(Shin's POV)
Nakakapanibago, parang ang tahimik talaga ng bahay simula ng umalis sila. Simula rin ng umagang iyon ay wala ring umalis sa amin para pumasok sa trabaho, sina Kuya nga ay naririto pa rin. Hindi rin sila nagpahatid sa amin pag-alis nila, nag-paalam din ang goddesses sa amin at si Selene maliban kay Xion, hindi na nga namin siya nakitang bumaba at lumabas ng mansion.
Hindi rin siya sumilip kahit na nakita niya kaming ihatid ang goddesses sa sasakyan. Talagang galit siya at alam kong masamang-masama ang loob niya, maybe this is her way of calming herself. Ayaw niya rin marahil na may mapahamak pa sa amin kaya siguro umalis na lang siya. Sigurado rin ako nandoon na sila ng mga oras na ito, 4 hours lang naman kasi ang flight kapag nanggaling sa pilipinas papunta sa Japan iyon ay kung walang problema.
"Ang boring naman,” mayamaya ay sabi ni Kath saka siya bumuntunghininga.
Saka ko lang napansin na magkakasama nga pala kami dito sa sala ng mansion at bukas ang TV, busy rin naman si Aila sa paglalaro sa sahig.
"Pabalikin mo dito si Xion, Shawn. Sige na, gusto ko na siyang makita," mayamaya ay sabi rin ni Dolly.
"Honey naman," agad na angal ni Shawn sa asawa niya.
Dahil doon ay napailing na lang ako at agad na natawa, kahit ang mga kasama namin dito ay bigla ring natawa dahil doon.
"Guys? Nandoon na sila," hiyaw ni Sebastian sa aming mga nasa sala dahilan para mapalingon kami sa kanya.
Nagmamadali rin siyang bumaba sa hagdan saka agad na lumapit sa amin. Ipinakita niya rin kaagad sa amin iyong post ni Dane sa social media account niya na picture nilang lahat. Ang sasaya ng mga hitsura nila at kahit si Xion ay nakangiti rin doon. Mayamaya naman ay biglang mag nag-pop up na kung ano sa laptop ni Sebastian at may biglang tumawag. Its Dane, kaya sinagot lang din agad ni Sebastian ang tawag saka niya inilapag ang laptop sa table kung saan kita kaming lahat.
"Hi, guys?" agad na bati ni Dane sa amin.
Nag-video call pa talaga siya ano? Nang-iinggit ba sila? Ang ganda pa naman sa Japan saka kitang kita na season na ng cherry blossom. Agad din naman ipinakita ni Dane ang mga kasama niya sa amin habang naglalakad sila sa daan kung saan maraming cherry blossom sa paligid.
"Xion huwag ka na ngang mag-japanese, english na lang o kaya tagalog, okay lang ‘yon. Ang sarap mong kagatin," angal ni Shinix sa katabi niya na busy sa paglalakad.
"Doshite? Watashi wa kono yo ni ichidodake hanashimasu," Xion said.
Nagtawanan lang din naman ang mga kasama niya sa sinabi niya at nagkatinginan lang din naman kami ng mga kasama ko.
“Ang sabi niya, Why? I only speak like this once. Baka lang hindi niyo alam,” I said na ikinatawa lang din naman ng mga kasama ko.
“Shin, Japanese ang mga Mommy natin,” Danielle said.
Natawa na lang din ako saka ako muling tumingin sa laptop ni Sebastian. Tama sila japanese ang mga nanay namin so we knew how to talk and understand japanese words.
"Hindi man lang kayo nagpahinga bago magliwaliw, Dane,” Danielle said sa kapatid niya.
Ngumiti lang din naman si Dane sa Kuya niya.
"Babawi daw kasi si Xion, pero nakapagpahinga naman kami kahit papaano," Dane answered.
Muli niyang inayos ang phone niya para mas makita namin ng maayos ang lahat, habang nauuna siyang maglakad sa kanila at nakasunod naman sa kanya ang mga kasama niya. Magkasama si Shinix at Nerix dahil close talaga sila, Oxy is with Rox dahil nga kambal daw sila. Unix is with Erin, while Gail is with Selene. Si Xion naman kasi ay kasama si Sam dahil sila naman talaga ang close sa kanila. Xion is singing also at nagsasayaw pa sila ni Sam habang naglalakad saka sila tatawa na parang ang saya-saya nila.
"Seriously Xion? Ikaw yata ang mas nag-eenjoy sa lakad na ‘to e," Dane said to her.
Tiningnan lang din naman siya ni Xion ng masama habang tawa lang ng tawa ‘yong iba nilang kasama.
"How's the flight?” Kei asks.
“Okay naman ba kayo diyan?" I ask also.
"Kami pa ba? Okay naman ang lahat at okay na okay kami. Hindi ba halata sa mga kasama ko?" Dane answered.
Muli niya ring itinapat ang cellphone sa mga nasa likuran niya. I then heard Xion is singing again and Sam is singing with her also habang tuwang-tuwa pa rin namang nagke-kwentuhan ang mga kasama nila. Ngunit mayamaya lang din naman ay napatigil sila sa kasiyahan nila ng biglang may nagsigawan at nagtilian.
"Alam niyo? Dapat talaga kapag naggagala kami hindi na kayo kasama lagi na lang tayong pinagkakaguluhan ng mga fans niyo, ang ingay," agad ding angal ni Gail.
Nakasimangot pa siya habang panay naman ang ngiti nina Sam, Unix, Oxy at Dane. Nagkatinginan na lang din naman kami ng mga kasama ko, sikat pala sila sa Japan? Bakit kaya?
"Kasalanan pa ba naming dyosa lang kami? Sorry naman kung ganoon," agad namang sagot ni Dane sa sinabi ni Gail.
Natawa lang din naman si Sam sa kanila saka sila nagsikaway sa mga tao na unti-unti namang lumalapit sa kanila. Mayamaya ay narinig ko na rin na kumanta si Unix kasabay ni Xion sabay kaway sa mga fans nila.
"Naku, oo nga pala isa pa itong babaeng ‘to," Gail said again.
Muli silang nagtawanan sa kalokohan ni Gail na ikinatawa rin namin.
"Ako lang yata ang hindi sikat sa mga ito. Alam niyo ang hirap niyo talagang kasama dapat hindi na kayo sumama dito e. Tara na nga ate Selene sa akin ka sumama," Xion said na lalo nilang ikinatawa.
Pinanonood na lang din naman namin sila ng tahimik, hindi kami nagsasalita pero we’re enjoying this set up.
"Xion? Mukang ako lang ang dapat lumayo sa inyo e. Dane ako na ang hahawak niyan sige na," Selene also said.
"Huwag mo akong iwan Ate," Xion said again saka siya muling lumapit kay Selene.
Mayamaya lang din naman ay mas lumakas na ang sigawan ng mga fans nila na kahit kami dito ay nagugulat sa dami ng mga tao.
"Guys? Wrong timing talaga ang lakad na ‘to, takbo na!" Xion yelled to them.
Agad din naman silang nagtakbuhan dahil doon pero Selene still manage to capture that scene from us na ikinatawa na lang din namin.
"This was the first time ever on my whole life na hinabol ako ng mga tao, kung alam ko lang na sikat pala dito ang mga ito ay hindi na ako sumama. O kaya ay naghanap na ako ng maraming bodyguards," Selene said to us.
Nagtawanan na naman kami dahil doon hanggang sa tumigil na sila sa pagtakbo at lumapit sa isang sasakyan.
"Xion? Ito iyong sasakyan gaga ka talaga, sakay bilis!" Dane yelled.
Mabilis din namang bumalik si Xion sa kanila.
"Ay oo nga pala,” Xion also said.
Lahat sila ay sumakay na sasakyan nila and Xion drive their car while Selene was beside her.
"Anong masasabi mo ate Selene?" Xion suddenly ask saka siya agad na tumawa.
"Last na itong gala ko na kasama kayo, Ayoko ng ganito," malakas na reklamo ni Selene.
Nagtawanan naman agad silang lahat at natawa na lang din naman kami.
"Nasanay na akong habulin ng mga kalaban pero iyong mga fans nila? Hindi pa rin ako sanay sa mga ‘yon kahit ilang beses ng nangyari sa akin ang ganito," Xion said again.
Tuloy ang kasiyahan at kulitan nila habang nasa sasakyan sila and they captured it for us, nakuntento na lang din naman kami sa ganitong set-up. Ilang minuto lang din naman ang lumipas bago sila dumating sa isang napakagandang bahay. Napakalaki nito at napakaganda, I think I wanna live there kung sa japan ako nakatira. Buti na lang talaga ipinapakita sa amin ni Selene ang lahat. Nauna ng pumasok ang goddesses at huling pumasok si Selene at pagpasok niya ay kitang-kita namin na nakahilera ang lahat ng mga maid at butlers nila sa mansion at lahat sila ay yumukod sa kanila.
“Welcome to Xion’s Empire,” Dane said saka niya ibinuka ang kamay niya na parang wine-welcome kami.
So kay Xion ang mansion na iyon? Talaga nga palang mayaman ang babae na iyon.
"Shonen?" we heard Xion yell and Selene look at us also.
"Sino kaya ang Shonen na ito?" Selene ask.
Itinapat din ni Selene ang cellphone sa nakatalikod na si Xion habang nasa baba sila ng engrandeng hagdan na paakyat sa taas.
"Neo?" someone also yelled calling Xion’s other name.
Pagkatapos noon ay puro yabag na lang ng paa ang narinig namin. Hanggang sa may sumulpot na matangkad na lalaking singkit ang mga mata.
"Shonen? I miss you so much!" Xion yelled and she hurriedly hugged that man.
Agad din naman siyang niyakap ng lalaking iyon.
"That's Xion's rival here," bulong ni Dane sa camera.
"Xion's rival daw, Ouji? Makakahinga ka na ng maluwag,” bulong din ni Selene sa amin.
Natawa lang din naman kaming lahat ng malakas at naging tampulan na ng tukso si Ouji.
"Neo-chan, I miss you more, wala na akong kalaban dito simula ng umalis ka," Shonen said and he pouted.
Mayamaya ay bigla rin silang nagbato-bato pick at unang subok pa lang nila ay nanalo na si Xion.
"I won, Shonen," hiyaw ni Xion saka siya nagtatatalon saka niya muling niyakap si Shone bago niya ito bitawan.
"Noona Dane? Nerix? Shinix? Hello?" agad ding bati ni Shonen sa iba pa nilang kasama and he hurriedly hug them also.
"Big boy na ang Shonen namin a," Dane said to him.
Ngumiti lang din naman si Shonen sa kanila at pakiramdam ko ay ang cute cute niya dahil nawawala ang mga mata niya.
"Gail-chan? Erin Noona? Serix-chan? I miss you also,” Shonen continued and then hug them also.
"Itong batang ito talaga pagkaga-gwapo," Gail said to him.
"Oxy Noona? Unix Noona? Sammy Noona? Still not changing ha?" Shonen said again and hug them too.
"Stop calling me Sammy, Shonen," Sam said then glared at him.
Shonen just laugh at nagulat lang din naman ako sa reaction ni Sam kahit na hinayaan niyang yumakap si Shonen sa kanya.
"And this girl must be the real kagami, Hello Ms. Selene Kagami, I am Shonen Kris Kagami Gremery," pagpapakilala naman ni Shonen kay Selene.
Dahil doon ay mas nakita na namin siya sa malapitan at mas nakita kong talagang ang gwapo niya palang bata.
"Pinsan niyo siya nina Dane, ate Selene," sabad ni Xion sa kanila.
"Okay? I don't know anything about having other relatives than the Perez’s," Selene said and shock is visible to her.
"At least now you know," Shonen also said and he hug Selene again.
"Glad to meet you, little Shonen,” Selene said to him, and then she laugh.
"Neo-chan is the only one I allowed to call me like that," Shonen said to her.
Agad din siyang napa-poker face na ikinatawa lang din naman ni Selene.
“Okay, okay,” agad niyang sagot.
Dahil doon ay agad na ngumiti si Shonen sa kanya saka siya bumalik kay Xion.
"Shonen? bakit ba palagi kang nandito sa bahay ko? Umuwi ka na sa inyo, akala tuloy ng iba ay bahay mo ito," Xion said to him.
Sabay-sabay rin silang naglakad papunta sa engrandeng living room ng mansion.
"Ayoko! hinihintay kaya kitang balikan ako dito, ikaw lang at wala ng iba ang makapagpapaalis sa akin dito ano," Shonen said to her.
Agad din silang naupo sa sala ng makarating na sila doon, he sat down beside her saka siya yumakap sa braso nito.
"Clingy talaga siya, minsan nga naiisip ko ng siya ang pinsan ni Xion e," muling bulong ni Dane sa amin.
Nakakatuwa silang pagmasdan, dito masasabi mo talagang parang ordinaryong tao lang sila. Kapag ansa Japan sila doon mo makikita kung sino ba talaga ang goddesses bilang ordinaryong tao, sa Japan mo makikita kung sino sila sa likod ng mga maskara nila bilang goddesses of death. This is the real goddesses of death and this is the real Xion. Malaya, masaya at walang problema.