(Xion's POV)
"Hanggang dyan ka na lang ba Phoenix?" Boa yelled again ng matamaan niya ako ng sipa niya.
Tumawa lang din naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya habang nakatayo ako malayo sa kanya, hindi ko siya inaasar, natutuwa lang ako dahil dumating na ang araw na ito. Matagal kong hinintay ang araw na ito at dahil doon ay ginaganahan ako ng sobra.
"Ginaganahan ako Boa, at kapag ginaganahan ako ay nagpapatalo ako sa umpisa. Kaya galingan mo!" I yelled at her.
Tiningnan ko siya ng masama saka ako tumakbo palapit sa kanya, agad ko rin siyang sinipa saka ko siya sinuntok habang umiilag siya. Sumipa lang din naman siya at sumuntok kaya umilag naman ako. Sinipa ko lang din siya at sinuntok ng sunod-sunod kaya tumalsik na naman siya ng matamaan ko. Humakbang din akong muli papalapit sa kanya habang nakasalampak siya sa sahig.
"Sugudin nyo na!" Boa yelled sa mga tauhan niya na nakapalibot sa amin.
Lahat sila ay sinalubong ko saka ko hinugot ang katana ko saka sila pinutulan ng ulo, sabay-sabay na bumagsak ang mga katawan nila at agad na nagkalat ang dugo at nagkanya-kanya rin ng paggulong ang mga ulo nila.
"Wala silang magagawa laban sa akin Boa! Katulad ni Hector, ni Brylan at katulad mo, wala silang magagawa, mamatay silang lahat!" I yelled.
Mabilis ko siyang nilapitan saka ko siya dinampot sa leeg niya, agad ko ring dinampot ang kadenang gamit ng tauhan niyang pinugutan ko ng ulo. Ipinulupot ko ang kadenang iyon sa leeg niya saka ko siya inihagis sa sahig saka ko siya hinila papunta sa gitna ng lawn.
"Patayin mo na ako Phoenix!" she yelled to me.
Dahil doon ay napatingin sa amin ang mga tauhan niya, some of them tried helping her pero hindi sila hinayaang makalapit sa amin ng mga kasamahan ko kaya wala silang magawa.
"Bakit? Bakit ko gagawin ‘yon Boa? Gusto kong mahirapan ka muna gaya ng ginawa niyo kay Grace at sa goddesses ko kaya hindi muna kita papatayin," I said to her.
Matapos ko siyang hilahin sa gitna ng lawn ay muli kong hinawakan ang leeg niya, agad din siyang napahawak sa kamay ko para tanggalin ang pagkakasakal ko sa kanya pero hindi ako natinag. Itinutok ko rin kaagad ang knife ko sa kanang pisngi niya at gumuhit ulit ng x doon, gaya ng ginawa ko sa kaliwang pisngi niya.
"Ayan pantay na, tinupad ko na ang pangako ko sa’yo," I said again.
Tumayo naman akong muli habang hiyaw siya ng hiyaw sa sakit ng ginawa ko. Kinuha ko na ring muli ang kadena saka ko iyon inihagis sa sanga ng puno na matibay, saka ko inabot ang kabilang dulo noon at saka ko siya hinila pataas. Agad naman siyang nagkakakawag dahil doon kaya mas hinila ko pa ang kadena para mas tumaas pa siya saka ko itinali sa katawan ng kalapit na puno ang dulo ng kadena.
"Hindi pa tapos Boa, nagsisimula pa lang ako!" I yelled again.
Agad namang iniabot sa akin ng isa naming kasamahan ang pambomba ng gasolina na agad kong ibinomba sa kanya. Pinaliguan ko siya ng gasolina na ikinahiyaw niya rin kaagad habang kakawag-kawag siya dahil sa sakit ng pagdampi ng gasolina sa mga sugat niya.
Agad ko ring inayos ang palaso ko na may tela na basa ng gasolina, matapos ko siyang basain ng gasolina ay saka ko naman sinindihan ang dulo ng palaso ko saka ko itinira iyon sa kanya. Agad naman siyang nagkakakawag at humiyaw ng agad siyang lumiyab kasabay ng hiyaw ng mga tauhan niya.
"Tapusin silang lahat at siguraduhing walang ititira!" sigaw ko sa mga kasamahan ko saka ako agad na tumalikod.
Hindi pa man ako nakakalayo ay agad ko ring narinig ang pamilyar na tinig sa akin na tinatawag ako.
"Keixin? Nandito kami!" patuloy na paghiyaw ng napaka-pamilyar na tinig sakin
Agad akong napalingon sa lumang building na kalapit namin saka ko lang natanaw ang dalawang pigura sa taas ng building na nakapagpalaki lalo ng mga mata ko.
“Fvcking hell? Rage? Rya?” sigaw ko sa kanila saka ako agad na tumakbo paakyat sa building na iyon.
I even heard footsteps that following me pero wala na akong pakialam. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko paakyat sa roof deck ng building. Pagdating doon ay natulala na lang ako dahil sa nakita ko, agad kong itinapon ang b***l ko pagkakita ko sa kanila, saka ko tiningnan ang timer ng bomba na naka-kabit sa kanila. They are crying habang nakatali sila sa upuan na pinaglagyan sa kanila, I then check the bomb saka ko sila tiningnan.
“Trust me, ako na ang bahala sa inyo. Trust me okay?” pagpapakalma ko sa kanila.
"Are we going to die like Mom?" Rage ask me.
"No, I will never let that happen. I rather die here also if you die. I won't let that happen. Relax okay? Trust me!" I said again.
Marahan kong sinimulang I-defuse ang bomba kay Rya at ng mapagtagumpayan ko iyon ay si Ouji ang nagtanggal ng tali niya. I needed to handle this alone dahil konektado ang bomba sa kambal at kaylangan kong ingatan iyon.
"Rage? Rya?" mayamaya ay dinig kong hiyaw ni Ethan.
"Get your daughter Ethan! Damn get her out of here!" I yelled at him.
Matapos kong ma-defuse ang bomba kay Rage ay tinulungan na rin ako ni Ouji na kalasin ang mga tali niya. Gray then carry Rage and Ouji carry Rya habang tumatakbo kami pababa ng building dahil nagsimula muling magbilang ang bomba ng matanggal ko na sa dalawa.
Agad ko rin namang hinila pababa si Ethan dahil natulala pa siya, saka kami mabilis na bumaba. Malapit na rin naman kami sa baba ng magsimulang sumabog ang mga bomba na nilagay nila sa lumang building kaya agad din kaming lumayo doon. Sabay-sabay na lang din naming tinanaw ang pagsabog ng building at tuluyan naman ng tinapos ng mga kasamahan ko ang labanan. Rox and Dane even throw grenade to Boa bago kami tuluyang umalis doon at bumalik sa hideout namin. Pagdating namin ay ginamot din agad ang mga sugatan naming kasamahan and I took care of Rage and Rya.
I knew Ethan was shock to know that he’s really a father now. May past kasi si Grace at Ethan, naghiwalay sila noon dahil nabuntis si Grace at akala ni Ethan ay ‘yong ex ni Grace ang ama ng kambal ‘yon din kasi ang sinabi ni Grace sa amin noon. Pero ipinagtapat ni Grace sa akin ang lahat isang araw bago siya namatay, na parang alam na alam niya na na mamamatay na siya.
Doon niya sinabi na niloko siya ng ex niya at nalaman niyang si Ethan talaga ang ama ng kambal, she even do a paternity test to confirm it at hindi nga siya nagkamali. Ethan and Grace was much older than us, they are so much in-love before at ang relasyon nila ‘yong klase ng relasyon na kasal na lang ang kulang. But even after she discovered the truth hindi niya sinabi kay Ethan ang totoo because she knew he’s moving on already.
Kaya nga nagtataka rin ako na pumasok pa sa school sina Ethan, siguro talagang nanti-trip lang sila. Kilala rin ni Ethan sina Rage at Rya, naghiwalay lang naman sila pero hindi naman sila inilihim ni Grace at open sila sa amin. Sila nga ang kaagaw ko sa atensyon ni Grace noon. Si Ethan din ang nagaalaga sa kanila minsan pero madalas ay nasa Japan sila kay Shonen, minsan kay Paris o kaya kay Tiffany.
"Keixin? Akala ko talaga hindi na kami makaka-alis doon," Rage said to me habang nakahiga sila sa bed nila.
Tapos na silang gamutin kaya kami na lang ang nandito kasama nila.
"Paano kayo napunta doon?" I ask him.
"Dinukot kami noong panget na ‘yon habang on the way kami papunta dito. They killed our escorts and nanny," Rya answered.
Agad ko naman silang muling niyakap. Kasama kasi sina Rya at Rage ni Tiffany ngayon, its her scedule at si Ethan na ang susunod na mag-aalaga sa kanila. Saktong-saktong pala, talaga palang nag-handa sila. Hindi ko inaasahan na pati ang mga bata ay idadamay niya, they are just five years olds. Wala silang alam sa mga nangyayari.
"Sumama na lang kayo sa Daddy niyo, its okay. Its time now, huwag na kayong mag-alala," I said to them.
"But daddy Ryan is dead na ‘di ba?" Rya said again.
Agad ko silang binitawan sa pagkakayakap saka ko hinawakan ang mga kamay nila, they look at me and I just smile at them.
"You’re smart right? So you need to listen to me very carefully, I want you to know the truth. Your mommy Grace tells me that your real father is Ethan, your daddy Ryan fooled her that’s why she thought that he is your father. Do you understand? Listen to me okay? Don’t worry, you can be with your real father now," I said again.
Dahil doon ay natahimik lalo ang lahat but I just smile at them widely, trying to tell them that everythings gonna be fine.
"Ohemgee tatay na talaga si Ethan, nahahalata na talaga ang mga edad!" mayamaya ay palirit ni Dane marahil ay hindi niya na napigilan ang sarili niya.
Sa aming lahat ako lang ang nakakaalam ng totoo, matagal kong tinago ang katotohanan na iyon and now, I knew its time to tell them the truth.
"Gusto niyo naman talaga siyang maging tatay kaysa doon sa Ryan na ‘yon hindi ba? I’m sorry dahil ngayon ko lang sinabi sa inyo ang totoo, I just made a promise with your Mom kaya ngayon ko lang nasabi ang lahat. But isnt it good? ngayon nagkatotoo na ang hiling niyo,” I said again, “Ethan alagaan mo ang mga anak mo ha? Mananagot ka sa akin kapag pati sila ay nawala pa sa akin," I said again.
Umiyak na ang kambal at umiiyak lang din naman na niyakap ni Ethan ang mga anak niya. I give them way and let them talk, they need that.
"My instincts are correct!" tuwang-tuwang bulalas ni Sam habang pinanonood niya ang mag-a-ama na magkakayakap doon.
"From now on I wont let anyone hurt you ever again, Hindi na tayo magkakahiwa- hiwalay. Babawi ako sa inyong dalawa, ipinapangako ko ‘yan. Patawad, patawad kung ngayon ko lang nalaman, kung alam ko lang lahat ay hindi sana ako pumayag na mapalayo pa kayo sa akin," Ethan cried while hugging them.
Alam ko na mahal na mahal niya ang kambal, noon pa man alam kong nararamdaman niya na ang lukso ng dugo sa kanila. Alam kong minahal niya talaga sila na parang kanya noon pa man, and I knew how happy he is knowing that his wishes really do come true.
Tumalikod na ako para inawanan na sila but I also saw Rain walk out first before me kaya sinundan ko na lang kaagad siya. I knew she was hurt, alam kong siya ang nandyan noong mga panahon na kaylangan ni Ethan ng karamay, alam kong mahal niya si Ethan at alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.
"Gusto mo talaga siya ano?" I ask her.
Agad naman siyang napalingon sa akin saka siya muling tumanaw sa mga halaman ng makarating kami sa garden ng hideout. Tumayo lang din naman ako sa tabi niya at tumanaw ako sa tinitingnan niya.
"Manhid ‘yon Empress. At alam kong ngayong nagkaalaman na, malamang hindi niya na lalo ako mapapansin," she answered.
"Rain? Nasaktan ‘yong tao masisisi mo ba siya? Nagmahal siya ng totoo pero nasaktan siya, alam mo ang pakiramdam na ‘yon" I said to her, “Sobrang nasaktan si Ethan noong malaman niya ang tungkol kay Grace at kay Ryan, alam mo ‘yon. Sinabi rin ni Grace kay Ethan noon na nagloko siya but the truth is she didn’t, Ryan r***d her that’s why I killed him. Ayaw ni Grace na saktan pa si Ethan kaya inilihim niya ang totoo but Ethan discovered that she really didn’t cheat kaya nasaktan siya at lalo siyang nasaktan ng mamatay si Grace. Pare-pareho kaming nasaktan noon, magulo ang sitwasyon but the truth is Ryan just fooled her.”
Lalong napaiyak si Rain dahil sa mga sinabi ko, I didn’t mean to hurt her, pero lalo lang naman siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang lahat.
“She was r***d two times before she was killed and that is fvck,” I also cried.
Ilang minuto rin kaming sabay na umiyak bago namin pilit na pinatahan ang mga sarili namin, ayoko rin namang isipin ng iba na nababaliw na kaming dalawa.