Chapter 34

2261 Words
(Shin's POV) Grabe, napakaraming pictures noong surprise ni Ouji kay Xion. I wonder kung sinong kumuha ng mga litrato na ito. Ang ganda kasi, iyong surprise ni Xion kay Ouji napaka-ganda rin kaso hindi dumating ang mokong doon, sinayang niya lang ang lahat. Buti na lang din at nandyan si Ullysses para sa liwanagin ang lahat sa amin kung anong nangyari at kung bakit naghiwalay ang dalawa, pero ang totoong dahilan ay si Xion lang ang nakakaalam. Kahit ang elders ay tila nangamba rin sa nangyari ng malaman nilang umalis ang goddesses sa mansion dahil nag-away at naghiwalay ang dalawa. Sigurado rin ako na hindi lang dahil sa hindi pagsipot ni Ouji sa anniversary nila ang issue ni Xion dito, alam kong may mas malalim pa siyang dahilan. Sumabay na lang din marahil doon ang tungkol sa anniversary, ang weird lang din kaya pala parang kakaiba manamit si Xion nitong mga nakaraang araw may binabalak naman pala ang gaga. Nagbabakasakali siguro siya na uuwi si Ouji noon. Sa ngayon, back to normal way na siya, hinakot din ng mga kapatid niya pabalik dito sa mansion ang mga gamit niya kaya ngayon ay narito na ulit sila ng goddesses. Muka ring okay na sila ngayon dahil okay na okay siya kahit na busy sina Ouji. "Kuya? Wala pa bang balak umuwi sila Mom?" Xion ask Kei out of nowhere habang kumakain kami ng agahan. Napatingin lang din naman agad ako sa kanya maging ang mga kasama namin dahil busy siya sa pagkain habang nagtatanong siya, ni hindi niya nga tinapunan ng tingin ang kuya niya. "Wala pa siguro," tanging sagot naman ni Kei sa kanya. Hindi naman na siya sumagot at tumuloy na lang din siya sa pagkain. Bakit kaya all of a sudden ay nagtanong siya tungkol sa mga elders? "Why?" Kei asks also. "Wala naman, baka kasi pagtripan na naman nila ang isla ko," Xion just answered. Dahil doon ay bigla rin kaming nagkatawanan, she’s right. Kung ano-ano pa namang pumapasok sa utak ng mga ‘yon. Hindi na rin naman kami nagsalita pa matapos noon and we continued eating. "I'm goingfirst, take care Xion. Marami akong gagawin ngayon," mayamaya ay pagpapaalam ni Ouji kay Xion. He then stood up and kiss Xion’s forehead and Xion just nod at him bago siya tuluyang lumabas. Hindi na rin siya nagtanong kung saan pupunta si Ouji kagaya noon pero parang mas okay siya ngayon. "Mauuna na rin kami sa inyo," Kei also said. Tumayo na rin naman kasabay niya sina Lei, Keijin, Chase, Vin, Axel, Vanes, Dice, Rubix, at Sebastian. Humalik din naman muna ang mga kapatid ni Xion sa noo niya bago sila tuluyang umalis. "Ingat," agad ko namang paalala sa kanila. Naiwan naman kaming girls dito at si Gray lang ang naiwang lalaki. Sina Dolly naman ay nananatili pa rin sa mansion ng mga Henson at hindi na sila masyadong dumadalaw rito dahil sa paglilihi nila kay Xion. Kami na lang din ang madalas na bumibisita sa kanila para kahit nandito si Xion ay walang problema. "I guess kami rin, pupunta na kami sa school," I also said matapos kong maubos ang pagkain ko. Tumayo na rin naman si Gray kasabay ko. "I'm coming with you," Xion also said na ikinatitig ko lang sa kanya. "Papasok ka?" I ask again at tumango lang naman siya kaagad. Hindi na ako nagtanong pero hindi ko rin maiwasang magtaka, halos ilang linggo na rin kasi siyang hindi pumapasok at nagtataka lang ako kung bakit all of a sudden ay papasok na siya, dahil hindi rin naman namin alam ang dahilan kung bakit hindi siya pumapasok. Pagtayo ni Xion ay sumabay na rin naman ang iba pa sa kanila, papasok na rin naman sila sa kani-kanilang trabaho. Kung nagtataka kayo kung bakit nagta-trabaho sila kahit na ang babata pa ng iba sa kanila, its because they already graduated. Accelerated kasi sila at sina Sam at Xion ang pinaka-batang grumaduate sa kanila. Ang pagpasok naman kasi ng goddesses at ni Xion sa academy ay paraan lang nila para maisakatuparan ang mission nila noon. I also just get my things like them saka kami sabay-sabay na umalis ng mansion. Xion was using her own car and I'm with Gray, just like the usual. But now payapa si Xion, hindi siya aburido at tila malaya siya tulad noong nasa Japan sila. Siguro tungkol doon ang napagusapan nila, siguro tungkol doon ang pinagawayan nila. Hindi na namin nalaman pa ang dahilan pero alam ko na kahit anumang dahilan hindi isusuko ni Ouji si Xion dahil alam ko na mahal na mahal niya ang isang ‘yon. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami kaagad sa academy, medyo mabilis lang din naman ang biyahe at walang traffic kaya hindi na kami namroblema. "Are you happy?" mayamaya ay tanong ko kay Xion habang naglalakad na kami papasok sa school. Payapa kasi ang muka niya and she seem’s so calm, she’s also humming a song kaya mababanaag mo sa kanya na ayos na ayos siya. "Siguro," she answered but her one change na lalong nagpakunot ng noo ko. I also chuckled at kahit si Gray na nakikinig lang din sa amin ay bigla ring natawa. "Is that the sound of happy?" Gray ask her na itatanong ko na sana. Weird. "Don't mind me, see you later," agad na pagiwas ni Xion sa usapan. Mabilis rin siyang umalis at dumiretso lang din agad siya sa building na pakay niya. Nagkatinginan na lang din naman kami ni Gray saka ako napailing, ang weird talaga ng isang ‘yon. (Xion's POV) "Kamusta?" agad na bungad sa akin ni Ethan ng magkita kaming dalawa. Agad din siyang lumapit sa akin at tumanaw rin siya sa mga nakahimlay dito sa Elites Cemetery. This cemetery is located dito sa loob ng school, ang nakalibing dito ay mga trabahador o estudyante na walang pamilya o magke-claim na kakilala. And Roberto, Arturo and the other Magic 10 are here, kahit na pina-cremate nila sina Roberto at Arturo ay napagpasyahan ko na lang din na ibaon ang abo nila rito. "Hindi ba dapat masaya ka?" he said again marahil ng mapansin niyang hindi na naman ako mapalagay. "Masaya ako Ethan, pero hindi buo. Habang nakikita kong unti-unting humahakbang papalayo sa akin si Ouji na hindi ako kasama nangangamba ako. Mahal ko siya, sobra-sobra. And loosing him is like loosing my own life. Pakiramdam ko kahit na nagpagkasunduan na naming magtulungan ay hindi niya iyon gagawin, he’s holding the books also na tila wala siyang balak ibigay sa akin,” I answered. Naramdaman ko rin kaagad na agad din siyang napalingon sa akin. "Itinatago niya sa akin ang libro at marahil ay ayaw niya na akong ma-involved pa doon, pero sa totoo lang pakiramdam ko may iba pang dahilan kaya niya ginagawa ito. Kung ako nga lang ang tatanungin ay gusto ko na lang na tumigil dito, pero ayoko siyang mawala kaya patuloy akong lumalakad. But he keeps on creating a one step distance between us, he never wanted me to be with him kahit nangako na kami sa isat-isa na wala ng lihiman. Hirap na hirap na rin akong ipakitang okay lang ako at walang mali sa mga kasama ko, hirap na hirap na ako Ethan," I said and this time ay hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak. "Empress?" Ethan called me and I look at him also, "Ouji is the next man that will rule the Steinckerts mafia, one of the most powerful mafia, and ruling that one was like ruling the whole mafia world. He knew his world better than anyone else because he is trained to be that way since then. And if you cant walk beside him dahil palagi niyang pinananatili ang pagitan sa inyo be the shadow behind, be his shadow. Do that if you don't want to have any regret, i believe that on the life of every man there's a women behind, sino ba namang lalaki ang gugustuhing mawala ang babaeng pinakamamahal niya? Wala Xion, so just be his shadow, do that or its now or never," nakangiti niyang sabi sa akin na tila isang sermon sa mas nakakabatang kapatid. Paulit-ulit ding um-echo sa tenga ko ang sinabi niyang if you cant walk beside him be the shadow behind. "Hayaan mo siyang tumayo sa sarili niyang paa, let him be the man that he needed to be. Hindi man ikaw ang dahilan noon at least you’re one of the recipes, kaylangan ka niya, higit sa lahat ikaw ang kaylangan niya," he added. "I understand him, ang gusto ko lang ay iyong libro. I will let him rule his empire pero gusto kong malaman kung anong totoo tungkol sa libro, iyon lang Ethan," tanging sagot ko sa kanya. This time he sigh and I knew tulad ko ay wala rin siyang masasabi at maiisip na dahilan, kung bakit itinatago sa akin ni Ouji ang tungkol doon kahit na ako naman talaga ang keeper. "Magtiwala ka sa kanya Xion, baka hindi pa ngayon, baka hindi pa siya handa pero siguro baka banda roon ay sabihin rin niya ang tungkol doon," Ethan said again. Tinapik niya rin agad ang braso ko at saka siya umalis dahil baka may makakita pa sa amin at makarinig kaya hinayaan ko na lang din siya. Inilapag ko na lang din agad ang mga bulaklak na napitas ko sa garden ng academy sa mga puntod ng mga kaibigan namin, saktong sakto naman na biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Pagkakuha ko ng cellphone ko ay agad na napakunot ang noo ko ng mabasa kong may nag-text na unregistered number. Agad ko ring binuksan ang message and it says ‘This is Dane, go to this address Xion, this is my new number. I’ll see you here, I’m with ate Selene’ Agad din namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya but I just look fo the address’s exact location on the map saka ako agad na lumakad. Ano kayang meron? Ngayon pa talaga naisip ng mga ‘yon na magbakasyon ha. (Dane's POV) Magkasama naming tinahak ang byahe ni ate Selene matapos naming ma-receive ang text ni Xion. Its just unusual dahil Xion texted us na pumunta sa isang beach resort na talagang nakakapagtaka lang dahil hindi iyon ang tipo ni Xion. Ang weird talaga niya dahil usually kapag naka-bakasyon siya ay ayaw niya kaming isama. We also tract her at nakita naming papunta na rin siya sa resort. She also used another simcard to text us na nakakapagtaka, pero siguro nagtatago na naman siya. Ganoon kasi ang ginagawa niya kapag nagtatago siya. Baka kay Kei siya nagtatago dahil talagang mahigpit ang kuya niya. "Where are you Gail?" agad na tanong ni ate Selene kay Gail ng finally ay sumagot na ito sa tawag niya. "Nandito na ako sa beach resort na sinasabi ni Xion," she casually answered. Nagkatinginan lang din naman kami ni ate Selene dahil sa sinabi niya, lahat ba kami ay invited? Baka talagang bakasyon lang ito. "Okay, see you," ate Selene answered saka niya agad na ibinaba ang tawag. Binilisan ko na lang din naman ang pagda-drive para mabilis na makarating at pagdating namin doon ay naroon na rin ang lahat. All girls kami pero wala dito si Shin, weird. Baka busy siya or kasama niya si Gray, o kaya baka nasa loob na ng villa ang iba kasama niya. “Ano kayang nakain ni Xion at bigla-bigla niyang naisip to?” I ask habang naglalakad na kami palapit sa Villa na tutuluyan namin. Maganda ang lugar ha, kitang-kita rin ang pagiging private ng resort at tila mukang mamahalin. "Baka naman trip niya talaga ng bakasyon," Erin answered at natawa na lang din kami sa sinabi niya. Sabagay ganoon naman talaga si Xion. Hindi naman na ako nagsalita pa at tumuloy na lang din kami ng paglakad papasok sa loob ng villa. Wait, nasaan ang mga tao dito? Bakit parang ang tahimik? Dumiretso lang din agad kami sa living room at tila napansin na rin ng mga kasama ko na parang ang weird ng lahat. Nasaan na ba si Xion? Pagdating namin sa living room ng villa ay muli kaming nagkatinginan. Wala kasing tao rito pero bukas ang TV dito, aakyat na rin sana ako sa second floor ng villa pero napatigil rin agad ako ng biglang mag-play ang palabas sa TV. Nagkatinginan kami saka kami napatitig doon para basahin at tingnan ang sinasabi sa video. ‘Do you wanna know who killed your parents? Its written in a book, called treat list. Its a blue book consist of the persons who was needed to kill and the person who killed them. Find it, good luck’. Iyon ang ang paulit-ulit na lumalabas sa screen ng TV at sinibulan na rin ako ng kaba dahil doon. What the hell is that? "Xion?" agad kong hiyaw. What the fvck is happening? Para sa amin ba ang messages sa TV? Si Xion ba ang gumawa nito? "Xion nandito ka ba? What the hell are you doing?" muli kong sigaw. Mabilis din akong umikot sa villa para hanapin siya at umikot na rin ang mga kasama ko, sabay-sabay naming tinatawag ang pangalan niya pero hindi talaga siya sumasagot. "Xion?" malakas kong hiyaw ng makita ko siya sa back lawn ng villa na nakahandusay. Lalo rin akong sinibulan ng kaba ng makita kong naliligo siya sa sarili niyang dugo. Bubuhatin ko na rin sana siya but a g*n shot echoed in the place and the next thing I knew is I fall beside her until all turns black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD