(Gray's POV)
This is the reason why kung bakit hindi ako mapakali. I knew it, si Xion ang dahilan kaya pala kanina pa akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Inilipat na lang din namin sa iisang malaking kwarto ang mga girls para hindi na sila maghiwa-hiwalay at para mabantayan rin namin sila ng maayos ng hindi nahihirapan.
They are eleven, marami sila pero kasya naman sila dito. They are all still asleep at nagtamo ang sampu sa kanila ng tigiisang tama ng bala and Xion has 3. Natagpuan din namin silang walang mga malay at duguan, sa isang beach resort where Xion said on a text message for Shin.
Mabilis rin naman namin silang naagapan but Xion required blood transfusion dahil marami ng dugo ang nawala sa kanya bago pa kami dumating and we almost lose her. But personally I doubt that the text Shin received came from Xion, hindi naman kasi ganoon si Xion kay Shin alam namin ‘yon mula noon hanggang ngayon. Hindi naman agad nabasa ni Shin ang text message na iyon agad dahil sa conference meeting namin. Nabasa niya ang message after the conference kaya dali-dali rin kaming pumunta ng resort, only to find the girls there soak on their own bloods.
"Kung nagkataon pati si Shin ay kasama diyan,” Dolly said to us habang chine-check niya ang mga kasama namin.
Tama siya, kung nagkataon kasama si Shin doon, pero baka naman natulungan din namin sila kung nabasa agad namin ang text message.
"Why all girls? Nakapagtataka," Sebastian also ask pero walang sumagot sa kanya.
Hindi rin kasi namin alam kung bakit. Nagiimbestiga pa rin kami ukol sa nangyari. Habang busy kami sa mga ginagawa namin mayamaya ay biglang kumilos si Dane na nasa bungad ang bed kaya agad kaming napatayo.
"Dane? What the hell happened?" napapamurang tanong ni Kei sa kanya at agad niyang dinaluhan si Dane.
Tuluyan naring nagmulat ng mga mata si Dane sabay bangon at parang nagulat pa siya ng makita kami saka niya pinagmasdan ang paligid maging kami. Mabilis rin niyang nilingon ang mga nasa katabi niyang bed saka siya muling tumingin sa amin.
"O-okay ba sila?" nagaalala niyang tanong sa amin.
She even tried to stand up but Kei stop her from doing that.
“They are okay, don’t worry. Okay na kayong lahat, relax Dane,” pagpapakalma ni Kei sa kanya and she followed.
"They have 1 g*n shot like you and Xion has 3 noong makita namin kayo. Now I wanna know what happened Dane?" Ouji asks her.
"H-hindi ko rin alam. Basta Xion texted us saying that we should go on that resort, binigyan niya rin kami ng address at lahat kami naka-receive noon kaya hindi na ako nagduda. Nakakapagduda ang number na ginamit niya pero Xion always do it, marami siyang simcards na ginagamit palagi kaya hindi ako nagtaka na ibang number ang ginamit niya. Pagdating namin ni ate Selene ay naroon na rin ang iba pagpasok namin may weird na recorded video sa TV kaya nagalala na kami, hinanap namin siya and i find her sa back lawn ng villa naliligo siya sa sarili niyang dugo at putok na lang din ng b***l ang narinig ko bago ako mawalan ng malay," she said.
She even get her phone na nakalapag sa may side table saka niya ipinakita ang text message na sinabi niya kay Kei. Pinagkumpara ko naman iyon sa text message na nareceive ni Shin at nakumpira kong galing nga sa iisang number ang text pero hindi na namin ma-trace kung nasaan ang location ng sim na ito.
“Same number,” I said to Ouji.
“The problem is Xion didn’t text you, naka-receive siya ng text coming from you also,” Ouji also said to Dane saka niya naman ipinakita ang text na nakalkal ni Ouji sa cellphone ni Xion.
“I didn’t text her, this is not my number,” Dane hurriedly answered.
Agad ding napakunot ang noo niya and Ouji just sigh.
“Iisang number ang ginamit ng nag-text sa inyong lahat at sa ngayon hindi na namin siya mahagilap, marahil sinira na niya ang simcard,” Ouji said again.
Natahimik na lang din naman si Dane at tila may weird sa kanya at sa mga kilos niya, hindi ko na rin naman siya natanong kung okay lang ba siya dahil bigla ring kumilos ang mga nasa sumunod pang bed.
"Okay lang ba kayo girls?" Dolly immediately asks them.
"Okay ako," sabay-sabay rin nilang sagot kay Dolly.
Mayamaya lang din naman ay biglang bumangon si Xion and she gasop for air, and all of us look at her dahil literal siyang parang patay na biglang bumangon but she immediately groaned from pain and Ouji hurriedly help her. Inalalayan siya ni Ouji na sumandal sa bed niya and we also let the doctors check them bago namin sila muling kausapin.
"Is it you who texted us or not?" mayamaya ay tanong ni Dane kay Xion without even asking if she’s okay na agad din namang ikinakunot ng noo ni Xion.
"Texted what? I receive a text from you, you texted me and I didn't text you," Xion just answered.
Nagtagisan lang din naman ng tingin ang dalawa at tila hindi naniniwala si Dane sa isinagot ni Xion sa kanya.
“You saw the TV?” Xion ask Dane pero nananatili lang siyang nakatingin kay Xion.
"Is this your play? Isa na naman ba ito sa mga plano mo? Tell me Xion, is it true? Tell me who killed our parents?" Dane ask her at hindi niya sinagot ang tanong ni Xion.
“Pareho tayong walang alam Dane at hanggang ngayon nalilito pa rin ako,” Xion answered her.
"Sa lahat ng kasinungalingan mo pangilan na ba ito?" Dane ask again.
"I don't understand you, Dane. Hindi ko maintindihan, bakit parang may kasalanan ako? Anong nangyayari?" Xion ask her.
Nakikita kong litong-lito na rin siya, kitang-kita ko ang kaba sa mga kilos at pananalita niya.
"Lahat sila namatay sa Mcbells mansion hindi ba? Pero ang tanong ay kung sino ba talagang pumatay sa kanila? Si Lee ba talaga?" Dane continued asking.
"Answer me, Dane, did you see the TV?" Xion yelled at her.
"Yeah," tipid na sagot ni Dane sa kanya.
"Fvck the hell Dane, I don't know what is happening too. Whoever did that I don't know why he or she does that. I don't know whats that fvcking book is and who the hell he or she was saying. I don't know Dane, hindi ko alam and it's making me insane!" Xion yelled again.
Habang lahat kami ay nakatingin lang sa kanila at wala kaming magawa ay tila sila lang din naman ang narito sa mga paningin nila.
"I don't believe you, you are twisted Xion. You've done it once, twice, thrice. Hanggang kaylan pa? Lahat alam mo Xion, hindi ako naniniwala na wala kang alam, alam mo ang lahat and we knew it. Huwag mo na kaming lokohin, sabihin mo sa amin ang totoo, bakit tinatago mo sa amin ang bagay na ito? Pinagtatakpan mo ba ang totoong pumatay sa kanila?" Dane also yelled.
Nakikita ko rin na galit siya, her face and eyes also says it all. Ang iba naman ay nakikinig lang at tila hindi rin nila maintindihan ang nangyayari.
"Hindi mo sasabihin sa amin ang totoo? Then fine, ako ang aalam ng totoo at sisiguruhin kong papatayin ko ang sinumang tinutukoy ng taong gumawa nito,” Dane said again.
Mabilis din siyang tumayo para umalis at wala ng nakapigil sa kanya, kasunod niya ring umalis ang iba pa maging si Selene at nakatitig lang din naman si Xion sa kanila hanggang sa makalabas na sila. Kahit matagal na silang nakalabas ay tulala pa rin siya sa pinto and she didn’t even let Ouji touch her, tulala lang siya hanggang sa unti-unti ay pumatak ang mga luha niya. She screams so loud at tila ba wala siyang balak tumigil. Alam kong nasasaktan siya, alam kong hindi niya inaasahan ang mga bagay na ito. Dito na ba matatapos ang lahat? Mawawasak ba sila dahil dito? Masisira ba ang pagkakaibigan nila dahil sa hindi pagkakaunawaan na ito.
"Xion?" Ouji called her but she didn’t stop crying.
Xion just yelled in anger and in grief. The thunderstorm lighten the gray sky, the wind blew heavily, the glass shattered, and rain started to wash away the dust on the ground. She was crying in anger and grief and we didn’t even know what happened? What is this all about?
(Keijin's POV)
Its exactly one week mula noong umalis ang goddesses sa hospital kung saan namin sila dinala, leaving Xion dumbfounded. Balita nga namin ay nasa Japan sila at kanya kanya ng buhay. Habang si Xion ay nandito kasama namin siya pero parang hindi namin siya maramdaman. Bigla na lang din kasi siyang mawawala at bigla rin siyang susulpot.
Hindi man niya sabihin alam ko at alam namin na hanggang ngayon ay iyak siya ng iyak. Hindi rin siya nakakausap ng sinuman at kahit si Ouji ay hindi niya kinakausap. Kung tama ang hinala ko its all about the book. Anuman ang nalaman nila sa resort na ‘yon sigurado akong about sa libro iyon.
Nakita rin namin ang message sa TV and I knew they misinterpret it. Pero hindi rin namin masisi sina Dane because they really knew that Xion is twisted pero sa ngayon ay nagkamali sila, alam namin na walang alam si Xion tungkol doon and that makes me guilty.
Alam kong may pwede kaming gawin, alam kong kami dapat ang magpatunay na walang alam si Xion doon para maliwanagan ang goddesses pero wala kaming magawa. Hinihintay lang din naman namin si Ouji na gawan ng paraan ito pero wala rin siyang ginagawa. Iniisip ko na nga rin ngayon na siguro iniisip niyang alam namin ang tungkol doon, siguro iyon ang iniisip niya kaya hindi niya kami kinakausap. Kaya siguro hindi siya nakikipagusap sa amin ay dahil iniiwasan niya na rin ang usapan tungkol doon.
"Where's Xion?" Ulysses ask.
Napatingin lang din naman siya sa amin na narito sa living room ng mansion nina Ouji ng dumating siya. Sa ngayon siya lang ang palaging kasama ni Xion, siya naman ang nagbabalita sa amin about Xion. Mayamaya ay may dumating din na apat pang tao, its Ethan, Tiffany, Paris and if im not mistaken its Shonen. Magkakakilala pala sila? Ngayon ko lang nalaman na kilala ni Ullysses sina Ethan.
"Neo chan? I'm here, where are you?" Shonen yelled looking upstairs when he reach the end of the stairs.
So he’s really that Shonen na nasa Japan, siya lang naman kasi ang tumatawag ng ganyan kay Xion hindi ba? Mayamaya lang din naman ay nakita na naming pababa na ng hagdan si Xion, lumapit na rin naman agad sina Ethan saka sila sabay-sabay na yumukod sa harapan niya.
"Empress," sabay-sabay nilang pagbati.
Xion on the other hand was just looking at them at tila wala siyang pakialam kahit na si Shonen pa ang kaharap niya.
"Why are you here?" Xion ask flat toned.
Tila wala siyang kagana-gana na kausapin ang mga kaibigan niya.
"We came all the way here for you. How are you? What you were doing?" agad na tanong ni Shonen sa kaniya.
He then hug her at tila nawalan na siya ng pakialam sa paligid niya saka niya hinila si Xion sa living room kung nasaan kami.
"Guys? Siguro naman kilala niyo na sila," Ulysses then said pointing us marahil ng mapansin niyang wala namang balak si Xion na ipakilala sina Ethan.
"Hows my goddesses?" Xion just ask matapos niyang maupo sa upuan na nasa tapat ng kinauupuan namin.
"Think about yourself first, they are perfectly fine. Ano ka ba, magiisip lang ang mga ‘yon. Naguguluhan lang sila, sigurado naman kami na hindi ka rin matitiis ng mga ‘yon," mayamaya ay sabi ng ni Paris at saka siya nito niyakap.
"Nag-aalala rin kami sa’yo kaya kami nandito. Fix yourself Neo, come on? Susukuan mo na lang ba sila ng ganoon kadali? Bigyan mo lang sila ng panahon na magisip. Xion, pinagtiisan mo sila ng halos labing-isang taon, ngayon mo pa ba sila susukuan?" Tiffany also said.
"Kilala mo naman sila hindi ba? Babalik din sila sa’yo ano ka ba? And besides nandito naman kami, nandito pa kami, iiwan mo na
lang ba kami basta-basta? Come back to your senses, nami-miss ka na rin ng mga anak ko," Ethan also said.
"Ako na ang bahala sa kanila habang nandoon sila, ayusin mo muna ang sarili mo. Isa pa they are more safe kapag nasa Japan sila kaya hayaan mo na muna sila," Shonen said also and he hug her.
Niyakap lang din siya ng apat and Ullysses joined them, ilang minuto rin silang ganoon hanggang sa bitawan na nila si Xion.
"Living with them for almost eleven years was stupidity, but I’d love to be stupid just to be with them. And I just can't believe that those eleven years will easily get ruined by that day. Hindi ko napaghandaan ang bagay na to, nasasaktan ako na madali lang nila akong hinusgahan. Hindi sila naniwala sa akin, and that fvcked me up," Xion finally said.
Ito ang unang beses na narinig namin siyang nagsalita ukol sa issue na ‘yon, ito rin ang unang beses na narinig namin ang nararamdaman niya ukol doon.
"You all just needs time, pero hindi pa huli ang lahat," Paris said again.
"Hindi pa nangyari ang ganito noon, alam niyo yan," Xion said again.
"Yeah, we know, sa haba ng pinagsamahan nating lahat we knew it, Neo. So move, let’s move. Wala rin silang alam pero alam kong hindi sila mauupo lang sa isang tabi, kikilos sila so we need to move also," Tiffany also said.
“She’s right, imbestigahan natin ang lahat,” Shonen said also.
Natahimik na lang din naman sila ng ilang sandali bago muling magsalita si Ethan.
"Stop that for now, nandito tayo para libangin ang kapatid natin. May gusto ka bang puntahan o kainin? Kahit ano, tara na, lumabas ka muna kasama namin," Ethan ask her.
Napatitig lang din naman si Xion sa kanya and he just smile at her.
"I wanna go back to that resort," Xion answered.
Nagkatinginan naman agad sila saka sila tumingin sa amin matapos sabihin iyon ni Xion.
“Let’s go,” Ullysses also said.
Tumingin lang din naman siya sa amin saka siya tumango.
"Anyway bago ang lahat at bago kami umalis, Shonen is my name," mayamaya ay pagpapakilala ni Shonen sa amin, “They are Tiffany, Paris and Ethan if you don’t know them also. At kami na rin muna ang bahala kay Neo," Shonen added.
Muli naman kaming nakipag-kamay sa kanila kahit na nagkakilala na kami nina Tiffany, Paris at Ethan noon pa saka namin sila hinatid palabas sa mansion. Hindi na rin kami tumutol o nagsalita pa basta hinayaan na lang din naming umalis sila.
"Wala pa ba tayong gagawin tungkol dito Ouji?" I ask pagka-alis na pagka-alis nina Xion.
Ouji didn’t look at me but he just sigh.
"Kaylangan pa natin ng timing, sasabihin din natin ang totoo matapos nating imbestigahan ang nangyari," Ouji just answered.
Agad din naman akong nainis sa isinagot niya sa akin.
"Kaylan pa Ouji, kapag ba pati ang goddesses at si Xion ay kalaban na natin pagdating sa libro? Aantayin pa ba nating mas maguluhan sila at mas lumaki ang issue na ito? Isipin mo kung anong mararamdaman ni Xion kapag nalaman niya na naglilihim ka na naman sa kanya? Iiwan ka niya Ouji, huwag mong antayin na iwan ka na naman niya, because I am telling you sa pagkakakilala ko sa kanya, mas pipiliin niya ang goddesses over us and over you,” I said.
Agad din akong umalis sa harap nila sa sobrang inis ko, all he have to do is gave that book to Xion at ipaliwanag sa kanya ang lahat habang nagiimbestiga kami. Iyon din ang hirap sa kanya, palagi rin kasi siyang naglilihim kay Xion kahit na alam niyang ayaw ni Xion ng ganoon.