(Shin’s POV) Right after the ceremony ay agad din kaming dumiretso sa reception kasama ang mga guest at dito ay tumutugtog na ulit si Xion and this time she was with Axel na nag-gigitara at si Unix ang kumakanta ng mga gusto naming kanta habang nagsasayaw kami ni Gray sa gitna. "Masaya ka ba?" Gray ask me habang nagsa-sayaw kami kaya agad akong natawa. Napangiti na lang din ako saka ako mas tumitig sa kanya habang nakangiti rin siya sa akin. "Sa’yo pa lang ay masaya na ako Gray, ito pa kayang kasal na tayo at alam kong sa akin ka na talaga?" I answered that makes him smile so wide. “I love you, at hindi masusukat ng kahit anong panukat ang halaga at ang dami ng pagmamahal ko para sa’yo Shin,” Gray said to me and he hug me. Niyakap ko na lang din siya at ipinagpatuloy namin ang sayaw

