Chapter 27

2215 Words
(Xion’s POV) "I think I am the next," mayamaya ay sabi ni X paglapit niya sa akin sa gitna ng katahimikan then showed us the text message he received. "Teka, ako rin meron!" mayamaya ay sabay-sabay na sabi nina Y, Z, A at B. Tiningnan ko ang bawat messages na natanggap nila at nakita kong iba-iba ang location noon, and it is really saying that it is from me. Whoever bullshit was doing this nagkamali siya ng kinalabang g**g at ginamit na pangalan. "Aphrodite, group your members into five teams," I said na ginawa naman agad niya, “Ang unang grupo ay sasamahan si Y, ang ikalawa ay sasama kay Z ang ikatlo ay sasama kay A at ang ika-apat ay sasama kay B, ang huling grupo hatiin sa dalawa, ang lima ay maiiwan sa Queen to monitor and the other five ay sasama sa amin ni X. Go move, gear up now,” I said again. "Empress? I received a message also from Queen Athena, limang miyembro rin nila ang nakatanggap ng parehong text, iba-iba rin ang location noon," Dane also said. "First? Pumunta ka sa branch two, gawin mo ang ginawa natin dito sa kanila, sabay-sabay tayong aalis kapag handa na ang lahat," I said again. Agad din siyang lumakad at kumilos naman na ang Queen at ang limang kasama niyang maiiwan. When Aphrodite inform me na handa na rin ang mga kasamahan namin sa branch two ay kumilos na agad kami. I also chose to come with X dahil sa tingin ko ay siya ang unang pupuntahan ng may pakana nito. "Sa tingin mo bakit ito ang pinili niyang location?" I ask X habang tahimik lang din siya. "Hindi ko alam Empress pero, parang alam ko na kung sinong gumagawa nito," X answered. "Dito mo naka-laban ang grupo ng second rank g**g hindi ba? Dahil kay Rose? Sila nga kaya ang gumagawa nito?" C also said. "Baka nga sila na ‘yon, wala namang may ibang motibong gawin iyon kung hindi sila lang, sila lang din naman ang mainit ang dugo sa atin," X said. Hindi na ako sumabad sa kanila, natahimik na lang din naman sila hanggang sa mayamaya ay itinigil na ni C ang van, di kalayuan sa mismong spot kung saan pinapunta si X ng nag-text sa kanya pagdating namin sa location. Nauna naman ng bumaba si X at saka siya naglakad mag-isa, meron naman siyang suot na micro-chip na may audio at camera kaya nakikita namin ang nilalakaran niya at maririnig namin siya. "Nandito ka na pala," mayamaya ay sabi ng lalaking dumating na may kasamang limang lalaki rin. They are holding katana na sinisiguro kong gagamitin nila ngayon. "Sinasabi ko na nga ba," X said to him. Ibig sabihin ay tama sila ng hinala, now this is solved. "Inagaw mo si Rose sa akin X, kaya ngayon ay papatayin kita!" he yelled at him. Bumaba na ako at sumunod ng dahan-dahan kay X kaya dahan-dahan ding sumunod sa amin ang apat na kasama namin. Tahimik kaming lumapit sa kanila, at nagkubli malapit sa kanila. "Did you kill her?" X asks him. "Oo, pinatay ko si Rose. Pinatay ko siya kaysa mapunta pa siya sayo!" He yelled. Rose is a member of Branch five, isa siya sa mga namatay na kasamahan namin. "Fvck you, Venom! Fvck you! She loves you, mahal na mahal ka niya. Alam mo ba na buntis siya at ikaw ang ama?Mahal ko siya, oo aminado ako na mahal ko siya, pero ikaw ang pinili niya. That day na nakita mo kami, she was confessing that she was pregnant with you. Pero pinatay mo siya, bakit venom? Bakit? Minahal ka niya, sana ako na lang ang pinili niya pero ikaw ang pinili niya, she chose you. Paano mo naatim na saktan siya?" X yelled to him. He was crying really hard kaya lumabas na rin kami, napatitig lang din naman si Venom sa amin. He’s our member before, pero bigla na lang siyang tumiwalag, iyon pala ang dahilan. "No, that's not true!" Venom yelled at him. Hindi siya pinansin ni X, may kinuha rin siya sa bulsa niya saka niya inihagis iyon kay Venom. "Ayan ang patunay na buntis siya, ultrasound yan!" X also yelled at him. Kitang-kita naman namin kung pano umiyak si Venom at lumuhod, agad niyang kinuha ang ultrasound ni Rose at hindi na niya napigilan na lalong umiyak. Pagsisisihan niya ‘to habang buhay, sigurado ako sa bagay na iyon. Nagulat na lang din kami ng barilin ni Venom ang sarili niya, at kahit ‘yong mga kasama niya ay nagulat na lang din sa ginawa niya. Tinangkang tumakas ng mga kasama niya but I hurriedly killed them, nilapitan naman agad ni X si Venom at nilinis naman agad nina C ang kalat. I then texted Dane na patayin ang sinumang makikita nila sa locations na ginawa naman agad nila. "Magiging isang masayang pamilya na sila," X said to me. I just tap his shoulder saka ko siya niyaya paalis kaya bumalik na kami sa van, niyakap ko na lang din siya ng hindi niya na naman mapigilang maiyak. Si C na lang din ang nag-drive ng van namin palayo doon. Lahat ng tauhan ko hindi lang tauhan ang tingin ko, may espesyal pa rin silang parte sa buhay ko kaya apektado ako sa mga bagay na nangyayari sa kanila. "Their life is enough, for the life of our co-g**g mates," I said to him. Tumango na lang din siya sa akin hanggang sa makabalik na kami sa branch three, naroon na rin naman si Dane at naghihintay sa amin. "Venom was the reason behind this killing, I think his life is enough payment for the lives he stole. I'm sure they won't do anything anymore, for now, let's do the honorary farewell to those who died," I said to them. Lahat ng mga g**g mates namin dito sa pilipinas ay naipon sa main branch, doon namin isinagawa ang honorary farewell. After that ay pinauwi na rin muna namin ang lahat, bukas uuwi na rin ang mga Kings sa kani-kanilang branches. I look at my wristwatch at nakita kong alas dos na ng madaling araw, umuwi na rin kasi kami ni Dane matapos naming gawin ang mga dapat naming gawin. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa mansion and surprisingly lahat sila ay gising pa pagdating namin, tila hinihintay nila kaming lahat. "Bakit gising pa kayo?" Dane ask them pagpasok namin. Naupo lang naman ako sa paborito kong single couch dito sa sala kung saan sila naroon. Sumenyas na lang din ako ng tubig kay manang na agad din namang umalis. "Hinihintay talaga namin kayo," kuya Kei just answered. Himala pati sina ate Dolly at sila kuya Danielle ay nandito. Nagaalala siguro sila dahil ang tagal naming wala. "Kamusta? Okay naman ba kayo? Okay na ba ‘yong problema?" kuya Shawn ask also. Kinuha ko lang din naman ang tubig na iniabot sa akin ni manang and I just drink it. "Oo kuya Shawn, Okay na ang lahat," Dane answered. Matapos kong uminom ay tumayo na ako. “Matulog na kayo,” I just said saka ako naunang lumakad sa kanila. Umakyat na lang din agad ako sa kwarto ko saka ako nag-lock ng pinto, ayoko na kasi ng kausap this is too much for just one day. (Dane's POV) Napatitig na lang ako kay Xion ng umakyat na siya sa hagdan saka ako napabuntunghininga. Agad ko ring ini-stretch ang leeg ko saka ako napatingin sa mga kasama ko rito sa sala na napatingin lang din sa akin. “Okay lang kami, its just that we lose fifty of our members, galing sa dalawang branch namin. Natagalan lang din kami dahil marami kaming inayos, we even have to bid goodbyes bago kami umuwi,” I said to them. Natahimik lang naman sila and I just smile. “Frustrated lang din ‘yon si Xion dahil sa kasamahan pa mismo namin dati sa g**g namatay ang mga kasama namin. Apektado lang talaga siya ng sobra kapag ganoon, pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya ang lahat, sinisisi niya rin kasi palagi ang sarili niya dahil responsibilidad niya lahat ng tauhan niya. Saka, para na niyang mga kapatid iyong mga ‘yon, ganyan talaga siya," I said again. "Ganoon talaga Dane, hindi mabubuo ang samahan niyo kung wala sila kaya ganoon. Doon nabubuo ang magandang samahan, she knew that," Keijin answered. "Magpahinga na kayo, dito muna ako, magpapa-antok lang ko," I said again. Tumango na lang din naman sila saka sila nagkanya-kanya ng akyat sa kani-kanilang kwarto. Nag-timpla na lang din ako ng gatas ko saka ako umakyat sa kwarto ko ng maubos ko na iyon para maka-ligo at makapag-pahinga na. (Lei's POV) Muli akong napabuntunghininga at pilit ko na lamang na iwinaglit ang mga iniisip ko sa mga oras na ito, hindi man lang kasi kami nakapag-paalam sa goddesses, umalis kami ng walang paalam and Ouji said we should stay on the hideout. Ito naman kasing si Ouji palagi na lang pabigla-bigla ng desisyon. Biglaan ang lakad naming elites, tulog pa nga si Keixin at ang goddesses ng umalis kami. Alam ko naman na importante ang lakad na ‘to kaya kaylangan naming umalis, pero hindi ba mas maganda naman kung magpa-paalam kami. Isa pa, baka magalit na naman ang bunso. Sabagay, wala naman akong magagawa hindi man maiintindihan ng goddesses ang gagawin namin, alam kong si Xion maiintindihan niya kami. Alam niya na may kanya-kanya rin kaming trabaho, alam niya na dapat rin kaming kumilos. Sabagay, sigurado naman akong hindi rin maghahanap ang goddesses. Napabuntunghininga na lang ako saka ako napatingin sa picture frame na nakalagay sa night stand sa kwarto ko, agad rin akong napangiti sa nakita ko. Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na si kuya Kei, Shin, Shawn at si Gray at ‘yong dalawang Perez ay nag-aral din sa Elites Academy at dati rin kaming Elites A. I’m sure they wont believe that, si Gray kasi ay nag-aral ulit pagpasok noong walo sa academy kaya baka maguluhan sila, pero pumasok lang naman talaga siya doon dahil kay Keijin. Sa totoo lang ay mas matanda sa amin ‘yong dalawang Perez na ‘yon saka si Shawn but age doesn't matter naman sa section namin, pft. Ibat-ibang batch din naman ang pinanggalingan namin noon and at that time hindi namin alam na Perez sila. Muli akong napangiti saka ko muling tinapos ang pagiimpake. Sa ngayon, kami na rin ang namamahala ng organization na iniwan sa amin ng mga parents namin. Steinckert Mafia Organization includes Steinckert’s, Henson’s, Smith’s, Dawson’s, Merrick’s, Bouvier’s, and Mckein’s Clan. This is obviously where we belong, and this is probably the strongest mafia organization that is still existing, simula noon hanggang ngayon. Nananatiling matatag at walang nakakatalo at patuloy na namamayagpag ang aming organization. "Lumakad na kayo, get back here if you're done already,” Ouji said to us. Lumakad na lang din agad kami dahil sa sinabi niya, magkasama rin kami ni kuya Kei ngayon. Sa ngayon ay hindi pa nakakapunta dito si Keixin, siguro hindi pa ito ang tamang panahon pero sana makita niya rin itong hideout saka iyong dati naming bahay. Simula kasi noong inakala naming patay na siya ay lumipat kami ng ibang bahay. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami ni Kuya sa pakay namin which is our real house. Naiwan lang din agad ako sa living room pagpasok namin at dire-diretso naman siya sa pakay niya. Sa ngayon ay si kuya Kei rin ang papalit kay dad kapag ipinasa na nila ang kani-kanilang tungkulin sa mga susunod na henerasyon, at sigurado rin ako Keixin would disagree. Nagbanta na siya dati tungkol doon, why? Kahit sino sa amin walang may alam. Enough for that, kekwentuhan ko na lang kayo tungkol sa sarili ko. Alam niyo kasi tahimik ako pero madaldal talaga ako, magulo pa akong kausap, at makulit. Tahimik ako kapag alam kong nandyan ang ibang tao pero iba rin ako kapag sina Mom, Dad, Kuya, Keijin, at Keixin ang nandyan. Sila lang din kasi ang kinukulit ko pero depende pa rin iyon sa sitwasyon, si Keixin lang din kasi ang mas madalas kong kinukulit noon. But now, may bago na akong kinukulit and its Shinix. I don’t know why, ang sarap niya kasing kulitin, her annoyed face is so epic like Xion, nakakatawa talaga siya palagi, tapos ang lakas pa niyang mang-asar, so I am the happiest kapag napi-pikon siya sa akin. Also, sa ngayon kung si kuya Kei ang magpapatuloy ng legacy namin sa Organization, ako naman ang hahawak sa mga family businesses namin together with the twin. Alam ko na mas magaling pa rin si kuya Kei sa ganito kaysa sa akin kaya lang ay kaylangan ko itong gawin. Ako ang mas matanda sa kambal kaya kaylangan ko ring tumayo para sa kanila. Ang pogi ko talaga. s**t! Alam niyo noong araw iyang walong elites? Walang-wala iyang mga iyan sa akin napaka-pogi ko noon at lahat ay nagkakagusto sa akin, ako nga rin ang clown ng section namin eh. Noon ‘yon pero syempre hindi naman ako papayag na noon lang ‘yon, lalo pa nga akong gumwapo ngayon. Kaya naman sineseryoso ko na ito kasi malala na ‘to, baka lalo akong pagkaguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD