Chapter 33

2136 Words
(Xion’s POV) Agad akong napahilamos sa muka ko ng sarili kong mga kamay ng mapagtanto kong nawawala ang sasakyan ko pati ang susi nito. Nawala sa isip ko na si Ullysses ang nag-drive kanina at hawak niya ang susi ng kotse ko. Siguradong sinadya niya ring dalhin ang sasakyan ko para hindi ako makaalis and that is fvck. Mabilis akong nagkubli sa malaking puno na malapit sa kinaroroonan ko ng maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi naman ako napansin ng paparating na si Ouji and he just hop in his car and drive away probably to follow me dahil kitang-kita ko ang pagmamadali at pagaalala sa kanya. Hinintay ko lang din siyang umalis bago ako bumalik sa loob ng villa dahil wala naman akong choice. Hinarap ko rin agad ang mga taong naiwan sa loob. “Sinong may dalang sasakyan?” I ask them pero wala namang sumagot sa kanila. Napabuntunghininga na lang din ako saka ako napakamot sa ulo ko dahil tila wala na akong choice. “Leave,” muli kong sabi sa kanila. Agad din naman silang kumilos at umalis hanggang sa tuluyan ng tumahimik ang paligid at tila tunog ng kuliglig at hangin na lang ang naririnig ko. Tumanaw lang din ako sa kalawakan ng lugar na kinaroroonan ko and I finally let myself smile to appreciate the things Ouji did to me. He never failed to surprise me, kamuka rin ng surprise na ito ang ginawa ni Ullysses siguro talagang nauna pa ito kaysa sa ginawa namin, siguro talagang alam ni Ully ang lahat dahil palagi niya akong pinagsasabihan. Pero hindi ako nagsisisi, hindi ako nagsisisi na nakipaghiwalay ako kay Ouji dahil alam kong kaylangan niya ‘yon. He need to grow more, he needs to do better at alam kong sagabal ako doon. Alam kong isa ako sa mga bagay na inaalala niya kaya gusto ko siyang tulungan. If leaving him will help I will do it, kayang-kaya ko siyang mahalin mula sa malayo maging matagumpay lang siya. If leaving him would make him grow I’d gladly do it para lang maging matatag at mas malakas siya. At kung sa pag-alis ko ay makakahanap siya ng ibang mas makakabuti sa kanya kaysa sa akin ay ayos lang, magiging masaya na lang din ako basta masaya siya. Agad kong pinunasan ang luha kong naramdaman kong bigla na lang tumulo and I hurriedly look back ng may maramdaman akong tao sa likod ko, at hindi ko na rin napigilan ang muling magulat because its Ouji. “Hindi ako papayag na iwan mo ako Xion, nangako ka. Nangako tayo sa isat-isa hindi ba?” he said. Pinilit kong makabawi at ayusin ang sarili ko saka ako napangisi dahil sa sinabi niya. “Kung ang pangakong ‘yon ang pinanghahawakan mo kayang-kaya ko ‘yong baliin ngayon mismo,” I just answered. "I'm telling the truth Xion. Why don't you just listen to me? Hindi lang ikaw ang pagod, hindi lang ikaw ang may problema! Bakit ba hindi mo ako maintindihan?" naaasar niyang hiyaw sa akin. Agad niya ring niluwagan ang necktie niya at tinanggal niya rin ang ilang butones ng polo niya, palatandaan na talagang naiinis siya. "Who the hell told you to do such s**t like this? I never told you to do this kaya huwag kang magreklamo sa akin na pagod ka. Oo hindi lang ikaw ang pagod. Hindi lang ikaw ang may problema. Napapagod din ako Ouji, pagod na pagod din ako because of you, its because of you!" hiyaw ko sa kanya at hindi ko na rin napigilang mapaiyak. "I want it, ginawa ko ito dahil gusto ko, ganito ka kahalaga sa akin kaya ko ginawa ito, Xion. Gusto kong ipakita sa’yo na above all its still you, ikaw pa rin ang pinakauna sa lahat Xion. Intindihin mo ako, pakiusap! Iyon lang ang ipakikiusap ko sa’yo intindihin mo ako kagaya ng kung paano ko intindihin ang lahat lahat sa’yo," Ouji said pleading at agad din siyang lumuhod sa harapan ko. Napatitig lang din naman ako sa kanya at mas lalong pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. “Ouji hindi mo kaylangang maglihim sa akin. Palagi kitang maiintindihan, palagi kitang iintindihin, at ikaw ang hindi gumagawa noon. Hindi mo ako naiintindihan kaya mas pinili mong umalis ng walang paalam at maglihim. Iniintindi kita kaya nanahimik ako at nanatili sa mansion niyo, pero napagod ako. Napagod ako sakal na sakal ako kasi hindi dapat ganoon. Kasi ipinangako mo sa akin na poprotektahan mo ako at ikaw na ang bahala sa akin, lalo na sa mga elders. Pero bakit ganoon Ouji? Bakit ikaw ang sumasakal sa akin ngayon? Bakit? Hindi ko maintindihan!” hiyaw ko sa kanya. This time his tears also fall down. Habang nakaluhod siya ay tuloy-tuloy rin ang pagiyak niya katulad ko. “Akala ko ay naiintindihan mo ako pero iniwan mo ako sa ere, inilaglag mo ako Ouji. Itinaas mo lang ako pero iniwan mo ako doon, kung hindi mo pala kaya bakit pinaasa mo pa ako? Akala ko ay iba ka, because you make me feel that you are different. Pero pare-pareho lang kayo, ginagamit niyo lang ako, ang tingin niyo sa akin ay armas na dapat itago at pwede lang ilabas kapag kaylangan!” I yelled again. Hindi naman siya nagsalita and he just cry so hard. He also started punching the ground and I just look away. Matagal kaming ganoon hanggang sa tumugtog ang pamilyar na kanta sa aming dalawa na nakapagpatayo sa balahibo ko. Napatigil din ako sa pagiyak and I look around to find the speaker near the table na gumagana. Siguro naka-set ang tugtog na iyon. Muli ring tumulo ang mga luha ko ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ouji mula sa likuran ko. My heart beats so fast na tila kakapusin na ako ng hininga habang nararamdaman ko rin na umiiyak pa rin siya. “Please Xion. Huwag mo kong iwan, kaya kong tanggapin ang lahat maliban lang sa pagiwan mo sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na hindi mo na ako mahal at iiwan mo na ako, pakiusap Xion, I’ll be better. Gagawin ko ang lahat, magbabago ako. Makikinig ako, kapag nagalit ka ay makikinig ako, sabihin mo lang na nasasakal ka na sa akin at babaguhin ko ang mga mali ko. Huwag mo lang akong iwan, I wont function without you. Ikaw ang battery ko Xion, I cant live without you,” Ouji cried to me. Matagal din kaming ganoon bago ko naramdaman na hinalikan niya ang likod ng ulo ko. Mas hinigpitan niya rin ang yakap sa akin hanggang sa tuluyang matapos ang kanta. Nagulat na lang din ako ng bigla niya akong buhatin saya niya ako dinala sa nakahugis pusong mga ilaw. He then played the song again bago niya ako niyayang sumayaw. Napatitig lang din naman ako sa kanya habang nakangiti siya sa akin kahit na magulo ang buhok niya at halatang-halata na umiyak siya. “Xion, I wanted to spend a million anniversary with you, please don’t break up with me. Huwag mo akong iwan, I’ll be better, I promise,” he said again at muli na namang tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata niya. “You’ll be better kapag wala na ako, Ouji.” “No, no! Don’t say that, no, please Xion. Hindi totoo yan, ikaw ang dahilan ng lahat kaya ako nandito ngayon. Ganoon kita kamahal, kaylangan kita, alam mo yan, mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang kaylangan ko,” he said cutting my line saka niya ako agad na niyakap. Natigilan ako sa ginawa niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap niya sa akin. “I love you Xion, I love you so much at gusto kitang maging asawa, gusto kitang maging ina ng mga anak ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, please thats the only thing I could wish for, don’t leave me,” he whispered to me. Mabilis niya rin akong binitawan saka niya hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Kahit hilam ng luha ang mga mata niya ay nakatitig siya sa akin ng buong pagmamahal at pagmamakaawa kaya hindi ko na rin mapigilang muling umiyak. Hindi na rin ako nakapag-salita at napatango na lang din ako sa kanya. Agad ding dumampi ang mga labi niya sa labi ko and I kiss him back. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin and he deepened our kiss hanggang sa pareho kaming tumigil dahil pareho na kaming kinakapos ng hininga. “I love you,” he whispered again saka niya ako hinalikan sa noo and I just hug him. Muli kaming nagsayaw sa saliw ng tugtugin na pinili niya hanggang sa pareho kaming matawa dahil biglang kumulo ang tiyan namin pareho. Agad niya rin akong hinila palapit sa mesa na napapalibutan ng mga ilaw at ipinaghila niya ako ng upuan. He serves food for us and even wine at pinapanood ko lang din naman siyang gawin ang gusto niyang gawin hanggang sa maupo na rin siya sa tapat ko and we started eating. “I love you!” he said again dahilan para bigla akong matawa at the same time ay mahiya. “I love you too Ouji,” I answered saka ako agad na umiwas ng tingin. Natawa lang naman siya sa sinabi ko kaya agad akong napatingin muli sa kanya but he smile to me saka ko lang nakita ang pamumula ng muka niya. “Para akong nasa alapaap kapag sinasabi mong mahal mo rin ako Xion, mahal na mahal kita,” he said dahilan para matawa na lang din ako. Ang cheesy ng walanghiyang ito. Pakiramdam ko tuloy hindi lang talaga kahoy ang marupok, pati ako na rin. What the fvck? Natawa lang din naman siya and we just eat hanggang sa mabusog kami. Matapos kumain ay tumanaw lang din ako sa overlooking and a poke make me look at my back. Natawa na lang din ako ng makita ko si Ouji sa likod ko na may hawak na bouquet ng red roses na parang matatabunan ako sa sobrang laki. “Xion, bakit ba mahal na mahal kita? Hindi ko na alam kung nasa tamang pagiisip pa ako, pakiramdam ko nababaliw na talaga ako," Ouji said to me. Hindi ko na rin naman napigilang matawa sa kanya. "Alam mo ang corny mo talaga, ang cringe na," I said to him saka ako muling tumawa. Kinuha ko na lang din agad ang bulaklak sa kanya at natawa lang din naman siyang muli. "Naiinip na akong ikasal sa’yo Xion. Kaylan kaya matutupad ang pangarap ko, pero maghihintay ako, palagi akong maghihintay," he said again and this time I laugh so loud. "Alam ko Ouji, hindi na ako nagtataka," pangaasar ko rin sa kanya. Natawa lang din naman siya doon saka niya hinawakan ang kamay ko at saka niya ako marahang hinila, sumunod lang din naman ako sa kanya dahil doon. Hindi na ako magtataka na puro kasal pa rin ang nasa isip niya hanggang ngayon, bata pa lang kasi kami ay ganyan na ang sinasabi niya. He even throw tantrums to his parents kasi gusto niya na akong pakasalan noon pa man. Kinausap niya na nga rin ang parents ko noon, para lang doon. Ganoon siya ka-baliw kaya naman iniiwasan ko talaga siya noong mga bata pa kami. Siraulo kasi talaga siya, noon nga ang ginawa niya ay kasal-kasalan na lang, saka na daw ang totoong kasal kapag malalaki na kami. Ganoon siya kabaliw, puro talaga siya kalokohan noon. "Mahal na mahal kita, Xion," he said again. Ngumiti lang din naman ako sa kanya saka niya tinapik ang king size bed na pinuntahan namin saying na doon ako humiga. Napapalibutan rin ang bed ng lights at ng malalaking stuffed toys na tila mas malalaki pa sa akin. Inilapag ko naman ang bulaklak na dala ko sa table na malapit sa akin saka ko tinanggal ang sapatos ko saka ako umakyat sa bed. May kinuha naman siyang remote and he press the button there kaya napatingala ako dahil ang nagsisilbing bubong ng bed ay naging clear at dahil doon ay kitang-kita ko na ang napakaraming bitwin sa langit. “Ang ganda nito Ouji,” tanging bulalas ko and he just smile at me. “Only for you my love,” he said to me. Humiga lang din siya sa tabi ko and we enjoy watching the night sky, binawasan niya na rin nakabukas na lights na nasa paligid namin para mas maging dim ang paligid saka siya nagpatugtog ng malamyos na musika na bagay sa ganitong ambiance. Napatingin akong muli kay Ouji and I smile when he smiles, he then kisses me again under the moonlight and stars, surrounded by the beautiful view and with the sounds of our own melody. I love you, my man, I really really do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD