(Kei's POV)
Ibinalik ko na ang libro sa pinagkuhanan ko nito matapos ko iyong tingnan, hindi magtatagal ako na ang papalit kay Dad. Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang panindigan ang bagay na iyon, hindi ko alam kung kaya ko ba talagang maging katulad at kasing galing ni Dad, ni Mom at tulad ng mga elders. Naniniwala rin naman ako kay Dad, alam kong may nakita siya sa akin kaya sa akin niya ito ipagkakatiwala. Hindi naman niya ito ibibigay sa akin kung alam niyang hindi ko kaya, ang pinagaalala ko lang its a very serious matter.
Maraming nakataya dito at lahat iyon ay pananagutan ko sa oras na mapasaakin na lahat ng karapatan doon, ayoko rin namang ipasa sa mga kapatid ko ang responsibilidad. Ako kasi ang kuya nila, gusto kong bago sila mahirapan ay ako muna, kayang-kaya na nila iyong business namin, magagaling sila at matatalino.
Ngunit iba na ang usapan kapag tungkol sa organization, hindi pwedeng sila ang mapunta sa sitwasyon ko ayoko silang mapahamak. Kapag ikaw ang naging pinuno ng bawat branches ng SM ulo mo ang nakahain, hindi ang paa mo o kung anuman. Nakahain ang ulo mo sa lahat kasabay ng ulo ng mga taong nakapalibot sayo, ganyan katindi ang mundo dito.
"Kuya? Pogi pa rin ako hindi ba?" Lei suddenly ask.
Agad din naman akong napatingin sa likuran ko and I just glared at him.
"Oh? Pinatatawa lang naman kita bro, easy ka lang. Huwag kang masyadong seryoso dyan Kuya, alam mo tutulungan ka naman namin nina Keijin at Keixin kaya lerax ka lang," Lei added to what he said.
Agad niya ring minasa-masahe ang mga braso ko na ikinatawa ko na lang din. Natawa na lang din naman siya dahil doon at nag-fist bump na lang din kami.
"Saka matagal pa naman ‘yon, i-enjoy na lang muna natin ang lahat sa ngayon," he said again.
"Kaya ko na ang responsibilidad na ‘yon, ang paghandaan niyo ay iyong pamamahala sa mga businesses ng pamilya natin, lalong-lalo ka na. Keijin and Keixin suffer a lot and we need to make life much better for them, okay?" I answered.
"Oo naman Kuya kong pogi, saka ako pa eh ako ang pinaka-pogi sa atin. Basta lerax lang dapat tayo," he said again.
Napailing na lang din naman ako dahil sa kanya, sa kanya marahil namana ng kambal ang kakulitan nila.
“s**t! Kuya? Nasaan si Keijin?” mayamaya ay hiyaw ng mokong dahilan para agad na mapakunot ang noo ko.
Wait, oo nga ano? Nasan ang isang ‘yon?
"Lerax lang baka naman nandyan lang ‘yon," pangaasar ko sa kanya.
"Kuya hindi naman natin kasamang pumasok si Keijin hindi ba?" natataranta niyang hiyaw sa akin.
Agad din naman akong napaisip dahil sa sinabi niya. Wait? Hindi ba namin siya kasamang pumasok dito? Pero kasama naman namin siya sa sasakyan.
"Hanapin na lang natin kasi hindi ko rin alam kung nasaan siya," agad kong sagot sa kanya.
Agad din naman siyang tumakbo palabas ng kwartong kinaroroonan namin and I just followed him.
(Keijin's POV)
Isinara ko na ang cabinet na pinagkuhaan ko ng libro na sa akin ipinahawak. Alam na kaya nila ang bagay na ito? Muka naman kasing hindi pa, lalo na si Keixin. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ‘to, malamang g**o na naman ang kahahantungan ng lahat.
Baka magalit na naman siya, hindi pa naman siya pwedeng magalit. Her anger can trigger the curse, although she seems like super fine noong naka-bakasyon kami. Hindi pa rin namin masasabi na okay na talaga siya kahit na nagka-ayos na kahit paano ang lahat. Ito nga at nagagalit na naman siya nitong mga nakaraang araw.
"Akala namin kung saan ka na nagpunta," kuya Kei suddenly said kaya agad akong napalingon sa kanya.
He came to me with kuya Lei na tila pagod na pagod sila. Saan ba sila galing?
"Ikaw talaga alam mo nakaloloko ka. s**t! Bawas pogi sweat ‘yon," agad na bungad ni kuya Lei sa akin.
Natawa na lang din naman ako dahil doon dahil puro na naman siya kalokohan. Kuya Kei then just pat my head, kaya napangiti na lang din ako sa kanya.
"Magluluto na nga lang ako,” kuya Lei said again.
Agad din siyang umalis kaya naiwan kami ni kuya Kei dito sa kwarto ko.
"Sige na gawin mo na ang gusto mong gawin, tawagin mo kami kapag aalis na tayo," kuya Kei also said to me.
Tumango na lang din naman ako sa kanya saka siya agad na umalis, inayos ko lang din naman ang ilan kong damit saka ko nilinis ang kwarto ko bago ko inikot ang buong bahay. Sa totoo lang ay nakaka-miss rin ang mansion na ito, narito kasi halos lahat ng alaala namin noong mga bata pa kami. Simula kasi noong akalain naming namatay si kambal sa Mcbells mansion, lahat kami hindi na umuwi dito. Lahat kami ay nagkanya kanya ng mundo noon so kuya Lei do something.
Kumuha siya ng bagong bahay para magkasama-sama ulit kami. We make ways para magkabalikan sina Mom and Dad kaya doon na kami sa Henson’s mansion lumaki. Habang naglilibot ako ay napadaan akong muli sa dati naming kwarto ni Xion kaya pumasok ako doon, hanggang ngayon kahit malalaki na kami ay naririnig ko pa rin ang mga tawa niya, the way she called me and the she cared for me.
Nakaka-miss iyong pagtalon-talon niya sa kama ko para magising ako, nakaka-miss iyong mga panahon na magkaka-sakit kami pero hindi pa rin kami naghihiwalay. We share clothes at isa iyon sa mga naaalala ko pa. Nakakatawa talaga siya noon para kasi siyang si kuya Lei sa kakulitan, ewan ko sa kanila parang sila iyong kambal. I miss those, but I’m happy masaya ako na kahit nasira ang lahat we’re finally back to each other.
Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni when my phone in my pocket beep kaya agad ko iyong kinuha. Agad ding bumungad sa akin ang pangalan ni Sam so I read her message. Xion is worried about you, where are you guys?, Sam texted. I just smile to her text pero hindi ko na lang din siya nireplayan. Hindi ko kasi alam kung kaylan kami makakabalik, kasi baka matagalan kami dito, mukang malaki kasi ang problema ngayon.
Pasensya na muna Sam. Sorry Xion baby, but we need to do this. We cant afford any lost anymore lalo na kapag ikaw ‘yon. Kaylangan mong gumaling, I am doing this for you Xion. Matapos kong maglibot ay lumabas na lang din ako kaagad at saka ako bumaba sa ground floor. Dumiretso na lang din ako sa kusina at doon ko nakita sina kuya Kei at kuya Lei.
"Lets eat aalis na tayo mayamaya dala ang libro," kuya Kei said to me when he look at me.
"Bakit kaylangang dalhin ang mga libro?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nakakapanibago naman iyon, sa tagal nang nananahan ng mga libro na iyon sa amin ay ngayon lang ipinadala ni Ouji sa amin ang libro.
"Hindi ko rin alam, magtiwala na lang tayo," kuya Kei answered.
"Kuya? Wala ba siyang balak ibigay kay keixin ang libro? Hindi niya ba sasabihin sa kanya ang tungkol doon? I’m sure magagalit siya," I said again.
Napatingin lang din naman sina Kuya sa akin and I just look at them also.
"Keijin? Wala rin kaming alam, lets ask Ouji," kuya Lei just answered.
Hindi na lang din naman ako nagsalita pang muli. Naupo na lang din ako sa upuan ko dahil alam ko naman na walang mangyayari sa usapan na ito. Pero hindi ko talaga maintindihan si Ouji, ano nga kayang balak niyang gawin? Ano bang pumapasok sa kokote niya?
(Dice's POV)
When we reach our mansion Kuya hurriedly cook foods for us dahil kanina pa akong nagugutom, but when he finish cooking ay ako lang din naman ang mag-isang kumakain habang seryosong-seryoso si Kuya sa ginagawa niya. Paniguradong tungkol na naman sa organization ang ginagawa niya. When Mom and Dad decided na siya na ang susunod na papalit sa kanila ay naging ganyan na siya ka-busy, at ang mga negosyo naman daw namin ang hahawakan ko in the future.
"Kuya? Bakit ba seryosong-seryoso ka dyan? Kumain ka muna," pangungulit ko sa kanya.
Wala talagang kasing seryoso ang isang ito. Kung si Lei ay seryoso kapag kasama kami at makulit pagdating sa pamilya niya, kabaligtaran naman noon si Kuya. Makulit kasi siya kapag sila ang kasama, pero kapag kami na lang ay doon lumalabas ang totoo niyang ugali.
"Kaylangan ko itong seryosohin, alam mo naman na seryosong bagay ito," he answered not even looking to me.
"Kuya paano naman si Rox? Huwag ka namang salawahan Kuya," pangaasar ko sa kanya.
"Umayos ka nga," singhal niya sa akin kaya natawa na lang din naman ako.
"Joke lang naman Kuya, binibiro lang naman kita ang seryoso mo naman kasi masiyado," natatawa kong sagot sa kanya.
"Oxy," pangaasar din sa akin ni Kuya saka niya ako dinilaan na parang bata.
Ako naman ang sumimangot, dahil sa kahihiyan and he just laugh so loud dahil doon.
"Joke lang!" he said again and he pats my head.
He then smile to me saka siya tumuloy sa ginagawa niya. Hindi ko na lang din naman siya inabala ulit and I just continue eating. Alam ko naman kasi na kahit kambal kami ay magkaiba pa rin kami sa maraming bagay. Seryoso rin siya sa maraming bagay tungkol sa buhay at sa akin lang siya parang bata.
Nakakatuwa nga siya kapag kasama niya si Rox eh, himala lang kasi ang daldal niya. Ako kasi kapag kasama ko si Oxy feeling ko nasa heaven ako. Ang galing niya kasing magluto eh, at ang sasarap pa. Nakakabusog, and thats heaven to me, foods. Napakabait din na kakambal ni Kuya sa akin. Kahit kasi sakit ako palagi ng ulo niya ay palagi niya pa rin akong sinasalo sa parents namin at sa maraming bagay. Sa totoo lang idol ko siya, para siyang si Dad, matalino, gwapo, magaling, at mabait, ako kasi ay matakaw lang. Foods is our medicine and eating is our bonding ganoon kami and we click that way.
"Kuya? Gagalingan ko sa pagpapatakbo ng negosyo natin para hindi mo na ako alalahanin. Pangako ko ‘yan, kaya dapat mag-focus ka ng mabuti dyan, kaya ko na ang tungkol sa nesgosyo huwag mo na akong intindihin. Isipin mo naman ang sarili mo, okay?" I said to him.
Muli naman siyang napatingin sa akin saka niya ako nginisian.
"Alam ko, Dice. Alam kong kaya mo, malaki ang tiwala ko sa’yo. Proud ako sa’yo, okay?" he said to me.
Napangisi na lang din ako sa kanya and I let him do his job again. Ibang klase talaga si Kuya.
(Rubix's POV)
Ilang taon na lang at kami na ang papalit sa mga magulang namin, ako na ang papalit sa posisyon ni Mom and Dad sa organization at ang mga negosyo naman namin ang pamamahalaan ni Dice. I can do anything they want, pero sa totoo lang ay nag-aalala ako para sa kakambal ko, malaking bagay kasi ang kaylangan niyang hawakan. Hindi ko siya minamaliit magaling siya at matalino, alam ko ang bagay na iyon pero masiyado pa siyang isip bata. Nagaalala ako na baka sa pagdating ng panahon na ‘yon ay makakagawa siya ng mga bagay na ikakapahamak niya kaya ngayun pa lang ihahanda ko na siya. Alam kong kaylangan niya lang na mas sanayin pa at kakayanin niya ng tumayo sa sarili niyang paa ng mag-isa.
"Dice? Tutulungan kitang magsanay na patakbuhin ang company ha? This time mag-seryoso ka na. Mahirap ito saka boring pero kaylangan mong gawin ito ha? This time hindi na kita kayang saluhin lalo na kapag ipinasa na nila ang mga responsibilidad sa atin pero syempre nandito pa rin palagi si Kuya para sa’yo," muli kong paalala kay Dice habang kaharap namin ang maraming papeles na dapat naming ayusin.
"Kuya? Isip bata lang naman ako at matakaw pero alam ko rin naman ang dapat seryosohin at hindi. Hindi ka magkaka-problema sa akin, pangako ko ‘yan," he assured me.
Dahil doon ay napangisti akong muli at nag-fist bump kami saka ko ginulo ang buhok niya. Ang swerte ko talaga sa kakambal ko, that’s my brother, and I’m proud. Itinuloy na lang din naman naming muli ang ginagawa namin, ipinapaliwanag ko sa kanya ang mga gagawin ko oras na ako na ang pumalit kay Mom at Dad pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa company.