(Vanes's POV)
Kagaya ng iba ay nagtungo lang din ako sa mga lugar na dapat kong puntahan matapos kaming payagan ni Ouji na maghanda. Tulad din ng iba ay ako ang papalit sa parents ko sa posisyon nila sa organization, at ako rin ang magpapatakbo ng mga negosyo namin at the same time pagdating ng panahon.
Minsan nga naiisip ko na what if I marry Ririx immediately then I’ll let her manage our company, and I’ll have so many kids with her para hindi sila mahirapang magpatakbo ng mga negosyo namin. Hindi na rin sila mahihirapang mag-desisyon kung sinong papalit sa amin sa mga posisyon namin sa organization kapag kami naman ni Ririx ang magsasalin sa kanila.
Napangisi na lang din ako sa mga kalokohang naiisip ko kahit na para akong baliw, ang pogi ko talaga. But I am serious, I wanna do that. Alam ko naman kasi noon pa lang na ganoon na ang magiging buhay ko, noon pa man ay sinasanay na kaming lahat sa buhay na kakaharapin namin pagdating ng panahon.
Ngunit kahit ganoon, minsan kahit may hint na kami sa buhay na kakaharapin namin nakaka-clue less pa rin talaga ang ibang bagay kapag ikaw na ang nasa pwesto. Hindi rin naman kasi pare-pareho ang buhay naming lahat. Alam ko rin na ang buhay ay parang libro na hindi mo alam ang mangyayari sa susunod na pahina kapag hindi mo binuklat. Parang librong walang pamagat na hindi mo malalaman ang laman kung hindi mo babasahin.
Obviously alam niyo na rin naman siguro na mahilig ako sa libro ano? Nabanggit ko na ba ‘yon dati? Aside from being a book lover/blogger/writer, swimmer din ako and I dance too, ‘di nga lang kagaya ng kambal na Mc'kein at ni Sam na talagang kinarir ang pagsa-sayaw.
Tahimik talaga ako kadalasan pero nakikipag-kulitan naman ako kapag gusto ko. May silbi rin naman ako sa grupo kahit na mahilig akong magbasa. Kapag naman nagbabasa ako ng libro, usually ayoko ng may maingay, o may ibang tao, o merong may nakikibasa.
Hindi ko nga rin alam kung bakit pumapayag akong nagbabasa kami ni Ririx ng magkasama at iisang libro pa. Marahil ay dahil sa katotohanang alam kong katulad ko rin naman siya na mahilig sa libro kaya ganoon. Ewan puro na lang ako Ririx, for all I know, busy na naman sang isang ‘yon sa mga fafa niya daw kuno tsk.
Lalong napakunot ang noo ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa mesang kaharap ko then a text pop up.
Its a text form Ririx saying ‘Vanvan nasaan ka?’, ‘Dawson?’, ‘Ingat ka kung nasaan ka man’. Natawa na lang din naman ako dahil sa mga text niya, himala hindi siya nagalit o kaya tumawag. Napailing na lang din ako saka ko isinuksok ang cellphone ko sa bulsa ko saka ko tinapos ang mga ginagawa ko, hindi naman nagtagal ay lumakad na lang din ako pabalik kila Ouji.
(Vin's POV)
Napaka-pogi ko talaga pero napaka-malas ko rin wala naman kasing mga chickas dito. Hindi ko rin kasi malaman kung bakit ba ako pa ang papalit sa pwesto nina Dad sa organization, hindi ko rin alam kung bakit kaylangan na ako rin ang mag-asikaso ng mga negosyo namin balang araw.
Kung nandito lang si Ate panigurado sinalo na ako ng isang ‘yon sa mga responsibilidad na pilit ibinibigay sa akin nina Mom. Ito na naman ako, naiisip ko na naman si Ate, sigurado naman kasi ako na kung hindi siya namatay sa Mc'bells mansion, I knew na sasaluhin niya ako.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako gago dati, hindi ako pwedeng magpa-loko-loko noon kasi paniguradong malalagot ako kay Ate. Parang si Shin pa naman ang isang ‘yon, kaya nga hindi na rin ako nagtataka na magkaka-sundo sila nila Xion. Bukod kasi sa sila lang ang babae sa generation namin ay pare-pareho pa silang mga nakakatakot.
Dahil din doon kaya naging bestfriend ko si Xion, paborito rin kasi ni Ate si Xion. Minsan masaya rin talagang balikan ang mga alaala, pero noong namatay siya nagsimula na rin akong mabwisit sa mundong meron ako, langyang mundo ‘to. Kasalanan nito ang lahat, bakit ba naman kasi ang Ate ko pa ang kinuha niya, pwede naman ako na lang, mabait ang Ate ko aminado naman ako na gago ako, ako na lang dapat.
Marahil wala pang may alam sa goddesses ng tungkol doon, at kung alam nila malamang naman ay hindi na rin sila magtatanong. Malamang kasing alam na rin nila na ‘yon ang bagay na pinaka-ayokong pinaguusapan. Sobrang close kasi kami ni Ate, dalawa lang din naman kasi kami.
Lahat na yata ng ugaling hihilingin ng isang kapatid ay nasa kanya na, gusto ko nga ay nandyan siya kapag na-in love ako, nagka-serious relationship, nagbago, nagmahal, nagpakasal, pero wala na, hindi na mangyayari ‘yon. Wala na sa akin ang Ate ko, kinuha na siya sa amin.
Nakakatawa na nga lang isipin na kapag nakikita ko si Erin ay naaalala ko si Ate. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako naiinis sa kanya, in fact ay tuwang-tuwa ako sa kanya, oo na aaminin ko na. Para kasi talaga siyang si Ate, palaging nakangiti, palaging nakatawa, palagi niya kong niyayakap, mabait, caring, basta wala silang pinagkaiba ni Ate.
Kaya ko lang naman siya pinalalayo sa akin, dahil ayokong maging mahina. Ayokong isipin na si Ate siya dahil iba siya, ayokong maging mabait sa kanya dahil lang nakikita ko ang Ate ko sa kanya. Naiinis rin ako sa sarili ko kapag alam kong sumosobra na ako pero kaylangan kong gawin ‘yon. Kaylangan ko siyang palayuin sa akin dahil takot na akong mawalan, ayoko ng may mawala na naman sa akin.
Napatigil ako sa muling paginom ng alak na hawak ko ng makita kong nag-vibrate at may nag-pop up sa cellphone ko na notification. Tiningnan ko lang iyon na nakapatong sa ibabaw ng glass table na kaharap ko dito sa sala ng mansion, pero napakunot agad ang noo ko ng makita kong text ni Chase ang nag-pop-up.Agad kong kinuha iyon saka ko binuksan ‘Hoy merrick inaantay ka na dito’ Chase texted. Natawa na lang ako sa text niya pero hindi na ako nag-reply. They really know how to keep me sane. Walanghiya, ang pogi ko talaga inaantay talaga palagi ang mga pogi.
(Axel's POV)
I knew that soon ay ako na rin ang papalit sa pwesto nina Mom and Dad sa organization, pero ang pamamahala ng company ay mapapasaakin lamang kapag kasal na kami ni Idugawa. Magme-emerge kasi ang dalawang company after naming ma-ikasal at saka lang namin iyon mapapasakamay.
But the thing is up until now ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol sa arrange marriage. Some people would think na masaya ‘yon, pero para sa akin ay hindi, depende na lang kung katulad nina Ouji at Xion ang sitwasyon na nagkagustuhan. Ngunit paano kung hindi ganoon, paano ‘yon? In my case, I love her, yes I do. Pero hindi ko alam kung gusto niya rin ako, ayokong pilitin siya sa bagay na ayaw niya. Alam ko na sinasamahan at kinukulit lang naman ako ni Unix dahil sa mahilig din akong kumanta at tumugtog, just like how she is kay Xion. Alam ko na hanggang doon na lang ‘yon at wala ng iba pang ibig sabihin.
Kinausap ko na rin naman sina Mom and Dad about that at ang tanging sinabi lang nila ay there's no way of turning back. Hindi raw mapapawalang bisa ang usapan kahit na patay na sina Mr. and Mrs. Idugawa. Kalokohan, for all I know ay botong-boto lang din sila kay Unix. Minsan nakaka-inis rin talaga sila, pero aaminin ko na na-miss ko rin bigla sila Mom at Dad. They love me and they support me kahit na ako lang yata ang conservative sa bahay namin, hindi kasi sila ganoon. Pero sa ngayon ay kaylangan ko munang iwaglit ang lahat ng ito, marami pa kaming dapat ayusin and I need to do this first before anything else.
(Chase's POV)
Shete napaka-gwapo ko lang talaga. Alam niyo sa gwapo kong to? Lahat nahuhumaling sa kagwapuhan at alindog ko. Pakiramdam ko nga kalahi ko si Medusa. Kapag kasi napapatingin sa akin ang mga babae, shete otomatik hahabulin ako niyang mga yan.
Kay xion lang naman hindi tumalab ang alindog ko eh. Syempre maging kay Shin na rin at sa iba pa, pero tingin ko talaga si Gail may gusto sa akin ‘yon. Alam kong hindi niya lang pinagsasabi pero totoo ‘yon maniwala kayo. Alam na alam ko na yang mga babae na yan, ganyan sila.
Anyway, alam ko naman nang gwapo talaga ako kaya hindi na bago sa akin ‘yon, for now change topic na lang tayo pero gwapo pa rin naman ako. At dahil nga sa gwapo ako, ako ang pinaka-gwapong papalit sa Ama at Ina ko sa pwesto nila sa organization, ayos ba? wala naman kasi akong kapatid kaya ako lang talaga ang papalit sa kanila.
Dahil ako lang ang anak nila kaya ako lang tuloy ang pogi, sabagay swerteng swerte pa rin naman sila sa akin, gwapo na maalindog pa. Swerteng-swerte rin ang organization na kasama nila ako, kung hindi ay walang gwapo sa kanila. Soon ay ako na rin ang hahawak ng lahat ng mga businesses namin. See? Indemand talaga ang kagwapuhan ko. Ano pa nga bang meron pa ako bukod sa alindog at kagwapuhan ko? Dancer ako sa club! ‘di joke! Hobby ko na ang maglaro ng ibat ibang martial arts. Alam niyo kasi hindi lang gwapo at maalindog ang inyong lingkod talented at matalino pa.
Nakatapat ako sa salamin at tinitingnan kong mabuti ang muka ko ng bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Agad ko rin iyong kinuha at saka ko nakita ang text ni Axel saying ‘Tama na yang daydreaming mo. Pinatatawag na kayo ni boss.’ Agad naman akong natawa sa text niyang iyon. Walanjo, okay na sa na eh. Nandoon na ‘ko eh. Sabagay, okay lang ‘yon gwapo pa rin naman ako.
(Xin's POV)
Ang magkakapatid na Henson ang unang bumalik sa mga ‘yon ng sabay-sabay silang umalis. At hindi naman nagtagal ay isa-isa naring dumarating ang iba pa. Dumiretso rin agad sila kung saan ako naroon and we started the meeting.
"Lahat ng nandyan ay confirmed nang bumalik na at umaali-aligid kay Xion. Marahil kung hindi niya pa alam ang tungkol sa libro, iisipin niyang ordinaryong mga kalaban lang ang mga ‘yon. But I knew time will come na malalaman niya rin ang totoo," I said habang pinapasadahan nila ng tingin ang mga papel na naglalaman ng profiles ng mga taong tinutukoy ko.
Nakaharap pa rin naman ako sa mga monitor na minamatyagan naming mabuti. This is the footage of our mansion kung saan naroon ang mga kasamahan namin. We need to look for them dahil sila lang doon at wala kami, gusto ko lang ding makasiguro.
"Umalis ba ng bahay ang kapatid ko?" Kei suddenly ask.
Napatingin lang din naman ako sa kanya dahil doon.
"Hindi," I simply answered.
Hindi naman na siya nagtanong pa matapos noon. Monitored din namin ang buong mansiyon, lalong-lalo na ang mga tao sa bahay. Sa ngayon si Xion lang din ang mailap para sa akin pati ang goddesses niya. Ang iba naman ay ayos lang din ang galaw, at isa pa ay palaging umaalis ang goddesses, siya lang talaga ang hindi.
Pinilit kong iwinaglit ang tungkol sa mansion para makapag-focus kami sa trabaho namin. Narito na lang din kami sa hideout dapat ay lubos-lubusin na namin ang lahat. Anyway this is the Steinckert Mafia hideout, ito ang pinaka-ulo ng organization. Sa ngayon, tapos na kami sa mga Lee. Ang kinakaharap naman namin ngayon ay mas malaki at mas malawak dahil kalaban namin ngayon ang ibat-ibang organization na mas matindi pa noon. Dahil ito sa mga hawak naming libro na may malaking kapangyarihan sa underground and that is the Books of death.
At hindi rin totoong nawawala ang mga libro dahil hawak namin ito, nasa amin ang libro pero pinapalabas naming nawawala iyon. Hinahayaan lang din naming isipin ng lahat na nawawala ang libro at patuloy na hinahanap para mapalabas namin ang mga organization na naghahangad dito.
Ito ang matagal ko ng iniingatan, dahil simula ng mag-asawa si kuya Shawn ay sinanay agad ako ni Dad sa organization, although bata pa lang naman talaga ako ay sinasanay niya na ako bilang next generation of Gods, bilang Steinckert, bilang boss at bilang susunod sa linya niya.
Bata pa lang din ako ay itinadhana na kaming ipakasal ni Xion, dahil bata pa lang kami ay alam na nila kung sino ang kambal, at alam nila na makakabuti para sa amin ang kasalang iyon. Bata pa lang din kami ay gusto ko na siya, pero bata pa lang kami ay malayo na ang loob sakin ng babaeng ‘yon, ayaw na ayaw niyang sumasama kay Keijin kapag nandyan kami.
Marahil alam niya na na gusto ko siya at ipapakasal kaming dalawa, I am also vocal to her kaya malalaman niya talaga iyon. Mula noon hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan ang muka ng babaeng ‘yon, ang babaeng kaisa-isang nagpatibok ng puso ko mula noon hanggang sa ngayon.
My heart turned into ashes when that scene on the Mcbells mansion happen. Hindi ko iyon napaghandaan, akala ko talaga ay namatay siya, huli ko na rin nalaman ang totoo. Hindi rin ako nakapag-handa noon. Sinisi ko ang sarili ko noon dahil pakiramdam ko ay wala akong kwenta.
Whats the sense of continuing everything without your own heart unto it? I loss my heart, I lost my beloved, I lost my life. Halos mabaliw rin ako noong malaman kong si Chardice Perez at siya ay iisa. Hindi ko alam ang mararamdaman, hindi ako makatulog, gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi ko magawa.
Totoong ang laki na niya, at ang ganda-ganda niya, sa totoo lang ay gusto kong sumigaw at tumalon sa tuwa noon pero hindi ko magawa. Hindi ako makapaniwala, masaya akong malaman na buhay siya, buhay iyong babaeng tangi kong pinapangarap. Buhay ang babaeng tingin pa lang akala mo pinatay ka na ng paulit-ulit pero napakaganda pa rin. Kasabay rin noong bumalik ang pag-asa ko sa lahat ng bagay, bumalik din ang mga bagay na nawala sa akin.
Para akong tulog na muling nagising at nagpatuloy, and that time lahat ng bagay na hindi ko nagawa ay ginawa ko na. Ayoko na siyang mawala sa akin dahil kasi baka this time hindi na talaga siya bumalik sa akin, kaya ginagawa ko ang lahat at hanggang ngayon ay nasa akin ang takot na iyon.
I started to be afraid again, afraid that I might lose her again, afraid that I cant see her again. Sa totoo lang I am also afraid for what I feel for her, I didn’t know whats this damn feeling I have for her? This feeling I can't stop, this feeling who's driving me crazy, this feeling I'm wanting her to notice.
I loved her, yes I really do, I knew I love her and life is meaningless without her, I never even dreamed of having a family if its not with her. Siya lang ang gusto ko at wala ng iba, kaya handa kong gawin ang lahat para sa kanya. Inayos niya ang magulo kong mundo, ibinalik niya iyong dating ako, ipinaalala niya ‘yong tamang direksyon ko, ipinaalala niya sa akin kung sino ako at ano ba dapat ang ginagawa ko. She’s the reason of all of this.
At ang kalabanin siya at ang tadhana namin ay napakalaking hamon para sa akin, knowing her? She's a full package, She's armed of everything she have and needed, she have the capabilities of doing whatever she wants to. And I need to do this to save her, dahil nga kilala ko siya.
Alam kong madalas ay padalos-dalos ang prinsesa ko, stubborn siya kaya kaylangan ko itong gawin kahit magalit siya sa akin, saka ko na lang din siya susuyuin kapag maayos na ang lahat. Kaylangan ko lang masiguro na maayos siya at hindi siya masasaktan. Sa totoo lang ay mahirap kalabanin ang tadhana, para ka lang ding nakikipaglaban sa sarili mo kung ganoon. Kinalaban ko na rin ang sarili ko noon, pero ngayon itong puso ko naman ang kakalabanin ko.
Kaylangan kong gawin to, para kay Xion. Ayoko siyang mawala sa akin kaya kaylangan kong gawin ang lahat. Nagdusa na siya ng mahabang panahon at ayokong magpatuloy pa ‘yon kaya ako na lang ang sasalo ng lahat. Bubuo pa kami ng pamilya at mamumuhay ng masaya, masasaktan kami pareho sa ngayon pero hindi habang buhay kaming ganoon. Patawad Xion, mahal na mahal na mahal kita pero kaylangan kong gawin ito, sana maintindihan mo ako.