(Dane's POV)
"Dane? Alam mo muka kang tanga dyan sa mga ngisi mo," puna sa akin ni Nerix na ikinatawa ko lang din naman.
"Masaya lang ako and at the same time ay na-a-amaze," I just answered.
"Why?" nagtataka namang tanong ni Gail.
"Si Xion kasi, hindi lang ako makapaniwala na ngayon marunong na siyang magmahal. Akalain mo ‘yon? Uunahan pa nga yata niya tayong patunayang may forever naman talaga. Hindi ko lang talaga akalain na siya, ‘yong babaeng heartless sa paningin ng lahat ay pumoporeber na. Amazing, right?" I said to them.
Agad din naman silang nagtawanan dahil doon na ikinakunot lang ng noo ko.
"Ikaw lang naman ang bitter dito ano? Kilala mo siya, she’s just mad but she’s always full of love," Shinix said to me.
Tinawanan na naman nila akong lahat kaya napatingin na lang din ako sa kanila, hindi na rin ako nagsalita at naupo na lang din ako.
"Joke lang ‘yon okay? huwag kang maasar," Shinix said again pero hindi ko na siya pinansin.
Hindi ako bitter, alam nila ang pinagdaanan ko at may karanasan ako sa pagmamahal. Alam naman nila na minsan ko ring inakala na may forever pero niloko lang ako, Rox was just like me at ganoon din siya.
“Huwag mo na lang pansinin yan si Shinix, Dane,” Rox said to me.
Hindi ko na lang siya pinansin and I just look at my phone ng tumunog iyon na lalo namang ikinatahimik ng kasama ko.
"Bakit?" agad kong tanong kay Abby pagkasagot ko ng tawag niya.
"E-easy Queen, I-itatanong ko lang sana kung nasaan si Empress," she ask again.
"Busy, just tell me why," I answered.
"May problema kasi sa mga branches natin, pwede po bang kayo na ang magsabi sa kanya?" Abby said.
Agad akong napabuntunghininga at napahilot sa sintido ko, kapag sinabing branches ibig sabihin ay hindi lang sa isang branch namin may problema. Ano na naman kaya ‘yon this time?
"Anong problema? Ako na lang ang aayos niyan, Empress needs rest also, pupuntahan ko na lang din kayo," I said to her.
"Sige po Queen," Abby answered then she drop the call.
Bumuntunghininga naman ako kaagad bago ako tumayo, ano na naman kaya to this time?
“Dane?” tawag sa akin ng mga kasama ko pero hindi ko sila pinansin.
Palabas na sana ako ng kusina kaya lang ay nakasalubong ko na rin si Xion at Ouji na papasok na rin sa kusina.
"Sinabi na ba ni Abby sa’yo?" Xion ask me.
"Oo, ako na lang ang pupunta kung gusto mo pang magpahinga, kaya ko na ‘yon" I answered.
"Sasama ako, kumain na lang din muna tayo. Tell me, bakit ba parang asar na asar ka dyan?" natatawang tanong ni Xion sa akin.
Hindi ako sumagot pero bumalik lang ako sa kinauupuan ko kanina, lalo namang natahimik ang lahat at naupo na lang din naman sila ni Ouji sa mga upuan nila.
"Para kayong mga bata, ilagay niyo nga sa lugar yang jokes niyo. Makiramdam kayo, hindi palaging nakakatuwa sa iba ang akala niyong nakakatawa sa inyo," sermon ni Xion sa kanila.
"Sorry," Shinix just answered.
Wala ng nagsalita matapos noon, tahimik kaming kumain at matapos kumain ay nauna na akong lumabas sa kanila. Hindi ko alam kung bakit naiinis rin ako ngayon, pakiramdam ko ang sensitive ko, I felt bad, maybe its also my fault.
(Kei's POV)
“Satisfied?” Xion ask Shinix na agad namang napakamot sa ulo niya.
“Sorry na Xion, I didn’t mean it. Siya lang naman talaga kasi ang bitter sa atin hindi ba?” Shinix said.
“Papanindigan mo pa rin ba yan? Oo na, kami na ang tanga sa pagibig, bitter kami. But you experience it too, niloko ka rin Shinix. Don’t make it a joke, malakas ka but that doesnt mean na kaylangan mong pagtawanan ang kahinaan ng iba,” Rox also said.
She then walk out at lalo namang natahimik ang mga kasama namin.
“Damn! Pinagaawayan ba ang ganitong problema?” naiiling na sabi ni Xion, “Fix your mess and don’t ever let this happen again,” she said again.
Lumabas rin siya kaagad sa kusina kaya natahimik lalo ang lahat, lumabas na lang din ako kaagad para hanapin si Dane. Nakita ko rin naman siya kaagad sa front lawn ng mansion kaya nilapitan ko na lang agad siya.
"May kaylangan ka ba?" she asked me with her poker face as always and I just smile at her.
"Huwag ka ng mainis, nagagalit si Xion doon. Pinagagalitan niya si Shinix. Hayaan mo na lang siya, ganyan naman talaga sila hindi ba?" I said to her.
"Yeah, ganyan talaga sila at wala na akong magagawa doon. Hindi lang talaga ako natutuwa ngayon, hindi man lang nila naisip na kilala naman nila ako. Aminado naman akong pikunin ako minsan pero sana lang nagisip siya kahit konti, I am bitter not because I still love him. I am bitter because I was hurt Kei, and it’s the worst feeling ever," Dane said to me.
"Dane? Hindi laging sila ang maga-adjust sa pagka-pikunin mo. Ikaw rin dapat masanay ka na, matuto ka ring mag-adjust. If you want to be bitter so then be it, huwag mo na rin lang silang pansinin kapag inaasar ka nila," I said to her.
Itinaas niya naman kaagad ang mga kamay niya sa akin na ikinatawa ko na lang din.
"Hindi ako lalaban Kei, suko na ako. Relax, huwag mo na lang akong pansinin, ganito lang talaga ako," she said to me.
Natawa na lang ako sa kanya and I pat her head na agad din naman niyang ikinatitig sa akin so I smile again.
"Calm down okay? Anyway, saan nga pala kayo pupunta?" I ask.
"Sa mga kasamahan namin na sina Abby kami pupunta, may problema raw kasi kaya kaylangan naming ayusin agad ‘yon," she answered.
Napatango na lang ako saka ko itinigil ang paghaplos sa buhok niya.
"Sige na, magi-ingat kayo," I said.
She just smile at me kaya napangiti na lang akong muli bago ako muling pumasok sa loob.
(Xion's POV)
"Sa branch X sampu ang nadiskubre naming patay, sa branch IX ay labing lima at walang naka-kita man lang o nakakaalam kung paano sila pinatay. Sa magkakaibang lugar sila pinatay pero pare-pareho ng way ng pagpatay," Abby said.
"Call a conference," I said.
Ang g**g na ito ay may 10 branches at si Abby ang humahawak ng main branch namin. Sa gangster arena, kaming sampo ang nagre-represent ng g**g namin, and we are the top g**g at kami rin ang bumubuo ng top gangsters, and I have the highest position on the gangster arena.
Naupo ako sa harap ng monitor sa monitoring room na nasa basement namin, usually kapag may conference ay dito rin namin ‘yon ginaganap. At kagaya sa main branch ng Assassins Empire, ginagamit din namin ang parehong program para matyagan ang bawat branch at ang bawat members namin. Since then I always provide mansions as our hideouts, sa mga hideouts kami nagtitipon-tipon kaya madalas akong nagpo-provide ng malalaking hideouts para sa lahat. Ang iba kasi naming members ay madalas ring naninirahan sa hideouts namin.
Gangsters Empires also have 10 branches, five branches are here in the Philippines and 10 branches are in Japan. The first branch that is here in the Philippines is led by Queen Hera which is Abby, the second is led by Queen Athena which is Jaira, branch 3 is led by Queen Aphrodite which is Jen, the fourth branch is led by Queen Venus which is Kaye, and the fifth branch is led by Queen Psyche which is Jhazmine.
The sixth branch that is located in Japan is led by King Zeus which is Mark, the seventh branch is led by King Poseidon which is James, the eighth branch is led by King Cronus which is Niel, the ninth branch is led by King Eros which is Angelo and the last branch is led by King Hades, which is Cris.
Matapos kong bisitahin ang monitoring room ay pumunta rin agad kami sa conference room ng sabihin na handa na raw ang lahat, pagdating naman namin doon ay naroon na rin ang ilan sa mga kasamahan nina Abby. Dito codenames rin ang gamit ng bawat isa at sa bawat branch ay may 50 na miyembro lang. Each branch was also represent by a color and symbols as their identities, gaya roon ay may mga badges rin sila na may nakalagay na mga codename nila at ang kulay ay kung saang branch sila nabibilang, iba-ibang style rin ng badges ang ginawa sa kanila.
Ang mga codenames naman nila ay depende sa branches, they also have codenames na sinusunod ng lahat para siguradong walang kapareha. At kung ang head ay Queen, sa pilipinas mo lamang sila matatagpuan at kung ang head ay King lahat sila ay nasa Japan. Hating-hati rin ang bawat myembro ng bawat g**g, we have 25 girls and 25 boys each g**g na pinipili at sinasala palagi ng mabuti.
"Empress,” bati ng siyam na head ng mga branches maliban kay Abby.
This must be serious, nandito ang lahat ng branchs heads. Ganito talaga ka-organize ang lahat, bago nila ako kausapin ay silang lahat muna ang nagaayos at naguusap tungkol sa bawat problema o maging sa bawat plano ng bawat isa.
"Magsimula na tayo," I said saka ko sila sinenyasan na maupo na sila.
Agad din naman silang tumayo matapos yumukod saka sila sabay-sabay na naupo matapos kong maupo saka ni Dane.
"This morning nakatanggap kami ng report na ilan sa mga kasamahan natin sa branch five and four ang natagpuang pinatay sa karumal-dumal na pamamaraan ng mga hindi pa nakikilalang salarin. We’ve conducted an investigation already sa kung sino mang maaaring gumawa nito, pero tagilid pa rin tayo dahil hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanila. Ayon sa imbestigasyon na ginawa namin iisa ng way ng pagpatay ang ginawa sa kanila, indikasyon na iisa lang ang gumawa sa kanila nito. At ayon sa mga kasama nila sa bahay, lahat sila ay nakatanggap ng text messages and that text messages daw ay nanggaling sa nagngangalang Empress," Abby started.
I look at their pictures na ipinapakita sa amin ni Abby sa monitor, they even include the profiles of our gangmates and some details. Totoo rin ang sinabi ni Abby na brutal ang ginawang pagpatay sa kanila, ilan sa kanila ay halos hindi na makilala. Ang dami agad nalagas sa amin sa loob ng isang gabi lang, at kung nagsimula ito sa branch four and five malamang branch 3 or branch 6 na ang susunod. Who knows right? Pwede rin nilang sabayin ang pagsugod gaya ng ginawa nila kagabi.
"Hindi magte-text si Empress sa mga miyembro niyo, sa inyo muna siya kumo-contact saka kelan pa yan nag-text sa inyo? She always call at ako pa madalas ang pinatatawag niyan sa inyo. Why did they believe that kind of s**t?" Dane said to them.
She’s right, siya ang gumagawa noon para sa akin lalo na ng umalis ako para pumasok sa Elites Academy.
"Pagtuunan na lang natin ng pansin ang problema, nagawa na nila sa branch four and five ang kahibangan na iyon, I'm sure branch three or branch 6 will follow, kung sino man sila," I said.
Dahil doon ay napatingin sila sa akin.
"Paano kung ibang branch ang isinunod nila?" Abby ask.
"Ipunin niyo ang lahat ng miyembro sa bawat branches, balaan niyo na rin sila tungkol sa pekeng text na natatanggap niyo. Huhulihin natin sila, pero sigurado ako na narito lang sila sa pilipinas at ang branch 3 na ang isusunod nila. Aphrodite? Doon tayo sa branch niyo, kapag naka-receive ng text ang sinuman ipaalam agad sa amin," I said.
Nagtanguan sila sabay tayo, maiiwan si Abby dito sa branch niya kasama ang mga Kings to monitor their branches here, nagsibalik na rin naman ang ibang Queens sa branches nila at tumuloy lang kami ni Dane at Aphrodite sa branch hideout nila. She then did what I said at hindi naman nagtagal ay nagdatingan rin naman agad ang mga miyembro sa bawat branches.
"Empress! Queen, Ms. First," bati ng mga miyembro ng branch three na makakakita sa amin nina Dane at Aphrodite.
Nagkanya-kanya na rin sila ng pwesto habang kapwa inaabangan ang mga cellphone nila, I believe they explain it already. Nanatili naman kami sa monitoring room ng hideout nila Aphrodite dahil mino-monitor ng dalawa ang bawat pangyayari. Mahabang oras rin ang ginugol namin sa paghihintay, kanina pa rin ako tinatawagan ni Ouji at ng mga kapatid ko but I didn’t answer. Dane then talk to them but I didn’t, busy ako sa pagmo-monitor ng lahat. Maraming nalagas sa amin, hindi ko na hahayaan na may malagas pa ulit.
Wala na rin munang hinayaan na umalis ng bawat hideouts, they camp inside each hideouts habang naghihintay ng text na matatanggap nila. Seryoso ang iba, pero ang iba ay puro kalokohan pa rin gaya ng dati. I look at my wrist watch, its exactly 10:00 am already, natunugan kaya nila ang pahahanda namin?