(Xion's POV) Hanggang ngayon hindi ko akalain na iyong mga taong inaakala kong biktima rin ng trahedya sa Mcbells mansion ay siya palang mismong dahilan ng lahat. At iyong inaakala kong may pakana noon ay biktima rin, ang bigat sa pakiramdam. Sa lahat yata ng nadiskubre ko ito ang pinaka-mabigat, ang hirap. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala, iniisip ko na nga rin na sana hindi ko na lang nalaman ang lahat. Iniisip ko rin ang mararamdaman ng goddesses oras na malaman nila ang tungkol doon. "Xion?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at agad ding kumunot ang noo ko ng makita ko si Sebastian. He’s alone at agad din siyang lumapit sa akin habang nakatanaw ako sa may coi pond ng villa. Sa ngayon ay mag-isa na lang muli ako rito, nanatili ako dito kahit na umalis na agad sila Dad.

