Chapter 32

2188 Words
(Xion’s POV) "Nagagalit ka ba sa kanila?" Ulysses ask matapos ang ilang minutong tahimik kami sa sasakyan ko. Tiningnan ko lang naman siya at hindi na ako sumagot. Ayokong malaman pa niya ang rason kung bakit ako nakipag-hiwalay kay Ouji. Tumahimik na lang din naman siya marahil napansin niya rin na wala akong balak sumagot at dumiretso lang din naman kami sa school para makapag-paalam ako ng maayos sa mga kasama namin. "Naks! Napaka-ganda naman talaga ng master namin," pambungad na bati ni Cloud sa akin na dahilan para mangantiyaw na rin ang iba pa. Agad din nilang binati si Ullysses na kasama ko na obviously ay kilala rin naman nila. “Pero bakit nga ba? Bakit napakaganda naman ng Empress namin ngayon?” muling banat ni Cloud sa sakin and I just look at him. "Tigilan niyo ako ngayon pa lang," banta ko sa kanila. "Whoah! Easy ka lang naman Empress, it's just unusual," Sander also said. Hindi ko na lang din naman siya pinansin at dumiretso lang ako sa unahang bahagi ng classroom. "Tayo naman ang naka-toka na iikot ngayong araw, maglinis kayo ng kalat kaya kumilos na kayo. Hindi ako sasama dahil may lakad ako, kay Dane ko na lang din muna kayo ibibilin dahil hindi ako makakapasok ng ilang araw," panimula ko at bigla lang din naman silang sumeryoso. “Pwede ba kaming umuwi na matapos naming maglinis, Master?” Silvester ask also. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "May lakad kami," Ethan answered. "Gawin niyo muna ang toka niyo, aalis na kami," I answered. Agad din naman silang kumilos at umalis na lang din kami kaagad ni Ullysses. Kung saan saan lang din kami nagpunta para malibang lang pero umalis rin siya, may importanteng trabaho raw siyang gagawin kaya kaylangan niya ng umalis and I let him. Ako na lang ang mag-isang nagliwaliw, ginawa ko ang lahat ng gusto kong gawin and I just drink pero bakit ba parang may kulang? Ano ba namang nangyayari sa akin? Bakit parang ang sakit? Bakit parang may nakabara sa dibdib ko na hindi ko matanggal? Hindi ko na rin maiwasang maiyak sa sakit ng dibdib ko habang mag-isa ako. I was left again, iniwanan akong mag-isa sa ere ni Ouji. Alam kong nahihirapan siya, ayokong mahirapan siya dahil sa akin so I ended our relationship. I ended it not because I am mad but I ended it because I knew na mahihirapan siya. Gusto kong padaliin ang lahat para sa kanya, I wanted to clear his way for him to be sucessful at handa akong tanggalin ang sarili ko sa eksena kung ako ang humaharang sa tagumpay niya. Marami na siyang nagawa para sa akin and I am willing to do everything for him kahit na ibig sabihin ay mawawala siya sa tabi ko. Isa pa ay ayoko naring maramdaman na balewala ako at walang kwenta ang existence ko, ayoko rin iyong pakiramdam na napipilitan lang silang isali ako sa eksena. Kung ayaw nila ay kaya ko namang mag-adjust, I can make myself out of the picture kung iyon ang makakapagpasaya sa kanila. Ayoko na rin namang maramdaman na parang wala akong halaga, na parang wala akong kwenta, ayoko ng maramdaman na para lang akong laruan na na pwedeng gawin ng iba ang kahit anong gusto nilang gawin sa akin. Ayoko na ng pakiramdam na parang kinukulong at hindi malaya. Akala ko nga ay tapos na ako sa ganoon, pero hindi pa pala, pumalit si Ouji at ang mga kapatid ko sa elders na lalong sumasakal sa akin. Lalo akong hindi makagalaw, bawat galaw ko at bawat buka ng bibig ko ay may nakatingin. Mabigat, palagi akong hinihila pabalik, palagi akong pinipigilan ng mga ‘yon para magawa ko ang lahat ng kaylangan at gusto kong gawin. I stop lookiung from afar ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha and I saw Ullysses’s name appear on the screen kaya hindi na ako nagalinlangan na sagutin ang tawag. "Nasaan ka?" agad na tanong ni Ullysses sa akin matapos kong sagutin ang tawag niya. "Hindi ko alam," tanging sagot ko sa kanya dahil hindi ko na rin talaga alam kung nasaan ako. Napatingin lang din ako sa paligid and I just realize na narito ako sa lugar na inupahan namin para gawin ang surprise ko para kay Ouji. "Xion?" muling tawag ni Ullysses sa akin. "Sunduin mo ko Ully, nandito ako sa Villa kung saan tayo nagpunta noong nakaraan," I just answered. Pinatay niya na rin naman agad ang tawag, kaya bumaba na lang ako mula sa rooftop at naupo ako sa gilid ng malaking fountain na nasa front lawn ng villa. Matatapos na ang araw ay wala pa rin akong naririnig na kahit ano sa kanya, ni text o call wala. Nakalimutan niya na bang talaga na kahapon ay ang petsa kung kaylan ko siya sinagot noong nakaraang taon? Sabagay wala rin naman akong pakialam sa anniversary pero gusto ko lang na makatanggap ng kahit simpleng bati mula sa kanya, ayos na ayos na rin ako sa ganoon. Ang kapal din niya sa part na hindi na nga ako nagpaligaw tapos kinalimutan niya pang anniversary namin ngayon. Akalain mo nga naman ano isang taon na pala? Isang taon na ang nakalilipas simula noong unang makaharap ko muli ang Elites eight pati sina Shin at Gray. Ang galing, isang taon na matapos ang lahat ng kaguluhan. Napagtanto na rin kaya ni Ouji na wala akong halaga sa kanya? Naisip niya na rin kaya na sakit lang naman ako ng ulo? Kaya ba hindi man lang siya nagsalita o hindi man lang niya ako hinabol? Kaya ba hindi man lang siya nagpaliwanag ay dahil na-realize niyang hindi niya naman talaga ako mahal? "Xion?" I look back at napatitig lang din ako sa tumawag sa akin, nakangiti sa akin si Ulysses pagharap ko and my heart beats so fast dahil ibang tao ang inaasahan kong makikita. Sigurado kasi akong narinig kong tinawag niya ako, o talagang nagkamali lang ako ng pandinig. Agad din naman siyang lumapit sa akin at saka siya naupo sa tabi ko, umiwas na lang din naman agad ako ng tingin para hindi niya mahalatang disappointed ako. "Kaysa naman malungkot ka ngayong araw sumama ka na lang kaya sa akin," natatawang yaya sa akin ni Ully. "Saan? Tinatamad ako," tipid kong sagot ng hindi nakatingin sa kanya but he just chuckled. “I saw it, akala mo ako ‘yong taong hinihintay mo. Kilala kita Xion, hindi ako manhid. Kaya sumama ka na lang sa akin para naman malibang ka,” he said again. Napatingin na lang ako sa kanya and he just smile at me saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko na lang din ang kamay niya and I let him gently dragged me away from the villa. Iniwan niya ang kotse niya roon and we use my car. Siya rin ang nag-drive paalis at kahit na ang ganda ng view sa dinadaanan namin ay inaantok ako, nababagot ako ng husto sa hindi ko malamang dahilan. Mayamaya ay bigla namang nagpatugtog si Ulysses kaya napalingon ako sa kanya. Diretso lang naman ang tingin niya sa unahan at tila ine-enjoy niya ang tugtog. What the hell? Umiwas na lang agad ako ng tingin saka ako tumanaw sa labas ng bintana, nananadya ba siya? Bakit naman iyong tugtog na ‘yon pa? Hindi na lang ako muling kumibo at tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang busy si Ully sa pagmamaneho at pagkanta. Mahaba-habang biyahe rin ang tinahak namin bago kami tumigil sa isang tila Villa rin. Anong lugar na kaya ito? Ang layo naman ng isang ‘to, pero mukang maganda. Pakiramdam ko malapit na kami sa mga alapaap. Lumingon akong muli sa dinaanan ng sasakyan namin kanina pagbaba ko ng kotse at na-speechless talaga ako sa ganda ng view. Wow! tanaw na tanaw mula dito ang syudad, kung tanaw ito sa villa na pinanggalingan namin ay mas tanaw ito dito. "Mas maganda sa loob! Tara?" Ulysses said again saka niya ako agad na hinila. Pumasok kami sa bakuran ng Villa matapos naming mag-park at saka ko lang napansin na totoong mas maganda sa loob ng villa ang tanawin at ambiance. The lightings is so beautiful at mare-relax ka talaga. "Bakit ba nagtiya-tiyaga kang samahan ako?" I ask him. This time ay napatingin agad siya sa akin ng nakangiti bago siya naglakad muli habang nananatiling magkahawak ang kamay namin, mayamaya ay natawa lang din naman siya. "Bihira lang kitang makasama kaya sinusulit ko na," he said at katahimikan ang sumunod sa sinabi niyang iyon. His answer makes me feel guilty. Gusto niyang makasama ako pero si Ouji ang gusto kong kasama. Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kasama si Ully. "Bakit mo nga pala ako dinala dito? Halos parehas lang naman ito ng Villa na pinanggalingan natin ah," I ask him. Agad namang natawa si Ully sa akin habang patuloy siyang naglalakad at nakasunod lang ako sa kanya. "Para malibang ka," he simply answered. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa mismong katapat ng villa pero hindi kami pumasok sa loob, naglakad lang din kami papunta sa medyo mapunong parte ng villa na may mga ilaw na nagbibigay liwanag sa daan. This is indeed beautiful, para akong nasa ibang bansa ang ganda. Espesyal na espesyal siguro ang resthouse na ‘to, siguro mahal ang binayad ng mokong na to para I-reserve ang lugar. This is so beautiful. "Look at that,” Ulysses said to me matapos naming dumaan sa gitna ng mapunong parte ng villa na may mga ilaw. Napalingon naman agad ako sa itinuro niya sa akin, and therei saw that man. Nakangiti siya habang nakatayo siya sa isang malaking naka-hugis pusong mga kandila, sa gitna ng parang arko na may mga kurtina at wind chime's habang may tumutugtog sa isang tabi at may mga pagkain sa kabila. Napapalibutan rin ng naggagandahang mga ilaw ang lugar at mula dito ay mas matatanaw ang buong bayan, ang sarap sa pakiramdam ng bugso ng hangin at kitang kita ang langit na parang napakalapit na sa amin. Mas maganda pa ito sa ginawa namin pero hindi ko na gusto ang ganito. “Enjoy!” Ullysses whispered to me saka niya binitawan ang kamay ko pero hinila ko siya pabalik. He looks at me at tinitigan ko lang din siya but he smiles at me. “You love him and I want all the best for you, Xion,” he said again. “No, don’t say that. I don’t want this anymore, maaaring mahal ko pa siya pero hindi ko na siya gustong makasama. I wanted to move on, huwag mo kong iwan dito,” I said and he just shook his head saka siya muling ngumiti. “I knew you, so please be happy,” he said again. Pilit niyang tinanggal ang kamay kong nakakapit sa kanya saka niya ako tuluyang iniwan. Naiwan ako kasama ni Ouji na alam na alam kong nananatiling nakatingin sa akin. “Look at me, just look at me Xion,” I heard him say and I just look at him with no emotions at all. "Who are you? Do you really think na makukuha mo ako sa ganito? Do you really think na ganito lang ako kadaling utuin? Iniisip mo ba talagang ang pagkalimot mo sa anniversary na ‘yon ang ikinagagalit ko? Fvck you Steinkcert! You don’t deserved me ever again anymore," hiyaw ko sa kanya and I glared at him. "Hindi ko nakalimutan Xion. I really prepare this today dahil uuwi rin naman kami ngayon, nauna ka lang bumati, hindi ko lang din inaasahan na may surprise ka sa akin. This was all planned even before that surprise of yours and Ullysses help me prepare this," agad niyang paliwanag sa akin pero wala akong maramdamang sincerity sa lahat ng sinabi niya. "I'm sure Ulysses told you already that I made a surprise," tipid kong sagot. "He did," he also answered. “Now I know why you did this,” I answered. “No! That's not true, this is really planned already,” he insists. “For what? For who? Tapos na tayo Ouji, inaasahan mo pa bang babalik ako sayo dahil lang dito? Hindi na, you knew me, ayaw ko na and I mean it,” I said. Napatulala lang din siya sa akin and I just look at him trying not to cry and show any emotions. “Ang bilis mong sumuko Xion, akala ko ba ay hindi ka sumusuko agad. Akala ko ba hindi mo na ako iiwan, bakit ganito? Bakit hindi mo ako maintindihan, akala ko ay ikaw ang unang makakaintindi sa akin pero hindi pala,” he said and I just smirk at him. “Same Ouji, pareho tayo ng iniisip. Hindi mo ako naiintindihan, ikaw na akala kong tanging makakaintindi sa akin. Mabuti pa noong hindi tayo magkasama nagagawa mong intindihin ako, pero ngayon hindi na, iba na ngayon Ouji,” I said to him. Agad ko rin siyang tinalikuran at tinahak ko ang daan pabalik sa sasakyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD