Chapter 23

2088 Words
(Keijin's POV) “Anyway, what do you want? Sila ang pupuntahan natin o sila ang papupuntahin natin?” Ethan ask her agad namang napalingon si Xion sa kanya. "Sila ang palalapitin natin King Ox. hindi tayo ang lalapit sa kanila at kahit kaylan ay hindi natin iyon gagawin, Ano yan joke? Umayos ka nga Ethan. We are the strongest, they should bow down," Rain said to him. "Okay, gumawa na lang tayo ng paraan para lumapit sila. Imbitahan na lang natin sila para siguradong matutuloy ang lahat," Ethan then said. They are planning for what? Sino kayang tinutukoy nila? Sila lang din kasi ang naguusap-usap at nakikinig lang din naman si Xion sa kanila ng tahimik. "Nababagot na ako bilisan niyo na, paghandaan natin ang labang ito. I waited so long for this battle at kaylangan kong masiyahan, Ox," Xion suddenly said dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. "Ganyan talaga yan si Ethan, pasensya ka na Empress," sabad ng isa naming kaharap sa usapan. "G*g* ka ba Cloud? Bakit nadamay pa ako sa inyo?" Ethan said to him. "Bilis na Ethanol, totoo naman kasi na ang bagal bagal mo," Rain said again and they all laugh. "Sandali lang okay, I needed to plan smoothly. I'm wondering why she wanted to see Empress now kaya kaylangan kong planuhin ng mabuti ito," Ethan answered to them dahilan para matahimik sila. "Oo nga, nagsisimula na rin akong magtaka," Rain also said. "Baka naman mangungutang, ang yaman pa naman nitong Empress natin," Cloud just said. "O kaya naman ay hihingi ng kagandahan," Rain also said. "Baka naman makikipag-bato-bato-pick, alam niyo naman na bato-bato-pick queen ang Empress natin hindi ba?" sabad ng isa pa nilang kasamahan. "Sky mababaw na dahilan lang ‘yon, baka naman gustong makipag-face-swap. Alam niyo naman ang ganda-ganda ng Empress natin," Ethan said also. "Baka naman gustong patayin ako, baka lang naman ano? Ano nga kaya? Baka gusto niyo ring patayin ko na kayo?" sabad din ni Xion sa kanila. Dahil doon ay nagkatinginan agad sila. "Oo nga ano?" they all said saka sila nagtawanan. "Ewan ko sa inyo!" singhal ni Xion sa kanila. "Tumawa ka na kasi Empress, baka isipin mamaya ni Boa bitter ka," Ethan said again. Boa? That’s familiar. Agad lang din namang napakamot ng ulo si Ethan ng tingnan siya ng masama ni Xion. "Okay, seryoso na ako Empress hehe," Ethan said and then he continue what he's doing. "Its all girls war kaya kayong serpents dito na lang kayo okay? Kaunti man ang Phoenix members natin kumpara sa kanila, its fine. Basta lahat ng sasama sa akin ay babae," Xion said again. "Thats cool, I'm Phoenix din kaya!" Ethan said saka siya umarte na para siyang babae. "What if I’ll sapak you na lang kaya?" Xion said to him. They all laugh at agad din namang napaayos ng upo si Ethan. "Whats the purpose of doing that plan kung hindi naman pala kami kasali?" Ethan then said to him and this time ay seryoso na siya. "Dati naman ay nanonood lang kayo sa amin kapag sina Boa ang kalaban hindi ba? So ngayon manonood pa rin kayo, at gaya dati sa akin pa rin si Boa. This time I wont fvcking hold back anymore. This time I’ll end her fvcking life," Xion said to him. This time natahimik na lang sila at nagkatinginan. Xion is damn serious, parang katulad kay Hector at Brylan ay nagtimpi siya ng mahabang panahon. "Rain? Tell our Phoenix's wear their most presentable dress, it's a war of deadly beauties again," Xion said to Rain. Agad namang tumango ang kausap niya and she hurriedly leave, leaving us here. "Damn! Ito talaga ang pinaka-gusto kong scene sa lahat!" Ethan said na tinawanan lang naman ng mga kasama niya. "Jerk as always!" Rain said saka siya agad na umalis. Tumayo na rin naman sina Dane saka sila agad na sumunod kay Xion. "Maghanda na tayo serpents, magandang palabas na naman ang panonoorin natin. Paniguradong marami na namang bebot doon!" Ethan said sa mga kasama niya. We all glared at him ng balingan niya kami but he just managed to smirk at us at wala rin namang pakialam ang mga kasama niya sa amin. "Hindi ako tinatablan ng mga tingin na ganyan. Hindi kayo si Empress kaya huwag niyo na akong daanin sa ganyang tinginan, I am the King of this Empire and I will never be easily scared and I will never bow down to anyone aside from our Empress," Ethan then said to us. Nginisian niya lang din naman ako saka siya naunang umalis kasunod ang mga kasama niya na nakangisi lang din sa amin. Sino ba talaga siya? Ang section na hawak ko at ‘yong hawak ni Rubix sino nga kaya sila? (Chase's POV) Shit! Seriously gyera ba talaga o party ang pupuntahan nila? Tama si Ethan ang daming bebot na magaganda sa kanila at lahat sila ay mga naka-itim. Kanya-kanyang pagandahan ng mga soot at tama nga si Xion its a war of deadly beauties. Sa ngayon din ay wala pa ang goddesses at ang mga tauhan pa lang nila ang mga kasama namin. Lahat sila ay talagang naghanda maayos na ang lahat kaya nauna na ring lumabas ang iba at naiwan pa rin kami dito sa loob. Hindi naman nagtagal ay nauna ng bumaba si Dane sa mga kasama niya, nakasuot siya ng mahabang black tube gown na may mahabang slit na pinartneran ng black boots at hawak-hawak niya na rin ang mga weapons niya. s**t! tama nga talaga si Ethan umuulan nga talaga ng mga bebot na magaganda. Hindi naman nagtagal ay sumunod na si Shinix sa kanya na naka black pants, black leather jacket, black sando at black boots. Nagsusuot pa siya ng gloves pagbaba niya at armado na rin siya ng mga weapons. Mayamaya naman ay sumunod na si Nerix na bumaba, black tube body fitted dress and suot niya na may black stocking at doon niya isinuksok ang mga weapons niya at gaya ng iba ay naka-black boots din siya. Kasunod niya na rin naman si Gail na hindi ko malaman kung si Gail ba talaga. She’s wearing black hoody and short with black boots and she’s also holding her weapons, itinaas niya rin ang buhok niya and this was the first time I saw her wearing shorts. Nagde-dress na siya, nakikita ko pero ‘yong pagsusuot ng short ay ngayon ko lang nakita. Napaiwas na lang din ako ng tingin sa kanya pero napalingon muli ako sa hagdan ng si Erin na ang bumaba, she’s wearing black pants and black tube, nakataas rin ang buhok niya at may dalawang katana siya sa likod, and she wear black boots also. Kasunod niya rin si Rox na black short and sando lang ang soot and black boots, nakatali rin ang buhok niya gaya ng iba. Ang mga boots nila, sigurado akong pare-pareho sila ng suot. Mayamaya naman ay si Oxy na ang bumaba habang nagaayos ng weapons ang iba doon, naka-skirt tapos sando siya na all black din, naka-stocking din si Oxy saka siya nagsuot ng boots. Si Unix naman na kasabay niya ay naka tube lang din na pinatungan ng leather jacket, she’s also wearing pants and boots na all black din. Kasunod naman nilang bumaba si Sam na naka-plain black dress and black boots lang pero ‘yong buhok niya ang nagpataray ng hitsura niya nag pony-tail din kasi siya ng buhok. "Mauna na tayo sa labas," agad na yaya ni Sam sa amin kaya sumunod na lang din kami. Siguro ay sa labas na lang din hihintayin ng lahat si Xion. Hindi naman nagtagal ay napalingon kaming lahat ng lumingon si Sam sa pintuan. Saka lang din naman nakita si Xion, she’s walking through us wearing a black crop turtle neck top and black pants, na pinartneran niya ng black boots na kagaya ng suot ng goddesses. At ang lalong nagpa-tapang ng hitsura niya ngayon ay ang long leather coat na suot niya na umaabot sa paa niya sa sobrang haba, she even pony tailed her hair too na lalong nagbigay ng hustisya sa delikadong hitsura niya ngayon. Shit! Ngayon niya lang inipit ng ganyan ang buhok niya at lalong ngayon lang siya nagsuot ng crop top. This is really cool, pakiramdam ko ay sasali na ako sa anumang organization na meron sila. She just pass by us saka siya sumakay sa sasakyan niya at kumilos din naman agad ang mga kasama niya. Naramdaman ko na lang din naman na may sumapok sa akin kaya agad akong napalingon at agad kong nakita si Xian kaya sumakay na lang din ako sa van na dala namin. s**t! Ang sakit noon, pero double s**t pa rin kapag napalampas ko ang war na ito, masaya pala talaga ito tama si Ethan. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa location, pagkarating namin ay dumiretso lang kami sa isang bakanteng lawn malapit sa isang abandonadong building. Habang naglalakad kaming lahat ay naiwan kami sa likod at nauna na sina Xion kasama ang mga girl members nila. Naiwan naman kami sa likuran kasama sina Ethan. Hindi naman nagtagal ay sumulpot na ang isang grupo ng mga kababaihan na naka-all red sa harapan nila na tila sumasalubong sa amin. They are shining brightly dahil lutang na lutang sila sa dami nila at sa kulay ng suot nila, pero hindi naman kakikitaan ng takot ang mga kasama namin kahit na dehado sila sa bilang. Magkakaalaman na talaga marahil ang lahat dito. (Gray's POV) "Nagkita ulit tayo Boa," agad na bati ni Xion sa nakapulang babae na nasa unahan sa kabilang grupo. Lahat sila ay nakasuot ng magagarang pulang kasuotan katulad nila Xion na naka-itim naman at talagang nangingibabaw ang mga kalaban dahil sa dami nila. Agad din naman kaming pumunta sa kanan nila para hayaan silang maglaban, alam ko naman na kayang-kaya na nila yan. Hindi susugod si Xion dito na konti lang ang dala kung hindi niya kaya ang mga kalaban. "Empress? Hayop ka ang tagal kitang hinintay!" Boa yelled at her. “Hinihintay mo lang pala ako? Alam mo bang binabantayan lang din kita," agad na sagot ni Xion sa kanya. Kalmado siya ngayon, pero kilala ko siya. Mas lalo akong natatakot kapag ganyan siya, dahil mas delikado siya kapag kalmado. Mamaya lang din kasi ay lalabas na ang totoo niyang nararamdaman. "Pinatay mo si Hector at ang kapatid ko hayop ka! Pagkatapos mong sirain ang muka ko at ang buhay ko, pati sila ay kinuha mo na rin sa akin!" she yelled again. This time Xion chuckled hanggang sa naging malakas na pagtawa iyon na ikinatahimik ni Boa. "Si Hector na inahas mo lang kay Dane? At si Brylan na ginamit mo para saktan si Rox? Iyong dalawang ‘yon na ginamit mo para patayin si Grace? Oo pinatay ko sila! Pinatay ko silang dalawa at hindi pa doon nagtatapos ang lahat Boa. Dahil papatayin din kita! pinatay mo si Grace at sinaktan niyo ang goddesses ko kaya pagbabayaran niyo ang lahat ng iyon. Uubusin ko kayong lahat at wala akong ititira kahit sinuman sa inyo, nagtiis ako ng mahabang panahon Boa, pero ngayon ay hindi na, hinding-hindi na ako magpapapigil pa. Magbabayad kayong lahat!" Xion yelled at her. Kasunod ng malakas niyang sigaw ay ang malakas na hangin, and this is what I really fear. I was about to stop her pero agad din kaming pinigilan ni Ethan. Napalingon lang din kami sa kanya habang nagsisimula ng maglaban ang kapwa nila tauhan leaving Boa and Xion in the middle. "Hayaan niyo siyang tanggalin ang sakit sa dibdib niya sa pagkamatay ni Grace. Let her at least end her sufferings, this might be the last," Ethan said to us. Dahil doon ay natahimik agad kami, hindi na rin kami nakagalaw and we can really see that she’s really mad, she’s very mad again na alam kong tanging pagpatay lang ang makakapagpahupa. She then run when Boa run towards her, sinalubong niya si Boa at nagsalpukan sila sa gitna dahilan para mahawi ang lahat sa paligid nila. Lakas sa lakas ang labanan at walang nakikialam sa kanila. The goddesses just look at her bago nila muling harapin ang mga kalaban nila, mayamaya ay napalingon na lang din kami sa nagdatingan sa kaliwang bahagi ng lawn. "Hindi pala tayo manonood, tara na mga kasama, sila ang ubusin natin!" Ethan yelled sa mga kasama niya. Agad din silang nagsalpukan ng mga lalaking dumating at hinayaan na namin sila, hindi kami pwedeng makialam because this is their battle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD