Chapter 22

2221 Words
(Kei’s POV) "What the hell is happening here?" Xion yelled. "F*ck!" sabay-sabay na bulong ng goddesses. Bigla ring tumalsik ang dalawang lalaki sa pader sa kaliwa nila, habang dali-dali namang hinawakan ng mga goddesses si Xion para pigilan. Na-shock na lang din naman kami at hindi na nakagalaw dahil doon, I look at Xion and I saw that her eyes is red and she looks like hell. "Leave, come on!" Dane yelled to them again. "Empress? Listen to me!" muling sabi ni Hector habang habol-habol niya ang hininga niya. Halos malagutan na siya ng hininga but he tried to stand up kagaya ng kasama niya. "I already gave you a chance to live but here you are again, I told you already don't you ever show me your faces ever again, but you have the guts to show me your f*cking faces now. If it's not because you want to die then why are you here?" Xion yelled at them again and all the glass shattered because of that. This is bullshit, I knew she was fuming mad. Hindi ito maganda. "Gusto na naming bumalik Empress!" Hector yelled. Nagulat na lang lalo kami ng magtalsikan ang goddesses, and Xion was just looking at that two. Kami naman ang sumaklolo sa goddesses, sinubukan ring pigilan ni Gray si Xion but Ouji stop him immediately. "You leave without any words, You broke up with Dane without any reason, you broke her heart you make her cry, for what reason Hector? And you Brylan? You left Rox because of what? Because of another girl? Then here you are coming back again? F*ck the hell, What do you think of me? Sinaktan niyo ang mga goddesses ko tapos babalik kayo? Mga g*go ba kayo? Alam niyo na ang pinaka-ayoko sa lahat ay sinasaktan sila but you did. How could you even dare mess up with me! How could you?" Xion yelled again. Inisang hakbang niya lang din ang posisyon ng dalawa saka niya sila sabay na sinipa na agad ding bumagsak bago niya sila pinagsasapak. She's mad, I knew it, hindi siya makukuntento alam kong papatay siya. "Xion stop!" Rox yelled dahilan para mapatigil si Xion. Humarap siya kay Rox na puro dugo habang walang sigla ang mga mata niya, Rox cried habang inaalalayan siya ni Rubix. "What? For what Rox? pinagbigyan na kita noong una pero hindi na ngayon! Hinding hindi na!" Xion yelled again. "Xion kapatid ni Grace si Brylan!" Rox yelled again. Mas lumakas rin ang iyak niya at lahat sila ay lalong natahimik but Xion clenched her fist, then she shouted at the top of her lungs cussing. "That's the reason why? That’s your reason? Naniwala ka sa kasinungalingan ng dalawang ito? Paano ka magiging kapatid ni Grace? Pinatay mo nga siya hindi ba? Paano Brylan? At ikaw Hector kaano-ano ka ni Grace? Pinsan? Sinasabi niyo na kamag-anak niyo siya pero pinatay niyo siya! Akala niyo ba ay hindi ko alam? What the fvck?" Xion yelled and she laugh, “All these years I kept this anger for you Rox, I kept my promise kahit pa gustong-gusto ko ng ipaghiganti si Grace. You knew how much she means to me but you are always more than anything! Palagi, mula noon hanggang ngayon you are on top of those priorities and fvck! This is too much!” Xion yelled again. Tulala naman ang goddesses hanggang sa nagiyakan na silang lahat. She then pulled out her g*n habang nakatingin siya sa mga kaibigan niya. "Pinagbigyan ko na kayo noon, tama na ’yon. Uunahin ko naman ang sarili ko, para kay Grace to," Xion said then she shoot them. Inubos niya ang bala ng b***l niya sa dalawang ‘yon habang tulala ang mga goddesses at parang hindi sila makapaniwala sa mga nangyari. "Ligpitin niyo yan, wala kayong ititirang bakas naiintindihan niyo ba?" Xion then yelled to us. She then leave immediately and no one dares to stop nor follow her. Agad namang inutusan ni Ouji ang mga tao nila para linisin ang bangkay ng dalawang iyon. Lalo namang nag-iyakan ang mga goddesses dahil doon. At kami naman ang umalo sa kanila. Kadarating lang nila sa totoo lang ay hindi namin inaasahan na ganito ang mangyayari sa paguwi nila. ------------------------- Kinabukasan maagang umalis si Xion at naiwan kaming lahat dito sa mansion. Ouji didn’t do anything to find her dahil alam niyang galit siya, ang goddesses naman ang dinamayan namin. "Siguradong galit na galit na naman siya," Dane said out of nowhere. Magkaka-sama kami sa sala pero ngayon lang may nagsalita sa amin. Hindi kami nagtatanong, hinihintay namin silang mag-kwento dahil ayaw namin silang pilitin. "Kung alam ko lang ako na mismo ang pumatay kay Brylan, hayop siya pinatay nila si Grace, napapaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya, ang tanga tanga ko. Bakit ako naniwala sa kanya?" Rox said also. Hindi na rin naman niya napigilang umiyak muli dahil doon, kahit ang iba sa kanila ay nagsimula na namang umiyak. Umiiyak na naman sila katulad kahapon. Tahimik naman ang iba nilang kasamahan pero halatang galit sila, si Sam ay palaging nakatungo at naka-cross arm. Si Unix naman ay malayo palagi ang tingin, salubong naman ang kilay ni Gail at laging naka-poker face si Shinix, si Oxy naman ay lalong tumahimik, Erin is sad at hindi siya ngumingiti kaiba sa araw-araw na siya at si Nerix na usually namang maingay ay tahimik din. "Sino ba si Grace?" mayamaya ay tanong ni Shin sa kanila. Agad akong umiling sa kanya but I also heard Shinix’s sigh. "Si Grace ang Ate naming lahat nila Shonen, she took care of us matapos na mamatay ang mga magulang namin at noong inakala namin na patay na ang mga Perez ay siya rin ang umaruga kay Xion kasama ni Dane. Siya lang ‘yong kaisa-isang taong gusto ni Xion, Sam at Shonen na palaging nakikita, katabi, kasama kumain, o kasama kahit saan kahit pa maghapon. Siya ‘yong kaisa-isang tao na gusto ni Xion na palaging niyayakap. Sam, Xion and Shonen was like our little siblings before dahil sila ang pinakabata sa amin at parang si Grace ang ina nila. Si Sam kasi noon kay Dane siya palaging naka-dikit, so si Shonen at Xion ang madalas na mag-agawan sa kanya noon. Alam niyo spoiled na spoiled si Xion at Shonen sa Ate naming iyon para talaga silang mag-iina. At nagulat na lang kami isang araw na wala na siya, patay na siya, pinatay siya, and no one knows who killed her. And Xion and Shonen suffered again, we suffered again, tapos ngayon malalaman ko na sila lang pala ang mga g*g*ng ‘yon? Tangna, why her? Of all the people why her? I wonder how Xion and Shonen endured this pain," Shinix answered. Kitang-kita ko rin ang mga luha niya hanggang sa lahat sila ay umiyak na. "Kasalanan ko to!" Dane and Rox said again. "Kaylan pa kayo naging sina Hector at Brylan? Minahal niyo lang sila at tao lang kayo na nagkakamali. Sila ang may kasalanan hindi kayo okay? Niloko nila kayo, tama na yan," Gail said. Agad din siyang umalis at agad din namang sumunod iyong iba sa kanila, naiwan naman sina Rox at Dane kasama namin dito. "Galit din sila, I knew it. Its my fault ako ang pumigil kay Xion noon na patayin sila, kung alam ko lang ang totoo," Rox said again. Agad naman siyang niyakap ni Dane and Selene hug them too. "Relax okay? I’ll talk to them, huwag niyo ng sisihin ang mga sarili niyo. Wala kayong kasalanan okay? Sigurado ako hindi rin sila galit, nasasaktan lang sila pero hindi sila galit sa inyo," Selene said to them. Agad din siyang umalis marahil ay para kausapin ang mga iyon. "Ayusin niyo yang mga sarili niyo, Selene is right. Nasasaktan lang kayong pare-pareho ngayon but that doesnt mean that its your fault. You knew them, they will never get mad at you, okay?" Shin said to them. Siya naman ang yumakap sa dalawa at nagkatinginan na lang kaming lahat dahil doon. (Xion's POV) "Ngiti ka naman dyan Empress," pangaasar na naman sa akin ni Ethan. Tiningnan ko lang naman silang lahat saka ako agad na napa-iwas ng tingin. Pag-gising ko kaninang umaga ay agad akong umalis sa bahay, I came here dahil wala naman akong ibang alam na pupuntahan at isa pa ay ayoko rin munang makita ang mga goddesses. Ayoko muna ng kahit anong iisipin sa ngayon, I need to focus sa paghahanap ng mga libro pero hindi ko alam kung bakit sumasabay pa ang ibang problema sa paghahanap ko sa libro. "Ano bang gusto mong gawin, kainin o baka may gusto kang puntahan? Puntahan na natin yan," Rain also said. "I want peace,” I said. Agad naman silang natahimik dahil doon kaya napatingin lang din ako sa kanila. "Empress? Malulungkot si Grace kapag nakita ka niyang ganyan, for sure Shonen will be sad also," Ethan said. Okay lang ‘yon, malay mo baka bumalik siya kapag nakita niya akong ganito, pwede kaya ‘yon? Parang baliw pa naman ang isang ‘yon, feeling nanay talaga siya sa akin. Ano ba naman tong iniisip ko? Kainis! Nababaliw na naman ako, pero minsan hindi ko maiwasang isipin na baka hindi naman talaga siya patay tulad nila Nanay at Tatay, baka joke lang din niya ‘yon katulad nila. "Empress?" Muli akong napalingon sa mga kasama ko saka ko lang napansin ang pagtulo ng luha ko kaya napaiwas agad ako ng tingin, agad ko ring pinunasan ang mga luha kong hindi ko na alam kung paano tumulo. Grace means so much to me, para ko na ‘yong Nanay, gaya nga ng sabi nila, ganoon kami sa kanya ni Shonen. Sa totoo lang ay siya talaga ang Queen ng main branch, pero isang araw nagulat na lang kami dahil pinatay siya at ang masakit pa doon ay sina Hector at Brylan pa ang gumawa noon. Silang mga kasamahan pa namin ang gumawa noon saka lang din namin nalaman na connected pala sila sa ibang organization, at hindi lang ‘yon ang ginawa nila sinaktan din nila sina Dane at Rox. Ang kakapal ng muka nila for doing that, tinuring ko na silang hindi iba pero anong ginawa nila? They even dared messing up with me, nagawan pa nila ako ng kagaguhan. Their lives is never been enough, nagtimpi ako ng halos isang taon para lang kay Rox at Dane pero hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nila kahit pa sa kabilang buhay. "Empress?" someone yelled calling me. Dahil doon ay napalingon kami kay Wave na humahangos na papunta sa amin, bakit kaya? "You must see this," he said and show me a paper. Kinuha ko naman agad ang papel na iniabot niya and I hurriedly look at that. Boa? You again? Alam niya na sigurong pinatay ko na sila Hector at Brylan. Ang bilis naman. "Iniimbitahan niya tayo," Wave said again. Matapos kong basahin ang sulat at tumayo na ako saka ko iniabot kay Ethan ang sulat na ipinadala ni Boa. “Phoenix? Get ready, we’re attending a war,” I said. Agad namang tinanguan ni Rain ang sinabi ko saka siya kumilos para maghanda. Pinakilos na rin naman ni Ethan ang iba naming mga kasama. Now all I needed to do is erase them all, kaylangan ng tuluyang matapos ang paghihiganti ko para kay Grace. (Keijin's POV) I texted them pagkakita ko kay Xion at kay Ethan na parang naghahanda sa laban, mukang pupunta sila sa gyera sa mga hitsura nila. Muli kong pinakatitigan ang footage ng CCTV cameras na pinababantayan sa akin ni Rox, hindi kasi umuuwi si Keixin kaya nagalala na kami kung nasaan siya. Hiniling naman ni Dane na hayaan muna siyang magpahinga kaya ginawa na lang namin but Rox did this to make sure her safety. ‘Inform the goddesses’ Ouji replied. I then texted Sam at nag-reply naman agad siya na susunod na raw sila. Hinayaan ko lang din naman na kumilos sina Xion at ng masiguro ko na ang location na pupuntahan nila ay saka ko sila pinuntahan hanggang sa magkita-kita na rin kaming lahat nina Ouji. "Mukang gyera nga ito," Shinix said to us. Ano kayang lugar ito? Ano nga kayang mangyayari? "Tungkol saan kaya ang pagtitipon na ito?" Gail ask also. "Pumasok na lang tayo," Nerix said. Pumasok na lang din sila sa loob ng pinuntahan naming mansion kaya sumunod na lang din kami sa kanila. Dahil doon ay napatingin ang lahat sa amin maliban kay Xion na nakatalikod pa rin sa amin. "Hindi kayo kaylangan dito, better leave now," Xion then said. "Tutulong kami, we’re still part of this organization," Unix just answered. "Umalis na kayo, no one wants your help here," Xion said also. Ito lang yata ang unang beses na narinig ko siyang ganyan makipag-usap sa goddesses lalo na kay Unix. She’s always gentle with them. "Hindi kami aalis. Let’s just be professional here," Erin said also. "Empress?" mayamaya ay saway rin ni Ethan kay Xion. Natahimik na lang din si Xion dahil doon kaya naupo na lang din kami sa mga bakanteng upuan malapit sa kanila. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang muka niya, her face looks so troubled yet dangerous. Matatalim ang mga tingin niya pero malalim ang paligid ng mga mata niya, umiyak ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD