inakbayan sya. "Hi tito" pang aasar ko sa kanya "Tigilan mo ako!" sagot nya sakin "Wanna drink" tanong ko habang tatango tango kilay, napatingin naman sya sakin. "Keool" sagot nya, umuwi naman muna kami sa mga sari-sarili naming bahay at nagpalit ng damit, hindi kasi kami papasukin sa beer house kapag naka- uniform pa kami. Makalipas ang ilang oras na pag iinom, medyo may tama na si Bryce, kung ano ano na sinasabi nya.. "Alam mo, may game kami ni Kira, paunahan hindi mafall" sabi nya, tapos tono nya lasing na "Nasabi na nga nya sakin" sagot ko naman "Pero parang natatalo na ako" sabi nya habang pagiri giri, kaya napangiti ako. "Pwede ka naman umamin" sabi ko "Ayaw ko nga!" agad nyang tanggi "Hahayaan mo na lang ba na mapunta sya kay Kevin?" tanong ko "Hindi, kaso ayaw ko patalo sa kanya" sabi nya "Oh? Eh ano balak mo gawin?" tanong ko "Wala, aantayin ko na sya una sumuko, tapos susuko na din ako" sagot nya "Pano kung hindi sya sumuko at si Kevin sagutin nya" tanong ko ulit, napatingin naman sya sakin, nanliliit na mata nya sa kalasingan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD