(Unix's POV) "Hindi ka man lang ba natutuwa na ang lalaking noon mo pa pinapangarap ngayon ay magiging asawa mo na?” Agad akong napalingon at napatitig kay Xion, tumuloy lang din siya sa pagpasok sa kwarto ko at agad din akong napatigil sa pagiyak. “At mahal na mahal ka niya? Bagay na hindi mo inakalang mangyayari because all you want from him before is to notice you," Xion added. Naupo siya sa dulo ng kama ko habang nakaupo rin ako sa kama ko at nakayakap sa unan ko. "Akala ko ginagawa niya lang ang lahat ng ‘yon dahil sa arrange marriage," I said and Xion just smile at me. "He confess to me already bago pa siya umamin sa’yo, kaya alam kong totoo ang sinasabi niya na mahal ka niya. He just want to make sure na handa ka bago niya sabihin ang tungkol sa contract marriage Unix," Xion s

