(Xion's POV)
"We already investigated about that already," Tiffany said habang papunta kami sa resort.
“She’s right, alam na rin namin kung sino ang maaaring gumawa nito but we need to see the book to confirm if its really the same person. Gusto rin naming malaman kung konektado ba talaga sa kanila ang libro,” Paris added.
May iniabot rin siya sa aking mga papel na naglalaman ng lahat ng impormasyon na kailangan ko.
“Sigurado akong gusto nilang malaman kung alam mo ang tungkol sa libro, kung nasaan ito at gusto nilang palabasin ang libro para madali nilang makuha,” Shonen also said.
“Hindi ilalabas ni Ouji ang libro, sa tingin ko mas pipiliin niyang ingatan ka at ang mas maraming tao kaysa ilabas niya ang libro,” Ullysses also said.
“Now its between Xin and the goddesses, kapag nakuha mo ang libro you will have the chance to bring them back, pero kung hahayaan mo lang sa kanya ang libro you will lost them," Tiffany said again.
"It's one way or another,” Shonen also said.
I dint talk dahil hindi ko rin naman alam kung anong gagawin. Hindi ko pwedeng hingiin o kunin ang libro kay Ouji dahil malalaman niya ng alam ko na ang tungkol doon. Isa pa, gusto kong kusa niyang ibigay sa akin ang libro kung pinagkakatiwalaan niya ako. Sa totoo lang noong nasa hospital pa lang ako ay gusto ko na siyang sumbatan tungkol doon pero alam ko na wala rin siyang magagawa. Alam kong pinoprotektahan niya ang libro dahil legacy iyon ng mga magulang niya.
Ayoko siyang saktan, ayokong isipin niya na mas mahalaga ang goddesses sa akin kaysa sa kanya kaya ko kinukuha ang libro. Gusto ko ring maging patas sa kanila, pero ayoko ring mawala ang goddesses sa akin. Hanggang ngayon ay nalilito ako, hanggang ngayon ay hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung dapat ko na bang harapin si Ouji para ayusin ang lahat.
(Dane's POV)
Balita ko nakabalik na sina Shonen mula sa pilipinas. Sabi ni ate Selene ay dalawang araw lang ang itinagal niya roon. I believe he got a flight to the philippines for her, kasama niya pa sina Tiffany at Paris.
"Ikaw nga, pumasok ka Dane," agad na bati ni Shonen sa akin pagbukas niya ng main door ng mansion.
Pumasok na lang din naman agad ako and ate Selene just follow me.
"Bumisita ka ba para itanong kung okay si Neo-chan?" he ask and he sat down on the couch.
Naupo naman kami agad ni ate Selene na magkatabi sa kaharap na couch na kinauupuan ni Shonen.
"Wala akong pakialam sa kanya Shonen, wala na akong pakialam sa kanya simula noong araw na hayaan niya kaming umalis. Because I knew that mean’s I am right. So what did she really kill our parents? Inamin niya na ba or did she still deny it?" I ask him.
Nginisian naman agad ako ni Shonen at biglang nawalan ng sigla ang mga mata niya.
“Dont forget na ang kinakausap mo ay ang King niyo at huwag na huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa Empress natin sa harapan ko. You’re still in her mansion and you’re still in her empire. And I can tell you right now na magsisisi ka kapag ipinagpatuloy mo ang ganyang asal mo,” banta ni Shonen sa akin na dahilan para agad akong matahimik.
Kahit si ate Selene ay hinawakan din agad ako sa braso para marahil patahimikin ako.
"Come to think of it Dane, kung siya nga ang keeper ng libro na ‘yon imposibleng maitago niya sa atin ang tungkol doon sa loob ng labing-isang taon. At kung totoo mang siya ang keeper na sinasabi doon ang tanong nasaan ang libro? Bakit hindi niya alam ang tungkol doon? Dane she's not holding the book, kung mayroon man noon hindi ba pwedeng keeper lang siya but that doesn't mean na siya na ang pumatay sa parents niyo? Kung mayroon noon kayo ang unang makakaalam noon because you raise us," Shonen said again.
"Exactly, we raise her so I know her, kilalang-kilala ko siya. Ilang beses na ba niya kaming niloko, pinaglihiman at pina-ikot?Maraming beses na pero umintindi kami," I answered to him.
"Dane kahit minsan ba sa dulo ng paglilihim niyang ‘yon hindi mo naisip na its all because of you and your safety. Lahat ‘yon para sa inyo, sa lahat ng larong nilaro niya na kasama tayo she did it for us. Dane kung nasasaktan kayo mas masasaktan siya, nasasaktan siya dahil iniwan niyo siya at itinapon niyo na lang bigla ang eleven years na pinagsamahan niyo kasi ang akala niyo niloloko niya kayo,” Shonen said again.
This time ay mas tumahimik ang paligid at pakiramdam ko ay may tumatarak na kung anong matalim na bagay sa dibddib ko, kagaya ng una kong mapagtanto ang mga bagay na nalaman namin sa resort.
“I am telling you its your lost, at simula sa araw na ito ayoko na kayong makita. Sinaktan niyo ang Neo ko kaya ayoko na kayong makita. At alam mo ba? Sinasabi ko na sa’yo ngayon pa lang magsisisi ka sa ginawa mo, galingan mong mag-imbestiga para malaman mo rin na sinaktan mo ang maling tao,” Shonen said to me and he imediately leave.
Agad naman akong napatayo mula sa kinauupuan ko at nanlalaki ang mga mata kong napatingin lang sa dinaanan ni Shonen. Lalo ring lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nag-imbestiga na ba sila? Ano kayang nalaman nila? Kaylangan kong alamin ang lahat.
(Xion's POV)
After Tiffany, Paris, Shonen and Ethan visited me ay umuwi rin agad sila. Kinausap lang din naman talaga nila ako tungkol sa mga nalaman nila, and they wanna know kung okay lang ako kaya sila pumunta dito. Pagka-alis nga nila ay umuwi lang din ako sa hacienda, hindi rin naman ako pinigilan nila Kuya maging ni Ouji, gusto ko lang din naman kasing magisip ng mas maayos para makapag-desisyon ako ng maayos.
Ilang araw na rin akong narito and finally I came up with the decision na itanong noa sa mga elders ang tungkol sa libro, and for the first time after they left for a vacation, I texted Dad and Mom para makausap ko sila. I also wanna talk to the other elders especially Mr. Steinckert and tatay Charles.
"Nandyan ka pala.”
Agad akong napalingon sa biglang nagsalita and I just look at them with my usual expression, hindi ako nagsalita o ngumiti kahit bumati sa kanila pero nginitian lang nila ako, sanay na siguro sila sa akin. Tuluyan na rin naman silang bumaba sa mga sasakyan nila at ibinaba na rin nila ang mga gamit nila. Lumapit na lang din naman ako sa kanila at itinigil ko na ang pagtanaw sa may fish pond dito sa labas ng villa. Sabay-sabay rin kaming pumasok sa loob ng villa sakto naman na narito sina aling gloria para mag-linis ng villa kaya nagluto rin muna sila ng maka-kain at naglabas sila ng miryenda para sa mga elders bago sila tuluyang mag-paalam.
“You okay baby?” Dad asks me and I just nod at him.
“We know you’re not Xion darling, don’t pretend,” Mom said.
“Your Mom is right, besides ganyan siya noon sa’yo palagi niyang sinasabi na okay siya kahit hindi,” tita Sheena also said to me.
Napangisi na lang ako sa kanila and I let them rest and eat first.
“Come here honey, let Dad hug you. Don’t worry, Dad didn’t broke his promise, no more baby after you,” Dad said to me saka niya ako niyakap habang nagtatawanan ang mga kasama namin sa kanya.
“May little me rin sana ako, nakakainggit,” tita Vina said to us.
I knew she’s referring to Veil ang ate ni Vin na namatay sa Mcbells mansion.
“Sana lahat may little me, sana lahat naka apat, tatlo at dalawa,” tita Vanessa also said na agad na ikinatawa ng iba pa.
Itong matatandang to ang tatanda na pero mas makalokohan pa sila kaysa sa aming mga bata pa. Hindi naman sila pinansin ni Dad and he cuddle me kahit na kung tutuusin ay ang laki-laki ko na.
“Are you okay my baby? Sinaktan ka ba ng anak nitong Tito mo anak ko? Sabihin mo lang anak at ng mabugbog na namin itong ama niya. You matter to me more than anything in this world baby, tell Daddy anything and let’s take those worries away,” Dad said to me and this feels like the warmet cuddle I have ever experience in my whole life.
Mas naramdaman ko rin ang pagmamahal nila ng yakapin din kami ni Mom and I just look at them habang yakap-yakap ako ni Dad. Hindi ko na rin namalayan na muli na namang tumulo ang mga luha ko hanggang sa naging hilam ang mga mata ko ng luha. Hindi ko na rin mapigilang mapahikbi and Dad makes sure na mas mahigpit ang yakap niya sa akin.
"I know, I should not ask for help. But its all about my goddesses, its all about my sisters. Alam ko katulad ko ay may mga kaibigan din kayo na itinuring niyong kapatid at ayaw niyong mawala. Alam ko katulad ko minsan ay hindi kayo nagkakaunawaan pero pinipili niyong ayusin ang lahat kasi mahal niyo ang isat-isa at hindi niyo kayang maghiwa-hiwalay. Dad, for eleven years I live with them through sickness and in health, through thick and thin. Masakit sa akin na nagawa nila akong hindi paniwalaan kahit na sinabi kong wala akong alam sa pagkamatay ng pamilya nila pero mas masakit kapag tuluyan silang nawala sa akin. Kaya nakikiusap po ako sa inyo ngayon, sabihin niyo ang totoo alam kong alam niyo ang tungkol sa libro. Kahit iyon lang, I don't need the books. Ito lang ang gusto kong malaman, pakisaup," I ask at hinayaan kong patuloy na tumulo ang mga luha ko.
I cant let my goddesses leave me that easily, for eleven years I live with them through any cirscumtances, I bear all the pains and wounds, and I hide all the things I need to. Kinalimutan ko lahat, kahit napakasakit para sa akin ng mga nalaman at nadiskubre ko kinalimutan ko ang lahat, dahil ayokong mawala sila sa akin. Tapos ngayon ay mawawala na lang sila sa isang iglap?
"You didn't kill them, we didn’t even Lee. The explosion on the Mcbells mansion was all because of them. They set the bombs and let themselves die there. Why? To kill Lee, but sad to say Lee didn't die on that explosion. Lee was originaly their boss, even the Kagami's and the Perez, ay kakampi rin ng mga Lee. But to stop Lee they all decided to do that, ginawa nila iyon para makatakas kay Lee at para ilayo ang mga anak nila sa kanya," Dad said to me and this time I stop crying.
Napatitig ako kay Dad kahit na humihikbi pa ako and he just wipe my tears.
"H-hindi ko maintindihan,” I said again.
"Iyon ang totoo Xion. Ang katotohanan ay kalaban mo sila, kalaban talaga natin sila noon, pero they surrender to us, inilipat nila ang katapatan nila sa atin para sa pagbabago. Naging kakampi natin sila, tadhana niyo na ang maging magkaka-away but you change the fate and prophecy. You turn your enemies as your alliance honey," Dad said again.
"Now, would you still keep them? Kahit ngayon na alam mo na na pamilya nila ang dahilan kung bakit nawalay ka sa amin ng napakahabang panahon?" Mom also said.
My tears then started to fall again in shock matapos kong malaman ang totoo mula sa kanila. No, this cant be. Hindi totoo to, sana hindi totoo to.
“Maging malakas ka anak, kumapit ka ng mahigpit, this time you needed so much strenth dahil mauubusan ka noon sa ngayon. Tatagan mo ang loob mo, if you still want to be with them tatagan mo ang loob mo anak,” Mom said again.
Muli naman nila akong niyakap para iparamdam sa akin na hindi ako nagiisa. Akala ko ay masakit na ang katotohanang hanggang ngayon ay tinatago ko pero may mas sasakit pa pala doon.