(Shinix's POV) "Tawagin mo na sila handa na ang breakfast," Dane said to me dahilan para agad akong mapatunghay. Napatitig lang din ako sa kanya habang hawak ko pa rin ang cellphone ko at naka-upo ako dito sa couch sa living room while she’s looking at me also. “Come again?” I ask. “I said call them, kakain na tayo,” Dane repeated. "No way, ayoko ngang gawin ‘yon ikaw na lang ang tumawag sa kanila Dane," agad kong angal sa kanya. Tiningnan niya lang naman ako ng masama saka siya nameywang sa harapan ko. "Call them now," Dane said again pero agad din akong umiling. Saktong napalingon kaming dalawa dahil biglang sumulpot si Nerix sa harapan namin na naka-kunot ang noo. “Anong problema niyo?” she ask. "Tawagin mo na ang mga kasama natin, kakain na," casual na sagot ko sa kanya na la

